bc

AQUER HALPERT

book_age4+
1.2K
FOLLOW
7.0K
READ
dark
powerful
beast
bxg
like
intro-logo
Blurb

Aquer Halpert, a dangerou man. Man, no, half Vampire. Nang madiskubre niya ang tunay na katauhan na isa pala siyang bampira, iba sa mga nilalang na kumopkop sa kan'ya ay itinuring na niya ang sarili na isang halimaw. He's dangerous. Pumasok siya sa isang organization para gamitin ang kakayahan niya. Walang kurap na papatay siya. He's a monster but deep in his heart. Gusto niya malaman kung saan siya nagmula at bakit siya nandito sa mundo ng mga tao? So many questions. Masasagot ba ang lahat ng iyon ? Kung may isang bagay man na makapagbabago sa kanya ay ang tinatawag nilang pag-ibig. Pag-ibig? May iibig ba sa isang katulad niya? Isang halimaw? Hindi na siya umaasa dahil hanggat nabubuhay siya halimaw ang tingin niya sa kanyang sarili.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Bigong bumalik ng Womanland si Prinsesa Roisa na hindi na nakita si Stella at ang tatlong kambal. Kaya naman puno ng galit ang prinsesa na bumalik siya sa kinaroroonan ng kapatid na si Prinsesa Rebeka. Matalim ang mga mata na tinitigan niya ang kapatid na walang imik na tila wala na sa sarili nito habang nakasalampak sa maruming lupa nasa kandungan pa rin nito ang wala ng buhay na si Hermes. Ni hindi man lang kumurap si Prinsesa Rebeka ng hablutin niya ito. "Sige lang,mahal kong kapatid. Mawala ka sa katinuan ngayon dahil pabor sakin yun!" angil niya rito. Nanatiling walang reaksyon ang Prinsesa. Napangisi siya. Kahit papaano nabawasan ang galit niya sa pagkabigo niya na mahuli si Stella. "Nalulungkot ako para sayo,mahal kong kapatid,"mapakla niyang saad. " Mahal na Prinsesa,ang Reyna!" Agad na nagpakita ng awa ang anyo ni Prinsesa Roisa nang humahangos na lumapit ang kanilang ina sa kanila. "Anong nangyari?!" gilalas ng Reyna ng makita nito si Hermes na walang buhay. Malungkot na umiling si Prinsesa Roisa sa ina at kasabay ng pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. "Ipagpatawad mo,mahal kong ina..h-hindi ko naabutan ang nangyari huli na ang lahat para mailigtas ko si Hermes at..at a-ang mga bata,si Stella,"garagal na tugon ni Prinsesa Roisa sa ina na ngayon ay umiiyak na rin habang yakap-yakap si Prinsesa Rebeka. Naglalagablab sa apoy ang munting tirahan sa harapan nila. " S-Sino ang may gawa nito?!"puno ng poot na saad ng Reyna. "Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito! Ang mga apo ko!" nagdadalamhating bulalas ng Reyna na yakap-yakap pa rin ang wala na sa sariling si Prinsesa Rebeka. "Pagkatapos niyang saksakin si Hermes sinunog niya ang bahay at...at..h-hindi na nakalabas si Stella at..at ang mga bata," umiiyak na saad ni Prinsesa Roisa. "Si..si Prinsesa Rebeka lamang ang nailigtas ko,ina..ipagpatawad mo hindi ko na nagawang iligtas ang mga bata," garagal niyang sambit at haumahagulhol na yumakap siya sa mga ito. "S-sino ang may gawa nito?!" "Isa sa mga kaibigan ni Hermes na may lihim na inggit sa kanya..may pagtingin siya kay Prinsesa Rebeka..pero huwag kayong mag-aalala,ina..napatay ko na ang hayop na yun!" puno ng galit niyang turan. "Mahal kong Prinsesa Rebeka,ipagpatawad mo..hindi ko na sana kayo pinagtabuyan hindi sana mangyayari ito!" puno ng pagsisisi sa sarili saad ng Reyna. Lihim na napangiti si Prinsesa Roisa. Pinaniwalaan ng Reyna ang kasinungalingan iyun. "Sige na,ina..ako na ang bahala sa bangkay ni Hermes. Mas makakabuting iuwi niyo na sa palasyo si Prinsesa Rebeka," aniya. Agad naman tumalima ang reyna at ang mga bampirang alipin na naroon na kasama ng Reyna. "Babalik tayo sa mundo ng mga tao para hanapin si Stella. Magtalaga ka ng isang grupo na tutugis sa kanila,Celina..." "Masusunod mahal na prinsesa!" "Dalhin ang katawan niya sa malayong lugar.." utos naman niya sa ibang bampira. Bumalik sa palasyo si Prinsesa Roisa na tilang walang nangyari. Isang bagay na lang ang iisipin niya. Ang mawala sa landas niya si Stella at ang Tatlong kambal na magbubuking sa kanya sa katotohanan. At hindi niya iyun hahayaan pang mangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook