bc

Debt of the Heart

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
opposites attract
brave
mafia
drama
bxb
gxg
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

Ang pamilya ni Amara ay nalubog sa napakalaking pagkakautang sa makapangyarihang pamilya Marcellus, ang pamilyang pinamumunuan ng kinatatakutang mafia boss na si Rafael “El Viejo” Marcellus. Ngunit sa mismong kaarawan ng anak nito na si Damon Marcellus, isang arogante at malupit na binatang matagal nang nambubully kay Amara, isang hindi inaasahang “regalo” ang hiningi nito sa ama: si Amara mismo.

Bilang kapalit ng utang, ipinasakamay siya kay Damon.

Ngayon, kailangan ni Amara na humanap ng paraan upang makatakas mula sa anino ng pamilyang Marcellus, lalo na sa mga kamay ni Damon na tila may sariling intensyon sa kanya. Ngunit paano kung sa bawat tangkang pagtakas ay lalo lang siyang hinihila pabalik sa mundo ng mga Marcellus?

At paano na ang relasyon niya kay Ethan, ang matagal na niyang nobyo, kung ang puso at kalayaan niya ay hawak na ng lalaking pinaka-kinamumuhian niya?

Isang kuwento ng utang, kapangyarihan, at pag-ibig na hindi niya inakalang darating, dahil minsan, ang pinakamalaking panganib ay hindi ang mundo ng mafia… kundi ang pusong unti-unting bumibigay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 My First Cage
"Happy birthday, anak," bati ni Don Rafael, ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa malaking sala. Buong mansyon ay puno ng mga bisita, ngunit ang mga mata ni Damon ay nakatingin lang sa isang sulok. He didn't care about the party. He didn't care about the gifts. He only cared about one thing. "What do you want, Damon?" tanong ni Don Rafael sa kanya. "A new car? A new house? A new business? Name it, and it's yours." "I don't want a car, Dad. I want her," diretsong sagot ni Damon, ang kanyang mga mata ay nakatitig kay Amara. She was wearing a simple, black dress. She looked out of place, so out of place. Her father, a former business partner of the Marcellus, had lost everything. And the huge amount of money he owed them? It was a debt that Amara had to pay for. "Damon, what are you saying?" tanong ni Doña Elena, a hint of desperation in her voice. "This is not some kind of joke. She's not an object." "It's not a joke, Mom. I've given up my basketball career, just like you wanted. I've been training to be the CEO of this company. I've done everything that was asked of me. Now, I want something in return." "And that is... what, exactly?" tanong ni Don Rafael, his voice low and threatening. Damon smiled. It was a cold, calculating smile. "Amara. I want her to be my birthday gift. My collateral for their debt." "Damon, this is cruel! She's just a girl!" sigaw ni Doña Elena. "A girl who's indebted to us, Mom," he said, his voice full of venom. "This is my only demand. My birthday gift. If you don't give her to me, then I'll leave. I'll go back to my old life, and you'll lose me forever." Nakita ni Don Rafael ang determinasyon sa mga mata ng kanyang anak. He knew Damon wouldn't back down. "Alright," he said, defeated. "She's yours. But you have to prove to me that you're ready to take on the company. You have to handle everything, from the business deals to the finances. No excuses." "I accept," Damon said, a victorious smirk on his face. "I'll do everything." Pagkatapos noon, nilapitan niya si Amara. The crowd parted as he walked towards her. He reached for her hand and pulled her up, her eyes wide with fear. "Happy birthday, to me," he whispered in her ear, his voice low and menacing. "And welcome to your new life, my little doll. Your debt is no longer about money. It's about me, and you belong to me now." Habang mahigpit na hawak ni Damon ang kamay niya, pakiramdam ni Amara ay nilalamon siya ng lupa. Ang mga mata ng mga bisita ay nakatutok sa kanya—may mga bulungan, may mga matang puno ng awa, at mayroon ding mga matang puno ng panunuri. "Hindi ito totoo… hindi puwedeng mangyari ito," bulong niya sa sarili habang nanginginig ang kanyang katawan. “Amara,” mahina siyang tinawag ng kanyang ama mula sa gilid, pero halata ang kahihiyan at panghihina sa mukha nito. Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Amara. Alam niyang wala nang laban ang kanyang pamilya. Ang bawat utang, ang bawat pagkatalo ng kanyang ama sa negosyo, ngayon ay siya na mismo ang kabayaran. Dinala siya ni Damon palapit sa gitna, hawak-hawak ang kanyang kamay na parang tropeo. “From now on,” bulong nito habang nakayuko sa kanyang tainga, “you belong to me. Don’t even think of running away, Amara. Hindi ako papayag.” Naramdaman niya ang panginginig sa boses niya nang sagutin ito, halos pabulong lang: “Hindi mo ako pag-aari…” Ngunit ngumiti lamang si Damon, malamig at mapanganib. “Watch me.” Mahigpit ang pagkakahawak ni Damon sa kamay niya habang dinadala siya nito palabas ng mansyon. Wala siyang nagawa kundi sumunod, ramdam ang titig ng lahat ng bisita na parang tinutusok ang balat niya. Pagkasakay nila sa kotse, agad siyang nakaramdam ng lamig sa katawan. Hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa presensya ng binata sa tabi niya. Tahimik lang si Damon habang nagmamaneho, pero mas lalo siyang kinakabahan. “Hindi… hindi puwedeng mangyari ‘to,” bulong niya sa isip. “Hindi ako pwedeng maging pag-aari niya.” Alam niya si Damon, kilala niya ang angas, ang tapang, at ang yabang nito. Pero hindi niya kailanman naisip na darating ang araw na gagawin siyang parang premyo. At ang mas masakit? Ang posibilidad na baka ipakasal pa siya rito balang araw… Napapikit siya, mangilabot sa ideya. May boyfriend siya. Si Ethan, ang lalaking tanging nagbibigay ng kulay sa simpleng mundo niya. Mahal niya ito, at pangarap nilang magsimula ng buhay na magkasama. Pero paano na ngayon? Paano niya maipaglalaban si Ethan kung sa isang iglap, kinuha na siya ni Damon—at ginawang utang na kailangang bayaran? “Stop trembling,” malamig na sambit ni Damon, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “You should get used to me, Amara. From now on, I own you.” “Hindi mo ako pag-aari,” mariin niyang sagot, kahit pa nanginginig ang boses niya. Ngumiti lang ang binata, isang ngiting hindi niya malilimutan, mapanganib, puno ng pananakot at pangako. “We’ll see about that.” Pagbukas ng pinto ng condo, agad siyang bumulaga sa malamig na ambiance ng lugar. Maluwag, moderno, at halos kumikinang sa yaman ang paligid, pero para kay Amara, parang kulungan lang ito. Dahan-dahan siyang pumasok, hawak pa rin ni Damon ang kanyang kamay. Binitawan lang siya nito nang makapasok na sila sa loob. “Welcome to your new home,” malamig na wika ni Damon habang tinanggal ang coat niya at isinabit iyon sa hanger. “Dito ka titira simula ngayon.” Natigilan si Amara, mabilis na umiiling. “Hindi… hindi ako puwede dito. May pamilya ako. May buhay ako sa labas—” Pero hindi na siya pinatapos ni Damon. Lumapit ito, mabigat ang bawat hakbang, hanggang sa nakasandal na siya sa pader at wala nang matakbuhan. “You don’t get it, do you?” anito, mababa ang boses at mapanganib ang ngiti. “That life is over, Amara. From now on, you belong here. With me.” Napalunok siya, ramdam ang mabilis na t***k ng puso. Paano si Ethan? bulong ng isip niya. Paano ko sasabihin sa kanya na kinuha na ako ni Damon? Naramdaman niya ang paglapit ng mukha ng binata, halos magdikit ang kanilang hininga. “The sooner you accept it,” bulong nito, “the easier it will be for you.” Mabilis siyang umiwas, pilit na itinatago ang panginginig ng katawan. Hindi siya puwedeng bumigay. Hindi siya puwedeng maging laruan lang nito. Sa isip niya, isang pangako ang pinanghahawakan: Makakatakas ako. Hindi magtatagal, makakahanap ako ng paraan… kahit ano pa ang mangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.7K
bc

Too Late for Regret

read
289.4K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.0K
bc

The Lost Pack

read
402.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook