bc

UNPRECEDENTED LOVE

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
body exchange
arrogant
brave
comedy
sweet
witty
another world
childhood crush
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

This story is about a woman who went to another world where life was different from her real world. Kelly Vasquez is a Fan of a musician and actor Ruru, she is Hardworking and loving. daughter. While they were on vacation, she collided with a man and fell into swimming pool causing her to go into an unfamiliar world.

"Even if we live in a different world and in a different way, if we are really for each other... That will not change." -Jayrum Han

chap-preview
Free preview
Chapter 1- The Beggining
Kelly's POV. "You're my first love every day Just like snow in spring, I wait for you!~~~ OHH YEAHHhhhh~" "Anak kailan ka titigil? Naka tingin na sayo yung mga dumadaan na sasakyan oh! Saka Paulit ulit na yang kinakanta mo." Napatigil ako sa pag kanta ko ng magsalita si papa. At pag tingin ko sa bintana namin sa sasakyan, nakabukas pala. Kahiya ka dai! "Pa, minsan na nga lang maging singer anak niyo ei!" Palusot ko na lang. "Sino bang singer yan at adik na adik ka sa kanta na yan?" Tanong ng papa ko habang nagdadrive. "Wala naman nang iba pa kung di my one and only love, babe, baby, mahal, husband,-- ahh ano pa ba? Basta RURU MY LOVES" Kilig na kilig ko pang pinapakilala kay papa si Ruru habang pinapakita ko sakaniya ang picture ni Ruru sa phone ko. "Weird naman ng pangalan niya."  Sabi niya habang nagda-drive. "Pa! Cute cute kaya ng name niya! Saka screen name lang niya to!" Habang tinititigan ko ung picture ni Ruru. Screen name lang kase yung 'Ruru' na name niya. And never pang sinasabi yung totoong name niya. Medyo may pag ka mysterious din tong si Ruru my loves. Pero love ko parin siya! hihi. Saka pag napapakinggan ko siyang kumanta kumakalma yung kaluluwa ko AHAHAHAHA. Ewan, nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Nakarating na kami dito sa palengke at tinilungan ko na si papa mag buhat sa mga gulay. Pagkatapos ay pinuntahan na namin si Manang Lenny. "Yan! nandito na rin yung mga paninda ko! Buti naman sinamahan mo kelly. Ilang araw na kaya ako nagaantay sa mga paninda ko!" Sabi ni manang Lenny yung diniliveran namin ni papa. "Aa.. pasensya na po kung natagalan. Hayaan niyo ho babawi po kami" Sabi ko at Napakamot na lang ako. "Pagsabihan mo yan kasi yang tatay mo kelly!" "Opo! Pasensya na po talaga!" Pag mamakaawa ko kay manang lenny. "O Siya! Ito na bayad dapat may bawas na yan e! Antagal tagal!" Sabi ni manang lenny. Nagpaalam na ako kay manang lenny para makausap ko si papa.   "Pa! Yung mga customer natin nag rereklamo na... Ayusin naman na natin to." Pagmamakawa ko kay papa dahil nalulugi na yung business namin. Wala siyang ano sinabi at sumakay lang siya ng sasakyan. May business kasi kaming gulayan dito sa province at dinideliver namin ito sa mga palengke. Di ko na talaga alam gagawin ko kay papa. Yoko naman ipasara itong business nila ni mama dahil pinaghirapan din nila to at ito na lang meron kami na ala-ala na iniwan saamin ni mama. "Sa friday sarado tayo. Na-cancel ko na lahat ng deliver." Napahinga na lang ako ng malalim kay papa. "Tapos ano maglalasing na naman kayo? Tama na pa. Di gusto ni mama na ----" Biglang inistart na ni papa ung sasakyan at nag drive na. Ito na naman kaming dalawa, magaaway na naman kami dahil sa paglalasing niya pagdeath anniversary ni mama. Alam ko na sobrang masakit sakaniya na nawala na si mama at saakin din. At sobrang mabigat saakin ang pagkawala ni mama. ........... Wednesday na ngayon at ilang araw na malapit na death anniversary ni mama. Pauwi na ako ngayon galing sa work ko. Habang nag lalakad ako may nakita ako mga college student dito sa bayan. Nakakainggit sila... Kasi ako ngayon nagwo-work na dapat pa graduate na ng college.  Kaso sinakripisyo ko yung pagaaral ko para sa pamilya ko dahil di na rin naman na ako mapaaral ng tatay ko tapos ayun na nga nawala pa si mama. Anong buhay ba ito? Sana bumalik na lang ulit yung dati na okay-okay  at kompleto pa kami... Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari. Nang makarating ako ngayon sa bahay dumiretso agad ako sa kuwarto ko para makapag palit na at makapagpahinga. "500, 600..." Nagbilang muna ako ngayon ng pera naipon ko sa pag part time ko. Lahat na ata ng part time inaapplayan ko para magkaipon kasi balak ko mag bakasyon kami sa death anniversary ni mama para makita niya kami na magkakasama. Gusto ko kahit isa araw lang maging masaya si papa saka ayoko na naglalasing siya. At para makabawi naman ako. "Ruru ang hirap kumita ng pera no? buti ka pa naabot mo na pangarap mo." Parang akong baliw dito kinakausap ko yung poster picture ni Ruru dito sa kuwarto ko. Biglang may kumatok sa kuwarto ko at napadali ako magligpit dahil baka si papa yung kumakatok.  "Pasok ho!" Sigaw ko.  "Anak, Nandito kana pala. Kumain kana?" At di ako nagkamali si papa nga ang kumatok. "Opo, pahinga lang ako pa tapos kakain na rin ako mamaya." Palusot ko na lang kay papa. Sinara na niya ang pinto at Umalis na.  "Medyo muntikan na ako doon ah" Nilabas ko yung ulit yung mga niligpit ko. Nakalimutan ko na yung pagkabilang ko sa pera ko. "1--" *RING-RING* "Ay bwisit naman! Hindi na matuloy pagbibilang ko" Sino ba itong tumawag?! Kinuha ko yung phone ko at tinignan ko yung tumawag.  "Hello Zoe!" Ito talaga si Zoe lagi nasa timing no?! "Hoy! G ba sa friday? Excited na ko rumampa!" Sabi naman ni Zoe. Zoe po ay kaibigan ko since elementary kami pero hindi ko talaga alam bakit naging kaibigan ko yan hahaha. "Hindi na tuloy! Excited ka daw kasi!" Pang aasar ko kay Zoe. "Sira!" Inis na sinabi niya. "Bat ka napatawag?" Tanong ko. "Wala sinusure ko lang kung tuloy sa friday naghahanda na kasi ako!" Sabi niya. "Pwede ka rin mauna doon Zoe!" Kaloka to mas excited pa saakin. "Che! Bye see you on Friday!" At binabaan na niya ako agad. Nako wala na akong na bilang na maayos!  Since tumawag na saakin si Zoe, tawagan ko na yung mga kapatid ko para paalalahanin sila. "Hello! Yung balak sa friday kuya! Kidnapin si papa!" Sabi ko sa kuya ko. "Alam mo pag kami na suntok ni papa a!" Sabi ni kuya lance. "Luh! kukunin niyo na nga lang si papa e. Saka libre ko naman pati na yung pamilya niyo e! Sabihan mo na lang si kuya Gab!" Itong mga kapatid ko kukunin na nga lang si papa, di pa magawa! Naiintindihan ko naman na di sila nag ambag kasi yung dalawa kong kuya may mga asawa at anak na. At ako itong bunso na single at nagiimagine parin na kasal sa isang sikat na gwapo! ........... Nakalipas na rin ang ilang araw at Nandito na kami sa resort! Medyo malayo layo din itong pinagbakasyon namin. Buti napilit namin si papa! Kaso may mga black eye nga lang yung mga kapatid ko. "Grabe ka kelly! Gastos mo lahat to?!" Sabi ni Zoe ang best friend ko na manghang mangha sa resort. Kahit ako na mamangha din dahil nakaipon ako ng gayon kalake para dito. "Ayos dito kelly a!" Sabay tapik sa balikat ko si Kuya Lance. Nagiihaw nasila kuya at kasama si papa. And yung mga asawa nila binabantayan ung mga anak nila tapos si Zoe picture picture doon sa pool. Nakakatuwa sila panoorin na kahit isang araw lang, wala kaming pinoproblema. Sana nandito ka mama... miss na kita. Umupo ako sa bench na malapit sa pool at biglang lumapit saakin si Zoe. "Kelly! Papakita ko sayo boyfriend ko!" Napatingin ako sakaniya habang hinahanap ko ung bago release na kanta ni Ruru. "Di ba may jowa ka naman talaga?" Pagtataka ko. "Oo... Hindi! Iba na to!" Ano daw? Ito si Zoe paiba iba ng jowa! "Iba na naman?" "Oo pero piling ko siya na talaga yung the one!" Napailing na lang ako kay Zoe. "Alam mo yan din sabi mo sa mga naging jowa mo!" At binatukan ko siya "Aray! Basta siya na talaga! Ikaw nga e lagi kay Ruru, di naman niya alam na nageexist ka!" Inis na sinabi ni Zoe. Lah? Bat napasok dito si Ruru! "E Wala kang pake no!" Parang kaming bata ni Zoe. "Ito na kase papakita--" "Kelly! paki tulungan si papa" Tawag saakin ni Kuya Gab yung isa kong kuya. "Hmp. Iwan na kita dyan!" Pangaasar ko kay Zoe. Tumayo na ako at naglakad na ko papunta kila papa. . . . "Sana mamatay kana!" Ano yung narinig ko? Nagulat ako ng marinig ko yon habang nag lalakad kaya tumigil ako at tumingin ako bigla kay Zoe pero nag ce-cellphone lang siya. Tumingin din ako sa mga taong nasa paligid ko, wala lang din sila. Baka guni-guni ko lang yon pero parang totoo talaga... Bahala na. Nagpatuloy na ko at Nakita ko yung mga pamangkin ko nagtatakbuhan malapit sa pool "Jun! Ay este Jun jun!" Bat kase puro JUN ang pinangalan ni kuya lance sa mga anak niya. "Wag kayong magtakbuhan dito malapit sa pool ." Pag saway ko sa mga pamangkin ko. At pagharap ko patungo sa papupuntahan ko..  "Ouch---AAAAAA" May isang taong nakabangga saakin pero di ko napigalan sarili ko sa pagkakabagsak. "Tulo----ng! Tu---" Nahulog ako sa pool, di ko maigalaw yung paa ko dahil sa pagkatapilok ko. "Kelly!" Hanggang di ko na marinig ang nasa paligid ko at tuluyan na walan ako ng malay sa pool. ........ Nasaan na ko? Langit na ba to? Bakit ibang tao na yung nakikita ko? "Celine you're awake!" Sabi yung matandang babae saakin at mukhang alalang alala siya saakin. Wait sino ba mga to? Dinilat ko ng maaigi yung mga mata ko para maliwanagan ako sa mga nakikita ko. "Ahh. Nasa hospital lang pala ako..."  Pero sino ba sila? "Celine are you okay now?" Sabi yung matandang babae ulit saakin. Bakit tawag siya ng tawag ng celine saakin? "Mukhang nagkakamali po ata kayo ng pinuntahan ma'am" Sabi ko doon sa matandang babae at bumangon ako sa kama. Nasaan sila papa? bat sila yung hindi ko nakikita? "What happened to you?! Di mo ba ko maalala anak?!" Nagulat ako sa pag sigaw yung matandang babae. Di maalala? E di ko nga siya kilala. "Oo nga ma'am celine. Ako po ito yung katulong niyo!" Sagot naman yung isang babaeng dalaga na kasama niya. Nababaliw na ba sila? "Ako ito... Ang mom mo!" Mom? Tinitigan ko siya ng maiigi. Di naman niya kamukha si mama. "Wait nagka-" Hindi ako makasalita ng kasi sunod sunod yung mga reaction nila. At Biglang pumasok yung doctor. "Good Evening m--" Sabi yung doctok kaso pinutol yung matandang babae dahil sa panic niya. Bakit parang di hospital ang lugar na to... Natatakot na ko. Nasaan ba sila papa?! "Doc! Anong nangyayare sa anak ko?!" Sabi yung matandang babae na nanay ko DAW. Ang creepy ng mga tao dito! Kailangan kong umalis dito! Tinanggal ko ung mga nakakabit saakin at umalis ako sa kama. "Maam! Saan kayo pupunta?!" Tanong ng dalagang babae. Patuloy lang ako naglakad kasi di naman nila ako pinapakinggan at para makalabas sa kuwartong ito agad. "Celine Anak! Ano bang nangyare sayo?!" Pigil saakin yung matandang babae. Bakit ako yung tinatanong nila ng ganyan? E sila nga yung weird. "Di po ako si celine, KELLY ho pangalan ko. At patay na ho nanay ko. Nagkamali po kayo ng napagkamalan." Pagpapaliwanag ko.  "No! Anak, ako ito! Buhay ang Mom mo!" Sabi niya saakin habang tinuturo niya sarili niya. Hindi naman siguro prank to no? Seryosong seryoso sila. Lumapit agad ako sa Doctor. "Doc, di ko sila kilala! Nasaan yung totoo kong pamilya? Si papa, kuya lance, kuya gab at yung kaibigan ko ho si zoe?! Bakit sila yung nandito!" At pinipilit ko na sagutin ako yung doctor sa tanong ko. "Please Bumalik muna kayo sa kama niyo Miss Celine." Sagot saakin yung doctor. "Ilang beses ko ba sasabihin sainyo! Di ako si celine!" Bakit ba ang kulit nila! Lumapit saakin ung matandang babae. "Ha? Ano? Ikaw si celine at Ako to, Ang mom mo!" Pagpupumilit parin yung matandang babae. Tinanggal ko yung pagkakahawak niya saakin sa braso at nagpatuloy na maglakad. Wait... Ano to?! "AAAAAAAA! BABAKIT! BAKIT ANG HABA NG BUHOK KOOOO?!!" Napahawak ako sa buhok ng makita ko yung sarili ko sa salamin. Anong taon na ba?! Bakit ganto kabilis humaba yung buhok ko! "Nasaan yung pamilya ko?!" "Celine please!" At umiiyak na yung matandang babae sa harapan ko. "Miss Celine kumalma muna kayo." Sabi yung doctor at lumapit rin saakin. "PAANO HO AKO KAKALMA? HA?! SABIHIN NIYO SAAKIN! PAANO?!" Sabi ko doon sa doctor. Paano ako kakalma sa gantong sitwasyon?! Di ko maintindihan ang nangyayari saakin ngayon. "Miss--" "Ang weird...paano..." Ano bang nangyayare?! Di ko maintindihan!!! Nanaginip ba ko?! Pinagsasampal ko yung sarili ko para magising ako at masakit nga. Nararamdaman ko yung sampal ko! "Celine please stop it!" Pigil saakin yung matandang babae. Hindi kailangan ko makalabas dito! Kailangan ko hanapin sila papa! Nag piglas ako sa pagkakahawak saakin yung matandang babae at tumabok palabas ng pinto. At pag bukas ko ng pinto. "Ruru?..." Bakit nasa harapan ko si ruru? ................................

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook