bc

Ereneya: Pag-ibig Hanggang Wakas (COMPLETED)

book_age12+
613
FOLLOW
1.6K
READ
love-triangle
dare to love and hate
small town
naive
like
intro-logo
Blurb

Mula nang una silang magkita ay hindi na gusto nina Res at Ereneya ang isa't isa. Lagi silang nagbabangayan at hindi nagkakasundo. Ngunit malaking pagbabago ang nangyari kay Ereneya. The brave and feisty Ereneya was gone. She's now innocent, naive and all her memories of him was lost. Res loved the new Ereneya. Ngunit gusto rin ito ng matalik na kaibigan niya. Will he still fight in a battle knowing he was fighting alone?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PAGDATING sa Orsiana—isang mundo ng mga engkantado at engkantada ay sumalubong kay Res ang tahimik na kapaligiran. Sa kabila ng napakaganda at tila kumikislap na lugar ay nararamdaman niya mula sa mga elementong naroon ang labis na hinagpis at kalungkutan. Kasama si Almani na isa ring Orsia ay lumapit siya sa dalawang nakahiga at walang buhay na kentawra. Marami ang nakapaligid ditong iba't ibang klase ng nilalang. Sinalubong si Res at Almani ng isang nakakatandang duwende na tinatawag ng mga ito na Arayu. "Ngayong nandito na kayo, simulan na natin ang pagbabalik ng buhay ni Ereneya." Pinuno ng magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ni Res. Ito ang unang pagkakataong makakasaksi siya ng isang ritwal ng mga engkantado. Hindi niya alam kung paaano ng mga ito gagawin ang maibalik ang buhay nina Ereneya at Alvadon. "Hindi ba magiging mapanganib iyon?" nag-aalalang tanong niya. "Mapanganib," sagot ni Almani, "mapanganib para sa mga Orsiang magsasakripisyo ng enerhiya nila maibalik lamang ang buhay ng mga tagapagtanggol. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ginagawa namin ito, Res," makahulugang dagdag ni Almani. He gulped. Tahimik na nagsilapit ang karamihan sa mga nakapalibot sa katawan ni Ereneya at pabilog nilang pinalibutan iyon. Sila ang gagawa ng sakripisyo. Tahimik na lamang siyang pinapanood ang mga nangyari. "Simulan na..." anang matandang duwende. Hawak-kamay na nagtaas ng mga kamay ang mga nakapalibot kay Ereneya at may kinakanta ang mga elemento na hindi niya maintindihan ang liriko. Ilang sandali pa ay may nakikita na silang mga maliliit na butil ng liwanag na lumalabas sa katawan ng mga Orsiang gumagawa ng sakripisyo. Naiipon ang mga butil ng liwanag na iyon sa tapat ng dibdib ni Ereneya. Nang lumaki na ang liwanag na sa tingin niya ay ang enerhiya na galing sa mga Orsia ay dahan-dahan iyong lumapat sa dibdib ni Ereneya. Lalong naging malakas at matapang ang pagkanta ng mga diwata kasabay ng sunod-sunod na paglaho ng mga nagsakripisyong Orsia! Biglang tumigil ang mga diwata sa pagkanta at nakatitig sa katawan ni Ereneya na binabalot ng liwanag sa pagtataka niya. "Parang may mali sa nangyayari sa anyo ni Ereneya, Arayu," narinig niyang sambit ni Almani sa katabing duwende. Mas malaki ito kaysa sa ordinaryong duwende. Para itong anim na taong gulang na bata. "Marahil ay nagkakabisa na ang sakripisyo kasabay ng bisa ng kaparusahan ng buwan sa muling pagkabuhay kay Ereneya," anang duwende. Hindi niya inaalis ang tingin kay Ereneya dahil gusto niyang malaman kung ano ang nag-iiba sa anyo nito. Ngunit sa pagkabigla niya ay nawala ang katawang kentawraa ni Ereneya! Nang mawala ang mahiwagang liwanag na nakabalot sa katawan ni Ereneya ay nabigla ang lahat sa nasaksihan na anyo nito. Lahat ay nabaling ang tingin sa kanya na parang hindi makapaniwalang magkapareho sila ng anyo ni Ereneya! Ereneya still lying there like a fetus and she's n***d like a newborn baby! Nagtatanong ang mga matang napatitig siya kay Almani. "Ano'ng nangyayari kay Ereneya, Arayu?" hindi makapaniwalang tanong ni Almani. "Katulad ng nakikita mo ay nag-anyong tao si Ereneya. Katulad siya ng isang sanggol na walang muwang sa mundo. Ang lahat ng mga natutunan niya sa loob ng ilang dekada na nabuhay siya ay nawala kasabay ng pagkawala ng kapangyarihan niya. Isa siyang bagong Ereneya." Bagong Ereneya? Hindi malaman ni Res kung ano ang kaniyang unang mararamdaman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

Billionaire's Twins

read
263.4K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook