bc

CALIXIA: The Vampire Hunter (Alexandro Goodnight)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
3.3K
READ
dark
forbidden
fated
bitch
brave
tragedy
scary
enimies to lovers
cruel
like
intro-logo
Blurb

Calixia

Being a Vampire Hunter is not easy.

She underwent bloody training and she endured it to be strong.

Her life is always in danger. There were battles that she almost die but her strong will to take revenge for the Vampires give her unexpected strength.

She wants to take revenge to the vampire who killed her family.

Vampires are monsters.

She will kill all of them..

No one will remain alive.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CALIXIA: The Vampire Hunter (Alexandro Goodnight) by: Pennieee Chapter 1 Mabilis ang kanilang pagtakbo at walang kahit isa ang humihinto. Hindi alintana ang malakas na ulan at madilim na dinaraanan sa loob ng kagubatan. Kailangan nilang maging matalas at maingat dahil hindi nila alam kung saan at kailan aatake ang mga bampirang natira sa Xezhin. "Jean, huwag kang lalayo sa akin." Banggit ng isa niyang kasamahan. Lima sa kanyang mga kasama kanina ay pinatay lamang ng isang Bampira. Lalo siyang nagngitngit sa galit ng maalala ang itsura ng Bampira habang hawak ang ulo ng isa nilang kasama. Labag sa kanyang kalooban ang pag-atras nila ngunit wala siyang magawa dahil ang pag-suway sa pinuno ay may karampatang parusa. "O-Oo. N-Natatakot na ako, Rix." Tahimik lamang siyang tumatakbo at hindi nakikisali sa pag-uusap ng mga ito ngunit nang marinig ang sinabi ni Jean ay hindi niya maiwasang hindi mainis. Walang lugar ang takot para sa kanila ngayon. Ang takot ang magdadala sa kanila sa kapahamakan, kung hindi nila patatatagin ang sarili ngayon ay tiyak na pati ang mga ito ay mamamatay rin. "Hindi sila naging Vampire Hunter para lamang matakot. Hindi sila pinili at binasbasan para lang maging pabaya. Kailangan nilang maging matatag sa ganitong klaseng misyon." Alam niyang kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili, kaya rin niyang protektahan ang mga ito ngunit ang kaisipan ng kanyang mga kasama ay nilalamon na ngayon ng takot. Naiinis man ay hindi niya masisisi ang mga ito. Ang katawan ng kanilang mga kasamahan ay hindi na nila nadala pa dahil ang mga parte nito ay hiwa-hiwalay na. Brutal at walang awa itong pinaslang ng mga halimaw na Bampira. "Omus, ano ang sasabihin natin kay Zico?" Tanong ni Qin sa kanilang pinuno habang tumatakbo. Napatingin siya kay Omus at nakita niya ang nagsisising mukha nito. Kung sana tinapos nila ang misyon at iniligtas ang mga kawawang nilalang ngunit sa huli pa ito pinanghinaan ng loob. "H-Hindi ko alam." Lima sa kanilang mga kasama kanina ay namatay. Sampu silang pumunta ng Xezhin para sa isang mission na iligtas ang mga bihag ng mga Bampira. Halos isang buwan na ang misyon na iyon at walang kahit na sinong grupo ang naglakas loob na tumanggap, hanggang isang araw ay kinausap siya ni Zico na nais siyang isama ni Omus sa isang misyonn. Kapag ang misyon ay tungkol sa mga Bampira hindi na siya nagdadalawang isip pa, kaagad niyang tinatanggap iyon. Nagsanay siya para maging isang Vampire Hunter, nabubuhay siya para pumatay ng mga Bampira. Para hanapain ang bampirang pumaslang sa kanyang pamilya. Ngunit ang problema ay hindi nila alam na natunugan pala ng mga ito ang tungkol sa kanilang pagdating. Kaya't hindi nila inaasahan ang dami ng mga ito. "S-Sayah, nasaan ba si Xen? Kailangan natin siya ngayon." Napaikot ang mga mata ni Sayah sa narinig mula kay Jean, si Xen ay isa sa pinakamalakas na Vampire Hunter. Marami ang namamangha sa lalake sa galing sa pakikipaglaban. Lumaki siya kasama nito at sabay silang nag-ensayo para maging isang Vampire Hunter. Kung marami ang humahanga ay mas marami ang naiinis dahil sa galing nito sa pakikipaglaban. Ngunit kayang-kaya niyang gawin ang mga kaya ni Xen, ito ang madalas niyang kalaban tuwing may training sila. Siya lang ang nakakapagpabagsak sa lalake ngunit kahit ganoon ay hindi niya pa ito natatalo pagdating sa katana. "Masyadong duwag ang pinuno ng grupong ito. Dalawang bampira na lamang ang aming kailangang tapusin ngunit inutusan pa kaming lisanin ang lugar. Napakaduwag. Nakakahiya." Sabi niya sa kanyang isipan. Kung hindi lamang sila inutusan na lisanin ang Xezhin ay tatapusin niya ang mga natira pang Bampira. Kanina lamang ay nakikipagtalo pa siya kay Omus ang pinuno ng grupo nila. Nagpasya itong lisanin na nila ang Xezhin dahil sa limang kasamahan na nila ang namatay at hindi nila kayang tapusin ang misyon. Ipinilit niyang kaya ngunit hindi siya nito pinakinggan. Hindi kaya ng mga ito, siya kaya niya. Hindi siya dumaan sa madugong pag-eensayo para lamang umatras sa laban. Alam niya kung kailan dapat umatras at alam niya kung kailan dapat magpatuloy. Inaksaya lamang ni Omus ang buhay ng lima nilang kasamahan. "Kung sana nandito si Xen hindi mamamatay sila Kisa, Orion, Lem, Zan at Hira. H-Hindi sana tayo mawawalan ng mga kaibigan." Hindi sila mawawalan ng kaibigan kung naging matalino si Omus, wala silang konkretong plano sa pagpasok sa kweba. Hindi nila alam na may mga pasabog na inihanda ang mga bampira sa kanila. Ang sabi ni Omus ay tatlo hanggang limang Bampira ang sinabi sa sulat. Hindi niya inaasahan na nasa higit sampu ang mga ito. "Jean, hindi kabilang si Xen sa grupo natin. Isa pa huwag mo na kausapin si Sayah, hindi rin naman iyan sasagot sa 'yo. Kailan ba 'yan sumagot sa mga tanong natin? Walang kahit na sino ang kinakausap niyan sa samahan maliban kay Zico at kay Xen. Hindi ko nga ba alam at bakit siya ang kinuha ni Omus at hindi na lang si Xen. Hay, mas mabuti sana kung si Xen ang nakasama natin sa grupo. Hindi sana tayo malalagasan at baka nailigtas pa ang mga kasamahan nating namatay." Wika ni Qin. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito at gusto niya itong hatawin ng kanyang katana ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ngayon siya ang sinisisi ng kanyang mga kasamahan. Nakakatuwa. Sobrang nakakatuwa. "Huwag na kayong magsisihan. Nagkulang ako sa misyon na ito. Hindi ko sinigurado ang bilang nila. Wala akong sapat na plano kaya't humantong sa ganito. Hindi ko alam na matutunugan nila ang pagpunta natin sa kanilang pinagtataguan. Aakuin ko ang pagkamatay ng limang miyembro. Kahit anong parusa ay tatanggapin ko." Nang makalabas sila sa loob ng gubat at makita ang pagsikat ng araw ay napahinto sila sa pagtakbo. Pinunasan ni Sayah ang kanyang mukha dahil sa basa ng ulan, Hindi rin niya namalayan na tumila na pala ang ulan dahil sa kanyang pagtakbo. Tumama ang liwanag ng araw sa kanyang mukha at kaagad niyang naramdaman ang init na nanggagaling doon. Ito ang unang misyon na hindi niya napagtagumpayan. Lahat ng misyon niya simula ng maging Vampire Hunter siya ay nagagawa niya ng maayos at napapaslang niya ang mga Bampirang nanggugulo sa Lost world. Sa misyong ito nawalan sila ng limang miyembro, hindi lamang basta namatay ang mga ito. Katakot-takot na pagkamatay ang nangyari. Pinahirapan at pinaglaruan ng mga halimaw na Bampira ang kanyang mga kasama. At kahit isa ay wala siyang nailigtas sa mga ito dahil naging makasarili siya. Oo, naging makasarili siya. Hinanap niya ang pinuno ng mga Bampira. Hindi niya namalayan na habang hinahanap niya ito ay pinapatay na ng mga alagad nito ang kanyang mga kasamahan. Hindi lamang si Omus ang may kasalanan hindi lamang ito ang nabigo, nabigo rin siya sa misyong ito dahil sa kagustuhan niyang patayin ang pinuno ng Bampira sa Xezhin. Sigurado siyang makakatikim siya ng pagalit at parusa kay Zico. Ilang beses na nitong sinabi sa kanya na hindi siya lumalaban mag-isa. May mga kasama siya. "Importante ang mga kasama iyon ang palagi mong tatandaan." Itinaas ni Sayah ang kanang kamay at itinututok sa mismong araw. "Sayah! Halika na!" Tawag ni Jean sa kanya, napatingin siya sa mga ito na hinihintay siya. Nauna na palang maglakad ang kanyang mga kasama. Nang mapatingin si Sayah sa mga ito ay saka lang niya napagtanto ang palaging sinasabi ni Zico. "Mahirap makipaglaban at manalo mag-isa. Huwag mong sanayin ang sarili mo dahil walang nagtatagumpay ng mag-isa. Tandaan mo 'yan." Naikuyom ni Sayah ang kanyang kamay at naglakad na papunta sa kanyang mga kasama. Nabigo siya bilang isang Vampire hunter, nabigo siya bilang isang kakampi. Nang makabalik ng Vantress ay nasa harap na kaagad ng Forxha Guild si Zico. Nakangiti itong nakatingin sa kanya, nasa tabi nito si Xen at si Bobi, ang alaga nilang goblin. "Maligayang pagbabalik, Calixia." Itinaas ni Zico ang kamao nito at ganoon rin siya. Nakabalik na siya at hindi na siya makapaghintay na masermunan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

SILENCE

read
380.9K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

Faithfully

read
266.1K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook