bc

CASA VILLALOBOS' CLANDESTINE

book_age16+
810
FOLLOW
3.4K
READ
drama
tragedy
sweet
lighthearted
mystery
like
intro-logo
Blurb

R:16 (Historical Fiction, Romance and Werewolf)

Sa malayong bayan ng Nueva Arga, matatagpuan ang lumang bahay bato na Casa Villalobos. Tuklasin ang buhay ng mga taong nagsigalaw dito, pamilya, pag-ibig at ang lihim na tinataglay.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Ang totoong pinagmulan ng Bayan ng Nueva Arga. Taong 1675, sa isang maliit na bayan sa Catalonia sa bansang Espanya na tinatawag na Arga. Noong panahong iyon, tinugis ng mga otoridad at mga mamamayan nito ang lahat ng mga taong lobo na pinapaniwalaang naninirahan dito. Ang mga nasabing lahi ay pinagbintangang salarin sa pagkamatay ng mahigit sa limampung mamamayan noong nakaraang gabi. Ang mga bangkay ay nakitaan lahat ng gasgas sa leeg na binali ang ulo. Sa mga sandaling iyon, may limang pinuno ng pamilya ng taong lobo ang tumakas sa bayan at palihim na nakasakay sa isang barko ng Espanya na maglalayag patungo sa mga kolonyang sakop ng bansa sa dakong Silangan ng Daigdig. Walang kamalay-malay ang mga nakasakay na conquistadores at iba pang sakay ng barko na may kasama silang taong lobo sa paglalakbay sa karagatan. Taong 1679, nakarating ang barko sa siyudad ng Maynila sa Pilipinas. Nalaman ng gobernador-heneral at mga prayle na may nakapasok na taong-lobo mula sa Arga sa kolonya na sakay ng kadarating na barko. Kaagad na ipinatugis para maipahuli sa mga sundalong Espanyol kasama ang guardia sibil. Nang sumunod na gabi ang limang Kastilang taga- Arga ay nagbagong anyo bilang mga lobo. Nagawa nilang atakihin ang mga tumutugis sa kanila gamit ang kanilang kakaibang kalakasan, taglay na kalakihan, mga matatalas na pangil at malalaking kuko. Noong mga panahong iyon ay wala pang alam ang mga Kastila sa Pilipinas kung paano magagapi ang mga taong-lobo. Sa pagiging malaking lobo ng limang Kastila ay matagumpay na nakatakas at nakalabas sila ng Kamaynilaan. Mahabang araw silang naglakbay para maghanap ng ligtas na lugar na kanilang mapagkakanlungan. Kung tutuusin sila ang mga uri ng taong lobo na hindi pumapatay ng tao. Umaatake lang sila sa mga tao kapag nalalagay sa panganib ang mga buhay nila. Pinatay ang mga kaanak at pamilya sa kanilang bansa dahil sa bintang at paninisi kung kaya nilisan nila ang Espanya para sa kaligtasan. Sa kanilang paglalakbay ay nakarating sila sa isang mataas na bundok na matatagpuan sa isang pueblo sa isang lalawigan sa Timog Luzon. Natagpuan ng mga taong lobo ang isang tribung Mangwa na naninirahan sa mataas na bundok. Noong una ay natakot ang mga ito sa kanila dahil pagiging lobo nila pero nang magpalit sila ng anyo bilang mga tao ay ipinakita at ipinaramdam nila ang kanilang pagiging mabuti. Hindi agad sila magkaunawaan dahil sa magkaibang wika na kanilang ginagamit. Marunong ng wikang Tagalog ang mga tribu samantala ang mga Kastila ay sa sariling wika nila nagsasalita. Para magkaunawaan ay bumihag ang tribu ng isang Kastilang insulares na nakatira sa kapatagan. Dinala iyon sa kabundukan para magsilbing taga-lapat ng dalawang magkaibang wika. Matagal ding nanatili ang insulares doon. Ganap na nagkaunawaan ang mga Kastilang taga-Arga at ang tribung Mangwa. Nakatakas ang insulares pababa ng bundok saka kaagad na nagsumbong sa mga prayle at namumuno sa pueblo ang natuklasan nito. Sa pagsapit ng gabi ay sinugod ng mga ito ang bundok para tugisin ang tribung Mangwa at ang limang Kastila na naroon. Nagtulungan ang tribu at ang lima na muling nag-anyong lobo sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumugod sa bundok at sila ang nagwagi. Wala nang nangahas na sumugod pa sa nasabing bundok. Natuto na rin ang limang kastila ng wikang sinasalita ng tribu. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan ay nagkaroon ng isang kasunduan ang mga limang taong lobo na galing sa Espanya at ang Tribung Mangwa. Ninais nilang pag-isahin ang kanilang mga lahi. Pumayag na maging taong lobo ang buong tribu at nangyari iyon sa pamamagitan ng pagpapakagat sa limang Kastila. Ang tribung Mangwa ng itinuturing na mga taong lobo na may dugong indio o Pilipino. Pumayag sila na magpasakop sa nasabing lahi para patuloy na ma-protektahan ang kanilang tribu kasama ang buong pamilya maging ang bundok na tinitirhan nila laban sa mga mananakop na Kastila. Matapos ang deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit Cavite noong ika-12 ng Hunyo, taong 1898, nag-alsa ang mga katutubong naninirahan sa pueblo na nasa lambak ng bundok. Tumulong sa pag-aalsa ang buong tribu ng Mangwa kasama ang mga taong lobo. Nagtagumpay silang matalo ang mga Kastila at nagtagumpay na mapalaya ang buong pueblo. Nang araw na iyon, nagkaroon ng isang malayang bayan sa isang lalawigan ng Timog Luzon na pinagsamang teritoryo ng lambak at bundok na tinatawag ng Buwan. Tinawag itong bayan ng Nueva Arga, bilang pagdakila sa limang taong lobo na galing sa bayan ng Arga sa Espanya noong 1679. Magkasamang namuhay ng maayos, mapayapa at matiwasay ang mga katutubo kasama ang tribu ng Mangwa na nahaluan na lahing taong lobo. Sa pagdating ng mga Amerikano ay lumaganap ang mga babasahing Ingles at panitikang Kanluranin at iminulat sa mga mamamayan na dapat katakutan ang mga taong lobo. Dahil dito naging maingat at nagsikap ang mga pamilya na may ganoong lahi na maitago ang pagiging taong lobo nila. Namatay ang mga unang mamamayan na may mabuting tingin sa taong lobo at pumalit ang mga mamamayang na-impluwensyahan ng mga banyaga at negatibo ang tingin sa nasabing kakaibang lahi. Sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig ay tumulong ang lipi ng mga taong lobo sa mga guerella ng Nueva Arga sa pakikipaglaban sa mga mananakop na Hapones. Matapos ang digmaan at muling paglaya ng Pilipinas ay pinili ng mga taong lobo na manatiling lihim sa ordinaryong mamamayan ang kanilang lipi. Pinalabas nila na sila ay mas pinili nang manirahan sa kabundukan. Ngunit ang totoo ay nasa kapatagan na ang pamilya ng mga taong lobo na patuloy na lumalago at dumarami. Nagkaroon ng limang prominenteng angkan sa Nueva Arga na itinatago ang pagiging taong lobo nila sa buong bayan. Sila maimpluwensya at may kapagyarihan pagdating sa pulitika, negosyo at ekonomiya ng bayan. Dahil dito ang limang angkan na ito ang bumuo sa Mangwa Council para sa pagkakaisa at kaligtasan ng lahat ng mga taong lobo sa bayan ng Nueva Arga. Ngunit ang konseho ay nagkawatak-watak noong taong 1998. “It’s just a myth, wala man lang solid historical evidence ang article na ito.” Ang komento ng dalagang si Chandra sa nabasa sa isang blogs sa internet. May kung anong link ang napindot niya at napunta siya sa nasabing web page. Ang pag-browse sa internet ang gawa niya kapag gabi at bago siya matulog. Nagpunta ulit siya sa isang search engine website saka may ini-type: Nueva Arga. Unang resulta nakita niya ang link sa official website ng nasabing bayan na kaagad niyang ini-click. May hindi maipaliwanag na curiosity ang nabuo sa kanya tungkol sa nasabing bayan. Naitatag ang bayan ng Nueva Arga noong ika-7 ng Hunyo 1938. Ang isa sa mga naunang bayan na naitatag ng mga Amerikano sa Pilipinas na matanda pa sa pagkakatatag ng Lungsod ng Quezon sa kalakhang Maynila. Sa taong ito ang bayan ay pinamahalaan ng isang president municipal na katumbas ng Mayor sa kasalukuyang panahon. Naiiling ang ulo na napangiti siya sa nabasa niyang maikling halaw sa kasaysayan ng bayan. See, malayong-malayo sa kasaysayan ng bayan ang nakasulat sa blog na ito. Samu’t saring komento ang nabasa niya sa pagtatapos ng artikulo. Hindi siya naniniwala sa mga mahihiwagang nilalang tulad ng aswang, kapri, manananggal lalo na sa taong lobo. Para sa kanya ay produkto ang mga ito ng makukulay na imahinasyon ng ilang tao. Nawala ang atensyon niya sa binabasa nang makatanggap siya ng isang message sa group chat ng mga katraabaho niya sa museo sa messenger. Tila magsisikip ang dibdib niya sa nabasang malungkot na balita. Patay na si Mrs. Gina Carreon, ang kanyang boss sa pinapasukang trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook