bc

Probinsyana Series: Book 1- I sold my soul to the devil (Com

book_age18+
3.3K
FOLLOW
22.9K
READ
possessive
sex
sadistic
badboy
CEO
bxg
cheating
love at the first sight
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila.

Hindi ko lubos maisip na ang pagpunta ko pala sa maynila ang siyang maglulubog sa akin at magpapatikim sa akin ng KAPIT SA PATALIM.

Habang nag aaral ako ay pinasok ko ang buhay entertainment. Isang entertainer sa club mabigyan man lang ng kaunting ganasya ang pamilya ko sa probinsya at makatulong sa pagbabayad ng matrikula ko.

Isang malamig na gabi habang busy akong nag aaral sa club ay biglang napukaw ng atensyon ko ang isang lalaki. Nakatitig ito sa akin! Malagkit! Sobrang lagkit! para akong binuhusan ng malamig na tubig habang hindi nawawala ang tingin ko sa kanya. Mas lalong nanglambot ang mga buto ng lumapit siya sa akin at pinili akong sumama sa kanya sa kwarto.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
"Raise your hands w***e!" , "What punishments do you want me to do to you?" galit na sambit ko. Nanginginig na tumugon si Emily sa akin "Kahit anong gusto mong gawin sa akin! Bahala ka na! Si Cindy ang nagpadelay ng shooting siya po ang pagalitan nyo wag ako," "Bring her to me! NOW!" Dali-daling bumaba si Emily para sunduin si Cindy sa baba. Emily's POV "That evil w***e! Sapakin ko na tong demonyo na to eeh!"  Magulo at maingay ang set ng natagpuan ko. Gusto kasi ni Cindy ng may music para inspiring daw ang photoshoot. "Good Cindy! Awra!"  "Seductive post!" "Good Job Cindy!" "Change suit pls!" sigaw ng photographer. I was glaring at her! yamot na yamot ako kaya agad ko siyang nilapitan at hinila papunta kay Lucio. "Sumama ka sa akin kung gusto mo pang mabuhay! Sabihin mo diyan sa manager mo na hihiramin ka kamo ni Luci," galit na sambit ko sa kanya. "Bakit ba? Anong meron?" nag iinarteng sambit niya sa akin. "Tawag ka ni Lucio!" sabay kaltok sa kanya. "Aww! Sinasaktan mo yung model nyo! Baka di mo ko kilala Emily? Ako lang naman ang...," putol na sambit niya sa akin. , "Babe!" sigaw niya sa likod ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ma'am Celine na nakatingin sa amin. Yumuko ako sa kanya at sabay hablot kay Cindy papasok sa elevator. Walang salita ang lumabas sa aming bibig hanggang sa dumating kami sa floor ng office ni Sir Lucio. Pagkatigil ng elevator ay agad kaming lumabas para pumasok sa opisina ni Lucio. "Nandito na po kami Sir Lucio," nakangiti kong sambit. Pagpasok namin ay agad na tumakbo si Cindy kay Lucio. "Babe! Sinaktan ako ni Emily! Fire her or ako ang mawawala sayo!" galit na sambit ni Emily kay Lucio. "No! Your Fired Cindy! Alam mong ayoko ng mga paanganga dito sa kumpanya ko! Madaming magagandang babae diyan sa labas kayang-kaya kitang palitan! And you! you! Emily ililipat kita ng department. Ayoko ng amazona dito sa office ko," sambit niya sa akin. Hindi ko alam bakit parang mas sumaya ang buhay ko ng ililipat ako ni Lucio sa ibang department. Hindi ko na siya makikitang muli! Yes! "I will sue you Lucio!" galit na sambit ni Cindy kay Lucio. "Go!" habang winawasiwas ang kamay niya kay Cindy. , "Cindy! Here's your cheque! 1 Million for your work, Thanks!" habang hagis-hagis ni Lucio ang cheke kay Cindy. "I will go this for now! but i will comeback! at sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong mag hahabol ka!"  "Go!" This is my last day as a secretary of Mr. Lucio Javier aka "Lucifer o Luci" Iglesias.  "Saan mo ko ililipat Sir Lucio?" tanong ko sa kanya. "Doon ka kay Celine, Bahala ka sa buhay mo kung saan mo gusto! I need a new secretary right NOW!" , "Ang bo-bobo ng mga tao ngayon humanap ka ng high standard! Ayoko ng mga paanganga! gusto ko ng maganda, sexy at MATALINO. Hindi ko alam bakit isang bansot at amazona ang napunta sa akin! Hala sige alis!"   Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Lucio mas lalong nadagdagan ang galit ko sa kanya. At the same time thankful pa rin ako dahil hindi ako nawalan ng trabaho at nawala sa paningin ko ang panget na boss ko. Lumabas ako sa kwarto niya nakangiti hindi katulad ni Cindy na umiiyak na lumabas.  Wala talagang mag tatagal na secretary tong animal na to dahil sa sobrang gaspang ng ugali! Bastos na nga! Pasmado pa ang bunganga! "Nakakagigil talaga tong si Lucifer!" inis na sambit ko. (SWITCHING SCENE) Gianna's POV Nagtatatalon ako ng nakita ko ang message sa akin ng inapplyan kong iskwelahan sa maynila. Walang mapaglagyan ang kagalakan sa puso ko. Agad akong tumakbo sa palayan upang hanapin ang Inay at Itay. "Inay! Itay!" sigaw ko habang lumuluha. Agad na tumayo sila Inay at Itay sa pagtatanim ng palay sa bukid at lumapit sa akin. "Anong meron Anak?" naguguluhang tanong sa akin ni Inay. "Nakapasa ako sa entrance exam! Makakapag aral na po ako ng college!" excited kong sambit sa kanila. Naluha si Inay sa sinabi ko at agad akong niyakap. "Magkakaroon na ako ng Nurse na anak!" sambit ni Inay sa akin. "Opo Nay! Kapag grumadwayt na ako sa Nursing School hindi na kayo mag tatrabaho pa dito nalang kayo sa bahay," masaya kong sambit sa kanila. "Kailan ang luwas mo sa maynila anak?" tanong ni Itay sa akin. "Sa makalawa na Tay kaya mag aayos na po ako ng mga gamit ko," sambit ko kay Itay. "Sige ibebenta ko na si Ronald para may pang gastos ka sa maynila, Kami na muna ng Inay mo ang bahala sa mga kakailangang mo sa school hanggang sa makagraduate ka. Galingan mo anak!" sambit ni Itay sa akin. "Opo Itay! Ipapangako ko sayo na magtatapos ako ng pag aaral ko at iaahon ko ang buhay natin sa kahirapan! Hindi na kayo magpapagabi sa palayan sa susunod," nakangiti kong sambit sa kanila. Pagkabalita ko ng magandang balita sa magulang ko ay agad akong umalis at bumalik na sa bahay namin upang mag impake ng mga gagamitin ko sa pagluwas ko sa maynila. Nakausap na din namin si Tiyang Marites upang doon muna ako makikituloy hanggang sa makatapos ako ng pag aaral ko. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang nobyo kong si Aeron. May dala itong mga bulaklak at Tsokolate. Agad ko siyang nilapitan at kinausap. "Ooh? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Namiss lang kita Gia," panlalambing niya sa akin. "Aalis ako sa makalawa. Luluwas ako pamaynila para ituloy ang pangarap ko na maging nurse," sambit ko sa kanya. "Ano? diba napag usapan na natin to? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo nung nakaraang linggo?" galit na sambit niya sa akin. "Hindi mo ako mapipigil sa gusto ko! Pangarap ko to! Kung hindi mo naiintidihan to mag hiwalay nalang tayo!" galit kong sambit sa kanya. "Bakit? Ano pang wala ako Gia? Mayaman kami! Kayang-kay  kitang buhayin hindi mo na kailangang mag trabaho pa. Papahigain kita sa malambot na kama, Pangako yan," sambit niya sa akin. "Hindi ako pinanganak para maging palamunin ng ibang tao! Kaya kong yumaman ng hindi ako humihingi ng tulong ng iba! Salamat Aeron pero mukang hindi mo ako naiintindihan. Maghiwalay nalang tayong dalawa!" sambit ko sa kanya. Hinawakan ako sa kamay ni Aeron. Galit na galit! Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. "Hindi ka na makakawala sa akin Gia! Ako ang nag mamay-ari sayo! Baka naman kaya ka nag mamadaling lumuwas ng baryo dahil may kikitain ka sa Maynila?" galit na sambit niya sa akin. "Bitawan mo ako Aeron! Wala akong kikitain na iba sa maynila! wag mo akong igaya sayo babaero!" sabay hampas ng dala niyang bulaklak sa akin. , "Tapos na tayo aeron! Tapos na! Wag na wag ka ng babalik pa dito sa pamamahay ko dahil itutulak lang kita palabas!" galit kong sambit sa kanya. "Hindi pa tayo tapos Gia! Tandaan mo ako ang nag ahon sayo sa putik sakin ka din babagsak pinapangako ko yan!" galit niyang sambit habang papalayo sa akin. "Fvck you ka! Wag ka ng babalik dito!" sigaw ko. Lumabas ng bahay si Aeron na galit na galit. Hindi ko lubos maisip na ng dahil lang sa desisyon ko na makapag aral sa maynila ang siyang magpapahiwalay sa amin ni Aeron. Sa sobrang galit ko ay pinagtatapon ko lahat ng mga gamit na binigay niya sa akin at sinunog ito. Sinimulan kong kalimutan si Aeron ng mga araw na ito para sa pangarap ko. "Lahat ng memorya na meron tayo itatapon ko! Mag aaral ako ng mabuti Aeron para ipamumukha ko sayo na kapag nakagraduate ako na hindi ko kailangan ang yaman mo! Hinding-hindi ako aasa!" galit kong sambit habang unti-unting pumapatak ang ma luha sa mata ko. Dahil sa sobrang sama ng loob ko ay napabili ako ng bilog sa tindahan. Nakaupo ako sa kubo noon katapat ang isang bote ng gin. Paubos ko na ang laman sa loob nito ng dumating sila Inay at Itay galing bukid. "Ohh? Anong ginagawa mo diyan Gia?" tanong sa akin ni Itay. "Wala ho Tay! Nag lalabas lang po ng sama ng loob!" galit kong sambit. "Bakit anong nangyari?" tanong sa akin ni Itay. "Pumunta mo kasi si Aeron dito sa bahay kaninang hapon tapos po nag away kami dahil sa luluwas ako pamaynila. Hanggang po sa minaliit na niya ako," sambit ko kay Itay habang humihikbi-hikbi. "Aba! loko yun aah! Hayaan mo bukas na bukas papagalitan ko!" galit niyang sambit. "Wag na Tay! Wala tayong kapangyarihan labanan ang matapobreng pamilya na yun tsaka po hiniwalayan ko na din siya para sa ikabubuti ko," sambit ko sa kanya. "Ok ka lang ba anak?" tanong sa akin ni Inay. "Masakit pero kailangan ko pong kayanin Inay para sa pangarap natin," sambit ko kay Inay habang umiiyak. "Lalaban tayo anak! Naniniwala ako sa kakayahan mo," habang hipo-hipo ni Inay ang ulo ko. "Opo Inay! Pagbubutihan ko po ang pag aaral ko sa maynila para makatulong ako sa inyo ni Itay, Mahal ko po kayo," sambit ko sa kanila. "Mahal ka din namin anak." sambit ni Inay at Itay sa akin. Wala ng lumabas na salita pa sa akin niyakap ko nalang silang dalawa hanggang sa makatulog ako sa kubo na mag isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook