bc

My Beautiful Angel - TAGALOG (COMPLETED)

book_age12+
9.6K
FOLLOW
94.3K
READ
second chance
badgirl
aloof
drama
tragedy
sweet
bxg
bully
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Bawat tao may madilim na bahagi ng kahapon. Bawat isa ay nais makalimutan ito, o kahit makatakas man lang dito.

Therese Valencia. 21. Rebelde sa magulang, mukhang ewan manamit, palagiang may nakakatakot na kolorete sa mukha at may hikaw pa sa ilong at dila.

Ganito ang paraan ni Therese para itago ang anino ng nakaraan. Sa pamamagitan ng pagtatago niya sa makapal na makeup, ay hindi niya nakikita ang mukha na may masalimuot na pinagdaanan.

Ngunit ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo nila ni Clint Del Valle? Isang business tycoon. Seryoso sa lahat ng bagay. Mayaman. Guwapo at pangarap ng lahat ng kababaihan. Na sa unang beses palang na pagtatagpo nila ay inis na sa kanya.

Hindi lang sa paraan kung paano sila nagtagpo. Kung hindi dahil sa edad ni Therese na 21 ay nasa ikalawang taon pa lamang nito sa sekondarya. At ito pala ang estudyanteng matagal ng sakit sa ulo ng nakababata niyang kapatid.

May pag-asa bang magbago ang isang kagaya ni Therese? May pag-asa bang mahulog ang loob nila sa isa't-isa, kung si Clint pala ay may malaking bahagi sa kaniyang nakaraan na hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan?

chap-preview
Free preview
Chaper 1
         TEXT CONVERSATION INA MAGENTA: Therese Mirabelle! Ano na naman ginawa mo? DAUGHTER THERESE: Bakit ba, Ma? INA MAGENTA: Nag-text ang adviser mo, nasa guidance ka na naman daw kanina? DAUGHTER THERESE: Oho. INA MAGENTA: Anak naman! Magtino ka naman na! Diyos ko kang bata ka ang tanda mo na high school ka pa rin! DAUGHTER THERESE: Ma, eto na naman tayo e. Nag-over the bakod lang ako kanina. Wala akong ginawang masama. INA MAGENTA: Ano?? Aba Therese Mirabelle!! Babae ka anak! At hindi gawain ng babae ang mag-over the bakod sa loob ng campus. DAUGHTER THERESE: Ayan na naman yang tawag mo sa'kin e! Sabi na hong 'wag ninyo akong tinatawag sa ganyang pangalan Ma!! INA MAGENTA: Mabalitaan ko pa na na-guidance ka, papahintuin na talaga kitang bata ka! DAUGHTER THERESE: Ma, matagal na ko humihinto! Kayo lang ang apura papasok sakin sa school! INA MAGENTA: Aba't!! Anak ka talaga ng tatay mo ah! Sumasagot ka pa talagang bata ka! DAUGHTER THERESE: Sige na, Ma. May klase pa 'ko. INA MAGENTA: Siguraduhin mong nasa klase ka ngayon! Baka mamaya niyan nag-cutting classes ka na naman! DAUGHTER THERESE: Nasa school ho talaga ko Ma. I-text ninyo pa po si sir. INA MAGENTA: Mabuti naman anak. Ano gusto mong miryenda pagdating mo? DAUGHTER THERESE: Kahit ano ho. Bahala na ho kayo. Ganito umiikot ang buhay ni Therese. Pasok, gimik, over the bakod. Trouble. Himalang maituturing kung lilipas ang isang linggo at hindi siya madadala sa guidance. Sa katunayan, kilalang-kilala na siya ng guidance councilor sa eskwelahan nila. Pinipili lang din niya ang subject na kanyang papasukan. Lagi siyang nakalista sa listahan ng mga nag-cu-cutting classes. "There! There!!" tawag ni Benjo na kaklase niya. "Ano?" "Sama ka mamaya after ng Filipino subject?" "Saan?" "Saan pa ba? E di sa tambayan. Mag-o-over ulit kami." "Pucha ka pala e! Kita mong kakalabas ko lang sa guidance e!" "Bahala ka! Kami nalang ng tropa." "Sa susunod nalang ako pare!"sagot ni Therese. "Ano na naman ang pinag-uusapan niyo Miss Valencia at Mr. Rodrigo? Iniisip niyo na naman ba kung paano kayo makakapag-cutting?" tanong ng adviser nila na si Mr. Del Valle. "H-hindi ho, sir. May tinatanong lang ho si Benjo." "Hindi oras ng tanungan ngayon. Mamaya na kayo mag-usap dalawa."matapang na sabi ng teacher nila. "We're sorry, sir." "And one more thing Miss Valencia. How many times do I have to tell you na tanggalin mo yang hikaw mo sa ilong? Ganoon din yang make-up mo! Ipapaalala ko lang sa'yo na nag-aaral ka! Wala ka sa halloween party." Hindi nakasagot si Therese. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na ito sinabi ng kanyang guro. Pero hindi niya ito pinapakinggan bagkus ay lalo pa niyang kinapalan ang kolorete sa mukha at nilakihan ang hikaw sa ilong. "Naiintindihan mo ba, Miss Valencia?" "Opo, sir." "Nakailang 'opo' ka na sakin, hanggang ngayon hindi mo pa rin ginagawa." "Sir, mamamatay kasi si There kapag tinanggal  niya ang mga 'yan."panunukso ni Benjo na ikinatawa ng buong klase. "Isa pa Benjo! Sabog ang pagmumukha mo sakin." "Ito namang pare ko! Hindi na mabiro!"ani Benjo sabay akbay sa kanya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pinupuna ang ayos niya. Lahat ng kaibigan niya ay alam iyon. At lahat ng nangingialam ay pinapasabog niya ang mukha. Pagkatapos ng klase ay pinaiwanan siya ni Mr. Del Valle sa classroom at kakausapin daw siya nito ng sarilinan. "Therese, ano bang problema mo? Alam mo bang matalino kang bata? Pero bakit ka ganyan? Bakit ayaw mong ayusin ang sarili mo? Ang pag-aaral mo?"tanong ng guro. "Sir, wala ho kayong alam sa buhay ko." "Hindi naman sa nangingialam ako. Ang akin lang, sayang ang buhay mo kung ganyan ka lang. Kawawa naman ang mga magulang mo sa pagpapaaral sa'yo." "Alam ninyo ho sir, kung ako lang ho ang masusunod e matagal ko na gustong huminto ng pag-aaral. Ang Mama ko lang ho ang makulit at mapilit." walang interes na sabi niya habang nananalamin at tinitingnan kung hulas na ang makeup niya. "So, kasalanan pa pala ng Mama mo?" "Hindi ko naman ho sinabing gano'n. Pero kung wala na ho kayong ibang sasabihin e mauuna na po ako. May pupuntahan pa po ako." Walang nagawa ang teacher niya ng damputin na niya ang bag at nagmamadaling lumabas ng classroom. Mabilis ang lakad na tinungo niya ang tambayan ng tropa. Nadatnan niyang nandoon na ang lahat. "There! Dito ka na maupo."sabi ni Yves na tropa rin niya at hindi lingid sa lahat na may gusto ito sa kanya. "Sige." "Uyyy!!!"sigaw ng lahat. "Magsitigil kayo! Bigwasan ko kayong lahat e!" Nagsitahimik naman ang lahat. Kapag nagsalita na siya ay takot na ang mga ito. "There, may reresbakan nga pala kami mamaya. Naalala mo yung nakarambol ng tropa nung isang linggo?" "Alin? Yung grupo nina Francis? Salapungan High?" "Oo, ano? Go ka?" "Ako pa talaga tinanong niyo! Oo naman! Hindi pa rin ako tapos sa kanila." "Ano ba kasi pinag-awayan niyo nung mga 'yun There?" "Wala naman masyado Yves. Binangga lang naman nung Francis na 'yon yung motor ko. Kahit wala naman gasgas nakakainit pa rin ng ulo." "Wala naman pala e, tigil ninyo na 'yan." "Sa tingin mo ba Yves e magpapatalo yang si There? Hindi mo mapipigil 'yan."sabad ni Benjo. "Talagang hindi! Papakitaan ko lang yang Francis na 'yan!" Dala ang kani-kanilang motor ay nagtungo ang grupo sa kabilang bayan sa pangunguna ni Therese. At gaya ng inaasahan ay napatrobol na naman ang dalaga. Hindi mo iisipin na babae ito sa galing at tapang makipaglaban. Lagi pa itong may dalang matigas na bakal na isinusuot sa kamay para kung bumira ay agad sibak ang mukha ng kalaban. Walang nanginngimi sa kanya. Dahil hindi siya itinuturing na babae ng mga nakakaaway niya. Kung tutuusin ay walang binatbat pagdating sa pakikipaglaban ang mga tropa niyang lalaki kung ikukumpara sa kanya. "Good job guys!"tuwang tuwa niyang sabi habang paalis na sa lugar nina Francis. Sa katuwaan ay nagawa pa niyang pataasin ang unahang gulong ng kanyang motor habang umaandar. "Hooooo!! Hoooo!!"sigaw ng lahat at namayani ang ingay nila sa kalsada. Ang iba ay nagkarerahan pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Contract - Tagalog

read
753.5K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook