bc

REVENGE

book_age18+
4.2K
FOLLOW
25.6K
READ
revenge
manipulative
bitch
CEO
twisted
bxg
office/work place
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

|COMPLETED| |BE OPEN-MINDED|

|R-18| |SPG|

WARNING:

Read at your own risk. This story contains scenes that are not suitable for young readers. May mga maseselang talakayan na hindi akma sa mga batang mambabasa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE. MERCILESS AND FEARLESS
"MEETING ADJOURNED! You can all go, my decision is final, dare to disobey me and you'll suffer the consequences," makapangyarihang saad ng CEO ng MSE Corporation, ang tanyag at tinitingalang kompanya sa loob at labas ng bansa. Nanatiling tahimik ang board at nakatungo ang mga ulo, may magagawa pa ba sila gayung binabantaan na sila? Sumilay ang mapanganib na ngiti sa labi ng CEO nang makitang walang may gusting tutmutol sa sinabi niya. "Good, magpapatawag ako ng meeting sa biyernes, siguro naman sa araw na iyon kaya niyo nang ibigay ang hinihingi ko." Tumayo na ang CEO at walang babalang iniwanan ang mga board members. Nang masigurong 'di na naririnig ng mga boarders ang tunog ng takong ng kanilang Big Boss ay saka lang sila nakahinga ng malalim. Sa pag-alis ng President ay saka lang naging maingay ang Conference room, kanya-kanyang pagtutol at himutok ang maririnig at halos lahat ng taong naroon ay tutol sa nais mangyari ng Presidente ng kompanya. "Napaka-imposible nang hinihingi niya! Anong karapatan niya para na bawasan ng two percent ang bawat shares natin sa kompanyang ito? Pagnanakaw na ang ginagawa niya sa atin!" galit na wika ni Mr. Santos, isa sa mga boards na mayroon lamang ten percent na shares sa kompanya. Kapag nabawasan pa ng dalawang porsyento ang shares niya tiyak na babagsak siya at maaring mapalitan kapag may ibang negosyanteng gustuhing mag-invest sa MSE. Hindi siya papayag na mangyari iyon dahil ilang taon din ang binuno niya para makaakyat sa kung anong mayro'n siya ngayon. "Mr. Santos is right, we can't let her to do that. Malaking kabawasan na iyon sa atin, kahit na ipinaliwanag niya nang maayos kung saan mapupunta ang mga shares na mababawas sa atin ay hindi pa rin tayo makakasiguradong walang katiwaliang magaganap," segunda naman ni Mr. Ong. Nagsitanguan ang ilang nandoon, maliban na lang sa isang taong tila may malalim na iniisip at minamatyagan ang bawat board members na naroon. "Mr. Fontanillas, bilang bise-presidente ng kompanyang ito kailangan mong kausapin ang Presidente sa mga hinaing naming. Alam nating lahat na malapit ka sa Chairman kaya tiyak na pakikinggan ka ni President Morales," wika ni Mr. Santos. Umarko ang kilay ni Mr. Fontanillas at nagkibit ng balikat na sumandal sa kanyang upuan. "Why would I do that? I don't have any problem with what the President wants us to do." Nagdilim ang mukha ni Mr. Santos at matalim ang matang tiningnan ang binata. "What do you mean? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo, Logan? Gusto niyang kunin ang ilang porsyento ng shares natin sa kompanyang ito," nagtitimpi ng galit na wika ni Mr. Santos. "Tsk! Tsk! Tsk!" Umiiling na wika ni Logan bago nagsalita ulit. "Nakikinig ka ba sa sinasabi ni President Morales? Ang sabi niya kukunin niya ang dalawang porsiyentong shares ng lahat ng boards para magtayo ng isa pang kompanya sa Amerika. Gusto niyang palawakin ang sakop ng MSE at humingi siya ng tulong sa atin, instead of finding any investors na tiyak na interesadong mamuhunan sa kanya ay tayo ang nilapitan niya. May masama ba roon? Think of it, if this plan of hers work, your two percent share will be doubled and what does it mean?" Hindi nakapagsalita si Mr. Santos sa sinabi ni Logan, may point ang binata pero hindi pa rin iyon okay sa kanya. Hindi puwedeng mabawasan ng dalawang porsyento ang shares niya! "We are not sure that her plan will be going to be a success! There are risks and I know that you know this too," giit pa rin ni Mr. Santos. "Like what?" tanong ng isa pang board member. "Like..." nag-apuhap siya ng isasagot pero ilang sandali pa ang lumipas ay hindi siya nakapag-salita ulit. Wala siyang maisip na maisagot dahil ang mga naiisip niyang isagot ay napakababaw lang at madaling masolusyunan. "I think, nakukuha ko na ang gusting ipahiwatig ni Mr. Santos," wika ni Logan. Nagliwanag naman ang mukha ni Mr. Santos at lihim na nagpasalamat sa binata. Sa lahat ng nandito ay kailangan niyang makumbinse ito dahil malapit ito sa Chairman at pangalawa kay President Morales na sinusunod ng boards. "Natatakot siyang mabawasan ang shares niya dahil kapag nangyari iyon ay may posibilidad na mapaalis siya sa puwesto niya," nakangising wika ni Logan. Nawalan ng kulay ang mukha ni Mr. Santos. Hindi niya akalaing malalaman ni Logan ang pinupunto niya, ngunit imbes na umamin ay galit siyang tumayo at tinapunan ng matalim na tingin ang binata. "All I want to happen is not taking any risks, buong kompanya ang nakasalalay sa gagawin niya at wala pang kasiguruhan kung talagang magtatagumpay nga ang plano ng Presidente." Matigas ang anyong wika ni Mr. Santos pagkatapos ay tuluyan nang umalis sa kuwartong iyon. Isa-isa na ring nagsialisan ang mga board members at kitang-kitang sa mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa pinaplano ng kanilang Presidente. Napabuntong-hininga si Logan at nahulog sa malalim na pag-iisip. Tama nga naman si Mr. Santos sa sinabi nitong hindi sila puwedeng sumugal ng gano'n-gano'n lang, pera nila ang pinag-uusapan dito at wala silang magagawa kun'di ang sumang-ayon sa gusto ng Presidente. Binigyan siya ng karapatan ng Chairman na pamahalaan ang buong kompanya sa kahit na anong paraang gustuhin ng babae. Kahit gustuhin man niyang pigilan ang babae sa mga pinapalano nito ay hindi niya rin puwedeng gawin dahil simula nang ito ang humawak sa kompanya ay mas lalong lumago ang kanilang kompanya. Lumawak ang kanilang negosyo at halos lahat ng real state at ibang kompanya ay hawak na nila at lahat ng iyon ay dahil sa pamamalakad ni Lenneth Morales, ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung saan nagmula at kung ano ang koneksyon sa kanilang Chairman. Three years ago, biglang ini-announce ng Chairman na may bago na sila ng Presidente at ang inaasahan ng lahat ay mapupunta sa kanya ang posisiyong iyon na matagal nang inabandona ni Andrew. Ngunit lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala nang ipakilala sa kanila si Lenneth Morales, that day, he was very sure that the Chairman will hand the position to him but he was wrong. He feels like he was humiliated in front of many people that gather around and listening to the Chairman. Binalak niyang umalis noong gabing nangyari iyon ngunit nang makita niya ng harapan si Lenneth Morales ay parang himalang nawala ang lahat ng kahihiyang tinamo niya noong gabing iyon. She looks so stunning, seductive, and sophisticated. The way she looks at the people and smiles at them, it was mesmerizing! Na parang sa bawat tingin at ngiti nito ay tila nag-uutos itong sundin ang lahat ng mga gusto nitong ipagawa sa bawat taong matititigan nito. Dahil sa biglang pagsulpot nito sa kompanya at pagiging Presidente ng MSE, sa isang kurap lang ng mga mata nila ay maraming nagsabing, karelasyon ito ng kanilang Chairman. Ngunit para din silang sinampal ng malakas sa magkabilang pisngi nila nang mismong si Lenneth ang nagpamukha sa kanilang mali ang sapantha nilang kkarelasyon nga ito ng Chairman. Pabalik na siya sa kanyang opisina nang mapahinto siya sa paglalakad at napansin ang nakaawang na pinto ng opisina ni Lenneth. Magtutuloy-tuloy n asana siya papuntang elevator nang matigilan dahil sa narinig na malambing na boses. "Hi, honey, how are you today? Hmm, I miss you to, my angel. I'm gonna need thirty minutes to drive home, mommy will be there in just a snap of your fingers, okay?" puno ng lambing na wika ni Lenneth sa kabilang linya. Para siyang natuklaw ng ahas sa kanyang kinatatayuan. Sa lob ng ilang taon niyang nakasama ang dalaga sa kompanyang iyon ay hindi niya pa narining ang boses nito sa gano'n kalambing na tono. Tinitigan niya ang dalaga na nakatayo at nakaharap sa malaking salaaming bintana. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakikinig sa usapan ng mga ito hanggang sa hindi na naiya namalayang naitulak niya ng malakas ang pintuan at lumikha iyon ng tunog. 's**t!' Mabilis na lumingon sa gawin niya si Lenneth at huli na para umiwas siya. Naramdaman agad ni Logan ang matalim na tingin na ipinukol sa kanya ni Lenneth. "I will call you, once I'm on my way, bye." Ibinaba ni Lenneth ang kanyang telepono at inilapag iyon sa kanyang desk. "Mr. Logan Fontanillas," pormal na wika ni Lenneth sa pangalan niya. Lihim siyang napalinok at ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay para siyang kakatayin sa klase ng tingin na ibinibigay ni Lenneth sa kanya. "Invading my privacy is an act of disrespect and trespassing. Alam mo bang puwede kitang pababain sa puwesto mo, ngayon din?" makamandag na wika ng dalaga sa kanya. Umawang ang bibig ni Logan para magsalita ngunit walang salitang lumabas doon kaya itinikom niya muli. "Guilty? Well, if it's a yes. Pack your things and hand me your resignation letter, get the hell out of my office," pormal na wika ni Lenneth. Kahit na alam ni Logan na walang puso ang kaharap niya ay hindi niya pa ring maiwasang magulat sa mga sinabi nito ngayon lang. "Wait! You can't just fire me like that! It was just an accident, 'di ko naman sinasadyang marinig ang pakikipag-usap mo!" manghang sabi niya sa dalaga. Wala sa sariling napaatras siya ng isang hakbang, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit bigla siyang kinabahan sa paglalapit nila ng dalaga, lalo na noong inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong. "Oh, yes I can. Want to dare me?" Lenneth seductively said on his ears. Napalunok si Logan ng ilang beses, pakirmdam niya ay nahulog siya sa napakalalim na bangin at may isang makamandag na ahas na handang tuklawin siya at kainin ng buhay. Sa buong buhay niya ngayon niya lang naranasan ang ganitong uri ng kaba. "Of course... not," nauutal niyang sagot. "I'm sorry, P-President Morales, I thought that someone is inside and I—I didn't know it was you. I swear it will never gonna happen again, please spare me this once." Naramdaman ni Logan ang pagtulo ng butyl ng pawis niya sa gilid ng kanyang noo. 'Damn it! I was too reckless!' "Oh, how wonderful. The Vice President, begging not to kick his ass out of my company." Kinilabutan si Logan nang makita ang makamandag at mala-demonyong ngiti ng dalaga. He never saw anyone too vicious and dangerous woman like her and yet, she's still seductively beautiful. "Oh well, baka sabihin mo naming hindi ako mabait, I will forgive you but on one condition." "Anything," ani Logan. "I'm aware that many stockholders aren't happy with my decision of taking some of their shares. I want you to convince them all and instead of two percent let's put an additional one percent, and once they signed the papers, remove directly the bottom two." "What?!" malakas na bigkas ni Logan. "Alam mong hindi sila papayag sa gusto mong mangyari." "Correction, Mr. Fontanillas, gusto mong mangyari," diniinan ni Lenneth ang huling sinabi nito. "This is ridiculous! You're ridiculous!" madilim ang mukhang wika niya sa dalaga. Pagak na tumawa si Lenneth at umupo sa mesa niya. "No, I'm not. Look, I just want to help you, but if you don't want to do it. It's okay, I just gonna need your resignation letter. I'm sure, marami ang nag-aabang sa posisyong mayro'n ka ngayon," nakangising wika ni Lenneth. Hindi na napigilan ni Logan na ikuyom ang dalawa niyang kamao. Imposible ang hinihiling nito dahil tiyak na hindi papayag ang mga stockhlders sa gusto nitong mangyari. Malaking kawalan na ang tatlong porsyento at ang mas matindi pa ay on the spot din niyang tatanggalin ang dalawang may pinakamababang shares. Pero kung hindi naman niya gagawin iyon ay ang posisyon niya bilang bise-presidente ang malalagay sa alanganin. Damn it! He's been cornered! "Mr. Fontanillas, I hate wasting my time, so what's your decision?" Tiim ang bagang na tiningan niya ang nakangiting dalaga. "If I do what you've said, anong maipapangako mo sa mga shareholders? Alam mong hindi sila makukumbinsi kung wala akong sasabihing maganda sa kanila," mahinahon niyang bigkas. "They will gain more money in the future and keeping their good position, do you think that's not enough?" "And what if, they still refuse?" tanong niya. "If they still refuse, I'm sorry to say, I'm gonna make you lose your position," malambing na wika ni Lenneth. Huminga ng malalim si Logan, kailangan niyang magtimpi at pigilan ang galit niya. Sa pagkakataong ito, wala siyang laban at hindi niya kayang suwayin ang binata. Tama ito, makakaya nitong gawin ang lahat ng gusto nito sa isang pitik lang ng daliri nito. "Okay," pagsuko niya. "I will do what you want me to do." "Great! Now get lost and never bother me anymore. Tomorrow morning, my secretary will send you a new contract. I will not be going to attend the meeting even if I love to watch all of you fighting each other. You can leave," maaliwalas na wika ng dalaga. "Do you really have to be like this? Acting like you're so merciless and heartless?" Tumalim ang anyo ni Lenneth at nawalan ng emosyon ang mukha nitong kanina lang ay puno ng ngiting makamandag. "One more f*****g word from you and I swear when you get out through that damn door,  you lose everything that you have right now," puno ng kapangyarihang wika ni Lenneth sa kanya. Hindi niyamatagalan ang matalim nitong tingin kaya nagpasya na siyang umalis. Hindi na siya nagpaalam pa dahil sa banta nito. Nang makasakay nang elevator ay saka lang niya pinakawalan ang matinding galit na kanina niya pa pinipigilan. Malakas niyang hinampas ang dingding ng elevator at madilim ang mukhang malakas na nagmura. 'Lenneth Morales may araw ka rin sa akin!'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.3K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.8K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.5K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.4K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook