bc

FINDING A WAY TO YOUR HEART

book_age16+
2.7K
FOLLOW
20.7K
READ
dare to love and hate
student
sweet
bxg
campus
first love
friendship
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

This story contains matured contents.

___________

BLURB:

Falling in love with someone you had no intentions of falling is the most beautiful kind of love—no forcing chemistry. Just pure, raw connection feelings created on its own, and a heart finds its way to your heart.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE:     Nanginginig ang mga kamay ni Via nang lumapit siya sa bangkay ng mga magulang niya. Nagkikislapan ang mga camera sa paligid niya na para bang may shooting doon at hindi totoong wala na ang kanyang mga magulang.   Naramdaman niyang may humagod sa kanyang likod. It was her Kuya Mico, saying that she needs to be strong.   “Let’s go, Via, the press is getting harder to control. You shouldn’t be here,” he said while pulling her away to her parents’ dead body.   Ayaw pa man niyang umalis sa tabi ng mga magulang niya ay kinuha na din ito ng mga nurse na rumisponde sa aksidenteng iyon.   Today was the day that she’s expecting to be her best day. Ngayon kasi ang pangalawang beses na magco-concert ang grupo nila sa Araneta Collisium, at kaarawan din ng kanyang ama.   Tigmak ang luha sa kanyang mga mata at wala siyang pakialam kung pumangeit na siya dahil sa nagkalat na make up sa kanyang mukha. Inalalayan siya ng kanyang Kuya Mico na sumakay sa sasakyang nakahanda para sa kanila. Dederetso sila sa bahay nila at doon na hihintayin kung nakalipat na ang labi ng mga gamgulang niya sa isang punerarya.   “T-this is all my fault,” halos pabulong niyang sambit. “I should’ve made them come and wait for me at the house.” Nanlabo na naman ang kanyang paningin at ilang sandal lang ay humagulhol na siya ng iyak.   Kaagad naman siyang niyakap ng kanyang Kuya na alam niyang nahihirapan din at nagdadalamhati sa pagkawala ng mga magulang niya.   Para sa kanilang magkapatid, mahalaga na buo ang kanilang pamilya at lagi silang sama-sama. Isa sa ang pamilya ni Via sa mga pamilyang perpekto na kung tawagin, hindi sa literal na kahulugan ng salitang perpekto kundi dahil sa kontento sila sa buhay na mayroon sila.   Sa edad na kinse anyos ay naging popular na siya dahil sa talentong minana niya sa kanyang ama, minsan pa ay ito ang nagtuturo sa kanya ng mga steps para sa mga sasayawin ng grupo niya, habang ang kanyang ina at Kuya Mico niya ang pinakaunang audience na pumapalakpak sa kanya at sa kanyang ama.   Masaya sila, at ang buong akala ni Via ay mananatili na silang ganoon hanggang sa dumating iyong araw na mag-uuwi si Kuya Mico niya ng babae at ipapakilalang girlfriend nito. Ngunit iyon pala ay may hangganan din, pero bakit parang napaka-aga pa naman yatang iwan sila ng mga magulang niya?   Nang makarating sila sa bahay nila ay tumigil na sa pag-agos ang kanyang mga luha. Nagpaalam siyang aakyat muna sa kanyang kuwarto at magpapahinga, hindi naman siya pinigilan ng Kuya niya. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay doon niya ibinuhos ulit ang kanyang hinanakit at sama ng loob sa nangyari sa kaniya ngayon.   Paano na sila ni Kuya Mico niya? Ngayong wala na ang mga magulang niya ay sino na ang mamahala sa iniwang negosyo ng kanyang Daddy sa Amerika? Hindi siya bobo para hindi isipin na ang Kuya Mico na niya ang hahawak noon lalo pa at nasa legal na naman itong edad. At sigurado siyang mas gugustuhin ng kanyang Kuya na manirahan sila doon na magkasama.   “Tita, hindi ako papaya na umalis na hindi kasama si Via. Kaming dalawa na nga lang tas magkakahiwalay pa kami?” Naalimpungatan si Via dahil sa boses na iyon ng kanyang Kuya.   Nanatili siya doon sa likod ng kanyang pinto, hindi alintana ang pamamanhid ng kanyang mga tuhod dahil sa ilang minutong nakalipas na ganoon lang ang puwesto niya.   “Mico, hindi naman naming papabayaan si Via ditto. I will take care of her, malapait naman ang loob ng magpinsan at nariyan din ang mga kaibigan ni Via. I’m sure, hindi nila hahayaang malungkot ang kaibigan nila,” dinig niyang turan ng kanyang Tita Aiza, ang ina ni Chino ang pinsan niya at ka-grupo sa LMNTRIX.   “Tita, kilala ko ang kapatid ko, alam kong matatagal pa bago niya matanggap ang pagkawala nila Mommy at Daddy. Ayokong iwan siyang ganyan dahil mas lalo lang akong hindi makakapag-focus doon kapag alam kong ganyan ang kalagayan niya,” wika naman ng kanyang Kuya.   “Kung gayon, hahayaan mo na lang na kamkamin ng ganid mong Tito ang kompanyang iyon na pinaghirapan ng iyong ama? Mico, mag-isip ka nga, para mo na ring sinayang ang ilang taon na pagsasakripisyo ni Kuya Meloy sa gagawin mo,” may halo ng panenermon sa boses ng kanyang Tita habang nagsasalita ito.   Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at sa mga narinig na sinabi ng kanyang Tita ay isang desisyon ang nabuo na sa kanyang isip. Hindi niya hahayaan na mapunta sa mga walang kuwentang tao ang pinaghirapang ipundar ng kanyang ama.   Iyon na lamang ang tanging magandang alaala na meron siya sa kanyang mga magulang. Ilang sandali pa siyang nanatili sa kinauupuan niya at hinayaan lang na mag-usap ang dalawa at magtalo. Alam niyang tanging siya lang ang makukumbinsi sa Kuya niya at wala siyang balak na sumama rito pagpuntang Amerika. Mas gugustuhin pa rin niyang manatili sa bansa dahil naroon halos ang lahat ng alaala nila ng kanyang mga magulang.   Bandang alas sais ng gabi ay tinawagan na sila ng punerarya at nagsabing nailipat na daw sa maayos na kabaong ang mga magulang niya. Ilang beses muna siyang humarap sa salamin at pinag-aralang huwag magpakita ng kahit na anong kahinaan dahil tiyak na hindi niya makukumbinsi ang kanyang Kuya na magpuntang Amerika kapag nakita siya nitong mahina.     Apat na araw nilang pinaglamayan ang mga magulang niya at sa loob ng araw na iyon ay napigilan niyang huwag magpakita ng kahinaan kahit kanino. Maging ang mga kaibigan niya ay hindi siya iniwanan at lagging nakaalalay sa kanya.   Nang araw na ililibing na ang kanyang mga magulang ay kinausap na niya ang kanyang Kuya tungkol sa desisyon niya. Hindi niya napigilan ang mapaiyak dahil sa araw na iyon ang huling beses na makikita niya ang mga magulang niya ngunit kahit gayunpaman ay tinatagan niya ang kanyang sarili at hindi pa rin siya nagpakita ng kahinaan.   Pagkauwi nila sa bahay ng kanyang Kuya at ang Tita Aiza niya ay saka siya nagsalita at sinabing hindi siya sasama sa pag-alis ng Kuya niya.   “No, you will come with me, Via.” Mariing tanggi ng kanyang Kuya na inaasahan niyang magiging sagot nito.   “Kuya, okay lang ako dito, isa pa, hindi ko rin kayang umalis ngayon, kahit papaano ay nandito pa rin ang maraming alaala natin kasama nina Mommy,” pangungumbinisi niya rito.   Mataman siyang tinitigan ng kanyang Kuya, nilapitan niya ito at niyakap ng mahigoit. “Okay lang talaga ako, nandito naman si Tita Aiza, alam kong hindi niya ako papabayaan.”   Gumanti ito ng yakap sa kanya at napangiti siya dahil alam niyang pumapayag na ito.   “Promise me, you’ll be okay here. Kapag nagkaroon ngh problema ay uuwi agad ako at kukunin kita.” Hinalikan siya nito sa ulo at hinagod ang kanyang buhok.   “I promise,” pinilit niyang ipakitang okay lang siya at ngumiti kahit sa loob-loob niya ay sasabog na sa sobrang sakit ang kanyang puso.   Nang sumunod na raw ay inasikaso na rin ng kanyang Tita ang mga kailangan para sa pag-als ng kanyang Kuya habang siya naman ay kinausap ang kanilang manager at maging ang mga kaibigan niya.   “Via, okay la na ba? Kaya mo na ba ulit sumayaw at humarap sa mga fans mo?” tanong ng kanilang Kuya Daryl, ang kanilang Manager.   Nakangiti siyang tumango. “Okay na ako, pero nakapagdesisyon na din akong iiwan na ang pagsasayaw at ang entablado,” pinilit niyang huwag mautal habang nagsasalita.   “What? Via, okay lang naman na magpahinga ka saglit, maiintindihan naman ng mga fans natin ang nangyari sa’yo,” sabi ni Zellea.   “Tama si Zellea, Via, hindi mo kailangang magdesisyon agad ng ganito. Puwede kong sabihin sa mga fans mo na magpapahinga ka muna,” segunda ng kanilang Manager.   Nagbuntong-hininga siya. “Buo na po ang desiyon ko at may balak na din po kaming umalis sa lugar na ito.” Tiningnan niya si Chino na tahimik lang na nakikinig sa tabi niya.   “What?!” mas lalong lumakas ang boses ni Zellea at galit itong tumingin sa nobyo nito. “Bakit wala ka man lang sinasabi sa akin?” tila nasasaktang tanong nito kay Chino.   “Kakausapin pa lang sana kita tungkol ditto, kaso…” Nagkamot ito ng ulo at inirapan siya. Tinawan niya lang ito at humarap sa Manager nila.   “Kuya Daryl, alam kop o kung gaano mo kamahal ang grupong ito, pero ako na po ang humihingi ng sorry. Pasensya na po at kailangan ko talaga munang lumayo sa lahat ng ito.”   “I understand. What are you planning to do?” he asked.   Huminga siya ng malalim at ngumiti. “Babalik po ako sa dating gawi, mag-aaral at magiging isang ordinaryong estudyante.”   “Goodluck with that.” Nakalabing wika ni Zellea na halata ang pagtatampo sa kanya.   Niyakap niya ito. “Sorry, sis. Alam kong naiintindihan mo ako.”   Nang araw na iyon ay halos sabay-sabay na nawala sa kanya ang mga bagay na mahalaga sa kanya.   Ang kanyang Kuya ang mga kaibigan niya at ang mga fans nila na alam niyang malulungkot dahil sa hindi inaasahang pagka-disband ng kanilang grupo.   Nang umalis ang kanyang Kuya ay ipinangako niya sa sarili niyang iyon na ang huling araw na iiyak siya at ipinangako niya rin sa sarili niya na hinding-hindi niya bibigyan ng alalahanin ang kanyang Kuya para makapag-focus ito sa negosyo nila. Napag-desiyunan niyang sumama sa bahay ng kanyang Tita at pabantayan na lang ang kanilang bahay sa kanilang mayordoma. Hindi niya kakayaning tumira doon dahil hindi natatakot siyang baka hindi niya magawa ang mga ipiningako sa sarili niya.   Sa eded na kinse anyos ay tila sinubok na siya ng tadhana. Pagsubok na hindi siya naging handa at sumugat sa kanyang pagkatao. Sugat na hindi niya kayang ipakita kahit kanino at hindi rin niya puwedeng ipagsabi. Mananatili iyong nagdurugo at wala siyang balak ipagamot iyon o ipakita sa kahit na sino.   Dahil alam niya sa sarili niya na kapag ginawa niya iyon ay hindi lang ang sarili niya ang madadamay, pati ang mga taong nakapaligid sa kanya.   Magpapanggap siyang masaya at tanggap ang lahat. Hindi naman mahirap gawin iyon lalo na kapag naiisip mong para din naman ito sa ikabubuti ng lahat.   Ngunit hanggang kailan niya kaya maitatago ang lahat?   Paano kapag bigla ulit siyang subukin ng tadhana? Malalampasan niya ba ulit ang lahat at gaya ng una ay itago niya ulit ang sakit sa mga taong nakapaligid sa kanya? O haharapin niya ang sakit at ipaglalaban na ang nararamdaman niya at ipapakita sa lahat ang totoong nararamdaman niya?      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K
bc

My Son's Father

read
583.1K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook