bc

Kiss me, Liar!

book_age16+
428
FOLLOW
1.3K
READ
love after marriage
forced
friends to lovers
arranged marriage
playboy
self-improved
student
bxg
highschool
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Isang tahimik na buhay lang ang hinahangad ni Chezkaluna Perez ngunit nabago ang lahat ng iyon nang dumating sa buhay niya si Andrei Benedict Mendez.

Ano ang magiging role ni Andrei sa buhay niya? May tiyansa ba na mabago ni Luna ang isang Mendez na inosente raw...?

Ang unang halik na noon ay dare lang ay siya bang magiging dahilan upang sila ay magkatuluyan o ito ang magiging dahilan para magsimula ang away sa pagitan nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Ang baba na naman ng grades mo," seryosong saad ni Daddy. "Really, Dad? Mataas naman po mga scores ko sa test," inosenteng mukha na wika ko. Napailing-iling na lang silang dalawa. "Sabi sa akin ng teacher mo ay hindi ka raw gumagawa ng assignments at projects niyo, anak?" tanong sa akin ni Mom. "May problema po ba roon? Lagi naman po akong sumasagot sa tanong ng mga teachers," sagot ko sa kanila. Marahang hinimas ni Mommy ang buhok ko. "Yes, anak. Malaki rin ang points na makukuha mo sa paggawa ng mga projects," paliwanag ni Mom. Niyakap naman kaming dalawa ni Daddy. "Ayusin mo na ang pag-aaral mo, Chezkaluna," seryosong saad ni Daddy, "Nasa baitang siyam ka na. Kailangan mo magkaroon ng magandang records sa grades mo kung gusto mo na makapasok sa malalaking campus kapag nag-aral ka na ng college." Hinalikan ko naman ang pisngi nila Mom at Dad. "Huwag na po kayo mag-alala sa akin, Mom, Dad," wika ko, "susubukan ko po na mapabuti ang grado ko sa susunod." Dad ruffled my hair. "Siguraduhin mo lang, ha? Huwag ka magpabaya sa pag-aaral mo 'tsaka wala munang boyfriend, okay?" Natawa naman ako sa huling wika niya. “Daddy! Ako...? Magbo-boyfriend? Gugustuhin ko na lang lumaki ng single na iniidolo si Taemin kaysa naman mag-asawa!" biro ko sa kanila. "Taemin? Sino 'yon?" tanong ni Mommy habang nakakunot ang noo. I sighed because of what she asked and after that, I leaned my back on the sofa. "Ilang beses ko po bang uulit-ulitin ang pangalan niya sa inyo? Siya po 'yong idol ko," ngiting paliwanag ko sa kanila. "Siya ba 'yong nakita ko na sumasayaw sa screen ng cellphone mo kahapon?" tanong ni Daddy. "Yes, Dad. May bago kasi siyang na-release na song at sobrang ganda nito!" sigaw ko. "Talaga? Pwede bang pakinggan namin?" tanong ni Mommy. Tumango naman ako at binuksan ang cellphone. Sinimulan ko na rin patugtugin ang kantang ni-release niya kahapon. Mabuti na lang at na-save ko iyon sa cellphone. Nang matapos ang kanta ay tinignan ko silang dalawa. Natawa ako dahil sa magkaiba nilang ekspresiyon. Si Mom na parang nasa langit dahil todo ang ngiti samantalang si Daddy na nangunot ang noo at animo'y may problema. "Kumusta po?" tanong ko sa kanila, "Maganda, 'di ba?" "Oo, anak." "Hindi." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy at napangiti nang may maisip. Umalis ako sa gitna nila at naupo sa kaharap na sofa. "Sige nga, Dad. Anong dahilan kung bakit hindi mo ito nagustuhan?" tanong ko at tumikhim. "Mayroon tayong iba't ibang tipo pagdating sa mga bagay," seryosong wika niya, "alam mo naman na ang tipo ko sa musika ay iyong mga pang-rock and roll talaga." Nag-cross arm ako at saka tinitigan ng mabuti si Daddy. "Ano naman ang pinagkaiba noon, Daddy?" tanong ko sa kaniya. "Iyong musika niya kasi ay para siyang in love. Sa bawat salita na binibitawan niya ay halata naman na," wika nito. Nangunot ang noo ko. "Naintindihan mo ang lyrics kahit na Korean lyrics ito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumawa nang pagkalakas-lakas si Daddy. "Hindi... hindi ko naintindihan pero naintindihan ko kung paano niya i-deliver 'yong kanta na 'yon. Halata naman na inaalay niya iyon para sa iisang tao," paliwanag nito. Hindi pa rin mawala ang ngunot sa noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Ikaw naman po, Mommy? Bakit mo naman nagustuhan?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin. "Gaya nga ng sabi ng Daddy mo, hindi ko maiwasan na mapa-vibe sa kanta niya dahil halatang sinulat niya iyon para sa isang tao lang." Napanguso naman ako sa paliwanag nilang dalawa. "Paano niyo naman po 'yan nasabi?" tanong ko sa kanilang dalawa. Napangisi naman si Daddy sa tanong ko at proud na tinaas ang noo habang natatawa naman si Mommy. "May banda kasi noon ang Daddy mo. Siya rin ang gumagawa ng kanta sa banda nila noon," wika ni Mommy. Napatango-tango naman ako. "Naiintindihan ko na," wika ko, "nang magkita kayo, nagsimula ng gumawa si Daddy ng mga kanta na pang-love song na para lang sa iyo... ganoon po ba?" "Nakuha mo!" sigaw ni Dad kaya hindi namin mapigilan na matawa. "Ano 'yon? Love at first sight?" natatawang biro ko. "Oo naman," wika ni Mom. "Eh...? Hindi naman po totoo 'yon!" sigaw ko sa kanila. Dad patted my head. "Hindi ka sigurado riyan, anak. Hindi mo pa nga yata nakikita ang taong para sa iyo, eh." Proud ko namang tinaas ang noo ko. "Mayroon na pong para sa akin, Daddy." Nangunot ang noo nila. "Sino naman iyon?" tanong ni Dad. "Lee Taemin!" ngiting sigaw ko. Napailing-iling na lang sila. "Ilan taon na ba 'yang iniidolo mo?" tanong ni Mommy. "22 po," wika ko, "Age doesn't ma—" Napataas ang kilay ni Dad. "Age does matter, baby. You're still a minor." Napatango-tango naman ako. Gusto ko lang sana magbiro tungkol doon. Well, aware naman ako tungkol sa sinasabi nila... "So, kapag nasa legal age na ako, ibig sabihin ay may tiyansa na mapaibig ko siya?" ngiting tanong ko sa kanila. Daddy patted my head again. "Matagal-tagal pa 'yon, anak. Mukha rin na nakita na ng iniidolo mo ang taong para sa kaniya." "Talaga po?" tanong ko, "wala namang announcement tungkol sa rumor girlfriend niya, eh?" "Siyempre, private life na nila iyon at choice nila kung sasabihin iyon. Ganoon kahirap ang maging iniidolo ng lahat," paliwanag ni Mommy. "Ganoon po ba ang naging sitwasyon niyong dalawa noon?" tanong ko sa kanila. Dahan-dahan naman na napatango silang dalawa. "Oo," sagot ni Daddy, "sa una mahirap pero natanggap din naman ng mga fans namin." "Wow! Sikat ka pala talaga noon, Daddy," proud na sigaw ko. Ngayon, hindi na ako magtataka... sa tuwing nagkakaroon kasi ng card viewing ay laging nagpapa-picture sa akin ang mga magulang kahit na hindi naman ako artista. "Ako pa!" biro niya. "O' siya, tara na. Kumain na tayo," pagyaya ni Mommy. "Anong ulam, Mommy?" tanong ko sa kaniya. "Kaldereta." Pagkaupo namin sa upuan ay halos manigas ako nang buksan na naman ni Daddy ang topic tungkol sa grado ko. "Siguraduhin mo na gagawin mo na nang maayos ang mga assignments mo at projects mo," seryosong saad nito. Dahan-dahan naman akong tumango. Akala ko ay natakasan ko na itong topik na ito...!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
238.7K
bc

Rewrite The Stars

read
95.2K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook