bc

Unfortunately Yours

book_age16+
1.0K
FOLLOW
5.5K
READ
age gap
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
humorous
lighthearted
serious
kicking
like
intro-logo
Blurb

Chantal Villegas is not that pretty and not that smart. She just found herself in the middle of two rivals, Kiel Raneta and Argus Montefalco.

Trapped between two gorgeous men, Chantal needs to choose.

Kiel, the man of her dreams or Argus, the nightmare?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chantal's "So-sorry... Hi-hindi ko sinasadya, Argus..." Napalingon ako sa unahan ng silid nang marinig ko ang boses na iyon na bakas ang takot. Nakita kong iritableng umupo si Argus sa teacher's table na halatang naalimpungatan. May sleep mark ang pisngi niya at as usual, nakapaligid ang tatlong alipores na sina Tofee, Allen at Chris sa kaniya. Mukhang wala namang katakot-takot na mangyayari kay Mel kung titignan mo sila at kung hindi mo kilala si Argus at ang mga sidekick niya. Argus ruled everything and it includes, everyone. Naniningkit ang mga mata niya kay Mel, and when Argus stares that is his second way to imply "You're dead". Pero dahil nga halos sambahin siya ng tatlo niyang alipores, they do the bullying for him. As if they were bewitched. "Wala pang nangahas na istorbohin ang tulog ni Argus. Ikaw palang." sambit ni Tofee Napangiwi ako. Hindi ko talaga maintindihan kung anong napapala nila sa pang-bu-bully nila. Argus is really powerful that he can turn someone bad. Kahit ilang beses na siyang naglabas-masok sa guidance office ay patuloy pa rin siya sa paghahari-harian sa buong Junior Building. He just doesn't care at wala yata talaga sa bokabularyo niya ang pakikipag-kapwa tao. Masasabi ko rin kasing hindi talaga effective ang panenermon sa kaniya ng guidance counselor namin. That's when I realized that money is power. Power is money. Napansin kong nangangatog ang mga tuhod ni Mel. Anumang oras ay la-landing ang kamao ng mga alipores ni Argus sa panibago na naman nilang laruan. "So-sorry, tinalisod kasi ako ni—" Naputol ang sasabihin ni Mel nang bigla na lamang siyang sikmuraan ni Allen. Napatingin ako sa gawi ni Argus na naniningkit parin ang natural na singkit na mata. Pinisil din niya ang matangos niyang ilong sabay sinuklay pataas ang buhok gamit ang kaniyang daliri. They were beating Mel as if napakalaki ng kasalanan niya. Argus Montefalco, the heir of AM Telco. He is so powerful in all angle. He can make a good girl go bad because of his charm. Aaminin ko, malakas talaga ang dating niya sa mga babae because he looked cool and mysterious. Kahit wala nga siyang gawin bukod sa pumasok lang ay papasa siya sa katakot-takot na requirements ng school at test. That's what money and connection do. Pero kahit super attractive niya para sa iba, ay may matitino pa ring babae na nasa tamang pag-iisip na hindi siya magugustuhan dahil sa nakakahiya niyang pag-uugali. At tama ka, hindi ako kabilang sa mga babaeng magkakagusto sa isang tulad niyang may maitim na budhi. May bangas na si Mel at ilang galos sa katawan, hindi naman nila gugustuhing puruhan pa si Mel. Hindi ko talaga kayang panoorin ang ganoong sitwasyon. Pero hindi ko rin kayang tumayo at manindigan para sa iba. Lalo na at hindi naman kami ganoong mayaman. At tanging milktea shop lang ang pag-aari ng pamilya ko. Sa awa ng Diyos ay talagang ginagapang ng mga magulang ko ang pag-aaral ko at para makapagtapos ako sa may pinaka malaking reputasyong school sa Asya. But they were a disgrace the way they treated Argus. So who would listen to someone not so powerful? Gagawin ko lang katatawanan ang sarili ko, at baka nga maging isa na sa target nila. Isang dahilan kung bakit tahimik lamang akong nag-oobserba sa mga kilos nila. At hindi ganoong ini-engage ang sarili ko sa klase. "Attention!" sigaw ng class president namin na kararating lang. Our mighty president, Lilian Amparo. "Argus and company, go back to your seat." Mahinahon na utos ni pres Li. That is the thing I like about our president, sinusunod siya ng lahat. Kahit pa ng pinaka-terror naming kaklase na si Argus. "Settle down, class. I have a good news and a bad news. What do you want to hear first?" Nakakatuwa talaga ang klase na ito pag pinamumunuan na ni Pres Li. They were well-behaved and all ears to Pres. Nilingon ko ang bakanteng upuan ng lalaking matagal ko ng gusto. Bakit kaya wala pa siya? May announcement pa naman si Pres Li, dapat kumpleto kami. "Where's Kiel?" Pres Li asked as she noticed that Kiel is not around. Halos dumagundong ang puso ko nang huminto siya sa harapan sabay ngiti nang pagka-gwapo-gwapo. Nakakainis! "Present," he just said and smile again. Hindi ko maitago ang kilig pag ngumingiti siya. Pakiramdam ko, pulang-pula ang pisngi ko. Kiel Raneta, sinulat ko ang pangalan niya sa likod ng notebook ko sa socsci. Hibang ako pag nakita iyon ng iba. "Since you are late, what do you want to hear first, the good or the bad?" Nakaupo na si Kiel sa kaniyang upuan nang sandali siyang nag-isip. This gorgeous young fine man! "I'll go for the bad." "Alright, our top performer already decided." Bakit kaya wala ko masyadong pakialam? Basta nakatingin lang ako kay Kiel at sana hindi niya ako lingunin dahil sobrang nakakahiya! "I want you guys to breathe in, breathe out. This is too heavy to announce, so brace yourselves..." she warned and took a deep breath. "Our beloved teacher, Mrs. Reyes was gone this morning..." Malalalim na buntong hininga ang umalingawngaw sa buong silid. Some cannot comprehend the announcement. Natulala ako at halos hindi makagalaw. Gusto kong sabihin niyang ang good news ay "joke". Para lang kumalma ako. Pero knowing Pres Li, wala siyang oras sa mga prank at masasamang biro. I just found myself crying in silent. Mrs Reyes is indeed one of my favorite teacher. She has her unique technique and style to teach us. Kahit may edad na siya kumpara sa mga iba naming guro ay laging up to date ang teaching style niya sa amin. She always making sure that her class would be fun yet everyone is learning at the same time. Kaya ang ganitong reaksyon mula sa klase, ang katahimikang ito na may kasamang hinagpis at hikbi ay inasahan ko na. Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko namalayan na tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Nanghihinayang na isa na namang mabuting guro ang sumakabilang buhay. At ang mas nagpapabilis ng pagtulo ng luha ko ay ang katotohanang hindi man lang siya nabigyan ng huling hirit para matapos ang academic year na ito. "I just want to inform everybody that ma'am died from a contagious disease that is why we are not allowed to visit her funeral. Her family will still bury her dead body in Ever Green Cemetery. They don't follow the advise of the doctor to cremate her body. We can still visit her after maybe a month." Our president added. "Go ahead and be sad, cry all you want. I'll give you all time to get back yourself and proceed to the next news. I don't even consider that good, I lied when I said there's a good news where in fact, it's all bad news." Bumalik si Pres Li sa kaniyang upuan habang hindi ko inaangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko niyon. I can sense that they all sad and broken. "Here..." ani ng pamilyar na boses. Nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko si Kiel na malungkot na nakatingin sa akin. Halos mapaatras ako sa gulat na katabi ko siya. Nakakainis at nakita niya ang malungkot kong mata at sinisipon-sipon na ilong. Napatingin ako sa inaabot niya sa akin. "Kunin mo na. Natatandaan mo 'yong essay na sinulat mo sa English class natin?" Nakaupo siya sa bakante laging upuan sa tabi ko at seryosong nakatingin sa akin. I can sense na malungkot din siya. Dahil sino bang hindi? Inabot ko 'yong panyo. Kahit gusto kong kiligin dahil inabutan ako ng panyo ng lalaking pinapantasya ko ng kay tagal ay hindi ko magawa. I'm wondering about kung ano gusto niyang sabihin. "When our English teacher asked us to write an essay about our most dearly teacher. And she gave you an F because you wrote about Mrs. Reyes as the most dearly..." Napatingin ako sa kaniya. How did he know that? "Hindi ko sinasadyang mabasa 'yon. Actually magaling nga ang sentence construction. It deserved an A if I was the one to grade it..." Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag salita. Pero naririnig ko ang sariling t***k ng puso. "Huwag ka na masyadong umiyak. Life do terrible things." aniya sabay ginulo ang buhok ko at bigla na lang akong nilayasan. Sobrang lakas at bilis ng t***k ng puso ko. Na kahit wala na siya sa tabi ko ay sige pa rin ang pagdagundong niyon. Napatingin ako sa panyong hawak ko. Napansin ko ang K.R. na initial sa panyo. Hindi ko alam kung bakit parang ayoko ng isoli iyon. Who would not like someone as Kiel Raneta? Gentle, kind, charming, smart, and multi-talented? Lalo ko lang gustong singahan ang panyong binigay niya sa akin, sa pagpapaalalang maraming nagkakandarapa sa kaniyang bigatin, magaganda, sexy, may ibubuga habang ako... MALALAKAS NA BULUNGAN ang sunod na umalingawngaw nang tumayo sa unahan ng silid ang isang maliit na babae na nakasalamin. Kung pagbabasehan ko ang tindig niya, mukhang naglalaro sa 23-25 ang kaniyang edad. The second bad news dressed as a good news ni Pres Li. Inangat niya ang kaniyang kanang kamay at naka kuyom iyon. Ganoon din kami patahimikin ni Mrs. Reyes. Pag inangat na niya ang kanang kamay at nakasarado iyon, sign iyon na itikom namin ang aming mga bibig. "Go back to your proper seats. Now." Natural na malakas ang boses niya. Hind ko mawari kung saan nanggaling ang malakas na tinig na iyon. "I said, go back to your proper seat." ulit niya. Doon na nagsitayuan ang aking mga kaklase at bumalik sa kani-kanilang pwesto. Umirap sa akin si Cleo. Hindi niya ako gustong katabi sa upuan. Kaya palagi siyang lumilipat katabi ang mga kaibigan niya. Wala rin ako gaanong ka-close sa silid na ito. Hindi ko lang talaga ugaling mag simula ng usapan. Last year lang ako nalipat sa Class A. Habang matatagal na silang magkakalase simula first year. Galing sa mayayamang angkan ang mga narito at may circle of friends na talagang nabuo bago pa ako dumating. Si Kiel lang naman ang dahilan kung bakit ako narito. Dahil sa kaniya ay ginalingan ko ang pagsusulit kung saan kung sino ang makakuha ng pinakamataas na iskor ay siyang malilipat sa Class A. Kinuha ni maam ang whiteboard marker at nagsimulang isulat ang kaniyang pangalan. Joy Merced Basa ko sa pangalang isinulat niya. "I will be your teacher in Social Science effectively today. But we will seldom meet because I want you all to work on a project. It will be by pair. I will give you a minute to look for the best partner you can get. Time starts now." Wala man lang siyang ka-amor-amor the way she spoke. Why would it be by pair? Why can't we work on this individually? Nagpalinga-linga ako sa paligid habang natataranta ang iba. Lahat ng pwede kong tignan na nakakausap-usap ko kahit papaano ay may partner na. Kapag minamalas ka nga talaga. "20 seconds left." Narinig kong paalala ni ma'am. Si Kiel kaya? Hindi ko alam kung anong tapang at lakas ng loob ang sumapi sa katawang lupa ko at naisip ko siyang maging partner. Medyo feeling close na ako dahil inabutan niya ako ng panyo. Haaays! Feelingera ako sa part na 'yon. Naglakas loob ako na lapitan si Kiel. Hindi ko na alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ko at hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang tanong o kung anong sasabihin ko sa kaniya. Wala namang mawawala bukod sa madadagdagan lang ang kahihiyan ko sa balat. "Ki-kiel..." Hindi ako sure kung narinig niya ba 'yon. "Yes, Chantal?" tugon niya sa akin. Para akong mababaliw nang sabihin niya ang pangalan ko. "Ah-ahm... Ka-kasi... M-may partner ka na?" Sa wakas ay lumabas din sa bibig ko. "Yup. Oh sh*t! Why I feel sorry to you?" Bakas ang panghihinayang sa boses niya. "No. Don't feel sorry. It's okay. Thanks." Tumalikod na ako bago niya makita ang pamumula ng pisngi ko at bago pa niya marinig ang inimpit kong tili. Dismayado akong bumalik sa aking upuan. Mukhang settled na sila. Pero teka, sa pagkakaalam ko, 20 kami sa klase. Tama! Mukhang namomoblema rin ang magiging partner ko. "Alright. Your time is over. Who doesn't have a partner yet?" Nahihiya kong inangat ang aking kamay at tinignan ang paligid kung sino pang wala. Okay na sa akin ang kahit na sino. "Only one? You are 20 in class. Raise your hand now." Nalaglag ang balikat ko nang inangat ni Argus ang kaniyang kanang kamay. Tsk. Pag minamalas ka nga naman. Nagsalubong ang aming paningin na mabilis ko ring iniwas. "Alright. You two would be the last pair." ani ma'am. Hindi ko alam kung bakit sobrang disappointed ako. "Now, what you are going to do is a social experiment. I want you to have a keen observation about your partner's life, principles, background, family history, biography, beliefs, future plan, embarrasing moment, unforgettable memories your partner hold and a lot more that you want to include. I may say, likes, dislikes, hobbies, silly things done in the past etc. You can also include how you see your partner. I encourage everybody to have a 100 minimum page that you will compile in a clearbook." Lalong nalukot ang mukha ko sa narinig ko mula kay Miss Joy. "Any questions? Clarifications? Violent reactions?" Nakita kong nagtaas ng kamay si Pres Li. "I have a violent reaction. I believe that this isn't right because this is kinda too personal to be unveiled." She is so strong. Everybody in the class is rooting for her. "I won't buy such a project that needs ourselves to be exposed. What do you think it is if you are my mom and I am doing a lame project from a substitute teacher?" Hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi. "I am the president of the class. I know that some of my classmates think the same way as I do. This isn't right for me, ma'am." Huli niyang banat at saka naupo. "Anyone else? Before I answer the complaint of your president." Tinaas ko ang aking kanang kamay. "Yes?" ani maam. Tumayo ako at nahihiya talagang pag tinginan ng lahat. "I am just wondering why we can't do this individually? If we will do this project individually, there would be no problem such as confidentiality." "Anyone else, before I answer the complaint and suggestion of your classmates?" Wala na nangahas magtaas ng kamay. Hinihintay namin ang sunod na sasabihin ng aming bagong guro. "I know that all of you is still in shock, that a mere substitute teacher is asking you a lot about a project that you don't see any benefit you can get in terms of learning. I got it. I also understand that your information is confidential as you can say. BUT... This project is actually a tradition of Centris High. You can ask your seniors. They undergone this tradition. Mrs. Reyes gone too fast, but she will absolutely tell you about this if she has given a chance to finish this subject with all of you." Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman iyon nangangati. "Tell your mom, that this lame project was not from a substitute teacher but the school itself." Baling niya kay pres Li. Napa-iwas ako ng tingin ng ako na ang sunod niyang tinignan. "How will you call this a social class if we won't do this by pair?" Tumayo ako. "But how can you say this is an experiment if the information you are asking from us was already given and there was result already?" Gumawa ng ingay ang mga kaklase ko. Namula ako sa hiya. Ang pinaglalaban ko lang naman dito ay ayokong partner si Argus. "Well, your attitude made me want to keep it by pair. What's your name?" "Chantal Villegas." Hindi nakatakas sa mata ko ang pag-ismid niyang iyon. "Your output will be graded 50% and the other half would be your partner's output. You have a month and a half to work on this project." She stopped. "But for you Chantal and your partner, pass it a week earlier. You are my favorite now." Napabuntong hininga naman ako nang marinig ko iyon. She is playing unfairly. Tsk. Iyong ideya pa nga lang na makakasama ko si Argus sa project na ito ay 50/50 na ako tapos paparusahan niya pa akong mas maaga sa dealine? Haaaays. Nilingon ko si Argus. Hindi siya mukhang interesado. Alam kong papasa siya kahit hindi siya makipag-cooperate sa akin. Paano naman ako? Lalo pa at kailangan naming magpasa ng maaga. Nang magtama ang paningin namin ay umiwas ako agad. Haaaays. Ang malas. "If you don't have any questions, class dismiss." aniya at binura ang pangalan sa board. Nagsitayuan na ang lahat habang hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Kailangan kong makausap si Argus. Nang papalapit na siya sa pwesto ko ay tumayo ako at hinarangan siya. Ngumiti ako nang pagka-awkward-awkward. He just glared at me and passed me by.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.5K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook