bc

The Mythic God Heron

book_age16+
716
FOLLOW
1.0K
READ
self-improved
bxg
mystery
mythology
magical world
realistic earth
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

#RiseFromTheAshes #KingFromNobody

"Comments for Bonus! Click this book and leave your ideas and suggestions to get a chance to win 200 bonus."

Matapos matalo si Heron sa Mythic Battle of the Lords ay natungo siya sa gubat, dahil do’n ay nakita niya si Miya—Goddess of the Moon—at masayang naglaban sila hanggang sa makagawa ng malalim na butas ito sa lupa. Nang usisain niya ang butas ay bigla na lamang may lumitaw na bituin sa harap niya. Laking gulat niyang mapagtanto ang kapareho niyang mukha sa kabilang mundo na ang tawag dito ay Planet Earth. Hinigop siya ng bituin hanggang sa sumanib siya sa katawan ng kawangis niyang si Jiyeon Park—ang CEO ng Formula Solutions. Nakaramdam ng kakaibang lakas at kapangyarihan si Jiyeon na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao. Humiwalay sa katawan si Heron upang ipakilala niya ang tinatawag na parallel universe.

Sinubukan ni Heron na bumalik sa Planet Zeta ngunit hindi niya magawa hanggang sa nagpakita sa kaniya ang Anghel Gabriel—God Zeus’ messenger. Pinaliwanag ng anghel ang nangyaring pagwasak ni Hades sa Planet Zeta at kung paano nitong gustong wasakin ang Planet Earth. Pinili si Heron bilang tagapagligtas ng parallel universe laban kay Hades. Dahil hindi kampante si Heron na labanan ang Hari ng Kamatayan ay humingi siya ng tulong kay God Zeus sa pamamagitan ng anghel ngunit walang magawa ito dahil sa kasunduan ni God Zeus kay Hades na huwag mangialam upang di puksain ang mga bihag nito.

Paano ng aba matatalo ni Heron ang kalaban kung mas malakas ito kumpara sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 MAKALIPAS ang dalawang taon ay sumabak si Heron sa Mythic Battle of the Lords nang pinagkaloob sa kaniya ang tanda bilang panginoon ng Land of Moonhollow. Isang malakas na hiyaw ang narinig ni Heron nang pumasok siya sa loob ng arena upang kalabanin ang isa sa pinakamagiting na mandirigma sa Land of Dawn—si Sabir, bumuga ng hangin ito at seryosong tiningnan ang mga mata ni Heron. “Sa tingin mo ba ikaw na ang pinakamalakas na mandirigma sa buong planetang Zeta? Nagkakamali ka, Heron!" galit tonong hiyaw ni Sabir at mabilis na tinutok ang espada upang tamaan ang dibdib ni Heron ngunit nakailag ito. Tiningnan ni Heron nang masama si Sabir at mainam na pinakiramdaman ang lakas ng inerhiya ng kaaway. Malakas ang kapangyarihan nito kung ikukumpara sa akin. Pero sabi ng mga magulang ko na ako raw ang pinakamalakas na nilalang sa buong planeta. Paano ko magagawang talunin si Sabir kung mas malakas siya sa akin ngayon? Napahigpit ng hawak ng espada si Heron at biglang sumiklab ang apoy sa buong katawan niya kasabay ng pagpula ng kaniyang mga mata. “Hindi mo ako matatalo, Sabir!” Pumapagakpak si Heron patungong likuran ni Sabir sabay niya tinamaan ang likod nito gamit ang siko kaya napahandusay ang kalaban sa lupa at nagtamo ng sugat sa mukha. Ngiting nakakaumay ang natanaw ni Heron kay Sabir saka pinahid nito ang dugo sa pisngi pagkuwan ay tumindig. “Mabilis ang pag-andap mo kanina, Heron. Iyon lang ba ang kaya mong gawin?” Biglang humaba ang buhok ni Sabir at naging kulay puti ito dahil sa kapangyarihan na nilabas niya saka lumutang sa hangin. Humiyaw siya ng malakas kasunod ng pagpapakita ng malaking tanda bilang isang panginoon ng kanilang lupain—ang dilaw na kalahating buwan nito sa noo. “S-siya si Lord Sabir ng Land of Dawn!” sigaw ng lalaking nanunuod nang ituro nito si Sabir. “Oo nga! Balita ko ay bagong halal na panginoon si Sabir sa lupain nila! Mukhang nakakasabik ang laban na ‘to!” masiglang wika niya sa katabi nito. Binubuo ng anim na lupa ang planetang Zeta—Dawn, Aspana, Pascua, Floa Claria, Abib at ang Moonhollow. Dahil natalo nina Sabir at Heron ang mga mandirigma sa iba’t ibang lupain sa unang laban ay naiwan sila upang makuha ang parangal bilang Mythical Lord ng Zeta. Hindi rin nagpaobra si Heron na ipakita sa mga manunuod ang tatak na kalahating buwan sa noo niya at mas lalong pinalakas niya ang kapagyarihan upang sugurin si Sabir. “Hindi mo ako matatalo, Sabir. Humanda ka!” sigaw ni Heron saka bumuo siya ng bilog na kapangyarihan mula sa kamay niya at sunod-sunod na hinagis ito sa kalaban. Mabilis na nakailag si Sabir dito saka siya sarkastikong tumawa kaya muling umandap si Heron at pilit na tamaan si Sabir ngunit bigo itong nagawa. “Sabi nila, ikaw daw ang pinakamalakas na nilalang sa planetang Zeta, pero bakit hindi mo man lang ako matamaan?” sarkastikong wika ni Sabir dito habang pinagmamasdan ang pagod na mukha ni Heron. Nakakaumay na ngiti ang ginawa ni Heron saka mahigpit na pinormang kamao ang kamay niya at sa isang iglap ay lumapit siya upang tamaan gamit ang kamo papuntang tiyan ni Sabir subalit matulin na hinarang ng espada nito ang kamao ni Heron. “Nababagot na ako Heron dahil ang hina mo! Tapusin na natin ‘to!” Sukat nang tinulak ni Sabir ang kamao ni Heron dahilan kung bakit tumama ang likod nito sa malaking pader ng arena. Binitawan niya ang espada pagkuwan ay muling nagsalita. “Lakas ko na lang ang gagamitin ko para sa’yo!” sigaw ni Sabir saka liksing nilapitan niya ito at sinuntok nang maraming beses ang mukha at tiyan hanggang sa ito’y manghina. “A-akala ko... ako ang pinakamalakas. Bakit nawalan kaagad ako ng enerhiya? Bakit natalo ako?” usal ni Heron sa isip hanggang sa tinapik niya ang kamay sa lupa hudyat ng pagkatalo. Tagumpay na sigaw ang ginawa ni Sabir nang itaas niya ang kaniyang kamao kasabay ng hiyaw ng mga manunuod nang bangitin ang pangalan niya. “Sabir! Sabir!” “Ang nanalo sa Mythic Battle of the Lords ay si Sabir ng Land of Dawn!” wika ng host sa larong ‘yon kaya mas lalong lumakas ang hiyaw ng mga manunuod sa arena. Dagling tumakbo palabas ng arena si Heron matapos ang laban at lumipad pauwi ng Land of Moonhollow dahil sa kahihiyan. “Kanina pa kita hinahanap, anak!” wika ni Queen Hermonia na kararating lang nang sundan si Heron sa palasyo. “Akala ko ako ang malakas, pero bakit natalo ako ng kalaban?” naguguluhang tanong ni Heron habang naglalakad ng paroo’t parito sa loob ng great hall. “Anak,” pag-aalalang sambit ni Queen Hermonia dito at hinawakan ang balikat ni Heron. “Ikaw nga ang pinakamalakas at sampung beses pa na mas malakas sa Ingkong mo na si God Ares. Kung mag-i-ensayo ka pa nang maigi ay sigurado akong natalo mo si Lord Sabir kanina.” “Ina, ilang beses na ako nag-ensayo at sa tingin ko nakuha ko na ang taglay kong lakas ngunit natalo pa rin ako ni Sabir.” Bumuntong-hininga si Queen Hermonia at hinawakan ang kamay ni Heron. “Gusto mo bang lapitan na natin ang Ingkong mo para humingi ng tulong upang makuha mo ang lakas na ‘yon?” Umiling si Heron dahil palagi siyang pinapahiya ni God Ares nang matuklasang hindi siya kasing lakas nito. Nakakatakot kung lapitan niya ang tagapamahala ng Planetang Zeta at haharapin ang kahihiyan na natamo niya mula sa Mythical Battle of the Lords. “Ayoko, Ina. Mapapahiya na lamang ako at ano na lang sasabihin ni Ingkong sa akin? Sigurado akong nakita niya kung paano ako lumaban kay Sabir. Kailangan ko munang lumayo para hindi na kayo mawalan ng puri kapag makita ako ng mga nasasakupan natin dito sa lupa.” “Saan ka naman pupunta, anak?” “Hindi ko pa mawari kung saan pero h’wag ninyo na akong hanapin upang hindi na kayo mausig ng mga tao,” anito saka lumipad palayo ng palasyo. “P-pero, anak!” Hindi na napigilan ni Queen Hermonia si Heron dahil humayo ito agad at nagpakalayo. Di kalaunan ay dumating si King Cadmus at galit na hinahanap ang anak. “Nasa’n na naman ang batang ‘yon? Hindi niya ba alam na pinahiya niya ako sa harap ng mga panginoon at hari kanina?” “Huminahon ka, Mahal ko,” ani Queen Hermonia nang hawakan ang braso ng asawa. Ilang sandali lang at dumating ang taga-hatid ng mensahe mula sa palasyo ni God Ares. “Oh Haring Cadmus! Nais ko lang ipabatid sa inyo ang balitang bilang na lang ang kaarawan ni God Ares. Kapag walang panginoon na papalit sa kaniya upang sugpuin at pigilan ang pagpasok ni Hades sa planeta natin ay tuluyan na tayong mawawasak. Kailangan na natin ng papalit sa kaniya na kasing lakas ni God Ares.” Napahilamos ng mukha si King Cadmus dahil sa masamang balita niyang natanggap. “Kung hindi lang sinumpa ni Hades si God Ares na maging mortal ay dising sana mamamatay ang panginoon natin,” wika ni King Cadmus dito. “Paraan iyon upang siguradong mawasak niya ang Planetang Zeta,” tugon ni Queen Hermonia. “Ano po ang gagawin natin, Oh Hari? Si Sabir ang nanalo sa Mythic Battle of the Lords, mangyari bang siya ang papalit sa puwesto ni God Ares?” Humugot nang malalim na hininga si King Cadmus dahil wala siyang magawa kundi ibigay ang boto dito kay Sabir. “Sige, ibibigay ko ang boto ko kay Sabir sa nalalapit na halalan.” Nanlaki ang mata ni Queen Hermonia sa narinig nito mula sa asawa. “Paanong gagawin mo ‘yan sa anak natin? Hindi mo ba alam na kandidato siya sa halalan na ‘yon? Hindi ako papayag na kukunin mo ang boto ko para sa anak natin!” “Ayokong ibigay ang boto sa isang mahinang nilalang, Hermonia!” galit na tonong tugon ni King Cadmus pagkuwan ay iniwan mag-isa sa hall ang asawa at nagtungo sa trono upang magpahinga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
54.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook