bc

One Shot Story

book_age18+
954
FOLLOW
5.2K
READ
possessive
time-travel
princess
fairy
drama
sweet
bxg
werewolves
another world
superpower
like
intro-logo
Blurb

×××××××

How will you fight your destiny?

How will you conquer everything in order to reach the peak of your happiness?

How will you control your power to protect your loved ones?

Did you ever tried to put your feet in other's shoes?

But, how will you going to handle a one shot story in your memory?

×××××××

© springleaves 2020

Author's Note:

Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, places, and events are only made of author's imagination and have no connection in anyone's life. If ever you encounter familiar parts, it is just a pure coincidence. The author didn't intended to offend anyone by writing this story.

Pardon for my grammatical and typographical errors, I am not a professional, just an aspiring author who wants to give a good story line that can inspire people to do better in life.

Published: 08/13/2020 - 12/31/2020

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ballpen
Suot ang maluwag kong damit at maikling short, nakaupo ako sa tapat ng bintana kung saan nakaharap ang aking lamesa. Nakatitig lang ako sa malayo at iniisip kung ano ang sunod kong isusulat. Habang iniikot-ikot ko ang ballpen sa aking mga daliri, gumagawa na ako ng mga senaryo sa aking utak, at nagsimulang isulat ito. “Nakaupo lang sa gilid at nagmumukmok na parang bata si Red…” Nag-uumpisa na lumabas ang mga salita sa aking utak kaya hindi ako tumigil hanggang sa maubos ito. Inabot na naman ako nang mahigit limang oras sa pagsusulat. Hindi pa pala ako nakakakain ng tanghalian, pero gabi naman na kaya isasabay ko na lang siguro. Ipinasa ko na ang ginawa kong manuscript sa loob ng dalawang linggo sa kumpanyang pinag-apply-an ko. Sana makuha ko na this time! Isang linggo akong naghintay sa balita. At dahil mag-isa lang naman ako sa apartment ko, syempre mag-isa ko lang din tiningnan ang resulta. Nakakalungkot lang isipin na sa mga isinusulat ko may mga kasama ang characters samantalang ako…. at ayun na nga, nakapasa akooooo! Hindi na ako nahirapan pa sa trabahong ito dahil write at home naman ang nakuha ko. ‘Yong tumatanggap sila kahit hindi magpakita ang writers or magkaroon ng sariling office sa company nila. Siguro kapag handa na lang ako saka ako tatanggap ng gano’n. Sa tagal ko na ring sumusulat sa loob ng 10 taon, nasanay na rin ako sa routine ko sa araw-araw. Halos hindi ako masyadong lumalabas o ‘di kaya kung lalabas man ay maghahanap lang ng lugar na pwedeng gamitin sa istorya ko. Isang taon na rin ang nakalilipas simula nang makapasok ako sa kompanya. At kasalukuyan akong gumagawa ng manuscript tungkol sa mamamahayag na nadiin sa isang krimen. Naisip ko na rin na siguro halos lahat ng mga nasa field ng literatura ay maaaring makaranas ng mga pagsubok sa kanilang karera. Hindi madali ang maging manunulat dahil sa bawat salita na isusulat mo ay matinding pag-intindi at pagsasaisip ang kailangan mong gawin para hindi malito ang iyong mga mambabasa. Dati talaga ay ayaw kong maging isang manunulat dahil natatakot ako sa mga consequences. Maraming threats ka na matatanggap at mga criticism, negative or positive. Bumalik ako sa reyalidad nang may mapansin ako sa katawan ko. Napatigil ako sa pagsusulat nang may maramdaman akong kakaiba sa aking kamay. Hindi ko ito maigalaw. Sinubukan kong itaas ang aking mga daliri ngunit mas kinabahan ako nang mahulog ang ballpen sa kamay ko. Nakatulala lang ako at sinusundan kung paano gumulong ang ballpen mula sa lamesang kinahulugan nito. Natatakot ako, kinakabahan. Ngunit wala akong maramdaman ni-isang emosyon sa katawan ko. Nakatitig lang ako dito na para bang kusa itong babalik sa mga kamay ko. Bumalik lahat ng alaala sa madilim kong nakaraan. Five years ago, naramdaman ko rin ito at natatakot ako na baka bumalik ang delubyong tumapos sa mga pangarap ko kaya ako nagtatago ngayon. Nang dahil sa sakit na ito ay para ring unti-unting napupunit ang puso ko sa sobrang sakit. Para bang ako 'yong batang inagawan ng candy o kaya itinulak ng kalaro niya at nagkaroon ng malaking sugat sa tuhod. Ganoon kasakit sa umpisa. Pero habang tumatagal. Habang unti-unting pumapasok sa sistema ko na mahihirapan na akong makapagsulat ay unti-unti rin ang pagguho ng mga plano at pangarap ko. Ang sabi ko pa noon, hindi ako babalik ng probinsya hangga't hindi ako nagiging sikat na writer at wala pang maipagmamalaki sa mga itinuring kong pamilya. Ang sabi ko magpupursige ako para hindi ako maging kawawa sa harap nila. Ang sabi ko itutuloy ko ang pangarap na hindi nagawa ni Mama dahil lahat sila ay tutol sa pagsusulat. Wala naman daw akong mapapala rito. Hindi raw ako mapapakain ng pagsusulat dahil kailangan makahatak ng maraming mambabasa para makilala. Kailangan magaling ka. At habang tumatagal ako sa pagsusulat, hindi ko napansin na may punto nga sila. Mahirap. Parang kang kumakayod at nagtatanim ng santan, hindi mo alam kung kailan mamumulaklak. Hindi mo alam kung kailan mamumukadkad. Pero nang dahil sa nangyari sa akin limang taon na ang nakalilipas, na-realize ko na matagal man magkabulaklak ang santan, kailangan mo ring alagaan para maging maayos ang paglago nito. Kung titigil ako sa gitna ng pagdidilig ko at hahayaan siyang mamatay, hindi talaga siya magkakaroon ng bulaklak. Kaya bakit ako titigil kung sasabihan nila akong hindi magaling? There's always a room for improvement, ika nga ni Clay Stacey sa kaniyang libro. Kung si Stacey nga hindi sumuko sa pangarap niya sa kabila ng mga threats and bribes na natanggap niya, bakit ako susuko? Masakit, oo. Pero kailangan kong tanggapin. Kailangan kong maging malakas. Hindi siya hand tremors, dystonia. Hand Dystonia. Writer’s Cramp. Sabi ng doctor ko noon nakuha ko ito dahil hindi ko raw naipapahinga ang mga kamay ko sa pagsusulat. Kung saan ay kusang pumipilipit o nanginginig ang mga ugat sa kamay ko. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Biruin mo, sa sobrang paghahabol ko sa pangarap ko, hindi ko na rin pala nababantayan ang kalusugan ko. May pagsisisi? Oo, pagsisisi na masyado kong dinamdam ang mga sinabi nila pero hindi ko sila dapat sisihin sa nangyayari sa akin. Ako ang lumalaban, eh. Pinilit kong hawakan ulit ang ballpen sa sahig. Yumukod ako pero mas nahirapan lang ako kaya pabalibag kong tinabi ang upuan sa gilid at hawak ang kamay na kinukuha ang ballpen. Namimilipit na ako sa sakit pero gusto ko pa rin itong abutin. Hinahampas ko pa ito para lang gumalaw. Paulit-ulit ko itong pinalo ng kamay ko dahil namamanhid na rin siya. Habang tumatagal na hindi ko ito mapulot, unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Kasabay no'n ay ang pagbalik ng mga pinaghirapan ko sa loob ng sampung taon. Ang paglunok ko sa pride ko sa harap mismo ng pamilya ko. Napapikit ako sa sobrang sikip ng dibdib ko at hindi na maitago kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kahit na manhid na ang mga kamay. Hanggang ang mga hikbi ko ay naging hagulgol. Napabagsak ako sa sahig at yumuko, yakap ang aking mga tuhod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.4K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.6K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook