bc

A Smile In Your Heart

book_age12+
848
FOLLOW
4.8K
READ
friends to lovers
goodgirl
sweet
bxg
brilliant
campus
highschool
first love
friendship
friends
like
intro-logo
Blurb

Aisha Marica Gonzales. Matalino, maganda, mabait --- but a negative thinker. Hindi siya mahilig makipagkaibigan. Why? Kasi lahat umaalis... And she's thankful to have her best friend Megan by her side.

Magbabago kaya ang pananaw niya kapag nakilala niya si Timothy?

Knowing Timothy he's not that friendly at all... Pero kung interesado siya, gagawin niya lahat. And yes, he's interested in Aisha.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Huling araw ng linggo kaya maaga akong nagising para magkapag-prepare sa café. Pinaka-busy ang araw na 'to sa buong linggo dahil karamihan ng tao ay walang pasok. Tulad ng nakasanayan, tinawagan ko si Megan para bumisita sa cafe mamaya. Nang sagutin niya ang tawag ay tinanong ko agad kung makapupunta siya ngayon. "Sige sige. Pero ngayon, after lunch ah! May lakad kasi kami ng bf ko ngayon," tugon nito sa kabilang linya. "Ok Ok. Enjoy!" magiliw kong sagot tsaka binaba ang linya. Hindi kalayuan ang café sa condo kaya maaga akong nakadating. Hindi rin nagtagal at dumating na ang mga empleyado na agad akong sinalubong ng mga ngiti. "Ang aga n’yo naman po ma'am! Nakakahiya naman po sa inyo at kayo pa po ang nauuna dito sa cafe, " bungad ni Christian sa akin. "Ano ka ba, dapat talaga ako ang maaga rito dahil ako ang may susi," natatawang sagot ko sa kanya habang nag-aayos ng tables. Makalipas ang tatlumpong minuto ay nagbukas na rin kami. "One latte please," order sa akin no'ng pinakaunang customer. "120 pesos ma'am." Kinuha ko ang bayad nito tsaka sinuklian. Aalis na sana ito nang makilala ko kung sino siya. "Cecilia?!" Lumabas ako ng counter para kumpirmahin ito. Agad akong nakadama ng excitement nang tumama ang hinala ko. "Long time no see, Aisha!" bati nito sa akin nang makilala ako. Lumapit ako sa kanya at magiliw ko siyang inalalayan palapit sa isang bakanteng table. "Oo nga! Kumusta ka na?" "Ito pamilyado na. One year after college I got married and a year after nagkaanak na 'ko," kuwento nito nang makaupo kami. "Talaga?! Dalaw ka rito minsan kasama yung baby mo ah!" excited na tugon ko "Ikaw may-ari nito 'no?" Sinabi niya iyon na para bang siguradong-sigurado siya. "Sige sige," dagdag pa niya. Ngitian ko lang siya bilang tugon. May katagalan din kaming nagkakuwentuhan ni Cecilia kaya hindi ko namalayan ang oras. Lagpas alas-onse na ng umaga nang napagdesisyonan niyang umalis dahil may family gathering pa raw ang asawa niya at kailangan niya itong samahan. Nang matapos ako sa paglilinis ng kalat sa la mesa ay dumiretso na ako sa locker room at nagsuot ng apron. "Mark, ako na muna dyan, asikasuhin mo na muna 'yong mga delivery sa likod," sabi ko sa isang empleyado nang makabalik ako sa counter. Sumunod naman kaagad ito sa utos ko. Mabilis na lumipas ang oras at madaming customers na ang naglalabas-pasok sa cafe gano’n din ang nag-oorder. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko nang humupa ang nag-dadagsaang customers, napagdesisyonan ko nang puntahan si Megan na kanina pa naghihintay pero tumunog ulit yung door chime kaya napabalik agad ako sa puwesto. "One espresso and one cinnamon bun." Inabot nito ang bayad para sa kanyang order. "Will be serve in two minutes sir," sagot ko rito. Agad naman itong tumalima at umupo sa table na malapit sa bintana. Matapos kong i-serve ang order nito ay hinubad ko na ang apron at dumiretso na kay Megan na naudlot daw ang date kaya maagang nakapunta. "Ang tagal mo naman, girl! Mas mukha ka pang empleyado rito kaysa sa kanila, oh!" reklamo nito habang pinagmamasdan ang mga empleyado ng café. "Sorry na, dami kasing customers eh." Nilapag ko agad ang frappe sa harap niya. Tumango-tango naman ito bago inuman iyon. 'Yan lang talaga nakakawala ng arte niyan. Pampalubag-loob sa kanya kapag naghihintay siya ng matagal tulad ngayon. "Aisha, who's that guy?" turo niya roon sa lalaking umorder ng espresso at cinnamon bun. "He's a regular customer." "Oh, mysterious," Humigop ulit siya ng frappe. "Yeah, regular na siya rito pero hindi ko pa nakikita ang mukha niya." Napatingin ulit ako roon sa lalaki. Totoo iyong sinabi ko, regular customer na siya pero 'di ko pa rin nakikita ang mukha niya. Why? Because he's always wearing sunglasses and a hat! Magtanggal man siya ng sumbrero ay lagi namang nakatalikod sa gawi ng counter kaya hindi ko makita ang mukha. Nasulyapan naman na siya ng ibang empleyado pero kapag ako ang lalapit ay tumatayo agad ito. "He looks familiar though," sabi niya matapos sumandal. Mukhang gusto niya rin kilalanan ang lalaki. Matagal niya pa itong tinitigan tsaka muling bumaling sa akin. "By the way, gusto ka raw ma-date no’ng kaklase natin no'ng high school!" "Huh?" Umayos siya nang upo at pumalumbaba sa table. "May gusto raw sa'yo 'yon simula high school kaya gusto ka raw ligawan," nakangiting sabi nito. "Kaklase raw natin 'yon dati kaso hindi ko lang maalala kung anong grade," dugtong nito at sinulyapan ulit yung lalaki sa kabilang table. "Know him?" "N-No." Agad naman niyang Iniwas ang paningin dito. "Megan, kilala ko lang ka-close kong lalaki no'ng high school ay si... Timothy," bulong ko ngunit alam kong sapat na iyon para marinig niya. Hindi siya tumugon kaya ito na naman ang utak kong nananadya at pilit na ibinabalik ang mga alaala kong kasama si Timothy. "Wala naman nasabi sa aking close kayo." Bumalik ako sa wisyo ng magsalita muli si Megan. Tumayo ako at nagpaalam na magpapahangin lang. Nang papalabas na ako ng cafe ay may nabangga ako. "Sorry," sabi ko nang paunahin ko siyang lumabas. Siya iyong lalaki kanina. Ang bilis naman ata niyang makapunta rito ng gano'ng kalayo? Napahinto ito nang tuluyang makalabas at humarap sa akin. Hinawakan niya ang pinto para makalabas din ako. "Long time no see, Ceci-“

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

NINONG III

read
363.2K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Fight for my son's right

read
146.7K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook