bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

book_age18+
58.0K
FOLLOW
291.6K
READ
billionaire
love-triangle
goodgirl
boss
sweet
bxg
office/work place
cheating
servant
passionate
like
intro-logo
Blurb

FALLEN SERIES #1

[SPG/MATURE CONTENT]

Hindi akalain ni Alliyah Villiantez na ganito pala kasarap ang pakiramdam ng unang pag-ibig. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa alapaap lalo na at isang prinsesa ang turing sa kanya ng lalaking hindi niya inakalang papansin at magmamahal sa kanya.

Isang simpleng saleslady lamang si Alliyah Rein Villiantez sa isang Department Store at ang mapansin ng anak ng may-ari nito ay isang malaking regalo para sa kanya at isang makabagong karanasan lalo na at ito pa lamang ang kauna-unahang beses niyang umibig.

chap-preview
Free preview
BOOK 1/CHAPTER 1: Phone
Alliyah Rein "Besty, ano na? Nai-pass mo na ba 'yung resume ko? Inip na inip na 'ko sa bahay, besh. 'Yung nanay ko ang init-init lagi ng ulo. Malapit na 'ata niya akong palayasin eh," nakasimangot na sabi ng bestfriend kong si Arianne habang kumakain ng pandesal ko sa lamesa. Hindi man lang nagpaalam. "Oo, naipasa ko na. Wait mo na lang ang tawag ng hr, baka wala pang endo ngayon," sagot ko naman habang nasa harapan ako ng kalan para magluto ng aking almusal at para sa aking babaunin sa pagpasok sa trabaho. "Antagal-tagal!" bulalas niya naman mula sa kaniyang kinauupuan. "Don't worry, ifa-follow up ko na lang ulit mamaya." Hindi ko siya nilingon dahil naka-focus ang aking atensiyon sa pagbabaligtad ng tilapya sa kawali. Hmmn... ang bango! "Pupunta pa pala ako mamaya sa SSS para sa i.d ko," sagot ni Arianne. Napalingon na ako sa kaniya dahil nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nagtitimpla na siya ngayon ng kape na hindi na naman nagpapaalam. Ganito siya palagi tuwing umaga, idinadaan niya sa kuwento. Akala niya siguro ay hindi ko napapansin kasi nga hindi ko naman talaga pinapansin ang ginagawa niya. "Basta kumpletuhin mo na lahat ng requirements mo para pag tinawagan ka, madadala mo na lahat at wala ka ng magiging problema." Natapos na rin ako sa pagprito. Yey! Naglagay na ako ng kanin at ulam sa tupperware ko, and then tubig ko, sabay silid sa bag ko. Huwag kalimutan ang payong dahil baka umulan, ayokong mabasa, ayokong magkasakit. Ang mga make up ko naman ay nariyan lang palagi sa bag at wala ng alisan. "Pahiramin mo 'ko ng uniform mo ha kapag nakapasok na ako," sabi nya. Nginiwian ko naman siya. "Woi, may uniform po ang lahat at provided 'yun ng hr at kaltas sa sahod mo 'yun. Walang hiraman, feeling mo naman pati kakasya sa 'yo mga uniform ko, hmp!" Nagsimula na akong kumain ng almusal at pagkatapos nito ay maliligo na ako and then magbibihis at aalis na. "Wow, ha! Feeling mo naman ang sexy mo, makapagsalita ka!" Natawa naman ako sa kaniya. "Totoo naman ah, mas sexy ako, no? Tingnan mo nga ang tiyan mo, laki-laki ng bilbil mo," sagot ko sabay turo sa kanyang tiyan. "Wow, ha! Eh 'di ikaw na ang sexy, ikaw na ang walang bilbil, ako naman ang maganda!" sigaw niya at nagtawanan na lang kaming dalawa. Ganito kasi talaga kaming dalawa, mag-bestfriend laitan. "Nasaan banda? Bakit wala akong makita?" Hinawakan ko pa ang mukha niya at ibinaling-baling sa kaliwa at kanan. Tinabig naman niya ang aking kamay at natawa naman ako ng malakas. "Grabe ka sa 'kin, huhuhu! Pag ako nakapasok sa trabaho, bibilhin ko ang lahat ng pampaganda. Maggu-glutha at kojic ako ng isang katerba!" Ang haba-haba na ng nguso niya. "A'right, i'm waiting," sarkastiko kong sagot sa kaniya. "Aalis na 'ko, maligo ka na. Ang baho mo na eh," sabi niya kasabay ng mabilis na pagtayo. "Ikaw ba naligo na?" tanong ko din sa kaniya. "Hindi pa rin." "Oh, eh 'di alam mo na ang sariling amoy?" Huminga siya sa harapan ng kaniyang palad. Ew. "Oo nga, no? Amuyin mo nga." Mabilis niyang inilapit sa akin ang kaniyang kamay. "Walanghiya ka! Lumayas ka na nga! Bantos ka!" Humagalpak siya ng tawa habang naglalakad palabas ng pinto. Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Kadiri! *** Kaagad na akong naligo at nagbihis. Nasa trabaho na si nanay. Labandera siya sa isang subdivision dito sa Pasig at sa hapon pa siya umuuwi. Nagsimula na akong maglakad patungo sa labasan, sa kanto kung saan ang sakayan patungo sa Sm Megamall na pinapasukan ko. Isa akong salesclerk sa SM Department Store. Ganito ang routine ko araw-araw. Nakakapagod pero ayos lang. Sanay na tayong mahirap eh. Sulit naman pagdating ng sahod. Oh 'di ba, may pambayad na ng ilaw, tubig, rent sa bahay, pang-grocery at pambayad sa mga utang. Pagkatapos niyon ay wala na ulit pera. Yey! Ang galing. Mehehehe. Ganun lang talaga ang buhay, wala na tayong magagawa. Atleast 'di ba, may panggastos kaysa sa wala na gaya ni Arianne na nakiki-almusal palagi sa bahay at dinadaan sa kuwento para hindi ko mahalata. Oh 'di ba, akala niya ay magaling na siya sa teknik niyang 'yun? 'Yun ang akala niya! Hahaha! Matalino ako kaya alam ko 'yun. Malayo pa lang ay kaagad ko ng pinara ang jeep na natanawan kong may signed board na crossing na dadaan sa kalye patungong megamall. Nakahinto pa ito sa may 'di kalayuan at nakita kong may ilang sumakay bago umandar ulit at sa aking harapan naman huminto. Nakita kong punuan na at siksikan na sa loob pero carry lang. Kasya pa ang kalahati ng puwet ko dyan. Nakatabi ko si kuyang pogi na mukhang matangkad base sa haba ng mga binti niya at katawan. At maputi siya in fairness! Ang sarap talagang sumakay ng jeep kapag ganito ang katabi. Hihihi. Sa kanan ko naman ay si ate mong girl na ang haba-haba ng buhok. Feeling niya naman, nasa commercial siya ng palmolive. Hmp! Mamaya kapag naramdaman kong sinasampal na ako ng mahiwaga niyang buhok, itatali ko na 'yan sa leeg niya para mabigti na siya! Oh 'di ba, ang taray ko kaya 'wag kayong ano, ha. Hmmnn...ang bango talaga ni kuyang pogi. Langhap na langhap ko ang pabango niyang amoy edt. Yaman ha, edt. Alam niyo ba 'yun? Eau de toillete. Oh 'di ba, talino ko talaga. Meheheh. Dumukot na ako ng pera sa coin purse ko para ipambayad kay mamang driver pero, walang barya? Ah sa wallet na lang na lagayan ng mga papel kong pera. Hehehe. Makapapel pero tagbebente lang naman, limang tagbebente. Ang dami, no? Malapit na kasi ang sahod kaya halos wala ng laman ang wallet. Ganun talaga. Hindi ko na muna isinara ang bag ko at iniabot muna ang bayad sa driver. "Bayad po, pasuyo," sabi ko sabay abot ng pera kay ate mong girl na nasa aking tabi. Pero dedma ang lola mo! Tiningnan ko siya at napasimangot ako nang makita kong nakasuot pala siya ng earphone! Si kuyang katabi niya ang siyang nag-abot ng bayad ko. Hmp! Kukunin ko na lang din ang phone ko para mag-headset din ako. Ikaw lang ba may karapatan? Hmp! Sinimulan ko ng kapain ang aking phone sa loob ng aking bag pero, huh? Asan na 'yun? Kapa. Kapa. Kapa. Huh, asan 'yun? Sinilip kong mabuti ang loob ng aking bag. Tinanggal ko na ang baon ko, ang payong, make up kit, tumbler, wallet, coin purse pero....wala! "Para," narinig kong sabi ni kuyang pogi mula sa aking tabi pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng aking nawawalang cellphone! Wala talaga! Naiwan ko ba? Haayst! Baka naiwan ko nga lang sa bahay, sana nga. Kabibili ko lang niyon, ay hindi! Kakukuha ko lang pala sa Home Credit. Babayaran ko pa 'yun monthly! Huhuhu! Ibinalik ko na lang ulit sa bag ang aking mga gamit. Napalingon ako sa pinto ng jeep at nakita kong nakababa na si kuyang pogi. Ngunit natigilan ako at napakunot ang noo nang makita ko siyang nakatitig sa akin habang nakatayo sa gilid ng kalsada. Unti-unti siyang ngumiti kaya naman dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata! A-ako ba ang nginingitian niya? Napatingin ako sa lahat ng tao dito sa loob ng jeep ngunit lahat sila ay sa unahan naman nakatingin! Kasalukuyan ng umaandar ang sinasakyan naming jeep. Muli akong lumingon kay kuyang pogi. Ang creepy niya mag-smile, pero ba't ang pogi pa din? Hindi maalis ang pagkakatitig ko kay kuyang pogi hanggang sa makalayo na ang sinasakyan kong jeep. At nagtaka ako dahil ganun din siya sa akin. Napanganga ako nang makita kong tumaas ang isa niyang kamay at kumaway sa aking kinaroroonan. Natanaw kong may bagay siyang hawak sa kamay niyang gamit sa pagkaway. Hindi ko na ito maaninaw pa dahil sa sobrang layo na namin. Adik ba 'yun? Pogi sana, mukhang wala lang sa katinuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
381.9K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.3K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.6K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook