bc

You Stole My Heart ( Tagalog story) completed✔️

book_age0+
17.3K
FOLLOW
169.8K
READ
one-night stand
arrogant
goodgirl
aloof
sensitive
boss
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph.

Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
"God, kailan kaya n'ya ako mapapansin?" Halos magkanda-haba na ang leeg ko sa pagtanaw kay Joseph , yung bagong may ari ng malaking bakeshop sa tapat ng pinagtatarabahuhan naming call center ni Chelsie. Abala si Chelsie sa kakapindot sa cellphone nya, habang ako nangangarap ng gising. Halatang abala si Joseph sa pagmamando sa mga tauhan nya , opening na kase ng shop nya kinabukasan. At syempre pupunta ako. "Aalis ako mamaya Bianca , una ka na umuwi ah." Agaw pansin sakin ni Chelsie habang hindi mapuknat ang mata ko kakasunod sa galaw ni Joseph kaya tango nalang ang ginawa ko. Itinuro ko na dati si Joseph kay Chelsie , buong pagmamalaki kong sinabi na crush ko yun, pero dahil malayo nuon ang baby ko at hindi masyadong mabibistahan ang itsura ay walang pake namang inen-courage ni Chelsie ang umuusbong kong damdamin. But that quickly change when the opening of the shop came. Kahit para akong hilong talilong dahil graveyard shift kami ay pinilit ko si Chelsie na sumama sakin. Asar na asar pa nga sya dahil 2hours lang ang tulog namin. Nagumpisa na ang ribbon cutting at tapos na ang first introduction ng baby ko ng makarating kami, at grabe ang daming tao. I was totally in love with him and his choice of business. Hindi lang pala bakeshop yung buong building, it was also a book shop. Ang daming libro, yung pader nagmistulang shelf. Hinila ko si Chelsie para tumingin ng mga mini cakes , as in minis talaga. Nakakatuwa dahil bite size lang ,pero parang cake na well designed. Miniature yata tawag sa ganun. Siniko ko si Chelsie dahil cp na naman n'ya ang kaharap. "Ang ganda naman nito, sino nakaisip ?" Turo ko doon sa mga miniature cakes na nakadisplay sa glass stand. "My mom's idea and recipe. I'm glad you like them. " Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko sa boses na iyon. So rich, so manly, boses palang matamis na. Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Joseph. How can he be so gwapo? Anung panama ni Nicholas Halt sa kanya. "I'm in love...." Parang lutang na naisatinig ko habang titig na titig sa kanya. Napaawang naman ang labi n'ya , the playful flicker on his eyes match the twitch on his teasing lips. "I mean with those mini cakes.." Biglang bawi ko ng mahimasmasan ako. "Bianca , antok na ako..can you hurry?" Naiinip na sabi ni Chelsie na nakatalikod naman sa amin. When she finished twiddling on her phone and put it in her bag , she turned her attention in front of us, and I hope, I really hope she didn't. Because that time ..she effortlessly get his attention, his care, his love. Si Joseph na una kong nakita, una kong nakausap , unang umagaw ng atensyon ko, unang pagibig ko..ay umibig sa best friend ko, ang saklap..ang sakit. Bakit siya pa? Bakit si Chelsie pa? Bakit hindi nalang ako? "Bakit hindi mo na lang kase tanggapin ang katotohanan 'hindi sapat yang pinagmamalaki mong mas mukha kang babae d' yan sa best friend mo, pero tingnan mo s'ya yung girlfriend ni Joseph. Get over it girl." Naiiling na sermon sakin ni Sarah , pinsan ko. Sa hindi mabilang na pagkakataon kinuwento ko na naman sa kanya kungvpaano nagkakilala si Joseph at Chelsie. At ilang ulit at pagkakataon din ipinamumukha sakin ni Sarah na para akong asong ulol na naglalaway sa buto na hindi para sa akin. Anong magagawa ko , hindi matanggap ng puso ko lalo na ng isip ko na si Chelsie ang minahal nya at hindi ako. Kaya nga abot abot ang palipad hangin ko kapag may pagkakataon ako. I make sure Joseph knew my feelings. Pero imbis na maagaw ko ang pansin nya , lumalayo lalo ang loob nya sa akin. Para akong may sakit sa tuwing iiwasan nya at doon ko lubos na nararamdaman kung gaano kalaki ang pagitan namin ni Chelsie. "Ayoko nga, hanggat hindi sila kasal may pag asa pa ako. Malay mo sa last two minutes ako ang manalo." "Estupida , ano ka naglalaro ng basketball. Ang taong ayaw sayo kahit pikutin mo hindi mapapasayo. Hindi ipinipilit ang pagibig gaga." Naiinis na binato ko ng paper tissue si Sarah , kaylangan talaga garapalan? Pero napatigil din ako ngparang nagplay back sa isip ko yung sinabi nya. Kaya napangisi ako na parang tanga. "Bakit nga ba hindi ko nalang pikutin si Joseph?" "Siraulo ka ba? Ngayon nga lang na para kang stalker at daig mo pa magnet sa kanya nabubwisit na sayo yung tao , pikutin mo pa kaya? Baka isumpa ka na nun mula laman a hanggang buto mo." "Teka nga, kanina ka pa eh, kanino ka ba kampe ah , pinsan mo ako." Turo ko sa sarili ko. "Pinsan kita , pero hindi ako kunsintidora. Susuportahan kita kung yung lalaking gusto mo ay single at ready to mingle pa. Isa pa hindi ka ba nahihiya sa best friend mo. Ibang klase din yun eh noh? Harapan mo ng ngang sinusulot ang fiancée nya , deadma lang. Kung ako yun , ibinaon na kita ng buhay sa lupa." Duro nya pa sa mukha ko. Nababanas na hinawi ko angvkamay nya. Wala talaga akong mapapala kay Sarah. "Wag kang makikitulog sa akin kapag inabot ka na naman ng umaga sa bar ah." Sabi ko sa kanya. Sagad namang nanlambot ang itsura nya, paawa effects pa. "Huwag ka naman ganyan pinsan , alam mo konting push lang yan mapapansin din ni Joseph ang ginintuang puso mo, " Nakangising pang uuto nya , pero dahil despirado akong makahanap ng kakampe, tuwang tuwa na ako sa sinabi nya . "Talaga?" Tanong ko. "Grabe ibang klase ka." Umiikot ang eyeballs na sabi n'ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Resisting My Billionaire Husband

read
9.0M
bc

Secretly Married to the Billionaire

read
606.9K
bc

Our Kind of Love

read
717.8K
bc

The Gay Nerd Who Stole His Heart

read
132.5K
bc

One Night Stand

read
168.4K
bc

The Beta and His Human Mate

read
188.1K
bc

The Alpha King's Rebellious Queen

read
450.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook