bc

My One And Only Queen

book_age16+
1.3K
FOLLOW
8.0K
READ
love-triangle
family
second chance
dominant
submissive
sensitive
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

: “Yes, I want you to bring home the crown. But I prefer that you come home as a better person after the contest. And my most preference is that you come home to me. To my arms, babe.”

Four years ago, halos kay RGL lang umiinog ang mundo ni Abie. Ito ang sentro ng lahat ng pangarap niya. Pero biglang nagbago ang lahat ng makita niya itong kahalikan ang ex-girlfriend nito. Her world crumbled before her every eyes.

Kasabay ng pagkawasak ng puso niya ay ang pagkasira din ng relasyon ng kanilang mga pamilya. Tuluyan niyang tinalikuran si RGL. Isinara niya ang anumang komunikasyon dito.

Nang lumaban siya bilang kandidata sa Mutya ng San Clemente, hindi niya agad naisip na magiging dahilan iyon para magkalapit uli ang landas nila. Pero paano pa siya iiwas lalo at nanalo siya at nakahanda na rin siyang lumaban para sa Lakambini Ng Nueva Ecija? Imposibleng dedmahin niya ito lalo at ito ang kasalukuyang mayor ng kanilang bayan.

Binatang mayor na nagpapalipad-hangin na magkaroon na daw sana ng first lady.

Iyon na kaya ang magiging daan para sila magkabalikan? Pero paano ang hindi humuhupang galit ng kanyang ama sa pamilya nito?

chap-preview
Free preview
Part 1
MAITIM ANG singit mo, girl. Hindi bagay sa iyo ang mag-inarte! “Uy, best, maldita ka, ha. Sino ang maitim ang singit?” Siniko siya ng baklang si Arnie, best friend at volunteer na personal hair and make-up artist niya. “Huh?! Did I say something?” kaila niya. Buti na lang at coronation night na. Hindi niya feel ang kasamahang kandidatang iyon. Nuknukan ng arte at pintasera samantalang hindi naman bagay. Sana lang ay manalamin muna ito bago pumuna ng kapintasan ng iba. “Oo, ah. May binubulong ka. Feeling ko si ano iyan…” Ibinulong nito sa kanya ang pangalan ng kandidatang mismong tinutukoy niya. “Grabe ka!” in denial pa rin na sabi niya. “Aba, obvious naman! May extra naman akong patatas at kamatis sa bahay. Nai-donate sana sa kanya na pampaputi. Hay nako, kung bakit ba kasi umiitim iyang singit, eh, hindi naman natin binibilad sa araw.” “Arnie, lower your voice.” “Ay, nako, dapat nga lakasan ko pa. Free beauty tip iyan at tested and proven ko na din. I-sight mo ang kelly ko. Hindi mahihiyang tumabi sa kelly mo.” Ibinuka nito ang kilikili sa harap niya. “Hala, oo nga. Ang kinis. Amazing.” “Alam mo, sure akong winner ka na. Kaya sa reign mo, isali mo sa plataporma mo na magbigay ng beauty tips sa mga kababayan natin. Una na akong volunteer maging member ng committee mo para diyan. Madami yata akong maise-share na pampaganda na homemade lang.”  “De, sige ikaw na. Ikaw na itong may mga plano na, eh, hindi pa natin alam kung sino ang mananalo. Malay mo iyon pala ang winner at uuwi akong talunan.” “Ikaw, tatalunin ng babaeng iyon? Aminin mo nang hindi ka lang basta early favorite. Kitang-kita naman ang lamang mo sa ibang kandidata. At kitang-kita din na malakas ka sa ating kagalang-galang na mayor RGL. At kung si Mayor lang ang nag-iisang judge ng beauty contest natin, sure na sure winner ka na.” Her heart beat differently upon hearing his name. “Huwag kang atribida. Alam mo iyang mayor natin na iyan, kahit kaninong babae, basta tisay at maganda, umiiba pungay ng mata niyan.” kaswal na sabi niya. “Uuy, kung makapagsalita siya parang kilalang-kilala niya si RGL. Sabagay, iba na talaga ang may nakaraan, este may pinagsamahan.” Pinandilatan niya ito. “As if, hindi rin alam ng iba. Obvious naman. Si Engineer Rommel G. Laperal? Notorious playboy iyan ng San Clemente. Alam na alam ng halos lahat iyan bago pa man siya naging mayor.” Tumayo siya at hinagod ang buhok. “Okay na ba, best?” “Perfect.” “Salamat sa lahat, my bestie.” “Naku, no need. What are friends for? Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo.” “Baka isusumbat mo ito sa akin later on? Madami diyan, kung makasuporta ganoon na lang tapos magugulat ka, naglilitanya na pala ng panunumbat. Ang masakit, hindi na totoo ang iba. Imbento na lang.” “Hmmm, may hugot kang ganyan? How about next year na lang kaya? Puwede na bang manumbat no’n? Dadagdagan ko pa itutulong ko para mahaba-haba ang listahan ko ng sumbat. Support today, sumbat next year. Ganern?!” At saka ito tumawa bago nagseryoso ang tono. “Walang sumbatan, Abie. Hindi tayo ganoon. Bukal sa loob ko ang ginagawa ko para sa iyo na kaibigan ko. At kapag bukal sa loob ang pagsuporta, hindi dapat na isinusumbat. Hindi lang naman tayo ngayon nagtutulungan. High school pa lang tayo, bestie na tayo. Aba noong mga panahong hindi pa ako makaamin kay Mang Arnulfo Senior, ikaw lang ang nakakaintindi sa pagiging kloseta ko. Kunsintidor ka rin sa akin. Mahaba na rin ang pinagsamahan natin.” “You are absolutely right. I’m honored to be your friend. At salamat pa rin.” Nag-flying kiss pa siya kay Arnie bago siya sumunod sa pila ng mga kandidata. Abegail Perez Briones wasn’t just a mere beauty. Mas higit na may ipagmamalaki ang utak niya. Nagtapos siya na magna c*m laude at kasali din siya sa top ten ng board passers para sa CPA. Hindi kalabisang sabihin na bago pa man siya mag-oath taking ay pinag-aagawan na ng mga prestihiyosong auditing firm ang serbisyo niya. At kapag naiuwi niya ngayon ang korona, mas akmang-akma na tawagin siyang beauty and brains kahit na nga ba sabihing municipality level lang ang beauty contest na iyon. “Grabe! Ang guwapo talaga ni RGL, ano?” “Suwerte siguro ng girlfriend ni Mayor.” “Oo naman, guwapo na at mayaman tapos sikat pa.” “Eh, sino nga ba ang girlfriend ni Mayor ngayon? Sana ako na lang.” Parang mga high school girls na nagbubulungan ang ibang kandidatang nasa malapit sa kanya. At hindi niya masisisi ang mga ito. RGL was indeed the most-sought afer bachelor in town. Taglay nito ang lahat ng katangiang hahangarin ng isang dalaga. Gwapo, mayaman, may posisyon. At malakas ang karisma sa taong-bayan. “Bb. San Roque,” tawag sa kanya ng coordinator. “Ikaw ang huli dahil ikaw ang huling tinawag kanina as semi-finalist.” Semi-finalist now, grand winner later, buong kombiksyon niyang sabi sa sarili. Ako ang tatanghaling Mutya ng San Clemente 2015.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.6K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook