bc

CHAINED THE CURSED HEART

book_age18+
869
FOLLOW
4.1K
READ
fated
goodgirl
dare to love and hate
bxg
mystery
vampire
magical world
friendship
punishment
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila ang mga bampira ay masasama dahil sila ang katunayan ng pagiging mapusok at mapanglamang nang mga nilalang. Naniniwala ang lahat sa mga haka haka ngunit bakit tila hindi ako nakadadama ng takot tuwing hahaplusin nito ang mahaba kong buhok at aamuyin ang nakahantad kong leeg.

Tila ba nais ko pang ialok ang aking sarili upang mapasaya ang bampirang isinumpa.

Isinumpa ng isang tulad kong diyosa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Lumilipad na mga dahon kasama na ang mga bulaklak ang siyang nagbibigay ng kasiglahan at kagandahan sa kaharian ng  Zacarias. Ang buong bayan at mga katabing kaharian nito ay nagbubunyi sa pagsilang ng isang sanggol, ang prinsipe na mag iisa sa diyosa at bampira. Ang kaisa isang nilalang na may dugo ng diyosa na tinitingala ng lahat at ng bampira na siyang kinatatakutan ng nakararami. "tignan mo ang kanyang mga mata mahal ko, kulay asul na para bang nakikita ko ang maaliwalas na langit mula sa kanya.."wika ng reyna. "tunay ngang mabait ang mga diyosa sapagkat ipinagkaloob nila sa atin ang  supling na tatapos sa kaguluhan ng ating bayan."tugon ng hari. "siyang tunay, sapagkat ang sanggol na ito ay bunga mula sa lahi ng mga bampira at diyosa."masayang wika ng reyna. Habang nagkakasiyahan sa pagsilang ng sanggol na may asul na mata ay siya namang paninibugho ng isang diyosa. Ang pinakamalakas na diyosa, ang diyosa na nagmamanipula ng apoy. Apoy na siyang tumupok sa buong bayan ng Bayya. "mamatay na kayong mga bampira!"nag iigting sa galit at umaapoy ang buong katawan na sigaw ng diyosa ng apoy. Nilingon nito ang buong paligid at tulad nga ng sinasambit nito ay nasunog ang lahat ng bampirang naroon. Nakarating sa kaharian ng Zacarias ang balita tungkol sa diyosa ng apoy. Maging ang hari at reyna ay nabahala sa nangyari sa kabilang kaharian. "hindi ako naniniwalang magagawa ito ng diyosa ng apoy.."bakas sa mukha ng reyna ang hinanakit lalo pa at ang kaharian ng Bayya ay kung saan ito lumaki at nagsanay bilang diyosa. "galit na galit ang diyosa ng apoy kamahalan, at tila walang makapigil sa galit nito."nagkatinginan ang reyna at hari sa balita ng isang kawal. "kung gayon ay maghanda kayo dahil maaaring magtungo dito ang diyosa ng apo--" "ako ba ang pinag uusapan niyo?"napasinghap ang mga naroon ng sumulpot ang diyosa ng apoy. "Tanasiri ano itong ginagawa mo?"tanong ng reyna sa diyosa ng apoy. "hindi ba at ako dapat ang nagtatanong ng bagay na iyan sa'yo? Batid mong iniibig ko ang hari ng Zacarias ngunit anong ginawa mo? Habang nasa misyon ako ay inakit mo siya!"sigaw ng nagdadalamhating diyosa. "hindi totoo ang binibintang mo! Ang reyna ay nakatakda sa akin!"sigaw ng hari na si haring Damian. Ang sakit at galit ay masasalamin sa mata ng diyosa ng apoy. Napasinghap ang lahat ng umapoy ang buong katawan ng diyosang puno ng galit. "hindi mo alam ang iyong sinasabi, 'pagkat ang diyosa na iyong ginawang reyna ay ang diyosa na nagmamanipula ng alaala."nagulat ang lahat sa narinig mula sa diyosa ng apoy. "ako, ako ang itinakda sa' yo.."ang mga mata ng diyosa ay nag uumpisa nang maging kulay abo muli mula sa kaninang kahel nitong mga mata. "Tanasiri.."ang reyna ay lumapit dito at lumuhod sa gulat ng lahat. "patawarin mo ako, ngunit sana ay maintindihan mo rin na umibig lamang din ako.."sambit ng reyna habang nakaluhod at umiiyak. "umibig? Hindi kailanman ipinagbawal ang umibig ngunit ang manipulahin ang alaala ng lalaking mahal ko ay isang mabigat na kasalanan, sa ginawa mong ito ay may diyosang mamamatay at ang hari na aking iniibig ay unti unti ring manghihina dahil sa iyong pagiging makasarili.."hindi nakakibo ang reyna. "kailanman ay hindi ako iibig sa diyosang pumatay sa aking lahi! Ang bayan ng Bayya at ang kaharian roon ay nagkakagulo dahil sa iyo!"ang mga salita ng hari ang siyang nagpasiklab sa nararamdaman ng diyosang nabigo. "hindi mo ako nakikilala 'pagkat ang reyna mo na si Shirada ay namanipula ka na--" "iyon ay dahil nais kong magpanipula! Hinayaan ko ito sa nais nitong gawin sa akin sapagkat hindi ko matanggap na ang nakatakda sa akin ay walang awang pinatay ang aking kapwa bampira!"ang ugat sa leeg ng hari ay naglabasan na at ang mata nito ay naging pula kasabay ng galit nito. Hindi makapaniwala ang diyosa ng apoy sa inasal ng hari pati na rin sa galit na nagdulot upang maging pula ang mata nito. Itinayo ng hari ang reyna nitong umiiyak at nakaluhod sa harapan ng diyosa ng apoy. "kung nais mong patawarin kita sa iyong ginawa ay huwag ka nang magpapakita pa sa akin!"ang mga salita ng hari ay parang punyal na tumusok sa diyosa. Lumuhod ang diyosa ng apoy sa gulat ng lahat at maging ng hari at reyna. Ang apoy na nakapalibot sa katawan nito ay naging kulay itim. "T-Tanasiri.."ang reyna ay hindi makapaniwala sa nakikita. "kung iyan ang nais mo mahal na hari ngunit pakinggan mo ang bawat sasabihin ko sapagkat ito na rin ang huling mga salita na iyong maririnig mula sa akin na tunay at tapat na naglingkod sa iyo at sa kaharian na ito.."wika ng diyosa ng apoy. "saksi ang langit sa aking poot at hinanakit! Ang init na dumadaloy sa bawat kaharian ng Zacarias ay bigyan ako ng lakas! Darating ang araw na ang prinsipe ay iibig sa isang diyosang katulad ko, kasabay nito ay mararanasan ng pinaghalong bampira at diyosa ang natamo kong pagdurusa! Saksi ang mga pulang mata ng bampira at ang abong mata ng diyosa, iibig ang prinsipe sa isang diyosa na siyang magiging dahilan ng kanyang walang hanggang pagdurusa!"ang apoy sa katawan nito ay kumalat sa buong kaharian bago ito tuluyang nawala sa paningin ng lahat. Natahimik ang kaharian ngunit ang biglaang pag iyak ng prinsipe ang siyang nagbigay takot sa buong mamamayan ng Zacarias. "maari mo bang bawiin ang sumpa ng diyosa ng apoy?"tanong ng hari sa reyna. "hindi, ngunit maari kong baguhin ang ilan.."ang sinabi nito ay nagbigay ng pag asa sa hari. "prinsipe na may asul na mata, tunay ngang ikaw ay iibig sa isang diyosa ngunit sa pagdurusa na iyong makukuha ay mawawala rin ang iyong alaala kasabay ng pagkabura ng sumpa ng naghihinakit na diyosa." Lumipas ang dalawang daang taon ay nanatiling tahimik ang kaharian ng Zacarias, at tulad nga ng ipinangako ng diyosa ng apoy ay nawala rin ito na parang bula. Ngunit kasabay nito ay ang panghihina ng hari, na kahit ang reyna ay walang magawa sapagkat batid nito na hindi ito ang itinakda para sa hari. "mahal ko.."ang umiiyak na reyna ang nagtatangis habang yakap ang hari na halos ay wala ng buhay. "b-bakit ninais mong kalimutan si Tanasiri kung batid mong ito ang iyong sasapitin?"ang reyna ay walang magawa at puno lamang ng katanungan. "mahal na reyna! Ipagpaumanhin ninyo ngunit nawawala ho ang mahal na prinsipe.."agad na napatayo ang reyna mula sa kinahihigaan ng hari. "saan ito nagtungo?"walang nakasagot sa tanong ng reyna kung kaya ito ay pumunta sa kanyang silid at kinuha ang kanyang salamin. "salamin ng alaala nais kong makita ang aking anak, saan naroon ang prinsipe ng Zacarias!"hindi tumugon ang salamin na siyang nagpakaba sa reyna. Iisa lamang ang ibig sabihin nito, isang diyosa rin ang humaharang sa kanyang kapangyarihan. _____________________ Samantala sa bayan ng Monggi na nasasakupan ng kaharian ng Alboleras. Buhat ng isang dalaga na may itim at alon along buhok ang mga labahin nang pumasok ito sa maliit na kubo kung saan ito naninirahan. "nanay narito na po ako."masayang wika ng dalaga habang inilalapag ang mga maruming damit para labhan. "nay?"tawag nito nang hindi makita sa paligid ang ina. Hinanap niya ito sa labas at tinignan na rin ang likod bahay pero wala talaga itong makita na bulto ng kahit na sino. "nasaan kaya si nanay?"nagtatakang bulong nito sa sarili. Nang matanaw nito ang ina na paakyat ng bundok ay napangiti ito at bahagyang nakahinga ng maluwag. Siguradong nanggaling nanaman ito sa tabing ilog malapit sa tulay ani nito sa isip. Hilig nito ang magpahangin sa lugar na 'yon sabi pa nito ay para daw itong bumabalik sa nakaraan sa bawat hampas ng hangin sa mukha nito. "nay!"sinalubong ng dalaga ang matanda at bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ang humahangos na dalaga. "kanina ka pa ba nakarating?"tanong nito sa huli. Ngumisi lamang ang dalaga dito at tumango. Ngumiti naman ito at bahagyang ginulo ang buhok ng anak. "hindi ba at sinabi kong huwag ka nang kikilos ng ganyan dahil dalaga ka na at bente anyos na."napanguso ang dalaga sa tinuran ng ina. "oh oh! Kakasabi ko lamang na kumilos ka ng nararapat sa edad mo."dagdag pa nito nang makita ang ginawang pagnguso ng dalaga. "nanay naman! Parang ayaw mo naman akong pakilusin ng maayos."kunyari ay nagtatampong anas ng dalaga. Natawa ang matanda at niyakap ng mahigpit ang anak, sa sobrang higpit nga ay parang mapipigtal ang hininga ng dalaga. "hindi naman sa ganoon, ang akin lamang ay gusto ko lamang na matuto kang kumilos ng mahinhin, at isa pa huwag mo rin sana kalilimutan ang aking mga paalala tungkol sa iyong kapangyarihan."mahabang litanya ng ina ng dalaga habang masuyong hinahaplos nito ang pisngi ng huli. Ngumiti na ang dalaga at hinila ito papunta sa mga maruming damit na dala nito kanina. "anak napakarami naman yata nito?"gulat na bumaling ang matanda dito kaya naman inakbayan ito ng dalaga. "gagawin ko ito nanay para may panghanda tayo kahit papaano sa kaarawan mo."sumilay ang ngiti sa labi nito sa mga sinabi. "salamat anak, tunay ngang hulog ka ng mga diyosa mula sa langit sa 'yong kabutihan."naiiyak na anas ng matanda. Batid nila na hindi sila magkadugo o lahi dahil hindi lingid sa dalaga na siya ay napulot lamang sa tulay ng matanda nang minsang ito' y bumaba mula sa bundok na tinitirahan. "lahat gagawin ko nanay para sa' yo.."bulong ng dalaga na may tono nang pasasalamat at pagmamahal para sa matanda. "salamat."wika ng matanda habang lumuluha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Favorite Subject

read
216.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook