bc

RCBS 4- Falling for a BEAST

book_age18+
1.7K
FOLLOW
3.2K
READ
dark
second chance
arrogant
confident
twisted
childhood crush
lies
surrender
wild
like
intro-logo
Blurb

Warning (SPG)

RACE CLUB BOYS SERIES #4

( Jay Montejo )

Biktima ng isang panggagahasa si Devon sa nakaraan, na ang tanging naka-alam ay siya at ang lalaking nang-rape sa kanya. Jay Montejo is her brother's bestfriend since elementary. Lihim niya itong hinahangaan kahit alam niyang kilala ito sa pagiging babaero.

Paano kung isang araw ay malaman niyang si Jay at ang lalaking nang-rape sa kanya ay iisa? At paano kung itanggi ng binata na hindi naman pala isang rape ang nangyari noon? Paniwalaan niya ba ito? Ano nga ba ang totoo?

chap-preview
Free preview
1FFAB
"Devon!" Naalimpungatan na napabalikwas ng bangon si Devon nang marinig niya ang malakas na boses ng Kuya Dale niya na tinatawag ang kanyang pangalan. "Kuya? Bakit?" mulagat niyang tanong dito. Pero hindi ito sumagot at nakakunot lang ang noo nitong nakatitig lang sa kanya habang nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Ramdam niya pa ang bilis ng t***k ng puso niya dahil nagulat talaga siya sa pagsigaw nito. 'Yong bang akala mo ay may giyera ng magaganap at kailangan na nilang lumikas kung gusto pa nilang mabuhay sa mundo. Iyon ang dating sa kanya dahil tulog na tulog siya tapos bigla na lang itong sumigaw na akala mo ay sa kabilang barangay siya nakatira. Pwede naman kasing tapikin na lang siya at mahinang boses lang dahil hindi naman siya bingi. "Kanina ka pa ba diyan?" muli niyang tanong dito at kukurap - kurap itong tinitingnan dahil nakatitig pa rin ito sa kanya na tila ba sinusuri siya. "Are you okay?" sa halip ay balik nito sa kanya at kumunot pa lalo ang noo nito. Tumaas ang isang kilay niya nang tumitig rin dito. "Yeah, why?" tugon niya at mabilis na tinakpan ang bibig nang humikab siya. "You're shouting, Devon. What's wrong?" tanong nito at halos hindi kumukurap habang nakatutok sa kanya. Nang marinig niya 'yon, bigla siyang napapikit at huminga nang malalim at dahan-dahan rin ibinuga. Kaya naman pala ganito ito kung tingnan siya dahil narinig pala nito ang sigaw niya. Napanaginipan na naman kasi niya ang nangyari sa kanya isang taon na ang lumipas. Kailan ba matatapos ang panaginip niyang iyon? Halos nakapag-move on na nga siya kahit imposible pero nagawa niya. Kinalimutan niya ang lahat na parang walang nangyaring gano'n sa kanya. Pinilit niyang maging matapang para lang maging normal ang kanyang kilos hindi siya mahalata ng mga magulang niya na may malaking problema siyang dinadala. At nagtagumpay naman siya dahil nagawa pa rin ngumiti at kumilos ng normal kapag humarap siya sa ibang tao. Lalo na sa mga lalaki. "I'm okay, Kuya. Pagod lang siguro ako dahil anong oras na kami natapos kaninang madaling araw," tugon niya at ngumiti ng tipid dito. "Are you sure?" "Yup! Sige na, inaantok pa ako. Gusto ko pang bumawi ng tulog." taboy niya dito para hindi na ito magtanong pa. "'Kay.." napipilitang tugon nito at lumabas na rin. Nang makitang lumapat ang pintuan ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag at binalikan ang nangyari nang umagang iyon. __________ ( Flashback 1 year ago ) "No!" Malakas niyang sigaw matapos makita ang kanyang sarili nang umagang 'yon. Halos nanginginig ang buong katawan niya nang makaramdam nang pangingirot sa pagitan ng dalawang hita niya. Hindi niya akalain na sa isang iglap lang ay mawawala ang pinaka-iingatan niyang virginity. Ano ba ang nangyari? Bakit wala man lang siyang maalala kagabi? Kanino niya binigay ang kanyang sarili? Bakit hindi niya nalaman kung sino ang lalaking nakasama niya sa kwarto kagabi? Sa pagkakaalam niya ay malinaw pa ang isip niya nang magpaalam siya kina Eunice at sa iba pa nilang kasama bago pumunta sa kwarto para humiga sa kama dahil naramdaman niyang unti-unti na siyang nahihilo sa pang-limang baso ng alak na kanyang ininom. Hindi siya ganoon kalakas uminom kaya mabilis siyang malasing. Kaya bago pa siya magkalat ay naisip niyang magpaalam na sa mga kaibigan niya hangga't malinaw pa ang isip niya dahil kung magtagal pa siya ay baka mag-black out na siya. Pero bakit wala siyang matandaan? Ang dami niyang tanong sa kanyang isipan na hindi niya alam kung paano sagutin dahil mag-isa na lang siya sa kanyang kwarto nang magising at 'yong lalaking nakasama niya ay wala na. Tanging mag-isa na lang siyang naroon. Wala siyang ideya kung sino ito. Imposible naman ang mga kasamahan niya, e puro babae naman silang naroon. Kaya sino ang pagbibintangan niya? Sino ang sisihin niya? Hanggang sa humagulgol na nga siya dahil wala talaga siyang ideya kung kanino niya binigay ang kanyang sarili at kung ano ang nangyari kagabi bago siya nakatulog. "Paano nangyari 'to? Ano na ang gagawin ko nito?" mahinang tanong niya sa kanyang sarili sa kabila ng kanyang pag-iyak. Tinakpan niya ang kanyang bibig saka muling humahagulgol. Gulong-gulo ang isip niya at masakit pa ang buong katawan niya, lalo na sa may parteng ibaba ng bahagi ng katawan niya. Hindi siya makagalaw at napapangiwi siya tuwing kikilos ng mahina. Hindi niya matanggap na basta-basta na lang nawala ang virginity niya nang hindi niya nalalaman. Paano kung malaman ng pamilya niya ang nangyari sa kanya nang umagang iyon? Lalo na ang Kuya Dale niya. Araw-araw pa naman siya nitong kino-kumusta. Kahit nasa ibang bansa ito ay parang kasama lang niya ito. Palagi siya nitong pinag-iingat dahil wala daw ito para mabantayan siya. Lagi siya nitong tinatanong kung nasaan at ano ang ginagawa niya. Kung tutuusin mas istrikto pa ito kaysa sa mga magulang nila. Masyado itong mahigpit sa kanya kahit nasa malayo na ito. Dinaig pa ang Daddy nila sa ugali ng Kuya Dale niya. Minsan nagiging OA na ito pero iniintindi niya na lang at iniisip na ginagampanan lang ang pagiging Kuya nito sa kanya. Kaya hindi pwedeng malaman ito ng iba dahil malaking iskandalo ito sa pamilya nila. Mapapahiya ang buong pamilya niya, lalong-lalo na ang magulang at Kuya niya. Kaya kailangan walang pwedeng makaalam na nagahasa siya ng hindi niya kilalang lalaki. Kung kinakailangan na ilihim niya ang nangyari sa kanya ay gagawin niya. Pero hahanapin niya ang lalaking gumawa ng kahayupan sa kanya at pagbabayarin niya ito sa oras na malaman niya kung sino ang hayop na 'yon. Kahit namimilipit sa sakit ay pinilit niyang pumunta ng banyo para ayusin ang kanyang sarili bago uuwi sa bahay nila. Tutal pauwi na rin naman sila nang araw na 'yon. Mauuna nga lang siya sa mga kaibigan niya dahil alam niyang tulog pa ang mga ito. Naisipan kasi nilang mag-celebrate sa hotel dahil sa matagumpay nilang bagong design ng mga damit. At para na rin planuhin kung saan nila pwedeng gaganapin ang pageant para ilalabas ang mga bagong design na gawa nila. Pero hindi niya akalain na may mangyayari palang hindi maganda sa kanya. Pinunasan niya muli ang kanyang mukha at kaagad lumabas matapos masigurong maayos na ang kanyang itsura. Halos nanginginig pa ang kamay niya nang abutin niya ang phone sa kama nang muli niyang makita ang dugo sa bedsheet na patunay na wala ang kanyang iniingatang virginity. "It's okay, Devon. Kaya mo 'yan. Mahahanap mo rin ang hayop na gumawa nito sa 'yo." Pampalakas niya sa sarili at pahablot na kinuha ang phone bago lumabas sa hotel suite na kinuha niya. Diri-diretso siyang naglakad sa hallway pababa sa ground floor at agad nag-check out sa hotel. Nang matapos ay mabilis din siyang lumabas at agad sumakay sa kanyang kotse at pinaandar ito pauwi sa kanilang bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.4K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.6K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook