bc

Before The Rain

book_age16+
248
FOLLOW
1K
READ
student
drama
tragedy
twisted
bxg
nerd
campus
highschool
first love
selfish
like
intro-logo
Blurb

I never knew that I would meet an amazing girl before the rain started to fall.

An amazing girl who would do anything just to make me happy and doesn't want to hurt me.

An amazing girl that hides everything so I couldn't know the truth.

An amazing girl that supposed to be my wife.

And lastly, that amazing girl is Hagya.

chap-preview
Free preview
Simula
Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada pero agad rin naman akong huminto nang makarating ako sa tapat ng pedestrian lane. Hindi ko naabutan ang red light kaya kinailangan kong maghintay ng kalahating minuto bago tumawid kasama ang ibang kapwa ko taong tatawid din. Habang naghihintay, sandaling inilibot ko ang aking paningin at bahagyang kumunot ang aking noo nang makita ang isang babaeng nakatayo sa gitna ng maraming taong nagkukumpulan sa kabilang kalsada. She is bald. No, just a semi-bald hair lady. Nakasuot din ito ng sweeter na pinartneran niya ng blue pajama at tsinelas habang nakasuot din ito ng kulay puting medyas. She looks so simple pero para bang kalalabas lamang niya ng hospital. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang mga palihim na tumatawang nasa paligid niya. Mayroon pang ilan na itinuturo ang kaniyang ulo saka tatawa na halatang ang buhok niya ang pinagtatawanan nila. Tss! Wala namang sinabi ang mga itsura nila sa magandang itsura nung babaeng semi-kalbo ang gupit dahil cute pa rin naman itong tingnan. Huminga na lamang ako nang malalim bago ibinaling ang tingin sa stop light na kapupula pa lamang. Nagpakawala muna ako ng buntonghininga bago magsimulang humakbang kasabay ang ilan pang tatawid rito sa tamang tawiran Kaunti na lang... Malapit na... Nang makarating ito sa tapat ko, mismong dito sa gitna ng pedestrian lane, maingat kong hinawakan ang kamay nitong babae bago pa lamang niya ako malampasan. Dahil sa pag-angat niya ng tingin, biglang gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi. Hindi ako nagkamali. Maganda ito pero namumutla ang kaniyang balat. Mahahalata rin sa itsura niya ang gulat dahil ata sa hindi niya inaasahang hahawakan ko ang kamay niya. “A-ano...” utal kong sabi saka tumingin sa makulimlim na langit bago muling tumingin sa kaniya. “T-Take this. Sa palagay ko ay uulan.” saad ko saka iniabot sa kaniya ang payong na hawak ko. Muling nabaling naman ang tingin ko sa stop light at ilang segundo na lamang ay muling aandar na naman ang mga sasakyan. Hindi na ako nagsalita pa at binigyan na lamang ito ng isang ngiti bago tuluyang naglakad papatawid kasabay nang pagbuhos nang malakas na ulan. “Sir. Owen, naku! Naligo na po kayo sa ulan. Hindi man lang po ba kayo pinadalhan ng payong ni Anita?” tarantang saad ni Manong Ed nang makita akong basang-basa dahil sa ulan. Saglit kong ibinaling ang aking tingin sa kalsda saka muling binalingan ng tingin si Manong Ed, “She did. But I gave it to someone,” nakangiti kong sabi habang inaalala ang itsura ng magandang babae sa pedestrian lane kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook