bc

Retribution of His Wife and Mistress

book_age18+
928
FOLLOW
2.9K
READ
revenge
arranged marriage
twisted
bxg
gxg
bisexual
serious
cheating
lies
affair
like
intro-logo
Blurb

He thought he loves her, yet, he still fell in love with someone else, who eventually broke his heart unexpectedly.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“MOM, please! I don’t want to marry that woman. I don’t even know her!” reklamo ni Darwin sa ina, matapos niya itong sundan sa loob ng kuwarto ng mga ito. Ka-a-announce lang ng ama niya ang ‘tungkol sa pagpapakasal niya sa anak ng best-friend nito kanina sa gitna ng kanilang dinner party. At ang malala pa’y in-announce nito iyon sa harap pa ng kanilang mga kamang-anakan at kaibigang pamilya. Wala manlang siyang kaalam-alam na plano na pala ng mga ito na ipakasal siya sa babaeng hindi niya naman kilala. Hindi niya tuloy alam kung paanong mag-re-react kanina sa harapan ng mga tao sa party. Hindi niya naman magawang tumanggi, dahil hindi rin naman niya gusto ang mapahiya ang mga magulang niya. Kaya naman nang matapos na ang party ay agad niyang sinundan ang ina niya rito, para dito magreklamo. Hindi niya talaga gusto ang magpakasal, dahil bukod sa wala pa ‘yon sa isip niya, ayaw niyang masira ang buhay binata niya. “Wala tayong magagawa, dahil ‘yan ang gusto ng dad mo. And, Jasvin is a great woman; she’s beautiful, smart, and amiable. Magugustuhan mo rin siya, Honey.” Napapalatak na lamang siya dahil sa isinagot sa kaniya ng kaniyang ina. Oo, aminado siyang maganda si Jasvin, halos maglaway na nga rito ang mga pinsan niyang lalake kanina sa party. Pero ayaw niya pa rin ang magpakasal dito; ayaw niya pa’ng matali sa iisang babae! Kumapit siya sa braso ng mom niya’t patuloy itong kinulit, “Please, Mom, convince dad to revoke his announcement. I don’t really want to get married at this early age. I’m just twenty-five for heaven sake!” Talagang napakabata niya pa para magpakasal. Magpasakal kamo! Tss. “He can’t do that. Nagkasundo na ang dalawang family, at na-announced na sa buong angkan ang ‘tungkol sa marriage niyo ni Jasvin. Gusto mo ba’ng mapahiya ang dad mo?” “But—” “No buts, Darwin. If you want, convince your dad yourself. Let’s see kung mapapayag mo siya. Alam mo naman ‘yong ama mo, boss ng pamilya. We can’t do anything but to obey his words.” Para’ siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang lumabas ng kuwarto ng mga magulang niya. Ano ba’ng puwede niyang gawin para maresolba ‘tong napakalaking problema niya? Of course, wala. Unless, maglayas siya at hindi na magpakita pa sa pamilya niya kahit na kailan. And of course again, he can’t do that. Kaya ang ending, wala rin siyang nagawa kun’di ang sumang-ayon sa arrange marriage na magaganap. Hindi siya makapaniwala na uso pa rin pala ito sa panahong ito. Naiinis siya, pero wala siyang magawa. Mabuti na lamang talaga’t maganda at mabait si Jasvin. At least, magagawa niyang magtiyaga rito, at baka balang araw ay magawa niya rin itong magustuhan. O, mahalin. May pagka-sira ulo lang siya pero naniniwala pa rin naman siya sa love. At ang gusto ko sana ay ang magpakasal sa babaeng mahal ko. Pero hindi niya na ‘yon magagawa, dahil bukod sa hindi niya naman mahal si Jasvin, wala naman siyang ibang babaeng iniibig ngayon. Marami na siyang naging girlfriend, pero wala naman siyang minahal sa mga ‘yon, dahil isa siyang mapaglarong lalake; hindi siya marunong magseryoso. Pero ngayon kailangan ko na’ng magseryoso. Malalim na lamang siyang napabuntonghininga. Sana lang ay hindi niya ito pagdusahan sa huli. “Matagal na kitang gusto, Darwin, kaya mabilis akong pumayag sa marriage. I hope magkasundo tayo.” Hindi niya napigilan ang magulat, dahil sa sinabi ni Jasvin. Kasama niya kasi ito ngayon sa isang dinner date na in-arrange ng mga magulang nila para sa kanila. Hindi siya makapaniwala sa pagtatapat nito. Talagang matagal na itong may gusto sa kaniya? Nakapagtataka, dahil first time nga lang niya itong makita noong party kung kailan in-announce ang marriage nilang dalawa. Kung gano’n ay matagal na ba siya nitong kilala? “Do you already know me before that party?” pagsasatinig niya sa tanong ng kaniyang isipan. Ngumiti ito sa kaniya, kasabay ng marahan nitong pagtango. “Of course. Mag-best friends ang mga dad natin, kaya madalas kang maikuwento ng dad ko sa ‘kin. Minsan na rin tayong nag-meet sa ilang mga party. Pero masyado kang busy sa mga date mo, kaya hindi mo ‘ko napapansin,” kapagkuwa’y paliwanag nito. Napaawang ang labi niya. Hindi talaga siya makapaniwala. Ibang klase. Ang ganito kagandang babae ay matagal nang may gusto sa kaniya? Though, hindi na dapat siya mabigla, dahil aminado naman siyang napakaguwapo niya at natural na habulin talaga siya ng mga babae. I’m not being boastful. I’m just stating fact. Masyado siyang na-flattered dahil sa confession ni Jasvin; ng napakaganda, napaka-sexy, at napaka-hot na si Jasvin. And throughout their dinner, nakita niya kung gaano ito kabait, kahinhin, at kasarap kausap; plus the fact that she’s a sophisticated woman. Kaya naman sa huli ay tuluyan na talaga siyang napapayag sa pagpapakasal dito. Hiling niya lang sana na maging maayos ang pagsasama nilang dalawa’t walang maging aberya sa marriage life nila. Cross finger. ©IvyLoud

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

NINONG III

read
363.2K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook