bc

Lara's revenge.

book_age18+
3.0K
FOLLOW
13.4K
READ
drama
tragedy
twisted
heavy
like
intro-logo
Blurb

Complete. Note: It's not suitable for below18 years old.

Si Lara 23 years of age, isang dalaga na nagmula sa kasambahay. Walang ibang sinisigaw kundi hustesya, mula sa mga taong gumahasa sa kanya.

Tinulongan siya ng taong naka pulot sa kanya sa daan. Binago ang pananamit at pananalita na kahit ang kanyang hitsura.

Sa kanyang pagbabagong anyo, pinaibig niya ang isa sa magkakaibigan para mapasok, ang mundo ng mga taong gumawa ng karahasan sa kanya. Isa-isa niya itong napabagsak.

Si Marco Martinez, 25 , years of age ay kilalang sikat na architect. Habulin ng mga babae, pero ang sinisigaw ng kanyang puso ay ang dalagang si Lara.

Matutumbasan kaya ng dalaga ang kanyang pagmamahal gayong puno ng poot at galit ang puso nito.

At ano ang gagawin ni Lara, kung isa sa kanyang napaghigantihan ay wala palang kinalaman sa nangyari sa kanya noon.

chap-preview
Free preview
Revenge Lara episode 1
" Lara, ano itong sinasabi ng ate, mo na gusto mo na daw umalis dito?" tanong sa kanya ng among lalaki nang puntahan siya nito sa kusina, " Ayaw mo naba sa amin?" Saglit niyang tinigil ang ginagawa at nilingon ang amo na nakatayo sa kanyang likuran. "Hindi, naman po ako tutuloy sa pag-alis kuya, pinakiusapan ako ni ate at tataasan niya raw ang sahod ko. Hahanap din daw po siya ng isa pang katulong para may magiging kasama ako dito sa bahay," tugon niya saka, pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay. Dalawang taon na siyang namasukan bilang katulong, mabait ang mga amo niya kahit mababa ang kanyang sahod wala siyang reklamo, kaya lang sa trabaho siya sumusuko dahil maliban sa pagiging all around maid ay nagbabantay pa siya sa canteen. Malapit lang sa paaralan ang bahay ng amo, kaya mas dumami ang trabaho niya. Madalas siyang natutulog ng hating gabi dahil gumagawa pa siya ng juice at ice-water, para itinda kinabukasan at gumising din siya ng alas-tres ng madaling araw, para magluluto na naman ng mga ulam para sa paninda. Nakakaupo lang siya kapag kumakain o, kaya papasok siya ng toilet. Sa tinagal niya sa trabaho, sumusuko din ang kanyang katawan kaya, naisipan niyang magpaalam sa amo niyang babae dahil hindi na niya kaya pero dahil sa pakiusap ng amo at sa pangako nito nagpapa-awat na siya. "Lara, hayaan mo dadagdagan ko ang sahod mo, basta wagka nalang umalis," nakikiusap na sabi ng kanyang among lalaki. " Hindi, na po kailangan bigyan ako kuya, sapat na sa akin ang ipinangako ni ate," saad niya na hindi ito nilingon. " Magbibigay din ako sayo, basta h'wag mo nalang sabihin sa ate mo," giit nito at hinaplos ang kanyang pisngi, bumaba pa ang kamay nito sa kanyang dibdib. Napapiksi siya at mabilis na tinabig ang kamay nito. " Kuya h'wag naman pong ganyan, may anak ka rin na babae, para mo na rin binastos ang anak mo," nangangatog ang boses, niya sa takot. "Bilang kaibigan lang naman iyan, magkaibigan naman tayo diba?" sabi nito na sinabayan ng pag tapik-tapik sa kanyang pisngi. Hindi siya makakilos sa kanyang kinauupuan, kumakabog ang dibdib niya sa kaba, gusto niyang umiiyak sa matinding takot pero pinigilan niya ang sarili, ayaw niyang makita ng amo na mahina siya. "Wala naman pong kaibigan na mambastos,"saad niya sa nanginginig na boses. Bigla siyang hinalikan nito sa pisngi na tila ba hindi siya naririnig. " Kuya h'wag!" Napataas ang kanyang boses, sa pagka gulat na sinabayan niya ng pagtulak sa mukha nito palayo sa kanya. "It's okay, it's nothing nagagandahan lang ako sa'yo," sabi nito saka lumabas ng kusina. Nangilid ang kanyang mga luha sa magkahalo naramdaman. Kinakabahan siya na baka balikan siya nito hindi, na siya mapakali sa kanyang inu-upuan, kaya naisipan niyang lumabas ng kusina bago pa bumalik ang amo niyang hay*p. Mabibilis na hakbang ang kanyang ginawa. Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa main door ay natanaw niya ang amo pababa ng hagdanan. Halos takbuhin na niya ang pinto bago pa siya nito maabutan. " Lara, saan ka pupunta?" tawag nito sa kanya ng nasa may pintuan na siya. Nilingon niya ang amo at dumako ang kanyang paningin sa hawak nitong nakabalot ng puting tela. Naalala niya nong minsan naglilinis siya sa kwarto ng amo, pinakita sa kanya ng among babae ang baril na binalot ng puting tela. Hintatakutan siya na mabilis na tumalikod rito. " Lara, bumalik ka dito!" malakas na boses ng amo ang kanyang narinig ngunit, hindi na niya ito nilingon pa. Lakad at takbo ang kanyang ginagawa para makalayo sa lugar na iyon hindi niya alam kung saan siya pupunta, pero ang mahalaga ay makatakas siya. Nanginginig pa rin ang buo niyang katawan sa takot, kahit malayo layo na ang kanyang narating. Hindi siya tumigil sa paglalakad kahit, na gusto nang bumigay nang mga paa niya sa pagod. Natatakot siya na baka sinusundan siya ng amo. Hindi niya mapigil ang mag seself-pity, sa kanyang sinapit. Ang daming naglalaro sa isipan niya habang nagpapatuloy sa paglakad. "Sana hindi nalang kami naging mahirap, hindi ko sana daranasin ang ganito. "Sana may responsabling mga magulang ako, kagaya ng iba, 'yong magulang na laging nandiyan sa tabi mo, hindi yong magulang na basta-basta ka nalang iiwan ng walang paalam. Nasaan na kaya sila ngayon? naka-uwi na kaya sila sa bahay namin? Hinanap kaya nila ako? Nag alala kaya sila sa akin?" Sunod sunod niyang tanong sa sarili na punong-puno ng hinagpis. Lumaki si Lara mag-isa dahil laging wala ang kanyang mga magulang sa bahay. Hindi siya nakapag tapos ng pag-aaral dahil walang mga magulang na naka suporta sa kanya. Hanggang first year high school ang narating niya. At sariling sikap niya iyon kaya nakatong-tong siya ng paaralan. Dahil narin sa masipag siya sa mga gawain bahay, kung sino-sinong mga kapitbahay ang kumukuha sa kanya at sa tulong ng mga ito sinahuran siya ng kaunting halaga, pero di na niya inalintana iyon. Ang mahalaga lang sa kanya ay, libre siya sa pagkain at ang natanggap na pera mula sa kapitbahay ay, binili niya sa mga project sa paaralan, at dahil na sa public school siya mga walis, lampaso at floor wax lang ang kadalasan na kanilang project. Dumating ang araw na nagsasawa na siya, nawalan na siya ng gana pumasok sa paaralan, kaya minabuti niyang tumigil at pumasok na lamang bilang katulong sa ibang lugar, kaya na punta siya sa amo niyang manyakis. " Pep, pep!" Napalundag siya sa labis na pagka gulat nang may biglang bumusina mula sa kanyang likuran. Kinakabahan siyang nilingon ito na baka na sundan siya ng kanyang amo, napahugot siya ng malalim na hininga ng ibang sasakyan, ang kanyang nakita. Isang pulang sasakyan at mabagal ang pagpatakbo, sinasabayan ang kanyang paghakbang. Binaba nito ang tinted na salamin," Miss, saan ka pupunta?" tanong sa kanya nang nagmamanehong lalaki. Nilingon niya ito na hindi, tumigil sa paglakad." Diyan lang po," sagot niya na humihingal sa subrang pagod. "Saan diyan? I parang kanina kapa ata naglalakad," anang lalaking ng mapansin siyang basang-basa na ng pawis. "Hali ka, sumakay ka nalang ihahatid ka namin sa pupuntahan mo," alok ng lalaki. " H'wag kang matakot hindi naman kami masamang tao," sabad ng lalaki nakaupo sa tabi ng driver side," Ako nga pala si Abner." Pagpapakilala nito na sinabayan ng pagtanggal sa sout na sunglasess. " Ako din naman si Anton," pakilala ng nagmamaneho sasakyan. Huminto siya sa paglakad at muling nilingon ang dalawa, hininto din nito ang sasakyan. Tinitigan niya ng maigi ang dalawang lalaki, mukhang matino naman ang mga ito. Ilang sandali na lang din ay bibigay na ang mga tuhod niya, sa matinding pagod lalo pa at malayo-layo pa rin ang kanyang pupuntahan. Wala siyang dalang pera ni kahit damit, ay wala rin siyang nabit-bit hindi, siya nakapag isip ng maayos kanina dahil naunahan siya ng takot. Minabuti niyang sumakay at makisuyo na lang na ihatid siya sa terminal ng bus, bahala na siyang mag-isip kung paano siya maka sakay ng walang pamasahi, basta ang mahalaga sa kanya, ay makauwi siya sa kanilang probinsya. "Lara, ang pangalan ko." Pakilala niya sa dalawa ng makaupo siya sa backseat. " Saan ba ang punta mo?" tanong ni Abner, sa kanya. " Sa may sakayan sana ng bus," kimi niyang sagot. "Ang layo nu'n ah! aabutan ka pa ng isang araw bago ka makarating du'n. Hayaan mo, ihahatid ka nalang namin," ani Anton. Lihim siyang natuwa sa sinabi nito, at least hindi na siya maglalakad pa ng malayo. Bigla siyang nakaramdam ng pagkalam ng kanyang tiyan sa matinding gutom, hindi pa siya nakapag-agahan kanina dahil sa dinami ng kanyang trabaho at nagluluto, siya ng pananghalian ng muntikan siyang gahasain. "Pare, daan muna tayo sa restaurant, baka na gugutom si Lara, kanina ko pa kasi naririnig ang kanyang tiyan na nag aalburoto sa gutom," ani Abner, kay Anton. " Okay lang naman po ako," mabilis niyang tanggi, kahit na gugutom na siya naunahan pa rin siya ng kanyang hiya. " Ayos lang naman sa amin Lara, h'wag kanang mahihiya, halatang-halata naman na nagugutom kana, namumutla kana nga eh!" ani Anton ng tignan siya nito mula sa sasalamin nasa gitna. Hindi, na siya kumuntra pa sa gusto ng dalawa, gutom na gutom naman din talaga siya, baka nga pagmakikipag tigasan pa siya bubulagta na siya sa subrang gutom.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

NINONG II

read
618.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook