bc

I Found My Prince Charming

book_age18+
1.0K
FOLLOW
5.3K
READ
friends to lovers
independent
doctor
single mother
drama
bxg
heavy
brilliant
city
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Arabella Feliciano, isang mapagmahal na anak, kapatid at kaibigan ngunit hindi naging masuwerte sa unang lalaking inibig. Binigay niya ang lahat, naging mabuti siyang ina sa nag-iisa nilang anak at katuwang sa buhay. Ngunit hindi naging sapat iyon, nagawa siyang lukuhin ng taong akala niya ay totoong nagmamahal at magpapahalaga sa kanya.

Hanggang sa may hindi inaasahang pangyayari.

Iyon din ang araw na nakilala niya si Dr. Angelo Ruther Martinez, isang Orthopedic Surgeon. Ang lalaking nagparamdam ng halaga niya.

Lalaking naging karamay niya sa mga panahon na tila guguho na ang mundo niya.

Naging magkaibigan sila sa mga panahon na hindi alam ni Ara kung ano ang gagawin niya.

Ano ang magiging role sa buhay ni Ara ng bagong lalaking kung ituring siya ay espesyal?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Ano? May lagnat?" nag-aalalang tanong ni Ara sa kapatid nang tawagan siya nito. Nasa trabaho siya ng mga oras na iyon at nagkataon pa na busy siya dahil shipment ng product na ginagawa sa factory na pinapasukan niya. Isa siyang Finished Goods Warehouse Supervisor kaya hindi siya puwedeng basta-basta na lang uma-absent or mag-leave sa trabaho niya. "Oo, Ate, may lagnat si Luke. Tinawagan ko na si kuya Miggy pero hindi raw siya makakauwi," tugon ng kapatid ni Ara. "Sige ganito na lang, painumin mo muna siya ng gamot at paki-monitor ang body temperature niya. Paki lagyan din ng basang towel ang noo niya. Hindi kasi ako puwede umuwi ngayon kasi shipment namin," bilin niya sa kapatid. "Sige, Ate, update na lang kita ulit mamaya." "Sige, salamat," tugon niya sabay patay ng phone. "Ano'ng nangyari, Madam?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Ara sa warehouse. Madam ang tawag sa kanya ng mga tauhan niya. Iyon na ang mga nakasanayan itawag sa mga may posisyon sa loob ng kumpanya. "May lagnat daw ang anak ko sabi ng kapatid ko," malungkot na tugon niya. "Gusto ko sana umuwi kaya lang hindi puwede." "Bakit 'yong partner mo, Madam, hindi puwede um-absent?" tanong ng isa pa sa tauhan niya. "Kahit naman puwede um-absent iyon hindi naman a-absent wala naman iyon paki sa amin," wika niya. "Grabe naman pala partner mo, Madam. Kung tutuusin, puwede naman siya um-absent kasi hindi naman gano’n kakumplikado ang trabaho niya. Hindi ba isa siya sa mga security head ng agency nila, Madam?" "Oo, ang kaso wala nga iyon pakealam." "Hayaan mo, Madam, gagaling din ang anak mo, Pray lang," payo ng isa sa mga tauhan niya. "Sana... O siya, okay na ba lahat? Nai-pack na ba lahat ng sizes ng shoes na kulang sa shipment natin?" tanong niya. "Okay na, Madam," sabay na sagot ng anim na warehouse man at ng assistant niyang si Rona. "Ms. Ara," tawag ng production manager kay Ara. "Yes, Sir?" agad na tugon niya "Is Shipment ready?" tanong nito. "Yes, po, pero wala pa po ang container natin, Sir." magalang na tugon niya. "Okay, nakipag-communicate ka na ba kay Ma'am Christy mo?" "Yes, I already informed her about the container, Sir." Ang Christy na tinutukoy nito ay ang logistic officer ng kumpanya. Ito rin ang kumukuha ng container van na paglalagyan ng product ng kumpanya na i-export sa ibang bansa. Logistic din ang nag-aasikaso ng papers ng shipment sa customs. "Okay, good," wika nito sabay labas ng warehouse preparation area. Agad napabuntong-hininga si Ara sabay tila mabigat ang katawan na umupo sa upuan. Naiisip parin niya ang anak niyang si Luke. Lord, sana gumaling na agad ang anak ko. Tunog ng cellphone ang nagpagising sa kamalayan ni Ara. Agad niya tiningnan kung sino ang tumawag. Pangalan ng kapatid niyang si Lyka ang naka-register na caller. Pasalamat na lang siya at allowed sa kanilang mga superior ang gumamit ng cellphone sa loob ng trabaho. Ito din kasi ang ginagamit niya para makipag-communicate sa logistics officer everytime na may shipment sila. "Hello, Ly kamusta si Luke?" agad na tanong niya. "Bumaba na ang lagnat niya, ate. Pinainom ko ng gamot at gatas kaya nakatulog na siya." "Thanks, God! Mabuti naman at okay na siya." Tila nakaginhawa ng maluwag si Ara nang marinig iyon. Two years old pa lang ang anak niyang si Luke at mahal na mahal niya ito. Hindi man naging mabuti sa kanila ang ama ng bata ay binuhos naman ni Ara ang lahat ng makakaya para lang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak. "Sige, ate, tinawagan lang kita para hindi ka na mag-alala," wika ng kapatid niya. "Salamat, Ly, kung wala ka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," pasasalamat niya sa kapatid. Ito na kasi ang naging katuwang niya sa pag-aalaga sa anak niya. "Okay lang iyon, ate. Alam ko naman na kung ako ang nasa sitwasyon mo ay gagawin mo rin ito. Sige, ate, bye na’t malo-lowbat na ang phone ko." paalam nito sabay end na ng call. "Madam, andiyan na ang container," tawag sa kanya ni Sammy. "Sige, tawagan ko lang ang mga checker para makapag-umpisa na tayo mag-loading," tugon niya. Nasa ground floor ang warehouse at nasa second floor naman ang admins office. Bago kasi ilabas sa warehouse ang for shipment, bukod sa kanya na in charge. Kailangan din muna ito i-check ng mga checker kung tama ang naka-declare sa packing list. Agad niya kinuha ang walkie talkie radio para tawagan ang checker. "Miss Dianne, come in," tawag ni Ara gamit ang hand-held radio na hawak niya. "Miss Dianne, come in," ulit ni Ara. "Yes, go ahead," tugon nito. "Miss Dianne, dumating na ang container, puwede na ba kayo bumaba para i-check at makapag-loading na?" "Sige, sige, bababa na kami," tugon nito. "Okay, thank you," wika niya sabay baba na ng radio. "Boys, be ready. Start na tayo agad pagdating ng mga checker," tawag niya sa mga warehouse man. Gusto niya matapos agad ang loading para makauwi siya ng mas maaga. "Okay po, Madam," sabay-sabay na naging tugon nila. Halos two hours din ang tinagal bago nailagay lahat ang for shipments sa container van. Bakas sa mga mukha ng mga loading team ang pagod. Alas kwarto na iyon ng hapon at sakto na tapos na rin ang eight-hour work nila. Laking tuwa rin ni Ara dahil hindi sila inabot ng gabi. Madalas kasi 'pag shipment nila ay inaabot ng gabi, minsan pa hanggang madaling araw. Ngayon, makakauwi siya ng maaga para maalagaan ang anak niya. Pagkatapos maiayos lahat ay bumalik na sila sa warehouse para iligpit ang mga naiwang mga kalat sa preparation area. Niligpit na rin ni Ara ang mga papel sa desk niya at pinatay na ang computer. "Madam, uuwi ka na ba agad?" tanong ng assistant niyang si Rona. "Oo, Rona. Maaga ka pumasok bukas, ha? Baka kasi mali-late ako ng pasok," bilin niya sa assistant niyang si Rona. "Okay po, Madam." "Sasabay ka ba sa akin?" tanong niya kay Rona. Madalas niya isabay ito sa sasakyan niya dahil nadadaanan naman niya ang bahay at para hindi na rin ito namamasahe. Naawa kasi siya dahil sa, hirap din ito sa buhay at may anak pa na ginagatas. "Opo, Madam. Kung puwede po," tila nahihiyang wika nito. "Ano ka ba? Syempre puwede," tugon niya sabay tapik sa balikat ni Rona. "Ang bait mo talaga, Madam. Buti na lang talaga ikaw ang pumalit kay Madam Mila. Bukod sa masungit e madalas pa ako pagalitan kahit wala naman minsan dahilan." "Alam mo, Rona, basta ginagawa mo lang ng maayos ang trabaho mo, wala naman problema sa akin. Puwera na lang kung hindi, dahil pagagalitan talaga kita." Eighteen years old pa lang si Rona at si Ara naman ay 26 years old. Nagustuhan naman ni Ara si Rona dahil bukod sa masipag magtrabaho ay parang nakikita rin kasi niya ang sarili kay Rona. Ginagawa rin nito ang lahat para maitaguyod ang anak dahil iniwan ito ng nakabuntis sa kanya. "Salamat, Madam," pasasalamat ni Rona. "O, siya, tara na mag-out na tayo at dadaan pa ako ng drug store," aya niya kay Rona. Sabay nagpatiuna na sa biometric para magkapag-out. ***** "Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na may lagnat ang anak mo?" bulyaw na bungad ni Miggy. Si Miggy ang live-in partner ni Ara. Hindi pa kasi sila nagpapakasal dahil sa kulang pa ang budget. Kaya lang, simula ng mag dalawang taon pa lang ang anak nilang si Luke ay nag-iba na ang ugali nito. Madalas na siya bulyawan at mabilis din uminit ang ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook