bc

THE MAN WHO TEMPT ME (Taglish)

book_age16+
7.4K
FOLLOW
47.9K
READ
billionaire
sex
confident
bxg
lighthearted
bold
city
sassy
virgin
office lady
like
intro-logo
Blurb

Ali was a very conservative one, a woman with high morals, a woman who believe in sanctity of marriage, a woman that promise to give her virginity to the man she will marry someday.

Until she met him. Him.

Brix. A handsome devil in disguise. With eyes that are full of lust while looking at her. A man that awaken her desire. He never sweet talk to hero. He was always straight forward that he wants to have her.

Morals. Marriage. Madness. This story tells on how temptation could distract anyone's chastity and how love and respect could win over temptation.

***ALL THE CHARACTERS IN THE STORY ARE ALL FICTIONAL AND PRODUCT BY THE AUTHOR'S IMAGINATION.***

**PLAGIARISM IS A CRIME**PLAGIARISM IS A CRIME**PLAGIARISM IS A CRIME**

chap-preview
Free preview
Prologue (Brix and Ali)
MAY ISANG ORAS NA NIYA SINUSUNDAN ANG LALAKI AT BABAE NA NASA LOOB NG ISANG KOTSE. Nasa unahan ang sinasakyan ng mga ito at nakasakay siya sa isang taxi. "Manong, huwag mo hayaan makalayo sila sa atin, ha?" sabi niya pa sa driver ng taxi na pinara niya agad kanina para masundan ang dalawang naglalandian. Galing siya sa birthday celebration ng kasama niya sa trabaho. Nandoon sila kanina sa isang restaurant at doon niya nga nakita ang dalawang naglalandian na dahilan kaya niya sinusundan. Hindi niya boyfriend ang lalaki, asawa ito ng pinsan niya and she just want to know kung saan sila pupunta ng kasama. Masyado niyang close ang pinsan niya na asawa ng lalaki na nasa kotse. Kanina niya pa rin gusto tawagan ang pinsan pero ayaw niya magpadalos-dalos, pag-iisipan niya muna kung dapat niya ba ipaalam sa pinsan ang nangyayari. Ayaw niya mag-away ang mga ito or worse maghiwalay. Buntis pa naman ang pinsan niya. Ilang establisyemento pa ang dinaanan nila hanggang sa huminto ang mga ito sa isang bar. Dali-dali siyang nagbayad at bumaba para sundan ang mga ito. Hindi niya pwede hayaan makalayo ang mga ito sa kaniya. When she entered the bar ay nabungaran niya ang mga nagsasayawan na mga lasing na babae't lalaki, ang iba ay nasa mga mesa at masasayang nag-iinuman. She grimaced seeing them, this is her first time sa ganoong lugar. She was already twenty-five yet never been in that kind of place. Hinahanap niya ang mga sinusundan at nakita niya ang mga ito na papunta sa isang pribadong pinto, kung anuman ang nasa likod ng pinto ay wala siyang alam kung hindi siya susunod. Gusto niya sundan ang mga ito pero wala na siya magawa dahil nakasarado na ang pintuan at hindi na niya makita ang mga ito. Maya-maya ay may isang attendant na nagbukas ng pinto at diretsong pumasok, she immediately enter habang hindi pa nakasara ang pinto. It seems na okay lang naman pala tumuloy at pasimple niya na lang binaybay ang daanan. May mga kwarto siya nadadaanan at nalilito na siya kung saan niya makikita ang asawa ng pinsan niya. Ilang hakbang pa ang ginawa niya at nakita niya ang sinusundan na kahalikan ang isang babae sa labas ng isang kwarto. She was shocked. Iba ang kasama nito kanina at iba naman ang kahalikan nito ngayon. Maya-maya ay pumasok ang mga ito sa loob ng isang kwarto at nanlalaki ang mga mata na tumalikod siya sa mga ito, iniisip kung tama ba na manahimik siya sa nakita o ang sabihin niya ang pagtataksil ng asawa ng pinsan niya. She was about to leave and still in shock when she bumped to a hard body of a man na hindi na niya napansin dahil sa tuliro niyang isipan. "Sorry," she said instantly at magpapasalamat sana sa pag-alalay nito sa kaniya kaya hindi siya natumba nang marinig niya itong magsalita. "Caught your husband cheating on you?" NAKITA NIYANG PUMASOK ANG BABAE NA IYON SA LOOB NG BAR NA PAG-AARI. Kapansin-pansin ang itsura ng babae hindi dahil sa maganda ito kung hindi dahil sa suot nito na out of place sa lugar na pinasok. She dressed like someone na kagagaling sa unibersidad at nag-cutting class. He followed her out of curiosity dahil mukhang may hinahanap ito. Then he noticed her following a couple na sweet na naglalakad patungo sa area kung saan naroon ang mga VIP rooms. He noticed that she hesitantly enter the door na pinasukan ng mga sinusundan. Halata sa mga kilos nito na hindi ito sanay sa gano'ng lugar. When an attendant enter the door para mag-check ng mga VIP rooms na bakante pa ay nakita niyang pasimple itong pumasok. Napangiti siya sa nakita... She knows how to sneak in. Patuloy niya itong sinundan at nakita niya na napahinto ito sa nakita, ang lalaking sinusundan nito kanina ay may kahalikan na ibang babae. Definitely asawa niya o boyfriend... He thought. He still wait for the woman's action, iniisip na baka mag-eskandalo ito. Ilang sandali na nakatayo lamang ito at nakatingin sa naghahalikan then she turned around at humakbang na palayo. Hindi siya napansin nito at nagulat sa pagbangga sa katawan niya. Damn. He doesn't like innocent and naive looking woman but this woman na hawak niya ang braso para hindi matumba ay may kakaibang idinulot sa katawan niya. What the... He heard her apologize then he asked her... "Caught your husband cheating on you?" Napatingin ang babae sa kaniya at doon niya nakita ng malapitan ang mukha nito. She's a beauty. CHEATING? HUSBAND? Napatingin siya sa lalaking nagtanong sa kaniya na nakahawak sa braso niya dahil muntik siyang matumba dahil sa pagbangga niya dito. She looked at his face at bahagya siyang nailang ng makita ang mukha nito. Ang gwapo! Artista ba ito? She shakes her head sideward. Napatango naman ang lalaki sa pag-iling niya. Waring naintindihan ang naging pag-iling niya. Umiling siya kasi hindi niya naintindihan ang tanong nito. Husband? Sino'ng husband? "So boyfriend mo 'yong tinitingnan mo. Boyfriend mo pa lang. Good!" he said smiling to her. Napatitig naman siya dito, ano ba pinagsasabi nito? Hindi gano'n ang ibig niyang sabihin. "A– I mean... Hindi ko siya asawa but I kn–" know him. Iyon ang gusto niya sana sabihin pero itong gwapong epal sa harap niya ay pinatigil siya agad magsalita. "Shh... No need to explain. Let me help you," sabi nito sa kaniya at muli siyang hinawakan at hinila papasok sa kwarto katabi ng kwarto kung saan naroon ang bayaw niya. Nanlalaki ang nga mata niyang nakatingin dito at namumula na ang mga pisngi niya sa hiya sa kung paano ba siya nakaabot sa gano'ng sitwasyon. She was supposed to go home pero bakit niya ba sinundan ang bayaw hanggang dito. "I... I don't think it is necessa--" Pagtakip sa bibig niya ang nagpatigil sa kan’yang pagsasalita. Ang kakaibang pakiramdam sa pagkakadikit niya sa katawan ng lalaki ay nagbibigay ng kilabot sa kaniya. Kilabot hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa kakaibang sensasyon na bumabangon sa katawan niya. "Just listen," the handsome man said to her. She frowned, ano ba ang kailangan niya pakinggan? Maya-maya ay narinig niya ang kakaibang ungol mula sa kabilang kwarto. Ungol? She gasped... It was a woman's moan. The people in the other room are obviously doing obscene things. Thinking how scandalous those people are, ay napatingin siya muli sa lalaking kasama sa kwarto. He was smiling at her. "Want to make it even? You can count on me," he said to her. NATATAWA AT NAGTATAKA NA SIYA SA MGA REAKSYON NG BABAE NA NASA HARAP NIYA. Is she innocent or just simply stupid? At nagtataka rin siya sa sarili niya kung bakit niya pinagtiya-tiyagaan ang mukhang aanga-angang babae sa harap niya. She just stared at him sa tanong niya, parang hindi pa yata naintindihan ang sinabi niya. Maganda sana pero may pagka-manang. Sayang! He thought. "What do you... Oh my G-" sabi nito, waring diring-diri sa sinabi niya. Nakakadiri na ba siya? He chuckled while stepping close to her. Nang malapit na siya dito ay agad hinawakan ang buhok nitong nakalugay at inamoy. "You smell nice," he said after sniffing her hair. Nanlalaki naman ang mga mata ng babae na nakatingin sa kaniya. Parang naninigas na rin ito. Nakakatakot na ba ako? Buhok pa lang hinawakan ko ay mukhang hindi na ito makagalaw. Nang makabawi ay agad ito umatras at lumayo sa kaniya, nagmamadaling lumayo na mistulang tumatakas mula sa isang mamamatay-tao. Mukha na ba akong killer? Natatawa na lang sa sarili na sinundan niya ito ng tingin. For the first time in his life ay may umatras na babae sa kaniya. Buhok pa lang ang hinawakan at inamoy niya ay kinatakutan na siya. Malapit na ito sa main door at alam niyang lalabas na ito nang makita niyang lumingon ito. He smiled at her, a tempting smile. I will see you again. He promised to himself. Nakita niya ang pag-ismid nito sa kaniya. Ipinapakita nito na hindi ito interesado sa kaniya at doon na siya tuluyang natawa. MESSAGE ALERT NG PHONE NIYA ANG NAG-DIVERT NG ATENSYON NIYA. She checked her phone. That's Lian, her cousin, asking her kung anong oras siya uuwi. She checked the time and was shocked na inabot na pala siya ng alas-onse ng gabi sa labas. Nagmamadali siya tumawag ng taxi at sumakay. "Manong, sa Sta. Mesa po." Kinuha niya muli ang phone sa bag at dali-daling tinawagan ang pinsan na si Lian. "Ali, saan ka?" her cousin asked her. "Pauwi na ako, " she answered. "Good! Wala kasi ako kasama ngayon. Akala ko hindi ka makauwi." "Where's Andrew?" she asked Lian kahit alam naman niya kung nasaan ang magaling niyang bayaw. "Sa Batangas pa raw siya, may emergency meeting kasi sila kanina at hindi na raw siya makabalik, bukas pa raw uwi niya." She rolled her eyes sa kasinungalingan ng bayaw niya, naiinis sa ginagawa nito sa pinsan niya. "No worries at pauwi na rin ako. Just wait for me at may gusto akong sabihin sa'yo maya." Pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya sa pinsan at ibinalik na ang phone sa bag. Iniisip kung paano sasabihin sa pinsan ang nakita. She inhaled deeply. Men! Cheating men! At bigla pumasok sa isip ang lalaki sa bar kanina. Ang walanghiya! Kagwapo pa naman sana pero napakamanyak naman!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook