bc

Wrong Thoughts (Tagalog )

book_age18+
2.3K
FOLLOW
16.7K
READ
love-triangle
sensitive
brave
comedy
stubborn
like
intro-logo
Blurb

The more you hate, The more you love.

Hindi akalain ni Gina na ang kanyang katangahan,kadaldalan, kasungitan ang maghahatid sa kanya sa magulong buhay.

Isang tao ang labis niyang kinaiinisan ngunit pilit pinagtagpo ang kanilang landas at sa tuwing pagkikita nila ay humahantong sa gulo

paano kung biglang magbago ang ikot ng mundo at ang inis na nararamdaman ay isang pag-ibig na pala ito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
GINA'S P.O.V Mag-isang namasyal sa mall si Gina at halos naikot na niya ang buong mall para lang malibang. Naiinis kasi siya sa kasintahan dahil ayaw siyang samahan sa araw ng kanilang anniversary. May mahalagang bagay kasi itong gagawin kaya hindi na siya napagbigyan ng nobyo. Hayss... kakainis napagod na ako sa kakaikot sa mall na ito. Mabuti pang ikain ko na lang para mawala ang inis na nararamdaman. Naisipan ko mag pizza na lang para mabilis. Habang naglalakad ako ay may tumawag sa akin. “Gin wait!” tawag ni Cristine. Kasamahan ko siya sa pinapasukang call center ng isang sikat na bangko sa Pilipinas. “Hi, Tin and Ivan," bati ko sa kanila. Magkasama sila ng nobyo niyang si Ivan. "Kanina pa kayo dito?” tanong ko. “Kakarating pa lang namin," sagot niya. “Oh! Bakit mag-isa ka lang? Nasaan pala si Jayden?" tanong niya at palingon-lingon pa siya na tila hinahanap ang nobyo ko. “A-ah!” hindi ko siya kasama may mahalaga siyang lakad kaya ako lang mag-isa ang namamasyal,” sagot ko. “Ganun ba? Oh! siya gusto mo ba sumama sa amin manonood kami ng sine?" yaya niya. “Naku huwag na! kayo na lang ma-iinggit lang ako sa inyo," tugon ko. “Okay hindi ka namin pipilitin mukhang wala ka sa mood ngayon," sabi niya at kaagad naman sila umalis. Matapos magpaalam nina Christine at Ivan, nagmadali na ako pumunta sa pizza house dahil kumakalam na ang sikmura ko. Naku ang dami naman ng tao at halos punuan na ngunit tumuloy pa rin ako. Pagkatapos ko um-order ay hawak-hawak ko na ang tray na may lamang pizza. Inikot ko ang paningin kung may bakanteng mesa pa ba. Sakto sa 'di kalayuan may natanaw akong maliit na mesa at walang nakaupo. Nagmadali akong kumilos baka maunahan pa ako. Ilalapag ko na sana ang tray na dala-dala ko ng may biglang umupo sa bakanteng upuan at inilapag nito sa mesa ang kanyang dala-dalang tray. Naningkit ang mga mata ko ng nakatingin sa kanya. Ang kapal din nang mukha nito. Ako kaya ang nauna sa mesang ito. Hindi ako papayag na agawin niya sa akin dahil ako ang nauna. “Aba! Mister, mahiya ka naman ako ang naunang nakakita sa mesang ito," pagtataray kong sabi. “Excuse me! Ako ang naunang umupo dito. Ang bagal-bagal mo kasi kaya ako ang winner," pabulong niyang sabi. "Ang yabang nito kung maka winner wagas akala mo naman nanalo sa paligsahan. Napakaselfish mo kalalaki mong tao," galit kong sabi. “Tsss... I'm hungry and why I’m still slow to act?" deadma niyang tugon sabay kagat ng pizza. “At bakit ikaw lang ba ang nagugutom dito ha?” inis kong tanong. Wala itong pakialam sa sinabi ko at tuloy-tuloy pa rin ang pagkain. Lumapit sa amin ang isang crew ng pizza house dahil napansin nilang may konting hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin. “Ma'am, Sir. Ano po ang problema?” tanong ng crew. Hindi pa ako nakapagsalita naunahan na ako ng antipatikong lalaki. "Ako ang naunang umupo sa mesang ito," mariin niyang turan. “Ako ang unang nakakita sa pwestong ito," sabat ko naman. “Ma'am, Sir, huwag na po kayong mag-away. Pwede po bang magshare na lang kayo ng mesa? Bibigyan ko na lang si ma'am ng upuan. Wala na po kasi tayong bakanteng mesa," wika ng crew. Dahil punuan ang mga mesa sa dami ng tao. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag na kumain na kasama ang kumag na ito. Ang sarap isaklob ang in-order kong pizza sa pagmumukha nito. Umuusok ang ilong ko sa inis sa kanya. Habang siya ay nag-eenjoy sa kanyang kinakain at naman ako naman ay halos lamunin ang buong pizza. Bakit ba ang sama-sama ng araw ko ngayon?" tanong ko sa sarili. Kinuha ko ang ketchup para maglagay sa ibabaw ng pizza ngunit parang ayaw lumabas ng ketchup. Mukhang barado yata kaya pinisil ko ito ng may kalakasan. Dala siguro ng inis ay hindi ko napansin na napalakas ko pala ang pagpisil then suddenly the ketchup burst out. Humagalpak sa tawa ang kaharap ko na mas lalo akong nag-init at namula sa galit. Imbes na tulungan ako aba'y nakuha pang pagtawanan ang sitwasyon ko. Nagkalat ang ketchup sa mesa at pati na rin sa damit ko. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain na parang walang nangyari at halos sunod-sunurin ko ang pagsubo ng pizza at punong-puno ang bunganga ko. Naging childish na rin ang kinikilos ko dahil sa lalaking ito. Habang ngumunguya ako ay bigla na lang may naramdaman akong maliit na insikto ang pumasok sa ilong ko. At dahil sa punong puno ang ang bunganga ko hindi ako makapagsalita ng maayos. “Oh my gulay!" nababahing ako. Dali-dali akong naghanap ng tissue ngunit ang masaklap ay nagamit ko na pala ito sa paglinis ng ketchup na nagkalat kanina. “Sininyasan ko siya ngunit deadma lang ito. Tsitsu! Tsitsu!" wika ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. Nakatingin lang ito sa akin at hindi makuha ang ibig kong sabihin. Tanging siya lang ang may tissue sa aming dalawa. Hindi ko napigilang ang bumahing nang malakas ng dahil sa insiktong kumakalikot sa loob ng ilong ko. In the second time around something burst happened again. Pumikit na lamang ako sa kahihiyan at katangahan ko. Isang malutong na Sh*t ang narinig ko mula sa lalaki na nasa harapan. Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa mga matang nakatingin sa akin at pulang-pula ito sa galit. Dahil sa maliit na mesa lang ang pinagsaluhan namin at may mga pagkaing mula sa bunganga ko ang tumalsik sa mukha niya. "How dare you!" kadiri ka talaga makalayas na nga baka may mas malala pa na mangyari sa akin kapag ikaw ang kasama ko," maktol niyang sabi patungong washroom. Sa hiya ko ay nagmadali ako umalis sa lugar na aming pinagkainan at tinungo ang washroom ng mall na ito para linisin ang sarili. Habang nagdadrive ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisipang ko na lang magpasalon muna dahil maaga pa naman. Magpalalipas muna ako ng oras doon sa salon ng kaibigan ko. Baka kasi mangulubot itong mukha ko sa nangyari ngayong araw. “Hi beshy," bati ko sa kanya pagpasok ng salon. “Hello besh," sagot niya at mahina itong humagikhik ng makita ako. Siya si Dyesebel kapag gabi at Jose naman kapag araw. “Besh saan ka nakipagdigmaan at bakit ganyan ang ayos mo? Bakit duguan ka? May umataki ba sayo na bampira," sunod sunod niyang tanong. “Hay naku beshy! pagandahin mo na lang ako ngayon dahil ang sama-sama ng araw ko," nakanguso kong sagot. Hindi ko natiis at naekwento sa kaibigan ang nangyari sa mall. At sana huwag na magtagpo ang landas namin ng antipatikong lalaki at walang galang sa babae...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook