bc

More Taste Of Honey

book_age16+
1.5K
FOLLOW
11.0K
READ
love-triangle
contract marriage
love after marriage
pregnant
arranged marriage
sensitive
drama
like
intro-logo
Blurb

“Mahal din kita, d**k. Lahat ng pang-unawang maibibigay ko sa iyo, ibibigay ko, as long as I know and I feel that you love me. Ilalaban ko ang pagsasama nating ito. Ilalaban ko ang kasal natin.”

“We love each other, Honey. Trials will come and go, but our love… that is all that matters.”

Pagkatapos ng mabilisang kasal nila ay mas napatunayan ni Honey na hindi nga siya nagkamali na pumayag na magpakasal kay d**k. Every single day was bliss. Damang-dama niya kung paano siya alagaan at mahalin ng asawa kaya naman siya man ay mas lalo nang minahal ito.

Pero wala nga sigurong perfect marriage life.

Hindi sinasadya na nakita niya si d**k na may kasamang isang babae. Halos yakapin pa nito iyon. Mabilis na gumapang sa puso niya ang selos at pagdududa. At mas masakit sa kanyang hindi niya kilala ang babaeng iyon. Kung sana man lang ay ex-girlfriend iyon ni d**k, baka mas maintindihan pa niya.

At napansin niya si d**k na parang palaging natitigilan. Na parang malalim palagi ang inisip. And so, the jealous and doubting wife in her did something.

Gusto niyang mapatunayan sa sarili na mali ang pagdududa niya. Hindi bale nang mapahiya siya sa sarili niya kesa mapatunayan na tamang-hinala siya.

But she discovered one paper.

Parang gumuho ang mundo niya.

What happened to those frequent I love you’s? Hanggang salita na lang ba iyon ni d**k?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MORE TASTE OF HONEY is the sequel book of A TASTE OF HONEY.  I suggest you read that book first. Thank you. NAALIMPUNGATAN si Honey sa mainit na haplos at halik ni d**k sa kanya. Bago pa man niya nakuhang dumilat, tinakpan na ng maalab na halik nito ang mga labi niya. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa kanyang mga hita. Ilang sandali na dumama doon. Masarap at mainit na mga paghaplos bago dumako ang daliri nito sa garter ng bikini niya. Kusang umangat ang balakang niya para mas mabilis na mahubad ni d**k iyon sa kanya. She moaned softly when she felt his hand between her legs. “You’re ready for me, hon.” Mas malakas na ungol ang naisagot niya sa sinabi nito. His hand was doing sensuous magic on her feminine folds. Gising na gising ang bawat himaymay ng katawan niya sa masarap na kiliting binuhay nito sa loob niya. Inililis ni d**k ang pantulog niya hanggang sa itaas ng dibdib niya. Siya na ang kumilos para bumangon at tuluyang hinubad ito. Hinubad din niya ang sando ni d**k. Nang dumako ang kamay niya sa waistband ng boxers nito, hinayaan din siya ng asawa na ibaba niya iyon. His hardness sprang free. And she was captivated at the sight of him. Inabot niya iyon at marahang ikinulong sa kanyang kamay. Her thumb touched the smooth head. Ilang beses na pinaikot-ikot niya ang daliri niya doon. Kinabig siya ni d**k at mariing hinalikan habang ang isang kamay nito ay ginigiya pa ang kamay niya kung paanong kilos ang gagawin sa p*********i nito. Of course, she knew how to do it right. Her hand moved up and down to his steely length, gently massaging him, and feeling him getting bigger and harder under her touch. Marahan siyang inihiga ni d**k at pinaghiwalay ang kanyang mga hita at saka pumwesto ito sa pagitan niyon. He kissed her lips again. Bumaba ang halik na iyon sa kanyang leeg at nagtagal sa dalawang umbok ng kanyang dibdib bago gumawa uli ng maliliit na halik pababa pa. Napakiwal siya nang maramdaman ang mainit na labi at dila nito sa kaselanan niya. “d**k,” she whimpered. Mas nagtagal ang maiinit na halik nito doon. Mas nagsasaliksik. She was almost begging him to be inside her when he finally stopped kissing her there. Minsan pa ay iniungol niya ang pangalan ni d**k nang magsimula siya nitong angkinin. Paulit-ulit na inangkin siya ni d**k nang gabing iyon. At paulit-ulit din na ipinagkaloob niya ang sarili niya dito. “I love you, hon,” anas nito. “I love you, too.” He kissed her again. At saka mahigpit siyang niyakap nito bago nakatulog sa kanyang tabi.     “GOOD morning, wife!” Ginising siya ni d**k sa pamamagitan ng maraming maliliit na halik na ginagawa nito sa buong mukha niya. “Parang hindi tayo puyat, ah?” nakangiting kantiyaw niya dito nang dumilat siya. “Hindi naman. Puyat na puyat lang. Masarap nga sanang bumabad na lang sa kama kung wala lang tayong lakad.” Sukat sa narinig ay napabalikwas siya ng bangon. May pupuntahan nga pala sila. Pagtayo niya ay bumuway ang tindig niya. Nakadama siya ng pagkaliyo. “Easy,” sabi ni d**k na nakahawak agad sa kanya. “Hindi naman natin kailangang magmadali.” “Ano bang hindi?” Mas nakadama pa siya ng panic nang matanawan ang oras. Alas siete na nang umaga. “Oh, my God! Dapat nasa biyahe na tayo niyan. Nakakahiya. Late na late na tayo.” Hinila siya ni d**k pabalik sa kama. Napaupo siya sa mismong kandungan nito. “Relax. Ano ba ang nakakahiya? First night natin kagabi. Dapat nga hindi tayo lalabas ngayon. Mas masarap magkulong na lang dito sa kuwarto.” He nuzzled her neck. Napapikit siya sa masarap na kiliting mabilis na gumapang sa katawan niya. “d**k,” she muttered. Bumibigat ang kanyang paghinga lalo at naramdaman niya sa dibdib niya ang naglalambing na haplos nito. “We have all the reasons to be late, Honey.” Naihiga na siya nito uli sa kama. Anumang sasabihin pa niya ay tinakpan na nito ng maiinit na halik. Nalusaw ang protesta pa sana niya at minsan pa ay nagpaubaya siya dito. It was a quick yet passionate lovemaking. Natatawa na lang sila habang nagmamadaling gumayak pagkatapos ng mga sandaling iyon. “Lampas tanghalian na tayo darating sa amin,” aniya nang sakay na sila ng pick-up. “Take a deep breath,” naaaliw sa sabi nito sa kanya. “Ang importante ay darating pa rin tayo sa inyo ngayong araw na ito. Saka huwag kang mag-alala. Nasa biyahe na sina Papa.” “Nauna pa sila sa atin?” gulat na reaksyon niya. “Kesa naman lahat tayo ay late. Excited din silang mamanhikan, hon. Madaling-araw pa ay tumawag na si Mama para sabihin gumagayak na sila.” “Madaling-araw? Ay, juice ko po, anong oras na ngayon? Nakakahiyang malaman nila kung bakit tayo late.” She could feel her cheeks burning with embarrassment. “Of course not. At walang nakakahiya. We just got married yesterday. Sabi ko nga, we should be spending the whole day by ourselves. Honeymoon natin ngayon.” Pinisil nito ang kamay niya. “But we also have to do this. Babawi tayo ng honeymoon pagkatapos nito.” “Honeymoon talaga?” “Oh, yes, my wife.” Kinindatan pa siya nito. “Tamang-tama sa pangalan mo. Kiss me first. Pampasuwerte sa biyahe.” Sumunod naman siya. Nagtagal pa nang kaunti ang halik bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Ikinabit nito ang seat belt niya at saka hinimas ang tiyan niya. “Relax ka lang diyan, baby. Enjoy the ride.” May humagod na init sa puso niya sa gesture nitong iyon. sa mga ganoong kilos nito ay nakukumbinsi siya talagang nag suwerte-suwerte niya kay d**k. Tanggap na tanggap nito ang anak niya. At bago ito tuluyang humarap sa manibela ay hinaplos pa ang pisngi niya. “Ikaw din, hon. Relax ka lang, okay. Matulog ka kung gusto mo. Kulang ka sa tulog, eh.” “Kantiyaw pa more,” sagot niya dito. “Parang ikaw ay hindi kulang sa tulog.” “Don’t worry about me.” “Baka makatulog ka sa pagmamaneho.” “Hindi. Gising na gising ako.” Ilang sandali pa at nasa kalsada na sila. Nakakaramdam siya ng antok pero nilalabanan niya ang makatulog. Nag-aalala siyang baka antukin din si d**k sa pagmamaneho at maaksidente pa sila. Tumunog ang cell phone niya. “Hello, Nanay,” sagot niya agad. “Kumusta ba ang biyahe ninyo? Naku! Itong tatay mo’y hindi mapakali. Sabi ko namang matutuloy kayo ngayon kung bakit pinapatawag pa ako. Nakakahiya naman diyan sa partido ng mapapangasawa mo. Baka sabihin ay atat na atat naman kaming mapakasalan ka.” “Okay lang, Nanay. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Excited din naman silang mamanhikan. On the way na kami, ‘Nay. Medyo nauna na ho sina Mama sa biyahe papunta diyan.” “Ah, iyong magiging biyenan mo? Hindi ba kayo sabay-sabay? Alam ba nila ang pagpunta dito?” “Nagkausap na ho sila ni d**k para sa direksyon. Paki-estima na lang ho muna.” “Aba’y oo naman. Kami pa ba? Nakasalang na ang kalangkang na bibe. Itong tatay mo pa ang personal na nagluto nito. Kako’y i-pressure cooker na lang, aba’y gusto pa iyong ilang oras na inatay-atay ang pagpapakulo. Kung sabagay ay masarap naman talaga ang ganoon. Sa kabilang baryo pa nakakuha ng usbong ng sampalok. Tamang-tama lang na malambot na malambot na ang karne pagdating ninyo.” Natakam siya sa narinig. “Na-miss ko bigla ang kalangkang. Nakakagutom, ‘Nay.” “Pagdating mo’y matitikman mo ito at makakapag-uwi pa kayo. Madami ito. Anim na bibe ang k*****y kanina. Ay, siya, ingat kayo sa biyahe, ha.” “Ano iyong sabi mo? Kalangkang? Ngayon ko lang narinig iyon,” sabi sa kanya ni d**k nang ibaba niya sa kandungan ang cell phone niya. “Oo. Luto iyon sa amin pag may special occasion. Kinarir ni Tatay ang pamamanhikan ninyo. Siya pa talaga ang nagluto.” “Wow! Hindi naman nila kailangang maghanda. Tiyak akong may dala sina Papa. At huwag kang magugulat kung makikita mo ang dala nila.”  “Baka naman parang handaan na ng isang baryo iyon? Pamamanhikan lang ito, d**k. Hindi pa mismong kasalan.” “Hayaan mo na sila, hon. Baka nakakalimutan mo na iyong sabi ni Papa nung isang araw. Nag-iisa nga lang akong lalaki. Minsan lang sila magpapakasal ng anak. Alam mo naman ang tradisyon natin. Partido ng lalaki ang gumagastos sa lahat.” “Huwag masyadong marangya, d**k. Hindi naman siguro magre-request ang parents ko ng ganoon. I’m sure iyong makita nilang ikasal ako nang maayos, okay na rin. Simple lang naman kami.” “Masyadong simple iyong kasal natin kahapon. Para tayong napadaan lang sa city hall at may pinirmahan lang. Ni hindi nga nila nabalitaan iyon. Kaya iyong susunod nating kasal, i-enjoy na natin lahat. Alam kong ang mga babae ay mga dream wedding din. I’ll give you your dream wedding, hon.” “Kuntento na ako na pinakasalan mo ako, d**k,” sincere na amin niya. “Bonus na lang kung tutuusin ang pamamanhikang ito. Puwede naman ding sabihin ko na lang sa kanila na nagpakasal na tayo. Iyon naman ang mahalaga. Ang mapakasalan ako.” “I still want to give you the best, hon. You deserve more than just a civil wedding. I would like to see you walk down the aisle. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko kung gaano ka kaganda sa wedding gown mo. And you don’t have to worry about any single thing. Kung lalayuan mo lang ng konti ang tingin mo, matatanaw mo ako malapit sa altar at naghihintay sa iyo. Just take a slow walk. One step at a time. Hindi ako maiinip na hintayin kang makalapit sa akin. And then I will hold your hand.” “Dick.” She was lost for words. Hindi na niya maisip kung ano pa ang sasabihin niya. She was touched by his words. Dahil sa sinabi nito ay parang nakikinita na rin niya ang sarili na nagmamartsa patungo sa altar habang suot ang isang napakagandang wedding gown. “I can’t wait for that moment, hon.” “Kung iyon ang gusto mo, gugustuhin ko na din, Dick.” “We must set the wedding date soon. At sa palagay ko, iyon din ang ii-insist nina Mama kapag nag-usap ang matatanda.” Natahimik siya sandali. “Hindi ko alam kung dapat nang sabihin din sa kanila na buntis na ako.” “It’s up to you, hon. Hindi naman dapat itago kung tutuusin. Ngayon pa bang kasal na tayo? But I’ll leave it all to you. Kung saan ka kumportable.” “You are so nice to me, Dick.” “I love you, Honey. Mas higit pa sa pagiging nice ang kaya kong gawin para sa iyo. You are my wife. Gagawin ko ang lahat para sa iyo.” Naipon ang luha sa mga mata niya. Nang magkatinginan sila at mabasa niya sa mga mata nito ang pagkaaliw, dinaan niya sa tawa ang pag-iyak niya. “Blame this to hormones,” nakangiting katwiran niya habang pinupunasan ang luha. “Iyong hormones talaga ang may kasalanan diyan. Palagi na lang siya,” ayon naman nito. “Masasanay din ako na iyakin ka.” “Momentary lang din siguro ang ganito. Hindi naman ako talaga iyaking tao.” Inihinto nito sa Petron sa Marilao ang sasakyan. “Baka nasi-CR ka,” sabi nito. “At saka ano ang gusto mong kainin? Mahaba pa ang biyahe. Hindi kayo dapat magutom ng baby.” “You’re so thoughtful, Dick.” He just smiled at him. Para siyang nakalutang sa alapaap habang papunta sa CR. Paanong pati iyon ay naisip pa ni d**k? Ni hindi niya kailangang sabihin dito na mabigat na rin ang pantog niya at tinatawag na siya ng kalikasan. Ah, napakasuwerte niya talaga sa asawa niya. Healthy brunch ang naghihintay sa mesa nang bumalik siya kay d**k. Alam niyang sila pa rin ng baby ang iniisip nito kaya iyon ang pagkaing pinili nito. “Kung may craving kang iba, iorder natin,” sabi nito. “Sa dami na iyan, maghahanap pa ba ako ng iba?” Tinikman niya ang garden salad. “Ang sarap!” “Do you want this?” alok nito sa triple patties na burger nito. Katakam-takam ang itsura niyon lalo na sa cheese na natutunaw sa gilid. “Tikim lang din. Bawal sa akin ang ganyan.” “Pag tikim, sigurado akong hindi naman makakasama sa inyo ni baby. Saka ngayon lang naman, di ba?” Inilapit nito sa bibig niya ang burger. “Take a bite.” Dumaiti din sa mga labi niya ang daliri nito nang ngumanga siya at kumagat. It was heaven. Hindi lang iyong lasa ng burger, mas higit iyong nararamdaman niyang intimacy sa kilos nilang iyon. Pinahiran pa ni d**k ang sulok ng labi niya nang may kumalat na melted cheese doon. They took time eating. Ni hindi siya nito inapura sa pagkain niya kahit na dapat sana ay nagmamadali sila. Bago sila bumalik sa sasakyan, ipinag-take out pa siya nito ng pagkain para daw hindi siya magutom sa daan. Kung hindi pa naman talaga niya maituturing ang sarili  na napakasuwerte kay d**k ay hindi na niya alam ang itatawag doon. “Buckle up, hon,” paalala nito sa kanya nang nasa sasakyan na sila. “Eto na nga po. Ginagawa na.” Hindi niya nakayanan ang atake ng antok at nakatulog din siya sa biyahe. Nang gisingin siya ni d**k ay pamilyar na tanawin na ang nakikita niya. “Malapit na tayo sa inyo,” sabi nito. “Oo nga.” Umayos siya ng upo at hinagod ang buhok.  Nang ihinto ni d**k ang sasakyan sa likod ng Starex van na alam niyang sa parents nito ay ganoon na lang din ang gulat niya. Iginala pa niya ang tingin sa paligid lalo na sa bakuran nilang higit sa inaasahan niya ang dami ng tao. “Hala, fiesta ba dito?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unloved by the billionaire

read
397.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.9K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.1K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
236.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook