bc

50 Crimes

book_age16+
87
FOLLOW
1K
READ
murder
kidnap
forced
pregnant
no-couple
mystery
detective
high-tech world
crime
school
like
intro-logo
Blurb

UNDER EDITING

“Criminals do not die by the hands of the law. They die by the hands of mine.” - Cage Dallas

Rhys Kye Damien and Cage Dallas are partners and a police officers. They are assigned to catch the perpetrator who committed a 50 crimes in Rechilor City.

chap-preview
Free preview
RECHILOR CITY
Isang magandang umaga na naman ngayon at ang mga mamamayan ng Rechilor City ay tahimik lamang na kumakain sa kaniya-kaniya nilang pamamahay. Ang mga bata ay naglalaro sa labas at ang iba naman ay nakasakay sa bisikleta papunta sa playground. Napaka-sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin dahil malinis ang buong syudad. Napaka-gandang pagmasdan ang mga puno na sumasabay sa ihip ng hangin. Napaka-tahimik ng lugar at ganoon lamang ang gusto ng mga taong naninirahan doon. Kakaiba ang Rechilor City kumpara sa ibang lugar dahil sa pamamalakad ng gobyerno at sa mga batas na ipinatupad doon. Hindi gaano karami ang nakatira sa syudad na 'yon kumpara sa ibang syudad na napaka-dumi na dahil sa polusyon at sa dami ng naninirahan. Miski ang mga usok ng sasakyan ng mga tao sa Richelor City ay puti at hindi kulay itim. Masagana ang bawat tanim sa bukid, masustansya rin ang mga pagkain na ibenebenta sa pamilihian. Masyadong maganda ang pamamalakad ng gobyerno sa syudad na 'yon kaya naman miski ang mga mamamayan na naninirahan roon ay may mga mabubuting loob. Ang manirahan sa Rechilor City ay hindi basta-basta. Bago pa makapasok ang isang tao sa Rechilor City ay kailangan munang dumaan sa mga proseso at may mga kailangan muna na gawin para tumira sa lugar na 'yon. May mga requirements na tinatawag ang gobyerno sa Rechilor City. Kung gustong manirahan ng isang pamilya doon ay kailangan munang dumaan sa proseso. Ang proseso na 'yon ay para malaman kung mabuti ba o masama ang isang tao. Iyon ay ang psychological test na tinatawag at kapag nakapasa sila doon ay maari na silang maging mamamayan ng Rechilor City. Nais kasi ng gobyerno na maging maaayos ang lahat ng mamamayan sa syudad na 'yon. Para na rin itong isang pribadong syudad kaya may kahigpitan talaga rito. Pati ang pag labas at pasok ng mga mamamayan ay kailangan munang ipagpaalam sa gobyerno at kumuha ng permiso para makalabas ng syudad. Ayaw lang nila na matulad sa ibang lugar na napupuno ng mga krimen at disgrasya kaya hangga't maaari ay hindi sila pwedeng tumanggap ng mga problematic na tao. Hindi rin naman kalawakan ang Rechilor City pero tama lang ang laki para masabing isa rin itong maunlad na syudad. Napupuno lamang ng masasaya at magagandang memorya ang bawat pamilya sa bahay sa Rechilor City. Wala man lang away, sigawan, bangayan o ano pa bang negatibo na maririnig sa araw-araw na nagdadaan. May dalawang dekada na ang nakalipas nang mabuo ang syudad na 'to at ang bumuo nito ay siyang tumatayong Gobernador sa lugar. Siya ang nagmamay-ari kaya naman siya rin ang namamalakad ngayon. Gusto niya ng isang tahimik at payapa na lugar kaya nagawa niyang buoin ang lugar na 'yon at limitado lang ang mga pwedeng manirahan. Hindi na magiging payapa ang lugar kung sobrang dami nang mamamayan. Kailangan ay alam nila ang bilang ng mga mamamayan na nakatira doon pati na rin ang mga anak nila kahit kakapanganak pa lang ay kailangang rehistrado na. Si Gobernador Rechilles ay bumuo ng isang batas na sa isang pamilya ay mayroon lamang dapat na tatlong anak at hindi na pwede na lumagpas pa doon. Sa oras na may lumagpas ay awtomatiko na mapapalayas sa syudad na 'yon. Hindi rin tumatanggap si Gobernador Rechilles ng mamamayan na may pamilya na talaga. Ang tinatanggap niya lamang ay maaaring mag-nobyo at mag-nobya o 'di kaya ay mag-isa sa buhay para nang sa gano'n ay sa Rechilor City na magkaroon at bumuo ng pamilya. Gusto rin ng Gobernador na magkaisa at makisama ang bawat isa sa mga mamamayan sa lugar niya. Tulungan ang itinuturo niya sa kanila para hindi magkaroon ng alitan sa bawat isa. Sa ilang dekada na nagdaan ay nasaksihan ni Gobernador Rechilles kung paano nakakabuo ng isang pamilya ang bawat mamamayan niya. Ang tanging naibibigay na munting regalo ni Gobernador Rechilles ay ilibre ang kasal para wala na masyadong gastusin ang mag-asawa. Ang bawat lugar naman sa Rechilor City ay mahahalata mong pang-angat na buhay talaga. Ang mga disenyo ng bahay ay nakadepende sa kung ano ang estado ng isang pamilya sa buhay. May limangpu na lugar sa loob ng Rechilor City. Ang bawat pangalan ng syudad ay pinangalanan lang ni Gobernador Richelles sa mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Ang pinaka-sikat na lugar doon ay ang Daffodil kung saan doon naninirahan ang mga mamamayan na mataas ang estado sa buhay o 'di kaya ay mga mayayaman talaga at hinding-hindi na mauubusan ng pera. Naroon rin nakatira ang mga nagmamay-ari ng hospitals, businesses, schools, malls, or markets sa buong Rechilor City. Magaganda ang mga bahay na naroon at sa mga disenyo pa lang ay halata mo na kaagad na matataas na tao lamang ang naninirahan doon. Sumunod ay ang Hyacinth kung saan narito naman nakatira ang mga may-kaya lamang sa buhay at kailangan pa rin ng trabaho dahil sapat lang ang pera nila sa ilang taon ngunit hindi tatagal. Magaganda rin ang mga bahay na naroon. Halos ang mga naninirahan doon ay mga trabahador sa mga pagmamay-ari ng mga taga-Daffodil. Gladiolus naman ang lugar kung saan naroon ang iba't-ibang klase ng mga ekwelahan sa syudad na 'yon. Doon lamang nakatayo ang mga eskwelahan para sa iba't-ibang antas. Mahuhusay rin ang mga guro na nagta-trabaho doon at mayroong labing-lima na naglalakihang eskwelahan na nakatayo roon. Marami rin kasing mga bata at estudyante sa Rechilor City kaya gano'n rin karami ang mga eskwelahan. Ang Chrysanthemum naman ay kung saan nakalagay ang mga beaches at resorts. May sampung beach and resorts sa kabuuan ng Rechilor City. Malawak rin ang Chrysanthemum at magaganda ang mga disenyo ng bawat resorts. Alagang-alaga ng mga tauhan rito ang dagat dahil napaka-linis no'n pati na rin ang puting buhangin. Ni wala talagang makikitang kahit na anong dumi roon. Kahanga-hanga na naiaayos nila ng gano'n kaganda ang buong lugar. Makikita talagang disiplinado ang mga mamamayan na nakatira roon. Sa Eglantine naman ay naroon nakalagay ang iba't-ibang building kung saan pagmamay-ari ng mga businessman at businesswoman. Mga kumpanya iyon na isa rin sa mga pinagta-trabaho-an ng mga mamamayan. Karamihan din doon ay mga tumatanggap ng mga bagong aplikante kung saan mga bagong nagtapos ng kursong business sa kolehiyo. Hibiscus naman ang kinalalagyan ng mga hospitals sa buong syudad. Halos magkakalapit lang rin naman ang mga lugar na 'yan. Malawak rin ang daan kaya naman hindi nata-traffic kaya mas mabilis lamang na naidadala sa hospitals ang pasyente. Marami rin dito ang mga professional at kilalang mga doctor. Ang iba ay galing pa sa ibang bansa nakapagtapos ng kursong medisina o 'di kaya ay sa ibang bansa nag-training para lang maging magaling na manggagamot. Sa nagdaang dekada naman ay wala pa silang nagagamot na nasaksak o nabaril. Miski dahil sa aksidente ay wala pa silang nakakaharap dahil lahat naman ng tao roon ay maiingat. Puro tungkol sa may sakit o cancer lang ang nagagamot nila. Sa Magnolia naman nakadestino ang mga malls at pamilihang palengke ng syudad. Naroon ang lahat ng kakailanganin ng isang pamilya. Lahat ay kumpleto at hindi maaaring magkulang lalo na at mahirap ang lumabas sa Rechilor City. Bougainvillea naman ang tawag kung saan nakatira ang mga may kahirapan sa buhay. May pera sila pero sapat lamang sa pang araw-araw na gastos at sila ang pinaka-kailangan na magkayod para mabuhay. Kakaunti lang naman ang mga mamamayan na 'yon at maaari naman nila na maiangat ang sarili nilang buhay kapag mas nagsipag pa sila sa mga trabaho nila. Hindi hinahayaan ni Gobernador Rechilles na may mamalimos sa daan o 'di kaya ay may maghirap ng sobra sa mga mamamayan niya kaya maaari silang humingi ng tulong sa kanila kapag totoong hindi na nila kaya ang hirap ng buhay. Sa Alchemilla naman ay doon nakatayo ang city hall na tinatawag o ang gobyerno ng buong syudad. Naroon din nakalagay ang tirahan ng Gobernador. Ito ang pinakamalawak na lugar sa buong siyudad at ang may pinakamagandang disenyo sa lahat ng lugar. Ang ibang opisyal pa ng gobyerno ay naroon din nakatira. Kahanga-hanga ang disenyo niyon at hindi basta-basta ang pagkakagawa. Pinagplanuhan talaga ng ayos at ginastusan ng gobernador ang buong lugar. Ang iba pang lugar ay marami pa at bubuoin nito ang limangpu na lugar sa buong syudad. Ang iba ay mga playground, pasyalan, amusement parks at iba pa ay naroon rin sa Rechilor City. Napaka-organisado ng buong lugar at payapa. Ngunit hanggang kailan kaya magtatagal ang ganoong uri ng pamumuhay ng bawat mamamayan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.8K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.7K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook