bc

His Drifted Lover (Mulier Fortis #2)

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
second chance
brave
sweet
bxg
humorous
heavy
campus
enimies to lovers
lawyer
seductive
like
intro-logo
Blurb

Reil Astin Wright have never imagined that she will going to fall inlove to her childhood enemy, Donovan Cuesta, but what if Veraizel Hensen entered the scene? Who will she chose? Two hottest boys at their school trying to win her over but wait--- she was also popular to women because of her gorgeous appearance that any gender can fall inlove with her and go crazy. But what if she will settle to this beautiful actress, Macy Dela Torre who's head over heals with her? But her head screaming she's 'straight!' after her being a bisexual became a hot topic at school.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
RAIZEL "Si Astin at Farrah?" I can't help but to feel used about this current issue. Sa loob ng classroom ay pinag-uusapan sila pati ba naman dito sa food court? Bakit ba kailangan mangialam ng mga tao sa buhay ng iba? Why they just be seated and talk about their own lives? Umayos ako ng upo and texted Rylie that I'm already here in school food court. Maya-maya lang ay nag-reply siya na papunta na siya kasama si Grayson. I'm her suitor, nagkakilala kami no'ng highschool at naging magkaibigan. We are really comfortable with each other and she's the only woman who can tolerate my short-tempered personality na dahilan kung bakit unti-unti akong nagiging dependent sa kaniya. It's just a month ago that I decided to court her to confirm my feelings towards her. But right now—I'm still confused. Napatingin ako sa entrance ng biglang umingay ito at agad na inalis ang tingin ng mapagtanto kung sino-sino ang mga 'yon. It's Rylie's sister named Astin with her peers. 'Di ko maiwasan na masahiin ang noo dahil sa ingay nila. They are laughing like there's no tomorrow. The way they laugh is uncomfortable, suspecting na may ginawa na naman silang kalokohan. "Astin! May bagong chix ka raw?" tanong ng mga basketball player sa kabilang mesa sa kaniya ng dumaan siya sa harap ng mga ito. Is she really a homosexual? Well, I'm not in the position to give my opinion about that matter. They have their own story and I respect that. "Anong chix? Wala naman akong itlog!" malakas ang boses na sagot ni Astin kaya natawa ang mga nakarinig. "Bastos talaga ng bunganga mo, Astin!" natatawang sabi ng Captain ng basketball na si Demitri. "Bakit, blinow-job ka?" Laglag ang panga ko sa narinig. How can a girl be this extremely bold? I don't know but as a man, I started imagining s****l things. The way she said those words sound sexy. Ipinilig ko ang ulo dahil sa mga naiisip. For f**k sake! She's Rylie's sister! Rinig na rinig ko ang kantyawan ng mga players lalo na't magkatabi lang ang mesa nila at ang inuupuan ko ngayon. "Iba ka talaga, Astin! Sayang lang, babae rin ang hanap!" nagtawanan ulit sila. "Kayo! Tigilan niyo nga si Astin!" saway ng isa sa kaibigang lalaki nong Astin. "Nakikipag-biruan lang kami, Gino. May respeto naman kami kay Astin. Idol namin 'yan eh!" paliwanag ng isa sa mga players. Nag-usap pa sila sandali hanggang sa maramdaman kong dadaan ang grupo nila sa gilid ko. Hindi ako dumaplis ng tingin pero ramdam ko ang tingin ng iba sa kanila. "Manliligaw ng kapatid mo 'yan 'di ba?" "Oh, sino?" I stopped myself from taking a glance in to their direction. 'Di ba sila nahihiya na iparinig ang mga bulungan nila? "Ewan, 'di naman ako chismosa." huling narinig ko sa kanila na halata namang galing kay Astin. Ilang minuto pa ako naghintay bago dumating sina Rylie at Grayson. We ate casually at paminsan-minsan ay nag-uusap about sa kaniya-kaniyang problema sa sariling course pero minsan ay na di-distract o napuputol sa pagsasalita dahil sa tawanan ng kabilang mesa na inuukupa ni Astin at mga kaibigan nito. "Sikat talaga ang kapatid mo rito sa buong school 'no?" tanong ni Grayson habang nakatingin sa kanila. Rinig ko ang pag-ismid ni Rylie, "Malamang. Puro sikat ang mga ex na babae niyan. Ngayon naman may issue na naman tungkol do'n sa sikat na model na classmate ni Raizel, Farrah ang pangalan." "Si Farrah?! Ba't 'di ko alam?" gulat na tanong ni Grayson. "Open your twitter, moron! Farrah tweeted about it this morning," pabalang na sagot ni Rylie. "Sandali lang." Agad naman itong naglabas ng phone at maya-maya lang ay napamura ito. "Thank you for the night, Astin. I love you!" basa niya habang nakatingin sa phone, "s**t! Ano to? Anong ginawa nila? Crush ko pa naman si Farrah!" Nanlulumong napatingin ito sa'kin. Inilingan ko siya at tinapos na ang pagkain. Bahala siya diyan, 'di ako makikipag-bar hopping sa kaniya mamaya kung saan umaabot kami sa kabilang bayan. Natalo pa siya ng babae! "RAI, come over here!" tawag sa'kin ni Rylie habang busy ako sa pag-iihaw ng karne. Nag-host siya ng pool party dito sa malaking bahay nila at inimbitahan ang mga kakilala na halos lahat ay mga schoolmates lang namin. Napatingin ako sa pool kung saan nagsi-swimming na ang iba. Some of them are top students and popular in school. I can see that they're enjoying. Napag-desisyonan na rin namin na mag-oovernight kami pero siyam lang ang pinayagan. Pinunasan ko ang pawis ko at ibinilin kay Grayson ang pag-iihaw at lumapit kay Rylie na handa na maligo sa pool. Napatingin ako sa katawan niya. I admit that she has the curves on the right places, but I can't feel anything s****l urge with her, it's like a common view that I always seen at magazines. She's pretty and smart and I admire her for that. "'Di ka pa magsi-swimming?" tanong niya. "I need to take a shower first," sabi ko at pinunasan muli ang pawis. Lumapit siya at kinuha ang towel sa balikat ko at siya na mismo ang nagpunas ng pawis sa leeg ko. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. "Raizel, bilisan niyo na diyan! Tara na rito, 'wag muna landian!" sabay kaming napatingin kay River dahil sa sinabi niya. Natawa na lang kami ni Rylie at dumistansya sa isa't-isa. "Use the guest room bathroom to take a shower. Magtanong ka na lang sa kasambahay sa loob," I nodded. Pumasok ako sa loob ng bahay nila bitbit ang kulay itim kong gym bag. I stop walking when I saw Tito Renz seating on the sofa while drinking his coffe. Napatingin din ito sa'kin. "Hi, Tito Renz," bati ko. He has this intense and intimidating aura. At napatunayan ko na iyon kung paano siya maging protective kay Rylie. Nakakatakot siyang magalit, lalo na no'ng nakita niyang umiiyak si Rylie dahil sa ex nito na si Gael at ilang araw lang ay nabalitaan na lang namin na bumagsak ang restaurant ng pamilya ni Gael sa bayan. Akmang magsasalita na ito ng sabay kaming napatingin sa malakas na kalabog sa pinto at nakita na nagtutulakan si Astin at ang dalawang kaibigang lalaki nito. "Kapag nasugatan si Bryan lagot ka talaga sa'kin, Astin!" "'Wag ako, pre!" hinampas ni Astin ang braso ng kaibigan na sa pagkakaalam ko ay Gino ang pangalan. Napatigil sila sa pagbabangayan ng maramdaman ang presensya namin. Gulat na napatingin si Astin kay Tito Renz. "Magandang hapon, Pa," bati nito sa ama at napakamot sa batok. Tumayo si Tito Renz at dinuro siya. "'Di kita pinalaking bastos! Buong araw kang wala dito sa bahay pero pag-uwi mo puros lalaki pa ang mga kasama mo!" nangangalaiting sigaw ni Tito Renz sa kaniya. "Pa, naman, si Gino at Bryan 'yan! Para naman silang others, kumpare mo nga mga erpats niyan... at Pa, mamaya mo na'ko pagalitan, pagod ako." "Pagod?! Pero pagdating sa kalokohan ang daming oras! Kapag 'di ka pa magbago babawasan ko ang allowance mo!" "Papa! Okay lang naman kahit 'wag mo na'ko bigyan ng allowance. Basta—" napatingin ito sa'kin, "huwag mo naman akong ipahiya sa harap ni pogi. Masisira ang reputasyon ko." nakangisi siya. Narinig ko pang natawa ang dalawang kaibigan niya sa likod. I automatically bit my lower lip because of what she said. Paano niya nagawang magbiro sa harap ng isa sa mga kinatatakutan at maimpluwensyang tao sa Santa Luciana? Kahit ama niya pa ito ay wala na sa lugar ang mga pinagsasabi niya. "Estupida!" Nagulat ako ng ibinato ni Tito Renz ang tasa ng kape kay Astin at mas lalo pa akong nagulat ng makitang nasalo niya ito. Woah! That's close. "Pa, naman. Mahal tong mug na'to eh! Sorry na po!" 'Di ko na kayang masaksihan pa ang pagtatalo nila. Pero parang bastos naman na basta-basta na lang ako aalis habang mainit pa ang argumento nila. They will notice me for sure! "Simula ngayon, bawal ka nang lumabas ng bahay kapag walang pasok! Subukan mo lang akong suwayin, malilintikan ka talaga!" naglabasan na ang ugat sa leeg ni Tito Renz dahil sa galit. "Pa, pasikat ka dahil may audience," tugon ni Astin at napatingin sa entrada patungong pool. Napalingon din ako doon at nakitang nanonood sina Rylie at ang mga inimbita niya rito. A moment of silence came. Parang ako ang nahihiya sa pagtatalo ng mag-ama. Nakita kong pinipilit kumalma ni Tito Renz. Habang si Astin naman ay may pinakyuhan sa mga nanonood na para bang may kaasaran ito sa mga iyon. Masasabi kong sakit talaga siya ng ulo. Paano na lang kaya ang nararamdaman ni Tito Renz? Kung ako ang magkakaroon ng kapatid na katulad niya ay baka impyerno ang mararanasan ko araw-araw. I sighed, naaawa ako sa mga tao na nakapaligid sa babaeng 'to. "Luluwas ako ng Maynila ngayon. Pauwiin mo na ang dalawang 'yan," kalmado nang saad ni Tito Renz. "Opo. Magkakape lang muna kami sa kusina at uuwi na sila." Napasapo na lang sa noo si Tito Renz at napilitang tumango. Tinitigan niya ang dalawang kaibigan ni Astin. "Gino, kapag nagkita kami ng ama mo sasabihin ko sa kaniya ang mga kalokohan ninyo ni Astin. Anak ka pa naman ng gobernador," sabi niya sa lalaking mas matangkad sa dalawa. "Mas madami pong alam si Dad kaysa sa'yo, Tito," napapakamot sa batok na sagot nito. "Talaga? Edi kung gano'n mas madami pa pala kaming dapat pag-usapan ni Martin." Hindi nakasagot 'yong Gino. Napatingin naman si Tito Renz sa isa pang lalaki. Sa kanilang tatlo ito ang mukhang matino. "Ikaw naman Bryan. Alam mo bang ipinagmamalaki ka ni Brandon dahil matalino at responsable ka? Paano nalang kapag nalaman niya na sumasama ka sa dalawang 'yan?" "Actually, Tito. Sa bahay po kami buong araw dahil inimbita sila ni Papa. Papa is really fond of them." Pinigilan ko mag-react sa mga narinig. Parang gusto ko matawa o ano. Halatang pinagkakaisahan nila si Tito Renz. 'Di na natuloy ang overnight dahil sa nangyari. Sinamahan ko sandali si Rylie para makinig sa mga rant niya sa kapatid. "Ba't ba kasi 'di na lang siya sumama sa nanay niya?! Sakit ng ulo lang siya sa pamilyang 'to!" "Kapatid mo parin 'yon. Dapat kausapin mo," pahayag ko. "Pasalamat siya na wala si Mommy ngayon. Tingnan natin kung masagot-sagot niya ng gano'n si Daddy kanina." Kinabukasan ay sumama ako kay Mama na mag-grocery. May sakit kasi si Manong Ed, ang driver namin, kaya ako ang magmamaneho kay mama habang nagpapagaling siya. "May ipabibili ka ba?" tanong ni Mama sa'kin ng makarating kami sa parking lot ng mall. Umiling ako. "Sige, mauuna na ako." "Ingat, Ma," paalam ko. Tinatamad kasi akong sumama sa loob kaya nagpaiwan ako rito sa sasakyan at hihintayin na lang siya. Kinuha ko ang airpods at isinaksak ito sa tenga ko para aliwin ang sarili sa pakikinig ng music. Pipikit na sana ako ng mahuli ng paningin ko sila Astin at ang tatlong lalaking kaibigan nito. Ngayon ko lang nakita ang isa sa kanila, kitang-kita ko kung paano siya kulitin ni Astin at tingnan ng may paghanga. Akala ko ba babae ang tipo ng brat na'to? Napansin ko ang suot niya. She's not really the girly type. Nakasuot siya ng malaking printed black t-shirt, rip-jeans, white sneakers at itim na bonet. May bitbit itong skateboard na isinandal niya sa harap ng kotse. Napailing ako ng maglabas ito ng sigarilyo at sinindihan gamit ang lighter. Kung paano niya ibuga ang usok ay halata nang matagal na niyang ginagawa ang ganiyang bisyo. Alam ba ito ng ama niya? Ni Rylie? Ni Tita Marga? Nagpanic ito ng makitang umubo ang lalaking kinukulit niya kanina. Agad niya binitawan ang sigarilyo at inapakan. Kitang-kita ko kung paano siya pagtawanan no'ng Gino at Bryan. Tila tinutukso siya sa lalaki. Maya-maya lang ay nawala na sila sa paningin ko, pumasok na yata sa mall. Nakauwi na kami ni Mama pero dini-disturbo pa rin ako sa nakita ko kanina. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Tito Renz o 'di kaya kay Rylie. Wala naman ako sa posisyon para pakialaman ang buhay nila. Halatang nagre-rebelde 'yong Astin, baka mas lalo lang lalala ang tao kung mangingialam pa'ko. "Farrah, may naghahanap sa'yo!" Napatingin ako sa labas ng classroom dahil sa sigaw ni Pam. Nakita kong naghihintay sa labas si Astin na para bang inip na inip. Pinuntahan yata ang girlfriend. Lumabas si Farrah para salubungin siya. 'Di na ako nagmasid pa at itinuloy na lang ang pagre-review sa test namin mamaya. I'm taking Business Management para makatulong ako sa negosyo ng pamilya namin pagka-graduate ko, thankfully graduating ako ngayong taon. Lalo na ngayon na unti-unti na itong nalulugi dahil sa pagsusugal ni Papa. Palagi 'yan ang pinagtatalunan nila ni Mama. "Rai, sama ka sa gala mamaya?" tanong ni Erwin, kaklase ko. "Tingnan ko lang, baka kasi may biglaang lakad kami ni Rylie," tugon ko. "Sinagot ka na ba? May gusto kasi sa'yo ang pinsan ko. Gustong magpatulong sa'kin," napapakamot sa ulo na sabi nito. Natawa ako, "Sabihin mo sa kaniya na may iba na akong gusto." "Tsk! Bahala siya. Sa rami ng nagkakagusto sa'yo, eh wala talaga siyang pag-asa!" Napangiti na lang ako at umiling sa sinabi niya. "Rylie!" Napatigil kami ni Rylie sa paglalakad sa gilid ng football field ng tinawag siya ng kapatid, si Astin. Tumatakbo ito palapit sa amin. Humihingal ito ng makalapit. Her chocolate brown hair flew away with the scorching wind. "What do you want?" tanong ni Rylie. Inangat nito ang kanang kamay na parang sinasabing 'sandali lang'. Tumayo siya ng tuwid at sinuklay ang buhok gamit ang kamay na hanggang ngayon ay sumasayaw sa ihip ng hangin. I was stunned when her hazel brown eyes met mine, she's innocently looking at me but I know better than that. Bumalik ang tingin niya sa kapatid. "May pinabibigay sa'yo si Demitri." nakangiti nitong sabi. I can't help but to put my guard up against her. She's having a vibe of a wolf in sheep's clothing. Can not trust her. "Demitri? Anong ibibigay niya?" ramdam ko ang excitement sa boses ni Rylie. If I can remember correctly. Rylie is in love with Demitri before. But why I'm not even jealous or irritated? Parang nakalimutan ko na kung bakit ko siya niligawan. Napataas naman ng kilay si Astin sa kaniya at napatingin sa'kin. Tila bang disappointed siya sa reaksyon ng kapatid. "Ilahad mo ang kamay mo," utos nito na sinunod naman ni Rylie. Naestatwa ako ng makita kung ano ang inilagay niya sa palad ni Rylie. What the hell?! Agad na tumili si Rylie at iwinasiwas ang kamay ng mapagtanto ang inilagay ng kapatid sa palad niya. Umiiyak itong yumakap sa'kin at halatang takot na takot sa nangyari. I feel annoyed all of a sudden. "What do you think you're doing?!" inis na tanong ko kay Astin. Hindi ako nito pinansin at isa-isang pinulot ang mga bulate na nalaglag sa kamay ni Rylie kanina at inilagay sa maliit na plastik. 'Di mo ito mababakasan ng arte sa mukha. Kahit ako ay takot din sa bagay na 'yan pero siya ay ginagawa pa itong laruan. "Nag-gardening kasi kami kanina at nakuha namin 'to ni Demitri sa pagbubungkal ng lupa," paliwanag niya. Kumunot ang noo ko. Law student nag-gardening? This girl is really a problem! "I'm asking why did you do that to Rylie, hindi kung saan mo nakuha 'yan!" nagtitimping sabi ko. She gave me a playful look. "Nagbibiro lang ako," 'di man lang nagsisising sagot niya. Anong klaseng babae 'to? Wala akong kakilala na kasing sama ng ugali niya! I tilted my head to suppresed my anger, "Alam mo bang hindi maganda ang biro mo?" She nodded and looked onto me directly, "Hmm. Kaya ko nga ginawa dahil alam kong hindi maganda." Please, let this person taste her own medicine. She's too much! It's been a month since that incident happened. Pagkatapos no'n ay wala na akong nakita o nabalitaan na gumawa na naman siya ng kalokohan kay Rylie. She's still and silent for a while at 'yon ang ipinagtataka ko. Pero sa kabila ng lahat ay maingay pa rin ang pangalan niya sa campus lalo na't nili-link siya ngayon sa artistang babae na nag-aaral sa university na 'to. "Rai, sinong namili ng damit natin?" tanong ng co-member ko sa dance troupe. "Si Alice," maikling sagot ko habang inaayos ang necktie ko. Magpeperform kasi kami sa opening ceremony ng SLSU Anniversary Celebration. Napiling ipasuot sa amin ni Alice ang pang-office na damit, ang pinagkaiba lang ay wala kaming blazer at tanging white longsleeve polo, slacks, black shoes at necktie lang ang suot. "You look good! Mas lalo kang gumwapo," nakangiting papuri ni Rylie sa'kin ng bisitahin niya ako rito sa practice room namin. "Sagutin mo na kasi!" parinig ni Grayson na kinukulikot ang sariling camera. Natawa si Rylie at tumingin sa'kin, "Malapit na." Napangiti ako sa sinabi niya kahit may pag-aalangan sa'kin. "Rai, sa faculty room muna ako," paalam ni Grayson. Tumango ako sa kaniya. Rylie hugged me tightly. Nakita ko pa ang mapanuksong tingin ng mga dance troupe members sa'kin. "Tao po!" Napatingin ako sa entrance ng practice room ng marinig ang pasigaw na boses. I saw Astin peeking from the side of the door. Anong ginagawa niya rito? "Sino Club President niyo?" tanong niya sa club member ko. Itinuro naman nila ako sa kaniya. Napatingin ito sa'kin at inilipat ang tingin sa kapatid. Lumapit siya habang nakasunod sa kaniya 'yong Gino at ilan pang mga lalaki. "Sabi ni Sir. Rodrigo, pwede raw kami manghiram ng sound system dito," sabi niya ng makalapit. "Iyon na lang ang kunin niyo," turo ko sa isang sound system na 'di rin namin nagagamit, gumagana pa naman 'yon. Binitbit iyon ng mga kasama niyang lalaki. Napakunot ang noo ko ng hindi pa sila umaalis ni Gino at nagbubulungan pa sa harapan namin. "What are you gossiping?" inis na tanong ni Rylie. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa. "Wala. Pinupuri lang namin ang costume nila," natatawang sagot ni Astin at inilibot ang tingin sa practice room. "Then, why are you laughing?" tanong ulit ni Rylie. Natahimik ang dalawa. Mukhang pinipigilang may masabi. "Kasi kabaong na lang kulang, best in costume na kayo," hindi napigilang saad no'ng Gino at tumingin sa suot ko. What? How disrespectful! Wala ba silang magawa sa buhay at lahat na lang pakikialaman? Kunting-kunti na lang talaga papatulan ko na sila. Nakita ko ang pagkurot ni Astin sa bewang niya. "Tumahimik ka, wala kang respeto. Pastor 'yan!" Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Astin. Magkaibigan nga. Akala ko sasawayin niya pero mas malala naman pala siya. "Tanga ka, pre. Dancer 'yan! Sasayaw 'yan ng cha-cha! Tingnan mo ang katabi mukhang lola na sasayaw sa disco," tinuro ni Gino si Rylie. "How dare you?!" galit na galit na sigaw ni Rylie at hinampas si Gino sa braso. I can't with them. Sumasakit ang ulo ko. "Gago! Hahahah. Kapatid ko 'yan!" "Oh? Ba't mukhang tipaklong?" "Shut up! You two get out of this place!" naubos na ang pasensyang sigaw ko sa kanila. Natahimik silang pareho. "Nag english, pre. Mag chinese kaya ako para quits." "Astin! Isusumbong ko kayo kay Daddy! Sumusobra na kayo!" namumula na sa inis si Rylie. "Tara na, gago! Saulo ko mura niyan eh, mahirap na baka mag- what the hell! You b***h! Asshole! Pa 'yan." "Social ng mura hah. Pero 'pag tinitigan mo mapapasabi ka ng s**t!" "Ulol mo! Tama na 'yan baka umiyak. Mapapagalitan na naman ako ni Papa kapag nag-sumbong 'yan!" Lord, why did I unexpectedly met this unwanted person named Astin? THE BEGINNING .....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook