bc

Miracle Baby [Tagalog]

book_age16+
1.7K
FOLLOW
10.4K
READ
possessive
pregnant
dominant
powerful
comedy
mystery
mpreg
mxm
intersex
naive
like
intro-logo
Blurb

-BL STORY-

"Miracle do happens, its just up to you if you considered it to be a blessing or a Curse".

Ang buhay ni Gino ay tipikal, boring at simple lamang, ginugugol nya ang lahat ng oras mula umaga hanggang gabi sa pagtatrabaho at dahil maagang naulila ay pinangarap nyang bumuo ng sariling pamilya. Hindi nga lamang ito matupad dahil sa kanyang kasarian.

Ang mabuntis at magka-anak ay hindi nya inakala dahil isa syang lalaki.

Dahil sa daming pagsubok at pagbabago ang dulot nito sa kanyang buhay, masasabi pa kaya nyang isa itong "Miracle Baby."

[IF YOU LIKE THE STORY, PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND CLICK THE HEART. THANK YOU!]

©2020CutieCane23

chap-preview
Free preview
MB 1
"Repeat." "Repeat this." "Repeat this again!!!" "What the heck, Mr. Dimapilit! can't you do your god forsaken job, properly?" Napapikit pa ako sa takot dahil sa pagsigaw ni sir Yuan sa akin, inihampas pa nya ang folder na hawak sa table habang nanglilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. "S-Sorry po sir, uulitin ko na lang po," nauutal na paghingi ko pa ng paumanhin habang nakayuko. "Uulitin? ilang beses mo na itong inulit! Mr. Dimapilit, can't you just make a simple report without a mistake?" galit na sabi pa rin nito kaya nanatili na lamang akong tahimik at nakayuko. Dahil sa hindi ko pagsagot ay narinig ko na lang na napabuntong hininga ito. "Sumbit the revise version later, siguraduhin mo na maayos na iyon kundi magpaalam ka na sa trabaho mo," mahinahon na sabi na nito kaya mabilis akong tumango habang kinukuha ang folder na naglalaman ng report ko. Bagsak ang balikat ko na lumabas sa opisina ng aming boss dito sa kumpanya. Hindi ko naman masisisi si sir kung bakit ito nagagalit sakin, hindi kasi ako makapagfocus sa trabaho kaya di ko matapos ng maayos ang simpleng bagay na ipinapagawa nya. May gumugulo kasi sa aking isipan, ilang araw na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako nito pinatatahimik. "Musta bhes? ano sabi ni boss?" bulong pa ng kaibigan kong si Marcel or Mars for short nang makabalik ako sa aking table. Tumingin naman ako sa kanya ng patagilid habang tumatakbo saking isip ang mga bagay na ito. 'Lakas mo magtanong Mars, eh ikaw nga ang may dahilan kung bakit hindi ako makapagfocus.' "Alam ko kung anong iniisip mo, okay? sorry na talaga, hindi na ulit kita isasama sa mga party," sya habang nakataas pa ang mga kamay na parang sumusurrender. Napailing na lamang naman ako bago sumagot sa kanya. "Napagalitan lang naman ako, atsaka pinagbantaan na tatanggalin sa trabaho." "Sus, puro banta lang naman yang si sir Yuan, ilang beses na bang sinabi yan sayo pero di ka pa rin naman nya tinatanggal," sabi pa nito habang nakataas ang kilay. Hindi ko alam pero tama ang sinabi ni Mars, mahigpit at strikto si sir sa iba, maliit na pagkakamali lang ay hindi na nya ito binibigyan ng second chance pa. Hindi naman sa pag aasume pero mukhang may soft spot ata sakin si sir o awa? ewan ko basta pinagbibigyan nya ako. "Wag ka na ding humingi ng pasensya, matagal na kitang napatawad Mars," nakangiting sabi ko pa sa kanya kaya napatingin ito sakin na parang nakakita ng angel. "Hayss lalo tuloy akong nakukunsensya nyan eh, wag kang mag alala tutulungan na lang kitang gumawa nyang report mo," nakangiti pang sabi nito kaya napatawa na lamang ako at tumango. Habang binubuhay ko ang computer ay hindi ko mapigilan na bumalik sa aking alala ang nangyari dalawang araw na ang nakakalipas. Ang mga pangyayari na nagbigay ng matinding pagkalito sa aking isipan. "Bhes, wag ka naman tumulad dyan sa epelyedo mo," napapakamot pa sa ulo si Mars habang naglulunch kami sa cafeteria ng kumpanya. "Wag mo nga isali ang apelyedo ko dito, hindi ko kasalanan na DIMAPILIT ang naging apelyedo ko ah," ani ko naman sa kanya habang kinakain ang baon kong pagkain. Hayss hindi na naman ako titigilan nitong si Mars, Kahit kailan kasi ay hindi ko sya pinagbigyan pagdating sa mga ganitong bagay. Kahit magbestfriend kami ay hindi ako mahilig sa mga get together at mga party katulad nya. Siguro dahil parehas kaming bakla kaya malapit ang loob namin sa isa't isa. Si Mars yung uri ng bakla na maingay at super popular dahil sa galing nitong makisama sa lahat habang ako naman ang kabaligtaran nya.aNasa isang sulok at hindi pala-imik kaya kahit matagal na din ako dito sa kumpanya ay wala akong masyadong kaibigan. Unang una ay hindi ako mahilig sa mga party at inuman, sakit lang sa ulo at katawan ang dala nun. Bukod pa doon ay kailangan kong umuwi ng maaga dahil magugutom si Miggs sa bahay. "Pa-hard to get ka pa kasi tulad nyang epelyedo mo," Nakanguso pang bulong nito kaya mabilis na napatingin ako sa kanya. "Ano yun, Marcel?" seryosong ani ko pa dito. "Mars na lang bhes, ang bantot pakinggan ng Marcel eh at saka birthday ko naman yun, isang beses lang to sa isang taon kaya sige na sumama ka na," pangungunsensya pa nya kaya napabuntong hininga na lamang ako. "Sige na nga, alam ko naman na di mo ako titigilan" Dahil sa sinabi ko ay napatayo pa ito sa kinauupuan nya at napasigaw pa ng "Yes." "Guys!!! tuloy na ang party ko mamaya!!!" "Yes! galing mo Mars, paano mo napapayag si Gino-the-boring? Hahaha." "Di ba maganda ang venue na napili mo, Mars?" Napailing na lamang ako dahil sa masayang usapan nila tungkol sa party na magaganap mamaya. 'Hayss, isang beses lang naman, siguro ay wala namang mangyayaring masama,' isip-isip ko pa habang ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos ang lunch break ay bumalik na ulit kami sa pagtatrabaho. Halos mahilo ako sa pagtatype ng mga documents at report na ipapadala sa N company para sa isang project proposal. Dahil sa pagiging abala ay hindi ko na napansin ang pagtakbo ng oras, napatingala na lamang ako ng biglang may humawak sa aking balikat. "Bhes, bukas mo na yan tapusin. Out na natin oh, atsaka maghahanda ka pa para sa party ko!" excited na turan pa nito sakin kaya napatango na lamang ako sa kanya. "Ah sige, mauna ka na Mars, susunod na lang ako," sagot ko naman habang nagmamadali sa pag aayos ng mga gamit ko. "Sige bhes, send ko na lang sayo ang place ha," sigaw pa nito habang naglalakad patungo sa elevator kasama ang iba naming katrabaho. Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasdan ang pagsara ng elevator na sinasakyan nila. Hindi ko kasi maalis sa aking sarili na hindi kabahan at mag-alinlangan dahil sa desisyon ko. Wala na rin naman akong gagawa dahil sumang ayon na rin naman ako, binilisan ko na lamang ang pagliligpit ng lahat ng aking mga gamit at handa ng umalis. Nang pasakay na sana ako sa elevator ay halos mapatalon ako sa takot ng biglang may humawak sa kamay ko. "Ahhhh--Sir?" Napatigil pa ako sa pagsigaw ng makita ang taong humawak sakin. "Nagmamadali ka ba?"tanong pa nito at nauna pang sumakay sa elevator. "A-Ah Opo," tipid na sagot ko naman at sumakay na rin bago pa ako mapagsaraduhan ng elevator. Nakayuko lamang ako habang mahigpit na nakakapit sa strap ng aking bagpack, nasa likod ko kasi si sir Yuan at ramdam ko ang pagtitig nya sakin. Naging awkward ang mga minuto na magkasama kami sa loob ng elevator, hindi ko mapigilan na hiligin na sana ay makarating na agad kami sa ground floor para magkahiway na kami ni sir. Napatingala ako sa taas na parte ng pinto para tingnan ang number ng floor na aming dinadaanan. Napangiti ako ng mapansin na tatlong floor na lamang at makakalabas na kami, kaso hindi ko naman inaasahan na magsasalita sya. "Are you going to attend the party?" seryosong tanong nito kaya mabilis na napalingon ako sa kanya. "A-Ah Opo sir, kayo po pupunta ba?" balik na tanong ko pa dito bago ko napigilan ang bibig ko. Napangisi naman ito bago sumugot sa akin. "Do you want me to?" Napataas naman ang kilay ko sa pagtataka dahil sinabi nya. 'Ako ang tinatanong nya?, Para syang humihingi ng permiso sakin eh hindi naman nya ako ka-ano ano,' isip-isip ko pa habang nakatingin sa kanya. Dahil competitive ito ay lalo pang nakipaglabanan ng titigan ito sakin, napaiwas lang kami parehas ng tingin dahil sa pag-TING! ng elevator. "Sir, mauuna na po ako," pagpapaalam ko pa sa kanya sabay yuko ng kaunti para ipakita ang pag galang. Tumango naman ito sakin at binigyan ako ng may kahulugang tingin na di ko maipaliwanag. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at mabilis na tumawag ng taxi nang makalabas ako ng building para makauwi sa apartment na aking tinitirhan. "Miggs!!!" maligayang sabi ko ng salubungin ako ng alaga kong aso pagbukas ko pa lamang ng pinto. Yumuko ako para himasin ang kanyang ulo habang masaya naman itong tumatahol sakin na parang binabati ako sa aking pag-uwi sa bahay. Napangiti naman ako dahil sa kasabikan na ipinapakita nito sa akin. Si Miggs talaga ang stress reliever ko, makita at makalaro ko lamang sya ay napapawi na ang lahat ng pagod at stress ko sa araw-araw ng pagtatrabaho. Habang naglalakad ako papasok sa bahay ay nakasunod lamang ito sakin. Dumeretso ako sa maliit na kwarto dito sa aking apartment na nagsisilbing bedroom ko. Tinanggal ko ang mabigat na bag na nakalagay sa likod ko, unti-unti ko na ring tinatanggal ang bawat saplot sa aking katawan para sana magbihis ng pangbahay, kundi nga lamang biglang nagring ang cellphone ko. "Hello?" tanong ko pa ng masagot ko na ang tawag. "Bhes Gino!!! nasan ka na?" malakas na sigaw pa nito sakin kaya napuno ako ng pagtataka. "Nasa bahay, kauuwi ko lang. Bakit ba ang ingay dyan?" "Nandito na ako sa venue! magbihis ka na dali para makapunta ka na dito," sabi pa nito sakin. "Teka Mar--" Pinutol nya ang sasabihin ko at mabilis nyang sinabi ang address at pangalan ng lugar na pag gaganapan ng party nya. Napailing na lamang ako dahil ibinaba na nya ang tawag pagkatapos sabihin iyon. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at naghanap ng maayos na damit na pwede kong suotin para sa party ni Mars. Nagsuot ako ng simpleng t-shirt na tinernuhan ng black denim jeans at canvas shoes. Pagkatapos kong magbihis at mailagay sa bulsa lahat ng aking kailangang dalhin ay napatingin ako kay Miggs na nakatingala sakin. "Sorry Miggs, hindi tayo magkakasabay sa pagkain ngayon," paghingi ko pa ng paumanhin sa dito habang nakatingin sa nagmamakaawa nitong mukha. "Sorry talaga," malambing na sabi ko pa dito sabay lapag ng pakainan sa sahig, dinagdagan ko din ito para naman maging pangpalubag loob nya. 'Baka kasi magtampo si Miggs sakin hehe,' isip-isip ko pa habang hinihimas ang ulo nito habang kumakain ito. Gusto ko pa sanang samahan sya sa pagkain ng bigla kong maalala na may pupuntahan pa nga pala ako. Nagpaalam na ako kay Miggs at isinara ang pinto. Nang makarating ako sa may tabing kalsada ay pumara ako sa dumadaang taxi para dalhin ako sa venue ng birthday ni Mars. Makalipas ang ilang minuto ay ibinaba ako ng taxi sa harap ng isang maingay at maliwanag na bar. 'Ano pa bang inaasahan ko, na gaganapin ang birthday party nya sa isang tahimik at simpleng lugar?' isip-isip ko pa habang pumapasok sa loob ng bar. 'Party animal si Mars, mga clubs ang paborito nyang lugar at bar hopping naman ang hobby nya.' habang nakikipagsiksikan sa mga pawisan na katawan na magugulong sumasayaw sa loob ng club. Halos mahilo ako sa paghahanap sa kanila kundi lang may humigit sakin palayo sa dance floor. "Bhes Gino!!!" malakas na sigaw pa nito sabay yakap sakin ng mahigpit. "Mars!!! h-hindi ako makahinga!" ako habang pilit tinatanggal ang pagkakayakap nito sakin. "Sorry Bhes, kanina pa kasi kitang hinihintay!" anito sabay higit sakin palapit sa private table nila sa second floor ng bar. "Guys nandito na si Gino!" masiglang sigaw pa nito sa lahat ng aming mga katrabaho at iba pa nyang bisita. Ang maingay na table ay biglang natahimik ng dumating kami. 'Alam ko naman na hindi nila ako gusto dahil weirdo daw ako at masyadong introvert, pero wala naman akong pakialam dahil hindi naman sila ang ipinunta ko dito.' habang naghahanap ng pwedeng upuan. Habang naghahanap ay nasilayan ko si sir Yuan at kumaway pa ito ng tipid sakin, tumango naman ako at umupo sa pinakadulo ng table kung saan wala masyadong tao. Masaya silang lahat na nagkukwentuhan at nagkakasayahan habang nag-iinuman at nagkakantahan. Lagi akong niyaya ni Mars na makisali sa kanila pero dahil sa insecurities ko ay hindi ko magawa na sumali sa kanila. Umiiling na lamang ako para sabihin na pass muna ako. Nasa gitna si Mars habang nakaharap sa birthday cake nya, nakasuot ito ng sleeveless na top at denim na short. Ang kulay ng suot nya ay nagcocomplement sa tan skin nito. Nakapalibot naman silang lahat habang nasa may likurang parte ako, masayang kumakanta ang lahat ng happy birthday habang pumapalakpak. Matapos kumanta ay hinihipan na ni Mars ang kandila at nagsigawan ang lahat. "Mars, pasensya ka na pero ito lang ang regalo ko sayo," nahihiya ko namang sabi sabay abot ng maliit na box, binili ko ang regalo ko sa kanya ilang araw na bago ang kaarawan nya. "Wow! salamat bhes!!!" masaya namang sagot nito sabay kuha sa aking regalo, pagkatapos ay nagbigayan na rin ang iba ng regalo nila kaya nabaling na sa iba ang attensyo nya. Bumalik ako sa aking upuan na napapabuntong hininga. "Hayss sana all maganda, confident at may magaling na communication skills," bulong ko pa sa sarili ko at nagpasya na kumain na lamang. Hindi ako mahilig uminom ng alak dahil mahina ang alcohol tolerance ko. Maya-maya pa ay nabigla ako dahil may tumabi sakin. "Bhes!!! sorry talaga ha, hindi agad kita nasamahan ditto," sabi pa nito sabay abot sakin ng isang basong alak. "Okay lang Mars, alam ko naman na hindi lang ako ang kaibigan mo," madramang sabi ko pa dito kaya napatawa pa ito bago batukan ako. "Gaga ka girl, kaibigan ko nga sila pero ikaw naman ang bestfriend ko," nakangiti pang sabi nito kaya napuno ng saya ang dibdib ko. 'Maswerte talaga na nakilala ko si Mars,' isip-isip ko pa habang nakikipag cheers sa kanya. "Bhes, alam mo kung bakit ka malungkot?" medyo lasing na tanong pa nito sakin. "H-Hindi ako malungkot, Mars," nauutal na sagot ko naman na habang nararamdaman ang pagtama sakin ng alak na ininom ko. "A-Aminin *hic mo na bhes, malungkot ka kaya magjowa ka na kasi para naman magkaroon ka ng inspiration sa buhay," sabi muli nito sabay salin ulit ng alak sa baso ko. "*hic d-di ko kailangan ng jowa." "B-Baka madeds ka nyan ng virgin bhes, 25 years old ka na kaya dapat may experience ka manlang," makulit na turan muli nito kaya natahimik na lang ako. 'Dahil bakla ako ay hindi ko kayang bumuo ng sarili kong pamilya, ang pamilya na pinapangarap ko. Hayss, hindi na nga ako bumabata, bakla nga ako pero walang experience sa lalaki.' "B-Bhes !!! nakikinig ka pa ba?!" lasing na sabi pa nito sakin kaya napatingin ulit dito. "Ano *hic ang sinabi mo?" "Sabi ko !!! kung ayaw mo ng jowa, bakit di ka maghire ng callboy o kaya naman ay magkaroon ng one night stand *hic di ba?" malakas na sabi pa nito kaya napatingin ako sa paligid kung may nakikinig, nakakahiya kasi ang sinasabi ni Mars Napahinga ako ng maluwag ng mapansin na mga tulog na din ang iba dahil sa kalasingan. Umiikot na din ang paningin ko dahil sa pagkahilo, mabilis talaga ako malasing dahil hindi ako sanay mag-inom. "E-Ewan ko sayo Mars, ayaw ko magkasakit no" "Di *hic gumamit kayo ng condom para di ka magkasakit," sabi pa nito sakin kaya napailing ako. 'Lasing na talaga ito at mukhang ako din dahil nagkakaroon na sakin ng appeal ang mga sinasabi nit,' isip-isip ko pa at napatingin sa cellphone ko para tingnan ang oras. 'Bwisit, sobrang late na kelangan ko ng umuwi,' ako at saka nagpasya nang tumayo kahit hilong hilo na. "Mars, uuwi *hic na ako," pagpapaalam ko pa dito pero kumaway lang ito sakin at tumawa na parang baliw. Pasuray-suray ako sa paglalakad, umiikot ang lahat ng bagay na sa aking paligid. Ang sakit ng ulo ko pero gustong gusto ko ng umuwi kaya tinatagan ko ang sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit sobrang hirap ng pinagdaanan ko bago makalabas ng bar ay sulit naman ng makalanghap na ako ng malamig na hangin. Ilang beses ko pang sinampal ang mukha ko para di ako antukin at para mawala ang hilo ko habang naghihintay ng taxi. Maya-maya pa ay may dumaan ng taxi at sumakay na ako doon. sumandal ako sa malambot na upuan nito dahil sa hilong nararamdama. Kahit antok na antok ay pilit ko pa rin na nilalabanan ito pero habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay naramdaman ko ang pagbaligtad ng aking sikmura. Pansin ko pa ang masamang tingin sakin ng taxi driver habang nakatingin ito sa rearview mirror. "Sir, bumaba ka na kung balak mong sumuka," inis na sabi pa nito kaya nagdesisyon na akong bumaba na lamang. "Bwisit !!!" mabilis na sabi ko pa habang pasuray-suray na tumakbo papunta sa tabi para sumuka doon. "Bleewahhhahh!" Napahinga ko ng malalim at pinunasan ang bibig ko pagkatapos kong sumuka. Napatingin ako sa paligid para tingnan kung nasaan ako, Malakas na hangin na medyo maalat ang dating kaya naisip ko na baka malapit ako sa dagat. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa gilid ng stone railing. 'Hmm baywalk?' habang nakatingin sa madilim na kapaligiran pero naririnig ko pa rin ang malakas na tunog ng mga alon sa di kalayuan. Napapapikit na muli ang aking mata dahil sa antok at sa hilong na nanatiling nasa aking katawan. Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa pagtingin sa kawalan, Hindi ko na nga rin napansin na may mga yabag ng paa na palapit sakin. Nang mapagpasyahan ko na babalik na ako ay bigla namang nawala ang balanse ko kaya inaasahan ko na babagsak ang katawan ko sa malamig at matigas na sahig...Hindi sa isamg matigas na dibdib. Napakapit ako dito ng mahigpit at naramdaman ko din ang malakas nyang mga braso na nakayakap sa aking bewang para suportahan ang aking katawan. Ang mainit na katawan nito at mabangong amoy ay nagdala sa akin para tuluyan na akong kainin ng kadiliman. Pero bago tuluyan akong makataulog ay narinig ko pa ang malalim at lalaking-laking boses nito. "Hey, are you okay?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

NINONG III

read
363.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook