bc

Love Shots (One Shots)

book_age0+
55
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

"When I look into your eyes, I know I found the mirror of my soul"

[Collection of one-shot love stories]

chap-preview
Free preview
Once Upon A Calculus Time
Dear Diary, Oh my gosh! I need air! Waaaah, kinikilig ako! Alam mo ba kung bakit? Ngumiti sa akin si crush kanina nung magkita kami sa canteen. Buti nalang di ako nabilaukan habang kumakain ako dahil naiisip ko pa rin 'yung ngiti niya. Ang gwapo talaga niya pag ngumiti, lumalabas ang cute dimples niya. How I wish meron din ako kahit isang dimple para parehas kami. HiHi. Saka mayamaya lang ay magkikita ulit kami dahil classmates kami sa Calculus kaya bye for now diary, magpapaganda na muna ako! Char. Wag kang kumontra! Atleast naman, inspired akong pumasok dahil nga sa kanya. Hahaha. Love, May crush kay Tristan Alfaro. Napangiti ako nang matapos kong isulat ang new entry ko sa aking diary. Grabe lang! Sobrang tinamaan talaga ako kay Tristan. Ang talino kasi niya lalo na sa math tapos mahilig din siya sa sports.He's also good in singing, painting, dancing and even amazing in playing guitar. Nasa kanya na talaga ang lahat. Ako nga, kahit konting talent ay wala ako. Frustrated singer lang. 'Yun nga lang everytime kakanta ako ay laging umuulan. I decided to go to the comfort room first at saka para narin makapag retouch. Ganyan talaga pag classmate ang crush, nakakaconscious. Kahit narinig ko na ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang naunang klase ay nanatili pa rin ako sa CR. Bakit ganito? Parang kinakabahan ako na ewan.Tinapos ko na ang kung anong ka-ek-ekan ko sa CR tapos nung tingan ko na ang relo ko ay nagulat pa ako sa nakita. Oh my gosh! It's already 1:15 kaya late na ako ng fifteen minutes. Nagmamadali tuloy akong lumabas ng banyo saka nagtatakbo papunta sa room namin. Nakakainis! Plano ko lang naman sanang five minutes lang ako dun pero umabot pala ng fifteen minutes. I'm doomed. Nang makarating ako sa classroom namin ay talagang hinihingal ako. Pambihira, kakaretouch ko nga lang tapos heto, nastress ang beauty ko sa kakatakbo. Nasa may pinto na ako and still catching my breath nang marinig kong magsalita si prof. "Ms. Gonzales, are you just going to stand there?" "Ah, s-sorry Sir. Uupo na po ako" nahihiya kong sabi saka umupo na sa upuan ko. Pasimple akong tumingin kay Tristan na nasa kabilang row na katapat nung sa amin. He's busy using his cellphone. Ano kayang ginagawa niya? May katext kaya siya? Girlfriend ba niya 'yun? Baka kapatid lang o kaibigan kasi wala naman akong nababalitaang girlfriend niya. Nakakapanglumo kapag taken na talaga siya. Hindi ko na siya pwedeng gawing crush. "Jen, exchange notebooks raw" narinig kong sabi ni Maris. "Notebook? Bakit, anong meron?" naguguluhan kong tanong. "May assignment tayo, girl. Don't tell me nakalimutan mo?" It took me awhile to realize what she said bago ko naalala na may assignment kami. Buti nalang nung last meeting ko pa ginawa. Tsk. Bakit ba napaka-absent minded ko ngayon? Dali-dali kong kinuha ang notebook ko sa bag. Since ang style ng checking namin ay notebooks to the center aisle saka magpapalit sa katapat na row. Guess what, nasa kabilang row si crush. Kaya nga inaayos ko talaga ang penmanship ko kapag nagsusulat ng assignment sa calculus. Baka kasi si Tristan ang magche-check ng answers ko. Unfortunately nga, sa two months na magkaklase kami, never pa siyang nagcheck ng papel o notebook ko. Ang saklap. Inalis ko ang tingin kay Tristan nang lumingon siya sa gawi ko. Sa akin ba talaga o sadyang feeler lang ako? "Ms. Gonzales, kindly answer number four" sabi ni Prof. Tumayo na ako para e-solve ang number four. Dinala ko ang notebook na tsine-check ko at nagulat ako nang makitang kay Tristan pala ang nakuha ko. Kapag sineswerte nga naman. Hindi kasi ako namimili ng notebook na tsine-check baka mahalatang crush ko si Tristan. Kapag nalaman nila, magbibigti ako. Pero joke lang, mas mahal ko ang buhay ko. Di bale ng forever zero ang lovelife ko. Nagsimula na akong magsulat si pisara nang marinig kong tinawag ni prof ang pangalan ni Tristan para sagutin ang number five. Dubdub.. Dubdub I felt my heart skipped a beat for one second nang marinig ang pangalan niya. Oh my gosh! Magkakatabi kami sa pagsosolve. Hala, bakit nanginginig ang kamay ko? Nasa right side ko siya kaya di talaga ako lumilingon. Nanatiling nakatutok ang mata ko sa whiteboard at dali-daling sinagutan ang tanong. Hindi ako makapagconcentrate kasi nga naaamoy ko siya. Ang bango niya! Mas gusto ko atang amuy-amuyin siya kesa magsolve ng calculus. "Jennica, hindi - 10 ang sagot, it's - 8." Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko siyang ngumiti and amusement is visible in his eyes habang nakatingin sa akin at sa sagot ko. Umakyat ata ang dugo ko mula sa paa papunta sa mukha ko nang marinig at makita siya. Am I dreaming? Totoo bang kinakausap niya ako tapos ngumiti ulit sa akin? Gosh, grabe na ito. Ang dali ko lang kiligin kapag ganito pero mas nakakahiya ako ngayon. Pulang-pula ang mukha ko saka tinama pa niya ang sagot ko. Bago siya bumalik sa upuan niya ay narinig ko pa siyang nagsalita na mas nagpagimbal sa sistema ko. "You're prettier when you blushed." Tekaaa. Loading.. Did he say I'm pretty? Waaah! Di ba ako nabibingi lang? Geez! Nakakahiya pa rin kasi tinama niya ang sagot ko. Bakit ba kasi mali yung isinulat ko. "Ms. Gonzales, are you done?" Tanong ni prof. Tumango ako nang mapalitan ko na ang answer saka nakayukong bumalik sa upuan ko. Hindi pa rin ako makarecover sa nangyari. Inulan man ako ng kamalasan, ngunit ngayong araw na ito ay talagang sinuswerte ako. Nagcheck na kami ng notebooks pero lutang pa rin ako. Ibinalik na ang notebooks ngunit wala pa rin don ang isip ko. Nasa nangyari pa rin kanina. "Jen, ano score mo?" Natauhan lang ako nang magtanong sa akin si Maris. Napakunot ang noo ko nang di pa nababalik ang notebook ko. "Teka, di pa naibabalik notebook ko" sabi ko. Tatayo na sana ako para hanapin ang notebook ko nang magsalita si Ron na katabi ko sa left side. "Jen, pinapabigay ni Tristan" sabi niya. Nang marinig ko ang pangalang Tristan ay automatic akong napalingon kay Ron. Ganun nalang ang gulat ko nang makitang hawak-hawak niya ang Diary ko. Dali-dali ko itong kinuha. Kinakabahan ako. Oh no! Huwag naman sanang tama ang hinala ko na nabasa niya ito. "B-Bakit nasayo 'to?" kinakabahan kong tanong. Nagkibit-balikat siya. "Pinapabigay nga 'yan ni Tristan, ano bang laman niyan?" No, no, no! Hindi maaari! D-Don't tell me, hindi Calculus notebook ang binigay ko kundi ang diary ko? "W-Wala. Wala lang 'to" sagot ko pero deep inside me ay parang lalabas na ang puso ko dahil sa lakas ng bilis nito. Oh no! Si Tristan ang nagpapabigay sa that means siya dapat ang magchecheck ng notebook ko pero diary ko ang naibigay ko? Waaah. Nakakaloka! Patay ako nito. Nabasa kaya niya ito? Nagdadalawang-isip akong buksan ang diary pero there's something in me that keeps telling me that I have to open it. Ginawa ko nga at sa kada pakli ko ng pahina ay dumudoble sa bilis ang t***k ng puso ko lalo pa't nasa last entry na ako. Bahala na si batman sa susunod na mangyayari. Kung nabasa nga ni Tristan ito, naku!Baka magda-drop ako sa subject na ito. Nakita ko na ang last entry. Makakahinga na sana ako nang maluwag nang makitang parang wala namang pinagbago kaya lang may napansin ako sa last part kung saan nilagyan ko kanina na May crush kay Tristan Alfaro. Inangat ko ang notebook palapit sa mata ko para mabasa ang sulat. Habang binabasa ko ito ay palaki rin ng palaki ang mga mata. Really, crush mo ako? Parehas pala tayo. I feel the same way, too.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mate to a Dragon King

read
551.9K
bc

His Hidden Child

read
2.9M
bc

The Mafia Loves Me.. OMG (Book I of the Brancaccio)

read
2.4M
bc

Beta's Second Chance (Book 2 of Mate Series)

read
1.2M
bc

Wicked Master's Trap

read
98.9K
bc

The Alphas Choice

read
955.7K
bc

She means nothing to him

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook