bc

750 HOURS

book_age18+
11.8K
FOLLOW
68.3K
READ
revenge
contract marriage
playboy
arrogant
badboy
CEO
bxg
office/work place
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R-18+

Matapos makapasok ni Cleofaith ‘Cleo’ Mandrid sa Hampton Group of Companies ay parang panaginip ang lahat sa kaniya. Bibihira lamang makapasok sa kumpanya na iyon kung hindi naka-graduate ng kolehiyo.

Ngunit siya ay hindi man lang nakatungtong koleyo, ngunit nang pakiusap siya ng secretary ng kaniyang boss na si Hugo Samuel Hampton na maging tempopary secretary sa Palawan sa loob ng seven hundred and fifty hours, ay hindi na ito nag-isip pa at dali-dali niya iyong tinanggap ang trabaho.

Ngunit paano na lamang kung ang boss mo ay ang asawa mo na iyong nalimutan?

 

 

 

 

“Sure ka po?” agad kong tanong sa kausap kong babae nang matanggap ako agad sa Hampton Group of Companies, bilang isang accounting clerk. Para sa akin ay kakaiba naman iyon. Hindi pa man niya natitignan ang kabuuan ang aking resume ay tanggap na ako. 

 

 

“Ayaw mo ba? Kasi hiring talaga kami ngayon at kulang na rin sa tao, kaya kung ayaw mo ay sabihin mo na agad,” nang sabihin niya iyon ay mabilis na akong umiling. “Nako! Hindi! Hindi lang talaga ako makapaniwala…” kamot ko pa sa aking noo. 

 

 

 

“Kung gano’n ay bukas na bukas ay mag-uumpisa ka na, kung iyon ay ayos lang sa ‘yo?” ngumiti siya sa akin nang itanong niya iyon. “O-okay lang!” kahit hindi ko na alam, kung sasabihin ko pa ba sa kaniya na tignan ang aking resume. 

 

 

Hindi kasi ata tama na bigla na lamang niya akong tanggapin nang kunin lamang ang resume ko at biglaan na akong magkaroon ng posisyon sa Hampton Group. 

 

 

 

Ngayon ay April twenty-one, dahil sa hirap ng buhay ay hindi ko alam, kung bakit ko naisip na mapadpad sa company na ito. Ang sabi kasi nila ay isa raw ito sa mga malalaking magpasahod, lalo ngayon na hindi naman ako nakapagtapos ng college at nagsisimula lang muli sa buhay. 

 

 

 

Wala na akong magulang at hirap sa buhay, ngunit ngayon ay para akong binagsakan ng blessings, dahil sa pagtanggap sa akin. 

 

 

Kaya nang dumating ang kinabukasan ay masaya akong pumasok sa Hampton Group, bilang isang accounting clerk. 

 

 

“Kumusta po,” pagbati ko sa karamihan mula sa aming department nang makaakyat ako sa itaas. “Cleo, right?” tanong sa akin ng babaeng kausap ko lamang kahapon na bigla akong tinggap. “O-opo,” agad kong sagot.

 

 

Parang hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa, pero bilang paggalang na lamang ang aking po at opo sa kaniya. 

 

 

“Tutulungan ka na lang nila sa mga kailangan mong gawin. As of now, dahil wala ka pa namang experience as A.C ay under-training ka muna, ha?” hawak niya pa sa aking braso. Tumungo-tungo lamang ako at tinignan ang mga kasama kong busy sa pagta-type sa kanilang keyboard. “They kinda… busy,” ani ng babae. 

 

 

“Well, hindi ko pa pala nakakapilala ang sarili ko sa ‘yo… I’m Anie Reah, pero Anie na lang…” hawak niya pa sa kaniyang dibdib. Sunod no’n ay agad niyang inabot ang kaniyang kamay sa akin. Mabilis ko naman iyong tinanggap at ngumiti. “C-cleo, Cleofaith…” pagpapakilala ko, kahit alam ko naman na kilala na niya ako. 

 

 

Ngumiti siya sa akin at tumungo. 

 

 

 

“Ako nga pala ang secretary ng Chief Executive Officer,” sabay turo niya pa sa taas. Para akong napanganga sa kaniyang sinabi. Siya ang secretary? Ibig sabihin ay gano’n siya kataas, para makasama ang C.E.O ng company na ito. “Dalhin na kita sa cubicle mo…” hawak niya pa sa aking braso at agad naman akong idinala sa isang hindi naman kaliitan na cubicle, ngunit kitang-kita ko naman ang cctv na nakatutok sa banda ko. 

 

 

Nakuha ni Ma’am Anie ang tinitignan ko, kaya nang itaas niya rin ang kaniyang paningin ay natawa naman siya. 

 

 

 

“Maraming cctv talaga dito… marami kasing tamad-tamad, kaya marami rin ang natatanggal. Mag-ingat ka, baka mamaya ay mahuli ka at tanggalin ka, ha?” ilang tapik ang ginawa niya sa aking braso na ikinakaba ko. 

 

 

Muli kong pinagmasdan ang cctv na animo’y parang sinusundan rin ang aking galaw. 

 

 

“Anyways, congrats!” pagpaalam niya pa sa akin at agad na umalis. Ngayon ay mag-isa na lamang akong nakaupo sa aking upuan. Pinagmasdan ko ang cctv na nakaharap sa akin at napanguso. “Hi? Ikaw pala ‘yung bago,” masayang bati sa akin ng isang babae na mula sa kabilang cubicle. 

 

 

“Chelley, pero tawagin mo na lang akong Chel,” ngiti niya pang sabi sa akin at inilahad rin ang  kaniyang kamay. “Good to know na nakapasok ka rito… siguro ay nakatapos ka sa magandang paaralan.” turo niya pa sa akin na may naniningkit na mata. 

 

 

Napawi ang ngiti ko. Hindi nga ako naka graduate ng college sa pagkakatanda ko. 

 

 

“I-ikaw? Saan ka ba nag-aral?” tanong ko sa kaniya. “Ateneo, ikaw?” mas lalo lumaki ang butas ng ilong ko. Ni hindi nga ako nakatungtong o nakapaapak man lang sa kahit anong unibesidad n

chap-preview
Free preview
PROLOGUE (CLEO'S POV)
“Sure ka po?” agad kong tanong sa kausap kong babae nang matanggap ako agad sa Hampton Group of Companies, bilang isang accounting clerk. Para sa akin ay kakaiba naman iyon. Hindi pa man niya natitignan ang kabuuan ang aking resume ay tanggap na ako. “Ayaw mo ba? Kasi hiring talaga kami ngayon at kulang na rin sa tao, kaya kung ayaw mo ay sabihin mo na agad,” nang sabihin niya iyon ay mabilis na akong umiling. “Nako! Hindi! Hindi lang talaga ako makapaniwala…” kamot ko pa sa aking noo. “Kung gano’n ay bukas na bukas ay mag-uumpisa ka na, kung iyon ay ayos lang sa ‘yo?” ngumiti siya sa akin nang itanong niya iyon. “O-okay lang!” kahit hindi ko na alam, kung sasabihin ko pa ba sa kaniya na tignan ang aking resume. Hindi kasi ata tama na bigla na lamang niya akong tanggapin nang kunin lamang ang resume ko at biglaan na akong magkaroon ng posisyon sa Hampton Group. Ngayon ay April twenty-one, dahil sa hirap ng buhay ay hindi ko alam, kung bakit ko naisip na mapadpad sa company na ito. Ang sabi kasi nila ay isa raw ito sa mga malalaking magpasahod, lalo ngayon na hindi naman ako nakapagtapos ng college at nagsisimula lang muli sa buhay. Wala na akong magulang at hirap sa buhay, ngunit ngayon ay para akong binagsakan ng blessings, dahil sa pagtanggap sa akin. Kaya nang dumating ang kinabukasan ay masaya akong pumasok sa Hampton Group, bilang isang accounting clerk. “Kumusta po,” pagbati ko sa karamihan mula sa aming department nang makaakyat ako sa itaas. “Cleo, right?” tanong sa akin ng babaeng kausap ko lamang kahapon na bigla akong tinggap. “O-opo,” agad kong sagot. Parang hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa, pero bilang paggalang na lamang ang aking po at opo sa kaniya. “Tutulungan ka na lang nila sa mga kailangan mong gawin. As of now, dahil wala ka pa namang experience as A.C ay under-training ka muna, ha?” hawak niya pa sa aking braso. Tumungo-tungo lamang ako at tinignan ang mga kasama kong busy sa pagta-type sa kanilang keyboard. “They kinda… busy,” ani ng babae. “Well, hindi ko pa pala nakakapilala ang sarili ko sa ‘yo… I’m Anie Reah, pero Anie na lang…” hawak niya pa sa kaniyang dibdib. Sunod no’n ay agad niyang inabot ang kaniyang kamay sa akin. Mabilis ko naman iyong tinanggap at ngumiti. “C-cleo, Cleofaith…” pagpapakilala ko, kahit alam ko naman na kilala na niya ako. Ngumiti siya sa akin at tumungo. “Ako nga pala ang secretary ng Chief Executive Officer,” sabay turo niya pa sa taas. Para akong napanganga sa kaniyang sinabi. Siya ang secretary? Ibig sabihin ay gano’n siya kataas, para makasama ang C.E.O ng company na ito. “Dalhin na kita sa cubicle mo…” hawak niya pa sa aking braso at agad naman akong idinala sa isang hindi naman kaliitan na cubicle, ngunit kitang-kita ko naman ang cctv na nakatutok sa banda ko. Nakuha ni Ma’am Anie ang tinitignan ko, kaya nang itaas niya rin ang kaniyang paningin ay natawa naman siya. “Maraming cctv talaga dito… marami kasing tamad-tamad, kaya marami rin ang natatanggal. Mag-ingat ka, baka mamaya ay mahuli ka at tanggalin ka, ha?” ilang tapik ang ginawa niya sa aking braso na ikinakaba ko. Muli kong pinagmasdan ang cctv na animo’y parang sinusundan rin ang aking galaw. “Anyways, congrats!” pagpaalam niya pa sa akin at agad na umalis. Ngayon ay mag-isa na lamang akong nakaupo sa aking upuan. Pinagmasdan ko ang cctv na nakaharap sa akin at napanguso. “Hi? Ikaw pala ‘yung bago,” masayang bati sa akin ng isang babae na mula sa kabilang cubicle. “Chelley, pero tawagin mo na lang akong Chel,” ngiti niya pang sabi sa akin at inilahad rin ang kaniyang kamay. “Good to know na nakapasok ka rito… siguro ay nakatapos ka sa magandang paaralan.” turo niya pa sa akin na may naniningkit na mata. Napawi ang ngiti ko. Hindi nga ako naka graduate ng college sa pagkakatanda ko. “I-ikaw? Saan ka ba nag-aral?” tanong ko sa kaniya. “Ateneo, ikaw?” mas lalo lumaki ang butas ng ilong ko. Ni hindi nga ako nakatungtong o nakapaapak man lang sa kahit anong unibesidad ng pang kolehiyo. “Ah! Oo nga pala, training pa kasi ako rito. Alam mo ba kung sino ang magte-train sa akin?” pag-iiba ko nang usapan. Tumungo naman siya sa akin at tila may itinuro sa kung saan, ngunit napanguso ito. “Wala rito iyong laging naatasan sa pag-train, e… pero, ‘wag kang mag-alala, madali lang naman. Mayroon ka namang background sa mga ganito, ano? Hindi kasi nakuha ang Hampton Group nang walang experience…” bulong niya pa sa akin na mas lalong ikinakaba ko. Kaya ako narito, para mag-apply nang kahit janitor man lang, pero ang ibinigay sa akin ay mataas na trabaho. Baka naman mamaya ay nagkamali lang si Ma’am Anie nang ibinigay na trabaho sa akin. “A-ah! Oo nga, nasabi sa akin…” pagkukunyari ko, ngunit sa loob-loob ko ay para na akong kinakatay sa takot. Ni hindi nga ako masyadong marunong sa math! Tapos ngayon ay nasa accounting pa ako! Ilang oras pa ang lumipas nang nakaupo pa rin ako sa aking upuan at panay tingin lamang sa aking mesa at computer. Nagkukunyari lamang ako na may ginagawa, dahil nakatapat sa akin ang cctv. “Cleo!” isang malambing na boses ang tumawag sa akin. Nang mapalingon ako ay nakita ko na agad si Ma’am Anie na papalapit sa akin. “Cleo, sorry… kung alam ko lang na hindi papasok si Jeff ay hindi ka na muna sana kita pina-start ngayon,” nguso niya pang sabi sa akin. “Masyadong busy kasi ang mga naririto, kaya mahirap na makiusap na I-train ka, kulang na kasi kami sa tao…” nguso niya pang muli na sabi sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya, kahit abot na ang kaba sa aking dibdib. “Pero ito nga!” hila niya ako agad sa hindi kalayuan na destinasyon. “Pwede ka bang pumalit muna sa akin? Nakikita ko naman kasi na compatible ka sa kahit saan,” tumaas-taas pa ang kaniyang kilay na may pagnguso pang sabi. “P-po?” mali ba ang pagkakarinig ko? “Ma’am Anie…” muli ko pang tawag sa kaniya na may pagngiti nang nahihiya. “Ma’am Anie, hindi ko pa nga po alam ang trabaho ko at unang araw ko pa lang po ay nahihirapan na ako… iyon pa kayang palitan ka?” kamot ko pa sa ulo ko. “Alam ko naman na kailangan mo ng trabaho, kaya nga pinasok kita. Nakitaan kasi kita ng potential at alam kong pwedeng-pwede ka talaga!” hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi. “Saan po akong pwedeng-pwede? Saka alam niyo po na hindi ako nakapag-college, pero tinanggap niyo pa rin po ako-” bago ko pa iyon matuloy at natakpan niya na ang bibig ko. “Alam ko na iyon, pero ‘wag mo na lakasan. Ito ang deal… ikaw muna ang papalit sa akin ng seven hundred-fifty hours, pero ang makukuha mo ay ang trabaho na ayan…” turo niya sa cubicle ko. “Mahirap ang buhay ngayon, Cleo…” kinagat ko ang aking labi. “Alam ko naman po iyon, pero bakit po ako? Marami naman pong iba d’yan na kung tutuusin ay mas maraming alam sa akin-” “Ang problema kasi ay walang pumapayag, Cleo…” natahimik ako agad nang bigla niya iyong sabihin sa akin. “Five digits ang sahod sa isang buwan at maniwala ka o sa hindi ay fifty thousand ang pwede mong kitain sa isang buwan. Imagine that, Cleo… gusto mo bang makapag-college?” tumaas ang tingin ko sa kaniya. “Paano niyo po nalaman ang gusto ko?” nang itanong ko iyon sa kaniya ay ngumiti lang siya. “Ako ‘yung bumili sa ‘yo ng ukay sa may palengke, hindi mo ba ako naalala? Tinanong kita, kung bakit ka nagtatrabaho at ang sabi mo ay gusto mong makapag-college… kaya nga narito ka ngayon, dahil sa ibinigay ko sa ‘yong calling card…” natahimik ang puso ko at tila natuwa sa kaniya. Siya na ata ang aking angel, dahil sa pagbigay niya sa akin ng ganitong gabay. “Kaya kung sana ay pagbigyan mo na rin ako… hindi ko kasi kayang iwanan ang anak ko sa ibang tao,” nanghihina niya pang sabi. “S-saan po ba pupunta? Saka bakit naman po seven hundred… ano po?” hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya. “One month at two or three days… ang seven hundred-fifty hours ay isang buwan at dalawang araw,” ngiti niyang sagot. “Oh, my gosh…” iyon na lamang ang nasabi ko. Gano’n na ba talaga dapat katalino sa Hampton Group, para ang sabihin lang na ilang buwan ay iko-convert pa sa oras? “Deal?” ibinaba niya pa ang kaniyang tingin sa akin. “D-deal…” sabay apat sa kaniyang nakalahad na kamay sa akin. Wala na itong atrasan…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook