bc

Taming the Wicked Prince

book_age16+
761
FOLLOW
2.4K
READ
arrogant
kickass heroine
twisted
bxg
campus
school
cruel
like
intro-logo
Blurb

All The Young- In Love sa Demonyo

Once upon a time, there was a wicked prince who could not live happily ever after. Until one day...

Lumaki sa mahirap pero masayang pamilya si Cattleya. Nakaahon lang sa buhay nang magtrabaho sa Japan ang Ate Caitlyn niya at nakapag-asawa ng mayaman at mabait na Hapon.

Nang dahil sa magandang kapalaran ng ate ni Cattleya kaya nakapasok siya sa Greenwood University--isa sa pinakamahal at eksklusibong eskuwelahan sa Makati.

Sa pagpasok ni Cattleya sa Greenwood University, natuklasan niyang uso pala roon ang discrimination at bullying. Kapag outdated sa fashion at anak-mahirap na mga estudyanteng scholar o paaral ng mayayamang amo ay tinatawag na "low profile". Kapag fashionista at mayaman ka naman ay mabibilang ka sa "high profile".

Isang araw ay nabiktima ng bullying ang nag-iisa niyang best friend at katulad din niyang "low profile". Mabait ito at hindi marunong makipag-away. Kabaligtaran ng pag-uugali ni Cattleya na matapang at palaban.

At dahil ayaw ng dalaga na inaapi ang mga taong mahalaga sa kaniya, ipinagtanggol niya ang kaibigan mula sa mga "high profile" na estudyanteng nambu-bully dito.

Ngunit hindi akalain ni Cattleya na sa ginawa niyang iyon ay siya naman ang babalikan ng mga bullies at mga estudyanteng masasama ang budhi.

At isa na roon ay si Damon de Jesus. Kasinsama ng pangalan nito ang pag-uugali at kasing amo naman ng apelyido ang mukha.

Si Damon ay isa sa mga matataas na member ng The Royalties, ang sikat na sikat at number one clique sa buong Greenwood University, at itinuturing na mga prinsesa at prinsipe ng campus. Si Damon din ang pinaka-arogante, pinakamasungit, at pinakamaarteng "prinsipe" sa buong eskuwelahan.

Ayaw na ayaw ni Damon ang madumihan, lalong-lalo na ang face nito. Galit din ito sa mga mahihirap. Bawat "low profile" na lumalapit dito ay sinisigawan at pinapahiya. Kilala rin itong walang puso pagdating sa mga tulad ni Cattleya, lalo na sa mga nagkakasala rito.

Isang araw, habang nakikipaglaban sa mga bullies ay may nagawa si Cattleya na ikinagalit ni Damon.

Katapusan na kaya ng mundo niya o mapapaamo niya ang isang wicked prince na tulad ni Damon de Jesus?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CATTLEYA "ATE KAT-KAT!" Dali-dali akong napasugod sa labas ng bahay nang marinig ko ang pagbulahaw ng bunsong kapatid ko na si Clyte. Mas bata siya sa'kin ng eight years. Pero kahit malaki ang agwat ng edad namin, super close pa rin kaming dalawa. Sabagay, ganito rin naman kami noon ni Ate Caitlyn nang mga bata pa lang kami. Ang gamit niya ay gamit ko na rin, and vice versa. Magkasangga rin kami sa lahat ng bagay. Ang kaaway ng isa ay kaaway na ng dalawa. Kaya maraming takot sa'min noon sa Plaridel Elementary School sa Tondo, ang dati naming tirahan. Malakas pa naman manabunot ang ate ko. Kapag alam niyang nasa tama siya, hindi iyon patatalo. Lalaban at lalaban talaga siya. Kaya nga idol ko 'yon, eh. At namana ko rin ang gano'ng attitude niya. Kahit lalaki, nilalabanan ko. Astig kaya ako! Naalala ko pa noon, tanggal ang ngipin ng kaklase kong lalaki nang suntukin ko siya sa bibig. Ang lakas kasing mam-bully! Buti nga sa kaniya. Siya tuloy ang pinagtawanan. Pero 'wag n'yo naman akong pag-isipan, mga mars. Matapang at palaban lang ako. Pero one hundred percent babae po ako sa isip, sa salita, at sa gawa. Char! Gano'n kasi kami pinalaki ng mga magulang namin. Kapag nasa katuwiran ka, lumaban ka. Kaya nang mag-Japan ang Ate Caitlyn ko, nag-promise ako sa kaniya na ako na ang bahala sa family namin. Lalo na kay Clyte na bunso namin. Hindi ako pumapayag na may umapi sa kaniya. Dadaan muna sa ibabaw ng bangkay ko ang sino mang mang-away sa kaniya. Char! "Dadaan sa kamay" pala ang ibig kong sabihin. Kung ako lang ang masusunod, ayoko sanang mag-Japan ang Ate Caitlyn ko. Mas masaya kasi kapag buo ang family. Lalo pa at twelve years old lang ako noong umalis siya. Pero naiintindihan ko ang desisyon ng ate ko. Kailangan niyang mag-abroad para matigil na sa pagtitinda sa bangketa ang parents namin na pareho nang fifty years old. Ayaw ng ate ko na habambuhay silang magtrabaho. At 'yon din ang gusto ko. Pangarap din ni Ate Caitlyn na makaalis kami sa squatter area na tinitirhan namin noon sa Tondo. At mapagtapos kami ni Clyte sa magandang eskuwelahan. Kaya nga kahit graduate ng BS Education ang ate ko, nag-caregiver na lang siya sa Japan dahil hindi hamak na mas malaki ang sahod. At talaga namang masuwerte si Ate Caitlyn. Dahil pinakasalan siya ng alaga niyang matanda at biyudong Hapon. Kaya mula sa pagiging caregiver ay buhay donya na ngayon sa Japan ang kapatid ko. Ang suwerte, 'di ba? Natupad din niya ang pangarap na makaalis kami sa Tondo. Dito na kami ngayon nakatira sa Cubao. Three years na rin. Hindi man sa mamahaling subdivision, mas safe at malinis naman kaysa dati naming tirahan. May isang kasambahay na rin kami. Si Nanay naman ay pa-parlor-parlor na lang. At si Tatay? Pakape-kape na lang sa Starbucks. Medyo sosyalen na nang kaunti ang parents namin. Reward iyon sa kanila ni Ate Caitlyn, after ng ilang dekada na pagiging sidewalk vendors. Kahit 'wag nang i-mention ang matagal na paninilbihan nila sa mayamang pamilya noon sa Makati bago naging mag-asawa. And plus, sa mamahaling school na kami nag-aaral ngayon ni Clyte. May sariling Holanda scooter na rin ako na service ko sa pagpasok. Medyo nag-level up na rin ang pananalita ko. Favorite subject ko naman ang English kaya keri lang. "Kahit magsumbong ka pa sa ate mo o sa nanay at tatay mo, wala akong pake!" Nagpanting ang tainga ko nang sa paglabas ko ng gate ay iyon agad ang narinig ko mula sa kapitbahay naming si Simang. Iyon ang tawag ko sa kaniya. Lagi kasing galit at nakasimangot. Ang alam ko, 'Angelita' ang totoong pangalan niya. Pero hindi ko bet dahil sa ugali niyang demonyita. Siya ang klase ng kapitbahay na lagi mong nakikitang nagwawalis sa harap ng bakuran habang may ka-chikahan. Tapos biglang ngingiwi kapag may nakitang mag-jowa. Bitter lang 'te? "Ate Kat-Kat!" Umiiyak na lumapit sa'kin si Clyte at yumakap sa beywang ko. "Bakit, bunso? Sino ang umaway sa'yo?" "Si Ate Angelita po," sumbong ng kapatid ko. "Ang sabi niya, kaya lang daw po tayo yumaman dahil masamang babae si Ate Caitlyn." Lalong nagpanting ang tainga ko. Feeling ko, lumabas ang mga sungay ko. Okay lang sa'kin na tawagin akong bruha. Pero hindi ako makapapayag na pagsalitaan ng kung ano-ano ang pamilya ko. Yumukod ako at sinapo ang mukha ni Clyte. "Pasok ka muna sa loob, bunso. 'Wag kang lumabas habang hindi pa ako bumabalik, ha?" Dahil masunurin ang kapatid ko kaya tumakbo agad siya papasok sa bahay namin. Ayaw ko kasing makita niyang nakikipag-away ako. Hangga't maaari ay gusto kong lumaki siya na tahimik ang buhay. "At reresbak ang ate na palengkera. Palibhasa ay laking-squatter." Palaban lang ako pero magalang. Lalo na sa mga nakatatanda sa'kin. Kaya lang, masakit talagang magsalita si Simang. Nawawalan ng silbi ang consistent award ko mula elementary na "Most Polite". "Ikaw Ate Simang, sumosobra ka na, ha!" Nakapameywang na hinarap ko siya. "Pati bata ay pinapatulan mo. Parang wala ka nang pinagkatandaan. Kung hindi ka ho mahal ng mama mo, 'wag kang mandamay." "O, eh, ano? Totoo naman talaga na Japayuki ang ate mo!" Aba, at siya pa ang galit! "Nagbenta ng katawan para makapag-asawa ng mayaman." Siyanga pala, mga mars. Hindi ito ang unang beses na nagkasagutan kami ni Simang. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit palagi na lang siyang galit sa'min. Siguro dahil at the age of forty, wala pa ring lovelife. Naalala ko pa noong nakaraang linggo lang. Nagtapon lang ako ng basura pero minura na niya ako, pati ang mga magulang ko. Binato ko nga sa kaniya ang hawak kong plastic bag na may mga bulok na gulay. Galit na galit siya. Hinila niya ang buhok ko. Pero bago pa man niya ako masaktan, nakalmot na siya sa mukha ng mahahaba kong kuko. Kaya, ayan! Hanggang ngayon, may mga bakas pa ng kuko ko sa mukha niyang parang naapakang siopao. "Kapag inggit, pikit!" palaban kong sagot. "Totoo hong Japayuki ang ate ko! Dahil nagtatrabaho siya sa Japan. Pero hindi kagaya ng pagkakaintindi n'yo na porke't Japayuki ay nagbebenta na ng laman!" Kung tutuusin, hindi lang naman si Simang ang nagsabi nang gano'n. Kahit mga kapitbahay namin noon sa Tondo ay sinasabing dancer daw sa club ang Ate Caitlyn ko. Ewan ko ba kung sino ang nagpauso ng gano'ng definition ng salitang "Japayuki." Ang brutal niya! "Kaya hindi umuunlad ang bansa natin, eh. Dahil sa mga 'Marites' na tulad n'yo!" "Hoy, Kat-Kat! Papunta ka pa lang, eh, pabalik na ako. Kaya 'wag mo akong sermunan." Nag-crossed arms ako sa harapan niya habang nakataas ang chin. Iyong awra na hindi patatalo. "Baka ho nakaapak kayo ng ebs pagbalik n'yo. Kaya ganiyan kabantot ang ugali n'yo." Tumalim ang mga mata ni Simang. "Talagang matapang ka! Ang bata-bata mo pa pero palaaway ka na." At ako pa talaga ang palaaway? "Ipinagtatanggol ko lang ho ang pamilya ko," matapang pa rin na katuwiran ko. "Alam n'yo ho na pumapalag lang ako dahil sa ugali n'yo." Inihanda ko na ang mahahaba kong kuko mang mapansin ko si Simang na parang aatake. Pero bigla niyang natanaw ang mga nagrorondang tanod. Kaya umurong siya pabalik sa loob ng gate niya. May warning na kasi siya sa barangay dahil sa dami ng reklamo sa pagiging palaaway at 'Marites'. Ngingisi-ngisi na tiningnan ko lang si Simang. O, ano? Takot ka, 'no? "May araw ka rin sa'king bata ka!" sigaw niya at saka padabog na isinara ang gate. Hay, naku. Nakakaawa talaga ang mga taong bitter sa mundo. Napabuntong-hininga na lang ako bago pumasok na rin sa bahay. DAMON "I AM so proud of you, Son. Malapit ka nang makalabas diyan sa PMA. Kaunting-kaunti na lang, magiging ganap na pulis ka na." Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang malambing na boses na iyon ng daddy ko. Boses na ibang-iba kapag hindi niya gusto ang kaharap niya, lalong-lalo na kapag ako. Kaya for sure, ang kakambal kong si Kuya Dave ang kausap niya. His forever favorite son. Nasa Baguio ngayon ang identical twin kong 'yon. Sa Philippine Maritime Academy. Sa'ming dalawa ay siya ang pinakamasunurin. Kaya siya lang ang pumayag nang sabihin noon ni Daddy na kailangan naming sumunod sa yapak niya bilang alagad ng batas. But me? I want to be a pilot someday. Pero dahil hinarangan ni Daddy ang pag-enrol ko sa flight school, so I took AB Tourism course instead. Third year student na rin ako, sa awa ng Diyos nila. "Don't worry, Son. Makikita mo na kami uli. Pupunta kami diyan sa susunod na buwan. Ako ang magiging Guest of Honor and Speaker sa Incorporation Day ng ibang batch." I smirked nang marinig ko ang mas pinalambing pang boses ng Daddy ko. Parang awkward sa katulad niyang isang AFP General. Gano'n talaga siya kapag si Kuya Dave ang kaharap o kausap. Gusto niyang maging police ang kapatid ko pero bini-baby naman. "Good morning, Son! Papasok ka na ba?" Inilapag ko sa island counter ang pinag-inuman kong baso nang makita ko si Mommy na pumasok sa kitchen. Nakasuot siya ng pang-office. Siya kasi ang CEO ng isa sa pinakamalaking food company sa bansa na pag-aari ng family namin. "Opo, Mom," magalang kong sagot. Dito sa bahay, siya na lang ang masasabi kong kakampi. Ang eldest kasi namin na si Ate Shan ay walang ibang inaatupag kundi ang pagmo-modelling. Isa siyang international runway model kaya laging out of the country. Si Kuya Dave naman, noong hindi pa pumapasok sa PMA, sunod-sunuran lang sa Daddy ko. At ang Daddy ko? Tsk. Asa naman ako ro'n. Kakausapin lang ako no'n kapag sesermunan. "Are you sure that you're okay now?" Nag-aalalang sinalat ng mommy ko ang noo ko. Dalawang araw kasi akong nilagnat. "Puwede kitang i-excuse uli sa class. Papuntahin ko rin dito si Dr. Santos para i-double check ka." "No, thanks, Mom. But I'm really fine now. I need to go out na rin talaga. Medyo nanlalagkit na kasi ang face ko kaya nagpa-set ako ng appointment sa derma." Napangiti si Mommy. "Mas importante pa rin talaga sa'yo ang mukha mo kaysa health." Nginitian ko lang si Mommy. Alam niya na sa isa sa mga greatest weakness ko ay ang magka-pimples o madumihan ang face ko. Maarte rin ako pagdating sa kalinisan. Ayoko ng kalat sa paligid, ng alikabok, o ng kung ano-ano pang dumi. Allergic ako. Maybe you think I'm gay. But hell, no. Muntik na kasi akong mamatay noong bata ako dahil sa malaria at dengue. Sobrang pabaya kasi ng yaya ko noon. Kung saan-saan ako dinadala at kung ano-anong pinapakain sa'kin kapag wala sina Mommy. Palagi rin may itch noon ang mukha ko dahil hindi niya ako pinapaliguan palagi. So since then, naging maselan na ako. "Maria," tawag ko sa isa naming alipin. "Ipaghanda mo kami ng breakfast ni Mommy. Bilisan mo, ha." "Alipin" ang tawag ko sa mga katulong namin. That's one of my ways para hindi sila mag-feeling close sa'kin. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo na kinidnap ako noon ng yaya kong pabaya, kasama si Kuya Dave. Ibinenta niya kami sa sindikato. Mabuti na lang at na-save kami ng mga pulis. Nagawa niya iyon after naming maging mabait sa kaniya. She just needed the money daw. Kaya simula noon ay hate ko na rin ang mga mahihirap. For me, pare-pareho lang silang mukhang pera. "Damon." Pinandilatan ako ni Mommy para sawayin ang pagiging harsh ko kay Maria. But I just hissed. "Anyway, I'm sorry. I really have to go na kaya hindi na kita masabayan sa breakfast mo. Sumabay ka na sa daddy mo." I sighed. As usual, heto na naman ang problema ko kay mommy. Palagi na lang hindi umaabot ng thirty minutes ang conversation namin. Siya na nga lang ang gusto kong makausap at makasama dito sa bahay, palagi pa siyang walang oras. "It's okay, Mom," matamlay kong sagot. "Sanay na ako." "Don't be sad na." Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Promise, babawi ako sa weekend." Pagkasabi ay dali-dali na siyang umalis na dala-dala ang itim na attache case na mas nakakasama pa niya nang matagal kaysa sa'kin. Teary-eyed ako nang maiwan akong mag-isa sa kitchen. Parang gusto kong matawa sa promise ni Mommy. Ilang weekend na ba ang dumaan simula pa lang noong bata ako? Until now, wala akong maalalang nag-family bonding kami, weekend man o hindi. Bilang na bilang din ang araw na sabay-sabay kaming kumakain. Kaya nga ilang beses akong napahamak noon sa kamay ng demonyita kong yaya, eh. Dahil palagi na lang mga yaya at kasambahay ang nakakasama ko. "Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan, ha?" singhal ko kay Maria nang makitang nakatingin siya sa'kin na para bang naaawa. Hate ko pa naman ang kinakaawaan ako ng iba. "Gusto mo bang isang araw kang 'di makakain?" Sa sobrang takot ay patakbo na umalis sa harapan ko ang alipin. Dahil alam niyang kapag tumagal pa, makakarinig pa siya sa'kin ng ibang masasakit na salita. Nawalan na ako ng ganang kumain. Kaya umalis na lang ako kahit na nagugutom ako. Pagdaan ko sa sala ay nakita ko ang Daddy ko na kausap pa rin sa telephone ang Kuya Dave ko. Ni hindi man lang niya ako sinulyapan. Palagi siyang gano'n sa'kin. Para lang akong hangin na dumadaan sa harapan niya. Ang bait at ang lambing niya kina Ate Shan at Kuya Dave. But when it comes to me, he's always a cold monster.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook