bc

FAMILY

book_age18+
4.4K
FOLLOW
20.0K
READ
independent
CEO
billionairess
bxg
office/work place
secrets
passionate
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

|R-18|

|SPG|

WARNING:

Read at your own risk. This story contains scenes that are not suitable for all young readers. May mga maseselang talakayan na hindi akma sa mga batang mambabasa.

Blurb:

"I can't get enough of you. I love kissing you. Entering you. f*****g you. . .Lenneth." Pierce said as his hands trailed Lenneth's body down to her core and slowly slid a finger inside.

chap-preview
Free preview
CHAPTER I
CHAPTER I:   [Lenneth]     “Mommy hindi na po ba namin makikita si daddy?” tanong sa akin ng pitong taong gulang kong anak na si Lyka.   Kasalukuyan kaming nasa airport at paalis nan g bansa. Napagdesisyunan kong umalis ng bansa para tuluyang maka-move on sa pagkawala ni Kenneth.   Isang buwan na ang nakakalipas simula nang mangyari ang trahedyang naging sanhi nang pagkawala ng lalaking minamahal ko.   “Magagalit k aba kay Mommy kapag sinabi kong hindi na?” masuyo kong tanong sa kanya.   Matagal bago nakasagot si Lyka at nakatitig lang sa akin. Hindi ko siya masisisi kong magagalit siya sa akin dahil alam kong mamimiss nito si Ace.   “Okay lang po, alam ko naman pong tatawag lagi si Daddy para kamustahin kami.” Nakangiti nitong saad.   Nginitian ko si Lyka at ginulo ang buhok. “Thank you. Go and say goodbye to your Tito Andrew.”   Tumango si Lyka at patakbong lumapit kina Sephy at Andrew. Inayos ko naman ang mga dala naming bagahe. Sa oras na makasakay kami nr eroplano ay kailangan ko na ring iwanan ang masasayang alaala namin ni Kenneth. Mahirap pero kailangan kong gawin kasi kapag hindi ko ginawa iyon ay hindi ko alam kung makakayanan kong alagaan ang mga anak ko.   “Lenneth.” Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko at natigilan ako nang paglingon ko ay nakita ko si Angel, kapatid ni Kenneth.   “Nabalitaan ko na aalis ka… kasama ang mga anak mo,” wika niya nang makalapit sa akin.   Nag-iwas ako ng tingin at hindi makapagsalita. Nahihiya ako sa kanya dahil sa pagkawala ni Kenneth, hindi man siya nagsasalita ay alam kong galit siya sa akin. Sino ba naman ang matutuwa na nawala ang kanilang Kuya dahil sa ‘kin. Ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.   “Mag-iingat ka at alagaan ang mga anak mo. Iyon lang naman ang gusto ni Kuya, eh. Sana huwag mo siyang biguin, alam kong kahit nasaan siya ngayon ay hindi ka niya pababayaan,” aniya.   Nangilid ang luha ko at napayakap din sa kanya. “Thank you.”   Ilang sandali pa ay oras na para sumakay sila ng eroplano. Mahigpit kong niyakap si Andrew bago ko sila tuluyang iniwan.   “Mommy, kailan po ulit natin makikita si Tito Andrew?” tanong naman ni Sephy.   “Dadalawin naman niya tayo sa bago nating bahay kaya huwag ka ng malungkot, okay?” sagot niya.   “Hindi po ba tayo malulungkot sa bago nating bahay?” inosenteng tanong ni Lyka.   Buong pagmamahal kong hinaplos ang maamong mukha ni Lyka pagkatapos ay tuymango. “Oo, hindi na tayo malulungkot pa sa bago nating bahay.”   Pangako. Hinding-hindi na kayo malulungkot sa pupuntahan natin.       *****   [Celeste Salveda]   “How is he?” tanong ko sa Doctor kong kaibigan. “He’s still unconscious,” sagot niya.   Napabuntong-hininga ako at tintigan ang lalaking nakapikit. Kumpara sa unang beses ko siyang nakita ay mas maayos na ang itsura niya ngayon. Wala na ang sunog niyang mukha’t balat. Mahaba na rin ang buhok niya na dati ay wala.   “Are you really sure that he’ll gonna like it?” tanong ni Ren sa akin.   “Wala siyang choice kundi tanggapin kung ano ang mayroon siya ngayon. Utang niya sa akin ang buhay niya kaya dapat lang na singilin ko agad siya,” matigas kong saad.   “Celeste, hindi pa rin tama ang ginawa natin. Paano kung may mga kamag-anak pala na naghahanap sa kanya? Asawa at mga anak?” Nag-aalalang tanong ni Ren.   Tiningnan ko siya sa mga mata at umiling. “Walang makakaalam sa tunay niyang pagkatao, at mananatili iyong lihim hanggang sa pagkamatay ko.”   Umiling si Ren at halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko, ngunit wala akong pakialam sa iisipin niya. Ang mahalaga sa kanya ay buhay ang kanyang pinakamamahal na Kuya at hinding-hindi niya hahayaan pang may mangyaring masama rito.   Si Pierce na lang ang nag-iisang pamilya ko kaya kapag nawala ito ay hindi ko na alam ang gagawin. Kahit pa sabihin niyang nasa tabi ko si Ren, ang kasintahan ko at nangakong hindi ako pababayaan ay hindi pa rin iyon sa akin. Kailangan ko si Kuya at gagawin ko ang lahat mabuhay lamang siya.   Isa akong Fashion Designer at Doctor naman ang aking boyfriend. Napagdesisyunan naming dalawa na umalis ng Pilipinas at manirahan sa ibang bansa at doon magbagong buhay kasama ang Kuya ko. Mahigit isang buwan na itong nakaratay sa kama at wala pa ring malay, ang sabi   Ang sabi ni Ren ay hindi biro ang inabot na pinsala ng katawan nito sa sunog. Kinailangan pa naming gumasto ng malaki para ibalik sa normal ang kulay at kinis ng balat niya.   Nang umalis si Ren sa kuwarto ay naiwan kaming dalawa ni Kuya, pinagmasdan ko ang guwapo niyang mukha at hindi ko napigilan na mapaiyak. Naalala ko na naman ang sinapit niya at dahil doon ay nagngitngit muli ang kalooban ko. Isang tao ang lumitaw sa imahe ko at isinusumpa kong paghihigantihan ko ang ginawa nila sa kapatid ko!     *****   ]Lenneth]   Kausap ko sa telepono si Andrew nang maramdaman kong bigla akong nasusuka. Mabilis ko siyang iniwan at tumakbo papunta sa banyo, kinukutuban na ‘ko sa nangyayari ngunit kailangan ko pa ring makasigurado. Mahigit isang buwan na akong hindi dinatdatnan ngunit hindi ko iyon napatuunan ng pansin dahil sa dami ng ginagawa ko sa opisina pati na rin sa mga anak ko.   “Lenneth, are you okay?” Bumadha sa mukha niya ang pag-aalala at alam kong kapag sinabi niyang hindi siya okay ay wala itong sasayanging oras at pupuntahan agad siya.   “I’m fine, may naamoy lang akong hindi ko gusto kaya parang bumaliktad ang sikmura ko,” sabi ko at agad na natigilan nang ma-realize ang sinabi.   Napatingin ako kay Andrew at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya na tila alam kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. “Magsabi ka nga sa akin, kailan ka huling dinatnan?”   Umiling ako. Masyado pang maaga para mag-conclude. “Tigilan mo kung anuman iyang iniisip mo. Hindi ako buntis, okay?”   “Paano ka nakakasiguradong hindi ka buntis? Nagpa-konsulta ka na ba?” tanong ulit niya.   “Bakit ako magpapa-check up kung wala namang dapat ipa-check up?” Natatawa kong sagot. “Look, I know that you’re worried but I’m fine. Siguro dala lang ito ng pagod ko dahil sa sunod-sunod na pasok ng trabaho ko,” pagdadahilan ko sa kanya.   Matagal niya akong tinitigan at hindi kumbinsido sa sagot ko at alam ko ang kahulugan ng mga titig niyang iyon. Sa huli ay sumuko rin siya sa pakikipagmatigasan dito. “Okay fine. I’ll go to the clinic and run some tests, happy?”   Nakita ko angmagandang ngiti niya kaya napailing na lang ako. Kahit na malayo kami kay Andrew ay ang kaligtasan lagi ang iniisip niya Maging ang mga anak ko ay sinusukuan ang mga bilin niya na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay iisa lang naman ang laging paalala niya.   “Pack your things and go now. Don’t hung up the phone because I want to hear all of what the doctor would say,” aniya.   “Come on. Andrew. I have so many things to do! Kailangan ko pa mag-sketch ng mga bagong designs na ilalabas namin at the end of the month!” reklamo ko.   “Kailangan mong maging malusog at malakas, Lenneth. Kung gusto mong maka-survived bilang isang single parent, you need to take care of your body and your health,” pangangaral niya.   Marahas akong napabuga ng hangin at walang nagawa kundi sundi ang gusto niya. Wala akong laban dito dahil sa oras na hindi niya ito sundin ay ang sunod nitong gagawin ay bantaan ako. Which is I don’t want to happen. As much as possible, ay gusto kong mamuhay mag-isa kasama ang mga anak ko.   Bago ako umalis ay nagbilin ako sa sekretarya ko na dalhin ang mga dapat kong pag-aralan sa bahay. Baka dumeretso na ako sa school ng kambal para sunduin ang mga ito. Pinasok ko ang kambal sa isang ordinaryong eskuwelahan na malapit lang sa bahay namin.   At sa isang buwan naming pamamalagi rito sa San Francisco ay naging masaya naman kami at walang naging problema. Masaya ang mga anak ko at nag-eenjoy sab ago nilang kapaligiran, halos araw-araw din kung makipag-usap ang mga ito sa Daddy nila sa video call.   Sa hospital na ako dumeretso at naghanap agad ng Doctor na puwedeng mag-examine sa akin habang si Andrew ay nasa linya lang at tahimik na nakikinig sa usapan namin. Kinuhaan ako ng blood sample at urine,  pagkatapos ay pinaghintay sa loob ng opisina ng Doctor. Mas pinili kong hintayin na lang ang result kaysa ang bumalik pa sa susunod na araw, marami akong dapat gawin at hindi ako puwedeng magsayang ng oras.   “Paano kung buntis ka, anong gagawin mo?” tanong sa akin ni Andrew.   “Ano ba ang dapat kong gawin, Andrew?” Natatawa kong tanong din sa kanya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko kapag napatunayan kong buntis ako.   Siyempre masaya ako dahil  may munting anghel na naman sa kanyang sinapupunan and this time ay anak na nila ni Kenneth, pero hindi iyon magiging madali sa part ko dahil nakatutok ako sa trabaho ko, at sa mga anak ko.   “Alam kong malakas ka, Lenneth, pero kapag hindi mo na kaya, magsabi ka lang at pupuntahan agad kita para tulungan ka,” ani Andrew.   Napangiti ako sa narinig kong sabi niya. Kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ni Andrew at sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil sa lahat ng mga lalaking nagdaan sa buhay ko ay siya lang ang bukod-tanging hindi ako sinukuan.   “Thank you, Andrew,” buong puso kong pasasalamat sa kanya.   “Nangako ako sa’yo na hindi kita pababayaan pati ang mga anak mo, Lenneth.”   “Mrs. Morales.” Napatayo ako nang pumasok ang Doctor at kung pagbabasehan ko ang maaliwalas niyang mukha ay parang gusto ko nang himatayin.     “Doc, what are the results?” Kinakabahan kong tanong.   “Congratulations, you’re having a baby!” masayang sabi niya.   Narinig ko ang masayang boses ni Andrew sa kabilang linya. Napatingin ako sa mga papel na iniabot sa akin ng Doctor at nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyo. Paulit-ulit kong binasa ang mga nakasulat doon at lahat ng inexamine sa ‘kin ay iisa lang ang sinasabi.   Buntis ako! Bumaha ang tuwa sa ‘king dibdib at hindi ko alam kung paano akong nakauwi sa bahay na kasama ko ang mga anak ko. Pagkatapos naming kumain ay kinausap ko silang dalawa bago matulog.   “Mommy, you feel different today, why?” ani Lyka.   Umupo ako sa gitna nilang dalawa at inakbayan sila. “Puwede ba akong magtanong sa inyo?”   “Go on, Mom,” wika naman ni Sephy na humilig sa kanyang dibdib.   “Gusto niyo bang magkaroon pa ng kapatid?”   “Magpapakasal ka na ba, Mommy?”   “May bago na kaming Daddy?”   Hindi ko napigilang matawa sa reaksiyon nilang dalawa. Parehas nakabusangot ang mga mukha at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.   “Nope. Paano ako makakapag-asawa kung lagi akong busy sa trabaho at sa inyo?”   “Eh, bakit po kayo nagtatanong kung gusto namin ng kapatid?” matalinong tanong sa akin ni Sephy.   “Sagutin niyo muna si Mommy, please?” malambing kong tanong sa kanya.   “You’re pregnant!” bulalas naman ni Lyka at nanlalaki ang mga matang hinaplos ang tiyan niya.   Lumakas ang tawa ko lalo pa at inilapit pa ni Lyka ang mukha sa tiyan ko habang si Sephy naman ay tulalang nakatingin sa ‘kin.   “M-mom? Are we having a little brother?”   Nakangiti akong tumango. Nagulat ako nang bumaba ito sa kama at magtatalon. Isinisigaw ang pagiging Kuya, habang si Lyka naman ay masuyo pa ring hinahaplos ang tiyan niya.   Mukhang hindi ko na sila kailangan pang tanungin dahil naka-balndra na sa mga mukha nila ang sagot. Nang gabing iyon bago kami sabay-sabay na matulog ay ipinangako ko na aalagaan ko ang mga anak ko at gagamitin ko silang instrumento para mas lalo akong lumaban sa buhay.   Masuwerte pa rin ako dahil kahit na nawala sa akin an g mga lalaking minahal ko ay may iniiwan naman silang alaala na dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko.   Kung anuman ang mga mangyayari sa mga susunod na panahon ay taas-noo kong haharapin iyon at lalabanan—para sa mga anak ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.9K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook