bc

Because It's You

book_age12+
1.0K
FOLLOW
4.2K
READ
friends to lovers
brave
twisted
bxg
campus
highschool
friendship
like
intro-logo
Blurb

Why do we need to love? Why do we need to sacrifice? Is it worth to fight for the person we love and unfortunately at the end of the day, we'll just end up crying?

Can the time really heals all unforgettable and unbearable wounds? Can the time really tells what will happen? And can the time really helps us to move forward? Or hold on to the pass?

Is Destiny true?

What will you choose, your time on yourself? Or the time itself?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Cause it's you and me, And all of the people With nothing to do, nothing to lose, And it's you and me, And all of the people And I don't know why I can't keep my eyes off of you...”   Sa tuwing maririnig ko ang kantang iyan, laging bumabalik sa akin ang nakaraan. Lagi akong dinadalaw nang una kong pag-ibig sa aking diwa. Lagi akong nababalisa sa unang sakit na naramdaman at nadama ko. Lagi akong nakatingin sa hangganan ng lugar kung saan ako iniwang mag-isa, nagbabakasakali na muli kong makita ang una kong pag-ibig, na muli ko siyang makasama, na muli ko siyang mahawakan.   Ako nga pala si Janina, Ja na lang, iyan kasi ang tawag sa akin, at ito ang kwento ko…   "Ja!" napalingon ako, ah, si James lang pala.  "Ja, sama ka?" tanong niya na nakisabay na din sa akin sa paglalakad.  "Saan mo na naman ako dadalhin?" tanong ko dito.  "Basta,” sagot nito, “Matutuwa ka naman eh..." sabay batok ko naman sa kanya.  "Iyan ka na naman sa kalokohan mo Jam, ah?!" at ginusot niya ang buhok ko sa ibabaw at tinakbuhan ako, "Epal ka talaga!" sigaw ko dito na inirapan pa siya habang papaalis habang siya ay nangingiti lang sa akin.   Siya si Jam, ang best friend ko. Siya ang takbuhan ko kapag may problema ako. Siya ang sandalan ko kapag sobrang nasasaktan ako. Siya lang at wala ng iba.   "Jam!" sigaw ko nang maalala ko ang sinabi niya sa akin, "Text mo na lang ako kung anong oras ah, hihintayin ko," sabi ko habang nakangiti. Ngumiti rin siyang muli sa akin at kumaway.   Iyan ang bestfriend ko. Hindi marunong magalit at magtampo sa akin dahil love na love ako bilang BEST FRIEND.   Parehas kaming nag-aaral at syempre parehas ding graduating ng high school, kaso hindi kami magkaklase. Newton kasi siya, Archimedes naman ako pero hindi iyon naging hadlang para hindi kami maging mag-best friend.   Nursery pa lang kasi magkaklase na kami at talagang makulit siya, kahit ang teacher namin noon nakukulitan sa kanya habang ako naman ay hindi ganoon kakulit, sakto lang.   Noong mag-kinder naman kami, lumipat siya ng school pero magkapitbahay pa din naman kami kaya nakakalaro ko pa din siya, magkakilala kasi ang mga magulang namin.   One time nga habang naglalaro kami, nadapa ako at inalalayan nya ako. Ang sabi pa nga niya, "Lampa ka talaga, Ja kahit kailan," sabay tawa ng malakas, gano’n kasi siya, mapang-asar, sabayan pa ng pagiging sobrang palabiro at maloko, pero kung hindi mo siya sasakyan, hindi mo din siya magiging ka-close.   Nang mag-prep naman kami, lumipat sila ng bahay, pero pumupunta pa rin siya sa playground. Doon kasi namin paboritong maglaro kaya lagi siyang nando’n. Paborito namin ang mataya-taya at taguan, at kahit kaming dalawa lang ang naglalaro, masaya naman kami.   Grade one kami ng bumalik ulit siya sa school na parehas naming pinasukan, hindi raw kasi niya makasundo ang mga classmates niya sabi ni tita Jane, tita niya na tagapag-alaga niya, nasa probinsya kasi ang mga magulang ni Jam. Pero hindi pa din kami magkaklase. Chastity siya habang ako naman ay Trustworthy pero magkalapit pa din naman ang mga sections namin.   Kahit noong grades 2 onwards, gano’n pa din. Ni minsan hindi kami naging magkaklase pero magkasama pa din naman kami at magkalaro sa bahay nila o kaya naman minsan ay sa amin. Nursery lang talaga kami naging magkaklase, hehe.   "Ja!" may tumawag muli sa akin.  "Oh, ikaw lang pala ‘yan, John, bakit?" tanong ko dito nang makalapit na siya sa akin. "We are of the same group in Math, right?" tanong nito sa akin.  "Um,” tango ko, “Bakit?" sumabay na kasi siya sa paglalakad ko.   "Are you not coming for our group work?” naglalakad na kami nang mapahinto ako sa sinabi niya. "Oo nga pala,” naisip kong bigla, “Sige, sasama ako, I mean, I will come later," Sagot ko dito. “Why later pa?” tanong niya na kinatingin ko ditong bigla ng patanong, “Hah?”   "I mean, let’s go, come with me, sabay na tayo,” aya niya sa akin. "Pero teka......" napatigil ako at napaisip, Paano nga pala si Jam? May usapan kami na sasama ako sa pupuntahan niya ngayon.   "Why, Ja, is there something wrong?" tanong ni John kasi bigla akong tumahimik, "May problema ba?" he asked nang mapansin niyang napatigil ako sa paglakad.   "Ahh... kase.... w-wala!" sagot ko na lang dito, "Tara na nga!" sabay sabi ko at hinatak ko na lang siya.   Bahala na lang mamaya, siguro naman maaga kaming matatapos sa group work namin.   - - - - - - - - - -   Nasa bahay na kami ng kaklase namin na si Joan at gumagawa na ng group work namin, ng may ma-receive akong text galing kay Jam, at ang sabi sa text ay:   From: James San kna Ja? D2 tau kta s plygrnd ah? w8 kta!   Ganyan kasi kami mag-text, hehe.   Oo nga pala, hinihintay niya ako, pero paano ako makakapunta sa playground kung nandito ako sa group work namin? Hay, ano ba naman iyan, kahit naman kasi mainis ako, wala din akong magagawa.   Ako na ngang bahala. Magagalit iyon, pero wala naman talaga akong magagawa, hindi naman ako pwedeng umalis dito at baka magalit sa akin ang mga ka-grupo ko.   Nag-reply na lang tuloy ako sa kanya ng ganito,   To: James Sorii Jam.. D aq mkkpnta.. D2 aq knla Joan ee.. Gmgwa kme ng grpwrk.. Soriiiiiiiiiiii:(   Pagka-send ko ng message ko na iyon ay nalungkot ako, nag-promise pa naman kasi ako sa kanya na sasama ako tapos hindi naman pala matutuloy ang promise ko na iyon, kainis lang, nakaka-badtrip.   Napatingin akong bigla ng tumunog ang phone ko at pangalan niya ang nag-appear sa notif ko. Napangiti naman ako sa unang line ng text message na nabasa ko pero sa sumunod na text nito ay hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko.   From: James Ok lng.   From: James ksma q nmn c Jek ee. 2m nlng. kta tau s skul aa? Bye. Ingat pag-uwi mo.   Iyan ang naging text niya na kinagulat ko.   Ano?! Sino si Jek? napaisip ako.   Wala naman siyang sinasabi na meron siyang tropa na ang pangalan ay Jek, o kaya naman eh girlfriend kase ako lang ang girlfriend niya, yes, babaeng kaibigan.   Hmmm........ Sino kaya 'yon?!   Nang matapos ang gabing iyon, hindi ko na siya na-text kasi hindi na din naman ito nag-text sa akin.   - - - - - - - - - -   Kinabukasan…   "RING!!!!!!!!!" tunog ng alarm clock ko, "AHHHHHHHHHHRRRRRR!” inis kong sambit dito,  “Ang ingay mo!" kinuha ko ito at pinindot ang button para hindi na tumunog ulit, "Inaantok pa ako eh, tunog ka na nang tunog diyan," sabi ko tuloy habang naiinis na kinakausap ito.   Para akong baliw, kinakausap ko pati gamit ko, hmf!   Matutulog pa sana ako ng biglang, "Tok tok tok!" medyo malakas na katok mula sa aking pinto ang nagpagising ng diwa ko, "Sino ‘yan?" tanong ko habang nakatalukbong ng kumot dahil gusto ko pang matulog, Arrrrrrrr! An gaga-aga namang mang-istorbo!   "Si Jam ‘to!" Hah, si Jam?! Anong ginagawa niya dito?! “Buksan mo ang pinto, Ja,” dagdag pa nito.   Pagkarinig sa nagsalita ay tumayo akong bigla at nagpunta sa banyo ko. May sarili kasi akong bathroom sa room ko, at agad agad akong nagmumog, toothbrush at nag-mouthwash. Paglabas ko, nagulat ako dahil nakaupo na si Jam sa kama ko habang nagtutupi ng kumot ko. Napasigaw tuloy ako, "Jam!!"   "Oh! Bakit?!" gulat din na tanong nito sa akin.   "Bakit ka naman pumasok kaagad?" tanong ko sabay upo sa may swivel chair ko at humarap sa kanya. Binaligtad ko pa ang upuan ko kasi gusto ko nakaharap sa akin ang sandalan ng upuan para makapatong ang dalawang braso ko.   "Ang aga mo naman!" sita ko sa kanya habang nagtutupi pa din siya ng kumot ko.  "Hindi ka pa din ba sanay?” sulyap lang nito sa akin, “Ano ka ba naman Ja, ang tagal na nating magbestfriends ngayon ka pa nagganyan sa akin," dire-diretso nitong sabi na inayos naman ang mga unan ko sa kama.   "Hehe,” tawa ko dito, “Pasensya naman, nagulat lang kasi ako sa iyo, kanina ka pa ba?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok. "Hindi naman,” sagot niya na umayos na ng upo sa kama ko. “Teka, maligo ka na, baka ma-late ka na naman sa klase mo, alam mo namang maaga ang flag ceremony sa school," paalala niya sa akin sabay higa sa kama ko.   "Hindi ‘yan!" sabi ko naman na tumayo na at kinuha ang robe ko, "Sige, maliligo lang ako," sagot ko dito.   Pumasok na ako sa banyo at napansin ko namang bumangon siya at pumunta sa computer ko,  "Pa-open Ja, ah?" paalam niya sa akin. "Sige lang,” sagot ko naman sa kanya.   After 30 minutes sa loob ng banyo ay nakatapos na din akong maligo. Doon na ako nagbihis para hindi naman ako makikita ni Jam na naka-robe pa din paglabas.   Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Jam na nakatingin sa monitor ng computer, tutok na tutok siya sa picture ng isang babae.    Siya kaya si Jek? naitanong ko lang sa isip ko.   Lumapit ako sa kanya.   "Sino ‘yan?" tanong ko sa kanya habang nagpapatuyo ako ng buhok, hindi kasi ako pumapasok ng basa ang buhok ko, dito pa lang kasi sa bahay nakapusod na ang buhok ko.   "H-Hah?" nagulat pa siya. "Sabi ko, sino ‘yan?" nagpapatuyo pa din ako ng buhok ko pero sa kanya lang nakatingin ang mga mata ko. "W-Wala! Hehe," sagot niya na halatang ayaw sabihin.  "Ah, okay," sabi ko na lang pero halatang hindi ako convinced sa sagot niya kaya naman, "Saan ka pala naggala kagabi?" di-sadyang tanong pero natanong ko na din, tutal gusto ko din namang malaman. "H-Hah? Kanila Jet..." sagot niya pero di siya nakatingin sa akin.  "Ah, anong ginawa ninyo? Nag-inom na naman kayo ,no?" tanong ko habang nagsusuot na ng medyas.  "Hindi ah, nagkantahan lang," matipid na sagot niya sa akin na pinatay na ang computer ko, tumalikod naman ako sa kanya para makaharap ako sa salamin.   Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na sa kanya, "Jam....." tawag ko sa kanya sabay lunok ko pa, hindi ko kasi masabi, kinakabahan kasi ako sa pwede niyang maging sagot sa akin. “Um?” lumingon naman siya sa akin, nakikita ko kasi siya sa salamin, “Ano iyon, Ja?” tanong nito.   Lumunok pa akong muli bago ako nagsalita, "Sino si Jek?" tanong ko habang nagsusuklay sa salamin pero ang mata ko ay nakatutok sa kanya. "Ah, si Jek,” nakatitig pa din siya sa akin sabay sagot ng, “Girlfriend ko," sagot niya sa akin na nakangiti at sabay higa sa kama ko at tumingin sa kisame ng kwarto ko.     "Ah, si Jek, girlfriend ko," paulit-ulit na nag-e-echo at bumabalik sa diwa ko ang mga salitang iyan, kaya naman sa sobrang inis ko ay pinukpok ko nalang ang notebook ko sa ulo ko.  "Grrrr!” mahina kong sambit, “Nakakainis naman!" sabi ko, nasa bleachers ako ng auditorium habang nasa ganyan akong posisyon nang,  "Ja,” napatingin ako sa tumawag sa akin, “What are you doing?" tanong nito, si John lang pala. "Ikaw pala, kanina ka pa ba diyan?" tanong ko na nagulat pa kasi nga nasa tabi ko na kaagad siya.  "Hindi naman, it's kind a weird to see you doing that, anong meron?" tanong niya sa akin na nag-action pa na asking kung bakit ko nga naman pinupukpok ang ulo ko ng notebook ko.   "Ah, eh… Kanina mo pa ba nakita?" nahihiya kong tanong dito. “You want to know?” balik tanong naman niya sa akin, Awts! sabi ko sa isip ko.   “Ah, ano kasi, am, wala,” hindi ko alam kung paano ako mag-e-excuse sa kanya, “Naiinis lang kasi ako,” sabi ko dito habang nakatingin pa din sa akin na parang hindi naniniwala sa excuse ko, “Um, iyong previous quizzes ko kasi bumaba, I mean, I got low scores in our quizzes, did you understand ba?" dahilan at tanong ko dito habang napapangiwi, basta may maisip lang na defense mechanism, sana okay na sa kanya.   "Ah, yeah, I remember, oo nga eh,” sagot niya sa akin, “Mine as well, I got low scores like yours because I actually forgot to review for I was so busy with some things” share din niya sa akin, “But, I won’t do whatever you we’re actually doing, hehe, you know, what you did earlier was hitting your head with your notebook, hehe,” sabi niya na may halo pa talagang tawa na pang-aasar, tinaasan ko naman siya bigla ng kilay.  "Nang-aasar ka ba?" pikon kong tanong dito.  "Oops, sorry, I didn’t mean it,” sabi niya na itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko sa akin. "Uhm, buti naman.." sabi ko na ibinaba na ang kilay ko na nakataas kanina sa kanya.   "Okay, I’ll go now, if you have any difficulties with our quizzes, just sit beside me, wala ka ng magiging problema,” ngiti niyang sabi sa akin bago umalis. "Sira, parehas nga tayong mababa eh, ano kaya iyon, hay nako," pikon na sagot kong sabi dito kahit hindi naman na niya ako narinig pa.   Asar! Bakit ba kasi iyon pa ang naisip kong defense mechanism eh, hmf! Nakakainis talaga.   Bumaba na lang tuloy ako sa bleachers at bumalik na ng classroom.   Uwian na...   Naghihintay ako sa classroom kasi alam kong susunduin ako ni Jam, iyon kasi ang nakagawian na niyang gawin every uwian, kaya naman kahit maiwan akong mag-isa sa classroom ay okay lang dahil alam kong darating naman si Jam para sunduin ako.   Habang wala pa siya, lumapit ako sa blackboard namin, naghanap ako ng chalk at nagsulat sa board, wala kasi akong magawa kaya naman magsusulat na lang ako.   At heto nga, may naisip ako.   Alam ninyo ba ang FLAMES, HOPE and CAMEL?! Haha, napag-trip-an ko kaya heto, namalayan ko na lang ang sarili kong ginagawa ang larong iyon.   At ito iyon….   JAMES HAROLD L. TANACCO - 13   JANINA KEYT M. SONIDO - 13   Nang matapos ko ng malagyan ng s***h ang magkakapareha naming letters, heto ang lumabas,   FLAMES - James - Friends, Ja - Friends   HOPE - James - Hindi, Ja - Hindi   CAMEL - James - Marriage, Ja - Marriage   Friends Hindi Marriage   Iyan ang lumabas na result na kinalungkot ng mukha ko.   FRIENDS lang kami?   Eh ano pa bang ine-expect ko, malamang bestfriends nga kami ‘di ba? Kaya FRIENDS lang talaga ang lumabas, huwag nang mag-expect pa ng kung ano.   Parang biglang may kumurot sa puso ko ng isiping friends lang kami, bakit kaya?   Natigil ako sa pag-iisip ko ng maisipan kong kunin ang cellphone ko at picture-an ang ginawa ko.   Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at pak, pinicture-an ko kaagad ang ginawa ko sa board. Napangiti pa ako sa ginawa ko.   Nang biglang may narinig akong tumatakbo papunta sa akin kaya naman mabilis kong kinuha ang eraser at binura ang sinulat ko sa board.   Nang mabura ko na ay biglang, "Ja!" Si Jam, napangiti ako sa kanya, "Ba't ngayon ka lang?" tanong ko na biglang sumimangot pero kunwari lang naman.   "Pasensya na, si Jek kasi hinintay ko pang matapos ang try-out niya ng badminton eh," sagot niya sa akin habang nasa pintuan ng classroom ko.   "Ah, gano’n ba? Okay sige, I understand," sagot ko na lang sa kanya pero deep inside naiinis ako.   "Oh, tara na!" aya niya.   Napansin ko palabas na siya pero hindi man lang niya kinuha ang bag ko na dati niyang ginagawa, nagtaka tuloy ako, "Siguro pagod lang siya.." sabi ko na lang at sumunod na ako sa kanya.   "Oy, hintay!" sabi ko at tumakbo.   Naglalakad na kami sa hallway, "May pupuntahan ka ba mamaya?” tanong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad,.  “Sama naman ako, hindi ako nakagala kahapon eh," sabi ko habang nakatingin sa kanya, gusto ko kasing gumala ngayong araw since maaga pa naman, papayagan pa naman ako ni mama if ever na lumabas ako, basta kasama ko si Jam, syempre.   "Hindi ako pwede Ja, eh,” sagot niya sa akin, “May pupuntahan kasi ako," sagot naman niya sa akin. “Hah, saan naman, sama ako, Jam!" ungot ko dito na kinakamot niya ng bahagya sa ulo niya.  "Hindi talaga pwede, Ja, eh,” sagot pa din niya, halatang hindi talaga pwede.  "Bakit naman hindi pwede?" tanong ko na medyo nagtampo na dito.  “Hindi talaga pwede, Ja.” sagot niya sa akin na halatang nahihiya sa akin.   Hindi ko namalayan na nakaabang pala si Jek sa dulo ng hallway, at nang tumigil siya sa paglakad ay, "Ihahatid ko kasi si Jek.." sabi niya sabay ngiti kay Jek.   Doon ako nagulat dahil may nakatayo na babae at nakangiti sa amin.   "Ja, si Jek, Jek, si Ja, bestfriend ko,” Introduce ni Jam sa akin kay Jek. "Hi, Ja," sabi ni Jek na naglahad ng kamay para makipag-shake hands sa akin.   Nahiya naman ako na hindi siya i-response kaya nakipag-shake hands ako at ngumiti din ng s*******n, "Hello, I’m Ja, Jam's best friend, nice meeting you, Jek," sabi ko naman dito. "Nice meeting you din, Ja." nakangiti rin nitong sagot sa akin.   "Oh, ‘yan na yabz, pinakilala na kita sa best friend ko, ah, huwag ka ng magtatampo sa akin," sabi ni Jam dito, "Wala ka na ngayong pagseselosan," dagdag pa niya.   Nagulat naman ako sa sinabi ni Jam.   Pinagseselosan niya ako? Bakit? I'm overwhelmed. "Hindi na kasi kilala ko na siya, malay mo, kami pa ang mas maging close, hehe," sagot naman ni Jek na tumingin pa sa akin, ngumiti lang ako dito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin lang sa kanila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.8K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.7K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

His Property

read
946.0K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook