bc

His Bogus Girlfriend (Completed)

book_age0+
3.0K
FOLLOW
14.4K
READ
fated
playboy
arrogant
badboy
bitch
drama
comedy
like
intro-logo
Blurb

Hindi ako maganda , DYOSA ako. Hindi ako matalino, GENIUS ako. Hindi ako maldita, b***h ako. Huwag ka nang umangal, basta sadyang pinagpala lang ako. - Del.

chap-preview
Free preview
Bogus 1
Del's POV ''Miss, nandito na po tayo'' ''Miss. Miss'' ''Hoy Miss, nandito na tayo! '' Napabalikwas ako ng bangon nang may biglang sumigaw sa tenga ko. Ang sakit nun. Kainis! ''Ano ba? Bakit ka ba naninigaw? Hindi mo ba kilala kung sino ako? '' sumigaw din ako niyan habang nakapikit ang mga mata kaya naman pagdilat ko, ''Hoy manang, sino ka ba? Kanina pa kita ginigising ngunit di ka nagigising!'' ''Aba! Huwag mo akong sigawan! Ang panget mo para sigaw-sigawan ang dyosang kagaya ko!" Bad mood ako kapag bagong gising kaya bahala siya. b***h nga ako diba? Pero sa sinabi kong yun ay nakarinig lang ako ng tawanan. Nang lingunin ko kung sino ang mga iyon ay nakita ko ang driver at dalawa pang lalaki at itong si manong panget.Saka tinawag niya akong Manang? My gosh, sa ganda kong 'to? ''What are you laughing at? '' iyan tuloy napapaenglish ako. ''Ikaw kasi miss, baliw ka ata. Tsk tsk. Sana sa mental hospital ka na namin dineretso eh ." bumaling siya sa driver " Hoy Boggart, may pasahero ata tayong baliw. Malapit lang ba ang mental dito? '' tapos ayun nagtawanan na sila. Kalma lang. Relax. Chill. Ang sarap hambalusin ng mga dala kong gamit ang panget na 'to. Feel naman niyang gwapo siya. Sa inis ko ay kinuha ko ang mga gamit ko at nagdadabog na lumabas ng bus baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila. Nang makababa ako ay narealize kong ako na lang pala ang natitirang pasahero. Errr, mga walang hiya. Anong akala nila sa akin ? Baliw? Duh, sa genius kong 'to? Teka teka, bakit ba kasi ganito ako kung makapagdescribe sa sarili ko? Hay naku, totoo naman eh. Pero ang naiba lang ay probinsyana ako at hindi haciendera. Well probinsyana talaga ako pero hindi ako mayaman, soon to be pa kaya nandito ako sa Maynila. Maynila? Anong alam ko sa lugar na ito kung ngayon lang ako nakarating dito? >__< ''Miss, saan ang novena?'' Nakita ko iyong isang tigasin na lalaking mukhang palaka na nakikipag-inuman sa dalawang baboy at mukhang unggoy. Ang mean ko ba? Masama na bang magsabi ng totoo. Anong magagawa ko kung ganun itsura nila? Kasalanan ko ba? Nakarinig na naman ako ng tawanan. Ano bang meron at lagi akong nakakarinig ng tawanan? As far as I'm concerned, nawalan na ako ng mood na tumawa since namatay ang nanay ko. ''Excuse me mamang froggy, hindi po ako magnonovena'' sabi ko pero biglang nanlisik ang mga mata niya. Anong problema niya ? Nakadrugs ba siya kaya biglang nagbago ang tingin sa akin? Hmp! ''Anong sabi mo?!'' galit na tanong niya. What? At siya pa ang galit? ''Alin dun? Iyong hindi ako magnonovena?'' balik tanong ko. Totoo naman ah. Haler! Bakit ako magnonovena? Malayo pa naman ang mahal na araw. ''HINDI, IYONG TAWAG MO SA AKIN!'' nakasigaw na siya. Tsk tsk. Laking problema ata nito sa mundo. ''Ahh, iyong mamang FROGGY? '' Ako Pero tiningnan lang niya ako ng masama at mas lumapit pa sa akin. Ako naman ay umaatras. Oh no. What's his problem? ''T-teka manong, bakit ka ba lapit ng lapit? Excuse me, hindi ako interesado sa mga mukhang palaka kaya shu shu . Kakadiri kaya'' pagtataboy ko sa kanya. Pagkasabi ko nun ay bigla na lang nanlisik ang kanyang mga mata. Hala, ano na naman ang ginawa ko? ''Ako? Mukhang palaka? '' nandidiri pa siya nun habang itinuturo ang sarili na parang hindi makapaniwala. ''Oo, honest po ako '' nakataas noo kong sabi. Bakit ba sya nagagalit? Nagsasabi lang ako ng totoo. Akma niya sana akong sasampalin. Yuck, sampal? Baka gusto niya ng suntukan di ko sya uurungan. ''It's not good to hurt women'' sabi ng isang lalaki. Psh, englishero ang loko. Pagtingin ko naman sa kanya . O__O. Spell NGANGA ? Omg, ang gwapo ! Nagulat ako sa nabungaran ko. Ang gwapo ng lalaking nag-english. Tiningnan ko naman yung mukhang palakang lalaki, laglag din ang panga. Huh? ''Waah! Papa! Oh my gosh , you're so gwapo! '' Tapos nagsilapitan naman yung dalawa niyang kainuman at dinumog ang lalaking englishero. Wait, loading ako eh. ''Hey handsome, what's your name? '' tanong ng mukhang unggoy habang kinakagat kagat yung lower lip. Eww, nasusuka ako. Yuck, don't tell me mga bakla pala yung mga 'to? Jeez! Pero ang ikinagulat ko ay kinuha nung lalaki ang kamay ko kaya naman nahila niya ako papalayo sa mga baklang iyon. ''Hey baby, saan ka pupunta? Come to mama. Huwag mong ipagtanggol ang babaeng hampaslupa na iyan !'' sabi nung froggy . What? Ako? Babaeng hampaslupa? Ang kakapal ng mga mukha! Susugurin ko na sana sila ngunit naipasok naman ako ng lalaki sa sasakyan nito nang 'di ko namamalayan . Naloading ako sa mga nangyayari. Ang bilis kasi. Ano bang ginagawa ko dito sa sasakyan na ito? Infairness, ang bango ha tapos ang gara ng kotse pero I don't even know this guy. Mygosh. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na humarurot ang sasakyan papalayo sa mga baklang iyon. Tiningnan ko iyong lalaki, ang walang hiyang lalaki na kinaladkad ako papasok sa kotse niya. ''HOY LALAKI, SINO KA? SAKA BAKIT KA NANGHIHILA NALANG BIGLA? IBABA MO AKO! IBABA MO AKOOOO!'' nang dahil sa sigaw kong iyon ay muntik na kaming bumangga kaya buti nalang nakapagpreno kaagad siya. ''Sh*t. You woman, shut up! '' galit na pahayag niya. Teka, siya pa ngayon ang may ganang magalit eh ako itong naagribyado? ''Aba't ikaw pa ngayon ang galit? Hoy mister, hindi kita kilala. At bakit ba pakealamero ka? Nabugbog ko na sana ang mga baklang 'yun! " ''Para bukas ay pinaglalamayan ka na? Can't you see how big they are ?'' Paglalamayan? Baka hindi alam ng lalaking ito na dahil sa pagiging genius ko ay halos lahat ng sports at martial arts ay namaster ko na? ''Excuse me? Minamaliit mo ba ako? '' di ko naiwasang hindi magtaas ng kilay. Haler lang, nakakasakit sa ego itong lalaking ito ha. ''No, I was just trying to help you out with those big boys'' parang nandidiri niyang sabi. Ahh. Kaya pala, concern ang loko? Ito ba yung sinasabi nilang Knight in Shining Armor? Oh well, okay sana siya. Gwapo, mayaman kaya lang masungit at mayabang. Definitely not my type. ''Heh, mga bakla yung mga iyon. Saka saan mo ba ako dadalhin? '' nung marealize ko naman ang mga posibleng dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng kotse niya ay agad akong napasigaw. ''Ahh!'' ''Will you please stop shouting? You're annoying'' ''Hoy! Tumigil ka! Baka nagkakamali ka , wala akong pera, okay ? Kaya di mo ako pwedeng e-kidnap, walang tutubos sa akin kaya please lang. Sayang ang mukha mo kung magiging kidnapper ka'' Ako. Pero tiningnan niya ako ng ''You're insane at baliw ka na talaga '' look . Pagkatapon nun ay di na niya ako pinansin at nagfocus na lang ang mga mata niya sa daan. What? Dedma ang beauty ko? O_O Don't tell me? ''Hoy lalaki! Sabihin mo nga kung bakit mo ba ako pinapasok dito sa kotse mo! Alam mo naman sigurong masama ang mangkinap lalo pa ng isang dyosang kagaya ko. FYI din ha, wala akong panahon sa kung anong kalokohan mo kaya please pababain mo na ako. '' kinakabahan na ako promise. Kahit naman gwapo siya ay di ako papatol. NBSB nga ako, pero naku! Virgin rin ako at ayaw kong isuko ito. Huhuhu. ''Simple, I want you .. .'' pagkarinig ko nun ay agad nanayo ang mga balahibo ko sa buhok, kili-kili at sa ibang parte ng katawan pati na sa hindi dapat tumayo . ''Oh no! Wait, you want me? Oh no no no! Rape? Rape! Waaaah! 'Wag po, virgin pa ako. Maawa ka sa akin! '' medyo napapraning na ako. Kayo kaya ang nasa sitwasyon ko di ba kayo maloka! Mas sumiksik pa ako sa bintana ng kotse baka mamaya niyan ay di siya makapagpigil. Paano nalang kung ihinto niya ang kotse sa tabi ng daan? Anong gagawin ko? ''What? Rape? Psh '' para naman atang nandiri siya pagkasabi kong rape. Aba aba, sa ganda kong ito? Paano kung totoong rape ang dahilan kaya nasa loob ako ng kanyang sasakyan? Kaloka! Paano ba 'to? Tumikhim muna siya kaya kinabahan ulit ako. Tiningnan niya ako ng seryoso saka nagsalita.''I'm not gonna rape you, I just want you to.... Become my bogus girlfriend''

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

Contract - Tagalog

read
753.5K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook