bc

Love Me Back (Filipino)

book_age18+
6.6K
FOLLOW
17.6K
READ
arranged marriage
arrogant
tomboy
drama
comedy
sweet
bxg
childhood crush
disappearance
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Love Me Back

Si Paolo Ricafort siya ang leader ng pinakasikat na boyband sa Pilipinas, ang Dynamic 4 masungit, at unapproachable na tao. siya din ang nag iisang pantasya at number one fan ni Eunice Mendez. She met Paolo her idol s***h crush s***h love in a embarrassing way. At simula din nun yun ang dahilan kaya naging sobrang kinamumuhian sya ni Paolo.

Pero lumipas ang panahon parang isang langaw si Eunice na nakulong sa isipan ni Paolo na ayaw kumawala. Will love bloom to both of them?

Magagawa bang mahalin pabalik sya ni Paolo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination tor used in a fictitious manner, Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ——————————- Chapter 1 Eunice's  PoV It's a gloomy day...Na tila ba nakikisabay ang panahon sa kabagutan ko. Wala akong ginawa kung hindi magkut-kot ng magkut-kot ng aking mga kuko, at pati narin magbilang ng mga patay na buhok.  Binuhay ko aking cellphone at naisip ko nalang i-text ang bestriend ko na si Anj.. To bestfriend Angela: Hello Anj. Pwedeng  pumunta jan sa inyo? Nagreply naman siya kaagad. From bestfriend Angela: Oo naman sure bestfriend. I decided na maligo na, then ready na ’kong makalayas sa boring na bahay namin. Pumuli na rin ako ng kahit anong pwedeng suotin. And yes. Kahit ano. Hindi kasi ako maayos na babae, boyish kung pumorma, pants and rubbershoes girl din. Hindi ko nakasanayang mag dress or kung ano mang pang-feminine na porma. Mas prefer magsuot ng ganito ito nadin kasi ang nakasanayan kong suotin eversince. Kasi bata palang ako hindi naman ako nakakabili ng ng tamang damit para sa akin mga pinaglumaan lang ni kuya palagi kong sinusuot dahil syempre mahirap lang kami. Madalang lang talaga kung makabili kami ng bago. Kapag mag-papasko lang o hindi kaya kapag may sobrang pera si mama, kaya halos ng mga pinaglumaan lang ni kuya ko ay siya na ring isinusuot ko. Humarap ako sa salamin. Nag ayos ng buhok. Maiksi lamang ang  buhok ko kaya nag-headband nalang ako. Habang nakatutok sa salamin  lalong nag sink in sa sarili ko na napaka-pangit ko pala talaga. Ayos naman ang ilong ko, labi, at mata ang problema lang talaga ay mukha talaga akong lalaki. Ngunit babae talaga ako. May mga crush nga ako sa other school.. Inlove ako doon sa isang member ng isang boyband ng isang school.  Ayun nga lang, the feeling is not mutual dahil hindi niya naman alam na nag-eexist ako. Lumbas na 'ko ng bahay. Sumakay ng tricycle papunta sa bahay ng bestfriend ko. malapit-lapit lang naman kasi ang bahay niya mula sa bahay namin isang sakay lang then nasa kanila kana. "Manong jan lang po sa kanto!" Wika ko kay manong driver. "Ah ok sige hija.." at pinara nya na ang tricycle. Nag-abot  ako ng sampong piso kay manong at bumaba na. Kumatok na din ako sa pintuan nila, at dali-dali naman akong pinagbuksan. Nagbatian kami. Napaka-ingay namin na parang ngayon lang ulit nagkita kung makapagbatian kami. Eh halos araw-araw naman yata kami kung magkasama. Sa mga lumipas na oras wala kaming ginawa kung hindi magdaldalan ng magdaldalan about sa idol boy band group namin sa kabilang school. Masugid  kaming fan ng Dynamic4. Sila lang naman ang grupong super galing sumayaw at kumanta sa earth. Tuwang-tuwa kami tuwing ginagaya namin ang mga steps nila at kung paano sila kumanta. Sino ba ang Dynamic4? Unang una, Si Troy Mcneil Castro. Ang boy next door ng grupo, Apparently, he is a womanizer, casanova, player at Douchebag. Si Kyle Prince Lee. pinakamatangkad sa grupo 6 footer, pina ka macho, chinito, isa din siyang Filipino-Korean. Si Lance Dela Rosa , ang cute na moreno ng grupo. And last and definitely not the least... My one and only hubby ko, siya ang nagsisilbing inspirasyon ko. at super devoted ako sa kanya. kung pwede nga lang na ako ang maging tagapag silbi niya ay gagawin ko. Walang iba  kung hindi si Paolo Ricafort. My labss. Ginagaya namin ni Anj kung paano sila mag-sayaw halos buong pagsasama namin yata today ayun lang ang ginawa namin. Nang mapagod na kami, agad-agad na naghanda ng merienda si Angela, sandwich at juice. "Eunice pupunta ka ba sa concert ng D4 bukas?" "Concert?" Hindi yta ako na-inform? Excitement hits me. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Usal ko. "Kasi kahapon lang ng hapon ko lang din naman nalaman." "Paano nyan? Wala akong pera na pambili ng ticket."  Hinayang na sinabi ko. Kung agad ko lang kasing nalaman baka nakapag ipon pa ako from my allowance. "What to do? 'Di pwedeng malagpasan natin yun." Alala kong sabi. "Calm down.. Basag eardrums ko sa pag sigaw mo." Aniya habang nakakunot ang noo. Pasigaw na kasi ako kung magsalita. "Bukas na kasi iyon.. as in bukas na, hindi  pa ako nakakabili ng ticket.” "Yun nga eh pero wag kang mag alala." "Mag alala? eh bukas na nga di ba?" Natulak ko sya. "Aray!" She scowled at me. "Bakit hindi mo muna kasi ako patapusin?" Natahimik ako at hinayaan ko syang magsalita. "Eto nga wag kang mag-alala, nakakuha ako ng libreng ticket para sayo. dalawa nga dapat kukunin ko kaso isa lang daw talaga per head. kaya ayun bumili nalang ako ng para sa kin, at ikaw kinuha ko talaga kita. Alam mo bang 1st 300 lang ang mga bibigyan nila? talagang inagahan ko ang pag pila para sa yo alam ko rin kasi na wala kang pambili ng ticket eh. Kaya ayun nagchaga talaga ako." I was touched. She's indeed a very good friend. "Thank you talaga bestfriend, the best ka talaga, salamat talaga." Hindi ko sya napigilang mayakap. "Buti nalang nanjan ka talaga sa tuwing kailangan kita. ikaw talaga ang the best Bestfriend sa buong Universe." Wika ko. "Eto naman nambola pa," Tawa nya. "I'm just telling the truth." Ngumiti ako. "Corny mo." "Eto na yung ticket mo. wag mong iwawala yan ha? Pinaghirapan ko yan para makakuha lang ng libre," aniya. "Oo naman! pagka uwing pag kauwi ko ihahanda ko na talaga isusuot ko at isusuksok na to para wala na talagang kawala."  "Gabi na uuwi na ko bestfriend." Nagpaalam na ako ng mapansin ko sa labas na dumilim na ang paligid. "Oh sya o sya lumayas kana baka marape ka pa sa dadaanan mo." "Sira sino ba namang magtatangkang mag rape sa kin no? eh mas mukha pa ngang lalake ang ire-rape  nila." Kibit-balikat kong sabi. "Babae kapadin alam mo namn ang mga manyakis walang pinipili, basta mag ingat ka bukas nalang tayo magkita sa school." She hugged me. "Babye!" Kumaway narin ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.1K
bc

The Professor's Wife

read
449.2K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.6K
bc

Love Donor

read
86.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook