bc

Reclaimed

book_age18+
158
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
love after marriage
second chance
drama
heavy
lies
slice of life
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang aksidente ay nawala ang lahat ng memorya ni Charm Faye Velasquez. Tanging ang mga katagang binitiwan lamang ng kaniyang pamilya ang kaniyang pinaniwalaan simula nang imulat niya ang kaniyang mga mata.

Walang pumipilit na alalahanin niya ang nakaraan maliban kay Arnold Russel Velasquez na kaniyang kinikilalang nakatatandang kapatid. Ang lalaki ang kontrabida sa kaniyang buhay, ngunit hindi niya naman magawang magalit rito dahil sa hindi malamang kadahilanan. Ayaw rin silang paglalapitin ng kanilang mga magulang, para bang mayroong lihim na mabubunyag sa tuwing magkakadikit sila ni Arnold.

Naging malaking palaisipan sa kaniya ang bagay na iyon hanggang sa magsimulang pagsuspetsahan niya na ang lahat ng tao na parte ng kaniyang buhay.

Ano kaya ang matutuklasang niyang lihim ng kanilang pamilya? May kinalaman kaya iyon sa kaniyang aksidente?

At sino ba talaga si Arnold Russel Velasquez?

~x~

This is a STAND-ALONE ROMANCE novel.

©Maligaya

chap-preview
Free preview
SIMULA
Simula xMaligaya©January 2022 Trigger Warning! ISA, dalawa at tatlong hakbang papalayo ng taong mahal ko. Naging apat, lima, anim hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Ni hindi niya ako nilingon, ni hindi niya pinahid ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko kagaya ng ginawa niya noon. Rumagasa ang lawa ng luha sa aking magkabilang-pisngi habang dinaramdam ang masakit at matinding pagsikdo ng aking puso na hanggang ngayon ay gusto pa ring tumutol sa kaniyang naging desisyon. Wala. Nawala na ang init at lambing sa kaniyang mga pagtingin. Wala na. Nawala na sa akin ang lalaking pinag-alayan ko ng lahat-lahat sa akin. "For the past three years, I've been a good wife." Bumuntonghininga ako ng malakas habang ang aking mga labi ay nanginginig, pinipilit ang sariling huwag magpatangay sa sidhi ng aking nararamdaman. Ramdam ko ang unti-unting pagkabasag ng aking buong pagkatao at mula sa pira-piraso'y naririnig ko ang paghikbi ng aking puso. Para akong mababaliw, ni hindi ko kayang ihakbang ang aking mga paa kagaya ng kaniyang ginagawa dahil umaasa pa rin akong babalik siya. Babalik siya sa akin at sasabihin niyang nagkamali lang siya at nalito ng sandali. Nagpalinga-linga ako sa paligid, pinagmasdan ang mga tao sa tabi ng kalsada na nakasaksi kung paano niya itapon ang tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa. Ang iba ay naaawa at mukhang nakikisimpatya, ngunit may iba rin na pinagdududahan ako. "Baby, please. Bumalik ka na," bulong ko sa hangin sa gitna ng aking mabibigat na paghinga. Matagal akong nakatayo at nakabilad sa araw, hinihintay pa rin ang kaniyang presensya. Pero hindi. Ni anino niya'y hindi ko man lang nakita. "Sa loob ng tatlong taon, nagbulag-bulagan ako. Sa loob ng. . . sa loob ng tatlong taon, nag. . . n-nagbingi-bingihan ako dahil mahal kita," humihikbi kong saad kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Sa tatlong taon na pagsasama naming dalawa, harap-harapan akong niloko at. . . pumayag ako. Pinabayaan ko lang at tinanggap kong may kahati ako. Pero ngayon. . . Ngayong mga oras na ito, sigurado akong masayang-masayang-masaya na ang babaeng iyon, dahil wala na siyang kaagaw sa lalaking pinag-alayan ko ng buong buhay ko. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal pero bakit niya nagagawa sa akin ang bagay na ito, na para bang ni minsan ay hindi ako ang tinibok ng kaniyang puso? Bakit nakuha niya akong lokohin? Ibinigay ko ang lahat. Ang puso ko, ang buhay ko, ang katawan ko at naging sunod-sunuran ako, kaya saan ako nagkulang? Nalilito ako. Naiinis ako. Nagagalit ako't nababaliw sa kaiisip kung saan ako nagkamali? "Ako dapat ang nasa tabi mo. Dapat ako iyon pero bakit siya ang pinili mo?" mapait kong tanong bago marahas na pinunasan ang aking mga pisngi. "Bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako ulit? Minahal mo naman ako noon, e." Tumawa ako ng mahina kahit na ang gusto ko ay isigaw ang kirot at hapding aking nararamdaman. I was bursting in tears while chuckling before I decided to slowly turned around and walked away. Hindi ko alam kung paano ko napagsabay ang pagtawa at pag-iyak ko dahil isa lang ang maliwanag sa akin ngayon. . . Mag-isa na lang ako. Gigising, kakain at matutulog akong mag-isa. Isa. Dalawa. Tatlo. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang papalayo sa taong mahal ko. Isa. Dalawa. Tatlo pang hakbang papalayo sa buhay ko. Binilang ko ng binilang ang aking mga hakbang, iyon ang aking pinagkaabalahan upang hindi ko madama ang pagguho ng itinayo kong mundo. Tumigil ako sa gilid ng kalsada nang makita kong nagkulay berde ang ilaw ng trapiko. Makailang ulit kong pinagmasdan ang pagbabago ng kulay nito habang pinapalis ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo sa aking mga pisngi. Ang mga taong nakakakita sa akin ay nagtatanong at nakiki-isyoso kung bakit ako nagkakaganito, ngunit hindi ko naman sila masagot dahil sa tuwing bubuksan ko ang aking mga labi upang magsalita ay lalo lamang sumisidhi ang paghihinagpis ng aking buong pagkatao. "Maganda ang araw ngayon," sinikap kong komento ko matapos kong tumingin muli sa malaking kulay puting ulap sa langit. Tirik na tirik ang araw, maging ito'y ayaw akong damayan sa aking kalungkutan. Masama bang humiling ng ulan para takpan ang sakit na walang pagsidlan? Masama bang dumalangin ng kulog at kidlat? Masama bang manalangin na mawala na lamang sa mundo? Lumakas ang mainit na ihip ng hangin galing sa dumaraang mabibilis na sasakyan. Napatawa ako sa pag-aakalang may matutupad sa aking mga hiniling. Tatlo. Dalawa. Isa. Nagkulay pula muli ang ilaw, tanda na maaari nang tumawid ang mga taong may kaniya-kaniyang paroroonan. Ngunit ako. . . Saan ako pupunta? Pagkatapos kong ipaglaban ang relasyon naming dalawa, roon na rin nagtapos ang pagiging anak ko sa aking mga magulang. Nangilid muli ang aking mga luha at napaiyak ako ng mahina bago ako tumingin sa aking mga paa. Suot ko ang puting sapatos na una't huli niyang regalo sa akin, tatlong taon na ang nakalilipas. "Ito lang yata ang magandang nangyari sa akin." Marahan kong inangat ng bahagya ang aking kanang paa upang tingnan ang sapatos na ayaw na ayaw kong marurumihan sa pag-iisip na magagalit siya't sasabihing hindi ko inalagaan ang kaniyang regalo. "Pero hindi ko naisip na he gifted me shoes to send me away." Napailing ako bago ako umayos ng tayo. Tinakpan ko ang aking bibig na kanina pa gustong magdalahamti. Baka nga nagkulang ako? Baka may kulang talaga sa akin? Kung mas pinagbuti ko ba ang pagiging asawa ko sa kaniya, kung mas inasikaso ko siya, kung mas pinagtuunan ko pa siya ng pansin, kung kaya ko bang humarap sa mg tao sa alta-sociedad, iiwan niya pa rin kaya ako? "I-Ipagpapalit niya pa rin kaya a-ako?" Walang buhay muli akong tumingin sa itaas, umaasang magdidilim ang langit at mararamdaman ko ang pagpatak ng malakas na ulan. Isa. Dalawa. Tatlo. Bakit wala pa ring ulan na dumarating? "Give me a sign. Just give me a sign," I murmured while I was hugging myself. Nakita ko ang muling pagpula at pagkulay berde ng ilaw trapiko hanggang sa huminto na namang muli ang mga sasakyan. "Miss, bilisan mo. Malapit nang tumakbo ang mga kotse at truck na iyan," saway sa akin ng isang lalaking may dalang isang malaking bag na humawi sa akin papunta sa kalsada. Wala sa plano ko ang pagtawid pero heto na ako. Heto na siguro ang senyales na kanina ko pa hinihingi sa itaas. Isa. Dalawa. Tatlo. Binilang kong muli ang aking mga hakbang habang nakatungo. Tinitingnan kong mabuti ang aking sapatos habang ibinubulong sa sarili na makakauwi rin ulit ako at makakasama ko rin ulit siya. I was walking slowly, feeling the heaviness of life in my back. Wala akong plano kung saan ako pupunta, para bang nakikisabay lamang ako sa bugso ng mga tao sa pagtawid sa lansangan. Tila nawalan rin ako ng pandinig, hindi ko alintana ang mga sasakyang bumubusina at mga taong sinisigawan na ako dahil sa aking pagbibilang at sa bagal ng aking paglalakad. Kinuha ko sa aking bulsa ang wedding ring ko na itinago ko upang hindi niya makuha. Ito na lang at ang sapatos na bigay niya ang mayroon ako, hindi maaaring mawala ang mga bagay na ito sa akin. Habang tinitingnan ang kumikinang na singsing sa aking palad ay tumingkayad din ang aking mga labi. Naalala ko pa ang araw at oras kung kailan siya lumuhod at mangakong ako lang ang una at huli niyang mamahalin. Binilisan ko na ang paglalakad sa gitna ng highway habang nakatingin pa rin sa aking singsing. Akma ko na sanang isusuot sa aking palasingsingan nang bigla na lamang itong dumulas sa aking daliri at tumilapon sa gitna ng kalsada. "Ang singsing ko!" malakas kong hiyaw habang sinusundan ng tingin ang pinakamahalagang bagay sa aking buhay. I cannot afford to lose it. Kapag bumalik sa akin ang asawa ko'y tiyak na hahanapin niya ito sa akin, kaya hindi maaaring mawala sa akin ang singsing. Bumaha muli ng luha sa aking mga mata sa isipin na kahit kailan ay hindi na naman mangyayari pa iyon, ngunit gusto ko pa rin. Gusto ko pa ring makuha ang singsing ko. Nakita ko itong gumulong pabalik sa gitna ng kalsada kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon para hagilapin iyon. Huminga ako ng malalim nang makuha kong muli ang aking singsing sa gitna ng highway, ngunit sa aking pagtayo ay bigla na lamang bumungad ang isang malaking truck. Pakiramdam ko'y lumaki ang aking ulo sa takot, ngunit sandali lamang iyon. Nang tingnan ko muli ang aking singsing ay naisip ko. . . naisip kong baka ito na ang sagot sa problema ko. Ito na nga ang senyales na hinihingi ko. Pumatak ang isang mainit na luha sa aking pisngi habang hinuhugot ko ang aking paghinga. Gumaan ang aking pakiramdam at napangiti ako nang malawak bago ko maramdaman ang pagsagasa sa akin ng truck at ang mataas na paglipad ko sa himpapawid. Masakit at kumikirot ang lahat ng parte ng aking katawan, ngunit wala pa ring titindi sa sakit na idinulot ng pakikipaghiwalay niya sa akin. Impit na sigaw ang lumabas sa aking bibig habang ramdam ko ang mainit na pagdaloy ng dugo sa aking ulo. Narinig ko rin ang malakas na pagbagsak ko sa kalsada at ang unti-unting panlalabo ng aking mga mata. "S-till, I-I am his. . . l-lawful w-wife until my last. . . b-brea-th," paghihingalo at paghahabol ko ng hangin habang nakatitig sa singsing na gumulong papalayo sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso ay may nagdiriwang dahil alam kong pupunta siya sa akin at iiyakan niya ako. Iiyakan niya ang burol ko; iyon ang bagay na huling tumakbo sa aking isip bago ko ipinikit ang aking mga mata. ~×~ xMaligaya©January 2022

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook