bc

All of Me (A wife untold story)

book_age18+
12.2K
FOLLOW
76.3K
READ
dark
contract marriage
playboy
aloof
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
abuse
like
intro-logo
Blurb

Para kay Laura ang pag-ibig ay parang sugal.

May natatalo. May nananalo.

Sa laro na siya ang taya,

Paano niya haharapin ang kapalarang nakaabang sa kaniya?

Kung ang lahat ng nasa paligid niya ay kontra?

Lahat ay kaya niyang gawin para sa pag-ibig.

Lahat ay kaya niyang ibigay para sa minamahal.

Pag-ibig...

Dignidad...

Karapatan...

All of me...

chap-preview
Free preview
Simula
"Pero alam mo, mare... Once a cheater always a cheater. Kaya iyong asawa kong si Dindo, jusko! Buti na lang iniwan ko na. Tingnan mo naman ako ngayon, looking young and healthy. Hindi tulad noon na mukha akong basahan." Tuloy-tuloy na sabi ng aking kaibigang si Olive. Magkaibigan na kami mula pa hayskul kaya sanay na ako sa ugali nito. Masyado itong prangka at matalim ang dila. Walang preno ang bibig nito kahit na nakakasakit na iyon ng damdamin. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaibigan. Gumanda nga ito ngayon at naging makurba ang katawan. Wala na ring mababakas na maitim na linya sa ilalim ng mga mata nito. Natatandaan ko pa kung paano ito pumalahaw ng iyak, dahil sa asawa nitong si Dindo. Sa kasamaang palad kasi ay nambababae ang mister nito. Siya ang laging karamay ni Olive. Siya ang naging sandalan nito noong mga panahong panay pa ito pagdududa. "Ano ka ba? Past is past. Hindi mo naman kailangan pang balikan ang bangungot na iyon sa buhay mo, Olive. Masaya ako para sa'yo." sabi ko sa kaibigan. Ngumiti din ako kapagkuwan. Natawa ito ng mapakla. Naiiling itong tiningnan ako mula ulo, pababa. Tumaas din ang kilay nito at halatang may pagdududa ang tingin. Napainom pa ito sandali ng juice at pagkatapos ay tinitigan akong mabuti na parang inaarok. "Kumusta ka naman, mare? Mukhang nangayayat ka ngayon? Nasaan na ang ningning ng isang Laura Moran? Best Actress ng MMFF!" I roll my eyes to my bestfriend. Napatingin din ako sa paligid ng restaurant. Napakalakas pa naman ng boses nito kaya baka marinig pa ng kung sino at magkainteres pa sa buhay ko. Matagal ko nang nilisan ang showbiz mula ng mag-asawa ako. At kung maaari ay kinalimutan na ko ang bahaging iyon ng aking buhay. Napailing ako saka napabuntong hininga. "Maayos naman... May konteng problema lang din katulad ng karamihan." marahan kong sabi dito sabay kagat sa aking labi. Maging ako ay hindi alam kung ayos ba talaga ako. Natatakot kasi ako sa posibilidad na ganoon nga. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang aking problema. Hindi ko alam kung paano haharapin ito. Hindi ko naman kasi naisip na pwede pala ang ganoon. Na pwede akong lokohin ng aking asawa. Bakit ko nga ba maiisip iyon kung alam ko sa sarili kong mahal ako nito? Na lagi nitong sinasabi sa akin ang mga katagang iyon pagkatapos ng aming maiinit na pagtatalik. Ngunit, hindi pala sapat ang mga salita lamang galing kay Bernard. Hindi pala sapat ang mabulaklak na dila nito upang pawiin ang aking pagdududa. Napailing ako sa naisip. Pilit kong winawaglit ang lahat ng aking pagdududa. Pilit kong kinukonsenti ang mga rason ni Bernard sa akin. Si Bernard na aking asawa ay isang pulitiko. Mayor ito ng aming bayan kaya palaging abala araw-araw. May mga negosyo din ito sa loob at labas ng aming lugar. Mayaman ang pamilya ni Bernard sapagka't ang angkan nito ang may hawak ng buong lalawigan ng San Vicente. Ang pamilya ni Bernard ay pamilya ng mga pulitiko. Governor ang ama sa buong lalawigan. May kapatid din itong  isang lalaki si Andrew, ngunit ang hacienda ang mas gusto nito. Ang haciendang kanugnog ng Hacienda de Vergara-ay ang  Hacienda Guerrero. "Hoy! Natulala ka na d'yan. Ano na? Nasaan na ang asawa mo? Akala ko ba, susunduin ka niya. Aba'y sobrang tagal naman niya." agaw ni Olive sa aking pansin. Ipinilig ko ang ulo at agad kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tinawagan ko ang asawa ngunit panay ring lamang ang kabilang linya. Akmang ibababa ko na ang tawag ng sagutin nito iyon. "Hello?" sagot nito sa akin. Napakunot ang noo ko. Mukhang bagong gising kasi ang boses ng aking asawa sa kabilang linya na aking ipinagtataka. Napakaliwanag pa ng araw para maisipan ng asawa kong matulog sa opisina nito. "Nasaan ka ba? Akala ko susunduin mo ako dito, honey? Kanina pa ako naghihintay." "Sorry, hon. May emergency meeting lang kasi sa City Hall. Ahh... Pwedeng mag-taxi ka na lang?" sagot naman nito. Mas lalong napakunot ang aking noo sa tinuran ni Bernard. Papaanong magkakaroon ng meeting ang City Hall ng hindi ko alam? Ako mismo ang nagluluto para sa snacks ng mga ito kaya imposible. Bigla akong nakaramdam ng kaba para sa aking sarili. Alam niyang kong mali ang magduda ngunit, iba na ito sa mga nauna. Iba na ito kumpara sa dating mga dahilan nito. Sinong mag-aakala na ang isang taon pa lamang naming pagsasama ay magkakalamat na kaagad ang tiwala ko sa asawa. Alam kong mahal ko ito ng higit pa sa sarili ko, kaya hindi ko alam ang gagawin kung sakaling magloko nga ito. "Mauna na ako, Olive at malayo pa ang ibabyahe ko. Mag-ingat ka lage." sabi ko dito matapos ibaba ang tawag ko kay Bernard. Tumayo ang aking kaibigan at nilapitan ako. Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan ng marahan sa aking pisngi. "Tumawag ka sa akin, kapag may problema ka Laura. Kung si Bernard man 'yan, naku! Sabihin mo sa akin, at ako mismo ang puputol sa pinagmamalaki niya!" Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Olive. Dilat na dilat pa ang mga mata nito na para bang totoong nagagalit nga. Sa sinabi ni Olive ay gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam. Sana ganoon lang kadali ang magsabi. Sana ganoon lang kadali ang lahat. Habang nasa byahe ay tulala lamang ako. Malayu-layo pa ang aking byahe dahil nasa bayan ako ng San Martin, ang katabing bayan ng San Vicente. Buong byahe akong nakatingin lamang sa bintana ng sinasakyang taxi ng may mahagip ang aking paningin. "Manong, pakihinto po muna!" Mabilis kong turan sa driver ng taxi. Tumalima naman ito kaagad. "Pakihintay po ako dito, Manong. May pupuntahan lang ako sa loob." Tumango ang driver, kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan. Tuloy-tuloy ang lakad ko papasok sa Sofatel. Isang first class hotel sa bayan ng San Martin. Sa parking lot pa lamang ng hotel ay nakita ko na ang sasakyan ng aking asawa. Kumakabog ang dibdib ko habang nagtuloy-tuloy sa receptionist. Padabog kong ibinaba ang aking bag sa table nito kaya naman naagaw ko ang pansin ng babae. "What's the room number of Mayor Bernard Guererro?" "Confidential po, ma'am." "Answer me, dammit!" Mukhang natakot ito sa aking tinuran kaya aligaga itong hinanap sa computer ang numero. Nang maibigay na ng receptionist ang aking pakay ay dumiretso kaagad ako doon ng hindi lumilingon. Kumakabog ang dibdib ko sa antisipasyon. Nasasaktan na rin ang aking puso kahit hindi pa ko alam ang aking madadatnan. Nang nasa harap na ako ng pinto nang mismong kwarto ay walang pagdadalawang isip ko itong pinihit pabukas. Mukhang enjoy nga ang nasa loob at hindi man lamang ito nag-abalang mag-lock. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa nakabukas na kwarto. Bigla ko ring natutop ang aking bibig para pigilan ang nagbabadyang pagbunghalit ng iyak. Ang aking matapang na aura kanina ay biglang naglaho. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Ngunit hindi ko magawa. Ayaw sumunod ng mga paa ko sa anumang gusto kong gawin. Sa huli, hinayaan ko na lamang ang sariling panoorin ang taong minahal ko ng mahabang panahon na nagpapakasasa sa kandungan ng ibang babae. Mali. Hindi pala iba. Dahil kilalang-kilala ko kung sino ito. At alam kong napakasakit nito  para sa akin. @sheinAlthea

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

Be Mine Again

read
98.8K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.3K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook