bc

Jazerine's Proposal

book_age16+
1.8K
FOLLOW
10.8K
READ
escape while being pregnant
second chance
arrogant
drama
bxg
enimies to lovers
illness
mpreg
rejected
like
intro-logo
Blurb

Si Gabriel 'Dos' Pierro na yata ang pinaka-hate na hate na lalaki ni Jazz Villafuerte. Wala itong ginawa nung college days nila kung hindi ang ipahiya siya at insultuhin siya. Ito na yata ang pinakamayabang, at walang modong lalaki na nakilala niya sa buonng buhay niya. Kaya hindi niya akalain na mai-inlove siya sa lalaki after ng break-up niya sa naunang fiance niya.

Pero dumating sa punto na kailangan na niyang makipaghiwalay kay Dos, labag man sa kagustuhan niya. Pero nang makikipaghiwalay na siya kay Dos, bigla naman itong nag-propose sa kanya. Pero buo na sa loob niyang tanggihan ang binatang minamahal.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Hindi ko alam kung gaano na ng katagal akong nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mukha ko dito. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko, at saka sinipat-sipat ito sa salamin. Kinuha ko ang isang shade ng lipt tint na nakalagay sa isang organizer sa ibabaw ng dresser ko. Matamlay ko itong ipinahid sa mga labi ko. Nang matapos, walang sigla kong isinara ang takip nito, at saka muling pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. Tiningnan kong mabuti kung may nabago ba sa mukha ko nang i-apply ko na iyong lip tint. Pero parang wala naman. Tutal naman ay naumpisahan ko nang maglagay ng lip tint, dinampot ko na rin ang blush on na nasa tabi ng iba pang mga make-up sa ibabaw ng dresser ko, at saka nag-apply sa magkabilang pisngi ko. Tutal naman ay date namin ito ni Dos, kaya may karapatan naman siguro akong magpaganda kahit konti. Hawak ko pa rin sa kamay ko ang brush na ginamit ko sa paga-apply ng blush on, nang mapagmasdan ko uli ang mukha ko sa salamin. Ilang beses akong kumurap-kurap. Maraming katanungan sa isip ko na ako mismo ay hindi ko masagot. Tumunog ang message alert ng phone ko. Si Dos. Magkikita nga kasi kami ngayon. Ang gusto niya ay sunduin niya ako dito sa condo unit ko. Tumipa ako ng sagot kay Dos. To: Dos Doon na lang tayo magkita sa Nightingale. Paalis na rin naman ako. Dos calling… Napailing na lang ako nang makita ko ang pangalan ni Dos sa screen ng phone ko. Napaka-persistent talaga nito. “Yes?” [“Wrong, babe. Dapat ‘I miss you’ ang unang bungad mo sa akin.”] Hindi ako agad nakasagot kay Dos. Meron kasi akong kinapa sa sarili ko. Nami-miss ko nga ba si Dos? Tatlong araw kasi kaming hindi nagkita. Umuwi kasi siya sa San Clemente. Meron daw siyang importanteng aasikasuhin doon. Nami-miss mo nga ba, Jazz? Kinapa ko ang sarili ko. Oo naman. No doubt about it. Pero merong something sa damdamin ko ang pumipigil para sabihin iyon kay Dos. [“Jazz? Babe??”] “A-Ah, yes. Nandito pa ko.” [“Kahit hindi mo ako na-miss, I will still fetch you there.”] Halata ko ang pagtatampo sa boses ni Dos. Gusto ko mang sabihing na-miss ko siya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng maging mahina. “Hindi na nga. May sasakyan naman akong dala. Sayang lang ang gasolina mo, kung iikot ka pa rito. Out of way ka." [“Babe naman, hindi naman siguro mauubos ang full tank na gasolina ng sasakyan ko sa pagpunta ko sa iyo diyan.”] “Huwag nang makulit, Dos. Sige na. I will be leaving now. Baka ma-late pa tayo sa reservation time mo, kung ganitong hindi tayo matapos-tapos sa pagtatalo.” [“Are you sure? Maaga pa naman. I can fetch you and still, we will be arriving on time sa Nightingale para sa reservation natin.”] “Huwag nang makulit, Mr. Pierro. Just go straight to the resto. Mas malapit ka na dun. It’s not practical na sunduin mo pa ako rito, tapos ay magda-drive ka uli pabalik. I’ll just share to you my location details later kapag nasa kalye na ako, para mapanatag ka. Okay?” Narinig kong bumuntonghininga si Dos sa kabilang linya. [“Okay. If that’s what you want. Drive safely, okay?”] “Yes, of course.” Hindi pwedeng hindi, Dos… HINDI ako nagpa-valet parking pagdating sa Nightingale. Sinadya kong mag-park sa di-kalayuan na parking lot na provided ng restaurant. Kailangan ko munang kalmahin ang sarili ko, bago ako humarap kay Dos. Pinatay ko na ang makina ng sasakyan ko, pero hindi pa ako bumaba. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatunganga lang, habang nasa isip ko ang imahe ng nakangiting si Dos. Bumalik lang si wisyo ang isip ko nang nag-umpisa na akong nakaramdam ng alinsangan. Nakapatay na kasi ‘yung aircon ng sasakyan ko. Ilang beses akong nag-inhale at exhale, bago ko napagpasyahang bumaba na ng sasakyan. Hahakbang na sana ako nang biglang nag-ring ang phone ko na nasa loob ng bag ko. Hinahanap na siguro ako ni Dos… Kinuha ko ang telepono ko sa loob ng bag ko at hindi nga ako nagkamali. Humugot muna ako nang malalim na paghinga, bago ko sinagot ang tawag. “Hello.” [“Babe, where are you?”] Lumunok muna ako, bago sumagot kay Dos. “I’m… I’m on my way there.” [“Okay. Just ask the staff in front kung saan ang table natin. It’s under my name. Or… do you want me to fetch you at the entrance?”] “No. No. I can manage. I’ll be there in a few minutes.” [“Okay. See you!”] Halata ko ang saya sa boses ni Dos, kaya pinilit ko ring pasayahin ang boses ko. “Okay, see you there.” Tinapos ko na ang tawag. Hindi ko na matagalan ang pakikipag-usap kay Dos. Nag-umpisa na rin akong maglakad. Habang naglalakad, binubuo ko sa isip ko ang mga sasabihin ko mamaya kay Dos. Pilit kong inaalala ang mga nabuo ko nang mga salita kanina nung nasa condo ako, habang nasa harap ng salamin. “Good evening, Mam!” Bahagya akong nagulat. Nakarating na pala ako sa main building ng Nightigale, at nandito na ako ngayon sa harap ng entrance. “Ahm… reservation under Gabriel Pierro.” Nginitian ako nung staff, at saka sumilip sa monitor na nasa harapan niya. Nag-angat ito ng tingin sa akin, at saka ngumiti uli. “This way, Mam…” sabi niya sa akin, at saka nagpatiuna na papasok sa main entrance ng restaurant. Tahimik lang akong sumunod. Nag-umpisa na rin akong nakaramdam ng tensiyon. Nakadagdag pa ang romantic ambiance nitong lugar sa kaba na nararamdaman ko. Kung bakit naman kasi magdi-dinner lang naman kami, pero dito pa napili ni Dos. Nagtaka ako nang makarating na kami sa pinakadulo na ng building. Hanggang sa huminto kami sa isang nakasaradong pintuan. Gawa ito sa leather na material kaya hindi mo kita kung ano ba ang nasa kabila ng pintuan. “This way to your reserved space with Mr. Pierro, Mam…” nakangiting sabi sa akin nung staff, sabay patulak na binuksan ang pintuan. Bumulaga sa akin ang isang open air na garden. Pakiramdam ko ay mga insektong nagliparan sa tiyan ko, kaya wala sa loob na napahawak ako dito, sabay haplos. “Enjoy your dinner, Mam!” Sapat na ang mga salitang iyon para maalala ko kung bakit nga pala ako nandito sa lugar na ‘to. Tipid akong ngumiti sa staff, at saka ko inihakbang ang isang paa ko, para makalabas na sa pintuang hawak niya pa rin. Nilampasan ko iyong staff, at saka pumasok na sa lugar na pinagdalhan niya sa akin. Banayad na dumampi ang hangin sa pisngi ko. Tuloy, hindi ko napigilang suminghot ng hangin. Tila ba sa pamamagitan nito ay luluwag ang unti-unti nang nagsisikip kong dibdib. Huminto muna ako, at saka mabilisang pinagmasdan ang paligid. Napapalamutian ng mga fairy lights ang paligid. Nakasabit ang mga ito sa mga halaman at mga puno na naroroon. Napansin ko ang isang mesang bilog sa gitna nitong garden. Nagpalinga-linga ako, pero iyon lang ang mesang nandirito. Malamang, iyon na ang mesa namin ni Dos. Nag-umpisa na uli akong humakbang. Mabuti pang makita ko na si Dos, para matapos na ang gabing ito. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang nakaupong si Dos. Hindi pa niya ako nakikita. Nakayuko ito, na para bang may binabasa o may tinitingnan sa phone niya. Agad kong naramdaman ang panlalamig ng mga kamay ko. Para tuloy nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ang balak ko. No, Jazz. Iyon ang nararapat na gawin, kaya dapat mong ituloy. Iyan ang sagot ng sarili ko sa tanong ko. Nag-angat ng mukha si Dos, kaya nakita niya akong paparating. Nakangiti siyang tumayo. Agad akong umusal ng panalangin sa isip ko, na sana ay masabi ko ang dapat kong sabihin kay Dos. Ilang hakbang pa ang layo ko sa kanya nang nakita ko siyang may dinampot. Nakita ko na lang na may hawak na siyang bouquet ng bulaklak. Para namang may humaplos sa puso ko pagkakita ko sa hawak niya. Eto na naman ang pagdadalawang-isip ko. “Flowers for you, beautiful…” nakangiting sabi ni Dos nang makalapit na ako sa kanya, sabay abot sa akin nung bulaklak. Tiningnan ko ang bouquet ng bulaklak na hawak niya. The arrangement is so pretty! Pero hindi pwedeng mabago ng mga bulaklak ang desisyon ko. Atubili kong inabot ang bulaklak. “Thank you,” sabi ko, at saka tipid na ngumiti kay Dos. “Are you hungry already? Ipapa-serve ko na ba ang mga pagkain natin?” “S-Sige.” Ipinaghila ako ng upuan ni Dos, at saka ako walang imik na umupo doon. Pagka-upo ay ipinatong ko sa ibabaw ng mesa ang ibinigay niyang bulaklak. Naupo na rin si Dos sa katapat kong upuan, at saka dinampot ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa. “Hello? Yes. Please bring in the food. Thank you.” Pinatay niya ang tawag, at saka nakangiting tumingin sa akin. Why so handsome, Dos? Para tuloy bigla akong nakaramdam ng paghihirap ng kalooban. “Nahirapan ka bang mag-park, babe?” tanong niya. “Hindi nga.” Napansin kong nakangiting nakatitig lang siya sa akin, kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang. “Bakit ganyan ka makatingin?” may halong kaba at pag-aalala na tanong ko sa kanya. Hindi sumagot agad si Dos. Patuloy lang siya sa ganung pagtitig sa akin. “I miss you,” mayamaya ay sabi niya, habang malagkit na nakatitig pa rin. Tinangka kong ibuka ang bibig ko. Gusto kong sabihin kay Dos na na-miss ko rin siya sa ilang araw naming hindi pagkikita. Pero pinili kong hindi na lang sabihin sa kanya. “Babe—” Naputol ang sasabihin sana ni Dos nang bumukas ang pintuan, at iluwa noon ang isang staff na may tulak-tulak na trolley, kung saan may mga nakalagay na mga pagkain. Tahimik lang kami ni Dos, habang hinihintay ang papalapit na staff sa amin. Kahit nung ilapag at ihain na nung staff sa mesa namin ang mga pagkain ay tahimik lang kami ni Dos, habang pinagmamasdan ang bawat galaw nung staff. “So, let’s eat? I’m sure, gutom ka na this time,” sabi sa akin ni Dos, habang hinihiwa niya ang karneng nasa tapat niya. Bahagya lang akong tumango sa kanya. Nang mahiwa na niya ang karne ay nakangiti pa rin na inilagay niya iyong hiwa na karne sa plato ko. Isa ito sa mga nagustuhan ko kay Dos. “Thank you,” mahinang sabi ko. Pakiramdam ko, bawat magandang bagay na ipinapakita sa akin ngayon ni Dos ay tumitibag sa depensa na binuo ko mula noong umalis siya. Tahimik lang kaming kumain. Manakanaka ay may itinatanong siya sa akin, na sinasagot ko naman agad. Nang kunin at buksan ni Dos ang wine na nasa gilid ng mesa namin, doon ko napagpasyahang sabihin na kay Dos ang mga litanya na kanina ko pa paulit-ulit na isinasaulo, dahil wala akong balak na tikman man lang ang alak na isinasalin niya sa dalawang wine glass. “Dos…” Nakangiting inabot niya sa akin ang isang wine glass. Napatitig ako sa laman nitong white wine. Hindi ko napigilang hindi mapalunok. Inabot ko ito, at saka pinagmasdan ang mumunting mga bula na nasa ibabaw at gilid ng baso. Parang ineenganyo rin ako nito na inumin ko siya. “Happy anniversary, babe….” Napakalamyos ng tinig ni Dos, kaya napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatingin ko sa alak na nasa loob ng wine glass na hawak ko. Ang lapad ng ngiti ni Dos. Halatang masayang-masaya siya ngayon. Tapos ay sisirain mo lang ang kasiyahan niya, Jazz? Palihim na pinagalitan ko tuloy ang sarili ko. Oo nga pala. Anniversary namin ngayon. Kaya nga pala may dinner date kami ngayong gabi. Parang kailan lang. Ang bilis lang ng dalawang taon. Sino nga ba ang mag-aakala na tatagal kami ng dalawang taon ni Dos? Eh, para kaming aso’t pusa noong una. Sino’ng mag-aakala na mga bata pa lang pala kami ay magkakilala na kami, at ang mga pamilya namin. Sino’ng mag-aakala na ang lalaking kinaiinisan ko noon ay magiging boyfriend ko? Tumikhim ako. Wala akong magagawa. Ito ang kailangang mangyari. Ito ang dapat mangyari. Hawak-hawak ko pa rin ang wine glass sa ere. Ewan ko ba kung bakit hindi ko ito magawang ibaba. Pero katulad ng nakatakda kong gawin ngayong gabi, kailangan ko ring bitiwan ang baso ng alak na ito. Inilapag ko ang wine glass sa tapat ko, sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko ito, habang tahimik na nagpapaalam dito na hindi ko siya pwedeng inumin. Pagkatapos ay sapilitan kong inihiwalay na ang tingin ko sa alak, at saka tumingin sa harapan ko, kung saan naka-upo si Dos. Lumunok muna ako, bago buong tapang na tiningnan si Dos sa mga mata niyang nakangiti rin. “Dos… I’m breaking up with you.” ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook