bc

The Mafia's Force Prince

book_age16+
939
FOLLOW
3.7K
READ
others
drama
tragedy
kicking
like
intro-logo
Blurb

Blackship trade syndicate ( BTS)

Isang Kilala at kinatatakutang sindikato na kinabibilangan ng mga high profile persona. Ang nature ng underground brotherhood na ito ay sa mga money laundering, human trafficking, at firearms trading sa kung ano-anong illegal na maaaring ipagpalit.

Kilala rin ito sa pakikipag-transaksyon sa mga I.T wizards at pang ha-hack ng personal data o iba pang kilalang malalaking kompanya.

'Yan ang kinabibilangan ni Gaurav, Isa siyang legally adopted Son ng Isang mafia boss.

Bata pa lamang ay kinamulatan na ni Gaurav ang mga transaksyon ng ama-amahan kaya't di na lingid sa kan'ya ang nature ng trabaho nito

na siyang nakatakda niyang pamunuan dahil napaslang ng 'di inaasahan ang ama-amahan niyang itinuturing.

Sa pag-uumpisa ng quest sa paghahanap niya sa taong nasa likod ng pagkamatay ng itinuturing niyang "saviour" maraming pagsubok at pagtataksil ang makakaharap niya.

Magawa kaya n'ya na saktan ang tunay na pamilya laban sa prinsipyong ipinaglalaban?

Kayanin kaya niya itong mag-isa? o katulad ng ama ay mahulog din siya sa sariling kasamaan at makaya kaya niya na talikuran maging ang sariling pamilya para sa isang baluktot na paninindigan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Mabilis ang ginawang pagharurot ng Nissan 370Z ni Helix at diniretsyo lang niya ang kalye sa daang tinutumbok.Halos kinse minuto lang at nasa tapat na siya ng bungalow na siyang nagsisilbing headquarters ng Blackship trading syndicate o BTS sa madaling sabi. Bumukas ang gate ng bungalow nang itapat niya sa scanner ang kanan niyang daliri.Finger print scanner iyon at tanging mga members lang ng BTS ang nakasave sa data information ng scanner. Mabilis iyon na bumukas at pumasok na siya. Ang kotse niya ay sa labas lang niya iniiwan dahil mas mabilis siyang makaka puslit pag nagkataon na pasukin sila ng mga pulisya . Minsan may mga nagma manman sa kanila lalo na ngayon na mainit sila sa bughaw na uniporme. Agad din niyang nakita mula sa di-kalayuan si Phoenix at Jed. Nang dumating na siya ay nag sanggian sila ng mga braso tanda ng brotherhood nila. Lahat sila ay pawang mga naka itim na jacket at itim na pantalon. Iyon Kasi ang color coding nila sa tuwing magpupulong sila at ang sino mang mag suot ng ibang kulay ay tanda ng pagtatraydor. Sa Isang kuwarto sila pumasok at siya ang naunang nagbukas ng pinto. Hindi pa man siya nakakakatok ay Isang malakas na sigaw na ang narinig niya. Nanginig sa takot ang mga kasama niya dahil tiyak gisado na naman ang team niya.Pinatatag niya ang pustura at hindi nagpasindak sa ama-amahan. Kapag nakita siya ng mga kasamahan na tumiklop siya ay maaaring ganoon na rin ang mga ito. Kalma lang, pagpapalakas niya ng loob sa sarili. Isang malaking shipment ang bulilyaso at nagkakahalaga iyon ng 50 million.Tama, talagang uusok ang puwet ng ama sa halagang nawala sa kanila dahil sa kapalpakan ng team niya. Nasa harap niya ang Isang matikas, may edad na ngunit bakas pa rin ang awtoridad sa bawat kumpas ng mga kamay nito at sa titig nito sa kan'ya ay alam na niya ngayon kung saan siya pupulutin. Alam niyang walang sini-sino ang Isang Morgan Lufer. Ito lang naman ang leader ng pinakamalaki at kinatatakutang underworld syndicate na Blackship. Hawak nila ang mga pinakamataas ang posisyon sa politika, sa mga eksperto sa mga I.T expert na ang trabaho ay maghanap ng baho ng mga kompanya para makikil-an nila ang mga ito ng malaking halaga kapalit ng pananahimik nila sa mga nalalaman nila. "Sino ang traydor sa samahan?!" Tumayo ito sa pagkakaupo at hawak ang tungkod ay idinuro ang dulo nito sa mukha ni Gaurav a.k.a Helix ang code name niya sa grupo. Himbis na masindak sa ama dahil alam niyang ano mang oras mula ngayon ay maaari nitong kunin ang buhay niya dahil Kilala ito sa pagiging matigas ang puso at walang sini-sino basta organisasyon na nila ang nalalagay sa alanganin. "Punong tagapangalaga, paumanhin po subalit hindi namin ito natunugan-"naputol ang ano mang sasabihin pa sana niya dahil isang malakas na suntok sa sikmura ang inabot niya rito. Napaluhod siya sa kirot at namilipit nang bahagya. Hindi pa ito natapos doon dahil dalawang magkasunod na tadyak pa ang inabot niya. Napahiga na siya at duguan ang mukha na humarap sa ama. Akmang bubunot na ito ng baril sa tagiliran nang bumunot din ang mga ka grupo ni Helix. Itinaas niya ang kamay para awatin ang mga ito. Wala siyang balak na mandamay pa sa gusot na siya naman ang may kasalanan. "Babawiin ko iyon ama, bigyan mo ako ng ilang araw.ipinapangako ko sa'yo Ako mismo ang magdadala ng bangkay ng sino mang taksil na kumanta sa atin ," pangungumbinsi ni Gaurav alyas Helix sa ama .Nakita niya ang paglambot ng ekspresyon nito sa pagtawag nia rito ng ama kaya kagya't na itong kumalma. "Siguraduhin mo iyan, dahil kung hindi..Ako mismo ang papatay sa iyo kapag hindi mo naibalik ang mga nawalang armas! Lumayas ka na sa harapan ko!" Isang kumpas pa ng kamay nito at lumapit na ang mga tauhan ng ama para itayo siya at kaladkarin palabas. Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Helix sa mga ito kaya umatras ang mga ito.Takot pa rin naman ang mga ito sa kan'ya , nagkataon lang na hindi talaga siya papalag sa ama. Lintik na mga buwakag iyan! mapapahamak pa ako sa katarantaduhan nila!Saan sulok ng Pilipinas niya hahanapin ang tumangay sa mga karga nila?Nanginig ang bagang niya sa kaisipang nautakan pa siya. Kailangan niyang malaman kung saan at sino ang hudas sa organisasyon! "Paano 'yan Gaurav? Anong gagawin natin?" may pag-aalalang tanong ni Phoenix sa kan'ya habang ginagamot nito ang dumugo niyang labi. Tahimik lamang si Gaurav na nag-iisip ngunit kailangan muna n'ya mahanap kung sino sa loob ng organisasyon nila ang traydor o espiya sa kabilang kampo. Hindi na niya kailangan pang mag-isip kung sino ang nasa likod ng nangyaring onsehan sa kanila at sa Bluefox company, ang binayaran nila ng halagang 50 million kapalit ng iba't-ibang klase ng armas. Mga armalite, caliber 38, at mga bomba na kanila rin naman ibinibenta sa kabilang kampo, o kalaban ng mga ito sa industriya rin ng underworld. Neutral lamang ang samahan nila dahil kung saan sila may napapala doon sila. Naikanta na sila ng kung sino man sa Bluefox kaya umurong ang shipment ng mga ito sa binayaran nilang mga armas.Wala ang mga itong lisensiya at pawang smuggled rin naman na hindi dumaan sa tamang proseso ang mga transaksyon ng mga ito At sa kamalas-malasan ay ngayon pa siya naisahan kung kailan bumabango pa naman ang pangalan niya sa ama. Hindi niya ito tunay na ama subalit ito ang nagligtas sa kan'ya sa Isang miserable at mapait na buhay. Nagbalik sa ala-ala n'ya kung paano sila nagkakilala ni Morgan lufer. Ang ama niyang mafia boss.. "Ano bang magagawa ko kung iyan lang ang kinita ko?! bakit hindi mo subukan ikaw naman ang gumawa at magtrabaho para alam mo?" Isang malakas na tinig iyon na nagmumula sa Isang bata.Nasa labing dalawang taon lamang siya noon, marungis,naka-paa at marumi ang sira-sira niyang damit. Tila sa sinabi ay nanlisik ang pulang mga mata ng kalbong matanda sa kan'ya. Kinuwelyuhan s'ya nito at halos malanghap n'ya ang mabaho nitong hininga. "Ako ba bata ang sinasagot mo? Hindi ka ba natatakot sa akin? Gusto mo ba ipa lapa kita ngayon sa mga aso para may kainin sila ngayon?!" asik nito sa kan'ya. Gusto niya itong itulak ngunit maliit lamang ang mga braso niya noon at sadyang malakas ang kalbong ito. Ito ang tagapag-utos nila sa kanilang mga halos limampu'ng mga bata , araw- araw sila pina pupuwesto sa Quiapo para magtinda ng sampaguita. Ang iba sa kanila ay sa mga murang edad ay nang-i-snach na. Hawak sila ng sindikatong ito at puwersahang pinagtatrabaho. Kahit kailan ay hindi niya nakita kung sino ang tinatawag ng mga itong big boss.Kung sino man ito ay sadyang napakasama nito gayong upang paghanap buhayin, palimusin at turuan silang magnakaw sa mga mura nilang edad. Sasampalin na siya nito ngunit Isang malaking mga braso ang pumigil mula sa likuran nito.Isang maamo ang mukha na may edad na, maayos ang pananamit nito at mukhang mayaman. Nakatunghay ang mga mata nito sa kanya habang hawak pa rin siya ni Kanor, ang kalbong ngayon ay galit na galit sa kan'ya . Paharap na umikot ito mula sa pagkaka kuwelyo sa kan'ya at mabilis itong nakabitiw sa pagkaka sakal sa kan'ya at nang mapag sino nito ang taong ngayon ay nagsilbi niyang angel dela guwardiya mula sa demonyong kalbong kaharap ay yumuko ito ng dalawang beses bilang paggalang at humingi ng pasensya. "Hindi ba't sabi ko sa'yo wag kayong mananakit dito ng mga bata?" malumanay ang boses nito ngunit mariin dahilan upang magkaroon ng takot ang ngayon ay nakayukong si Kanor . Labis ang pagtataka n'ya kung sino ito , nakinig lamang siya sa pag-uusap ng mga ito. "Big Boss pasensya na. Sinasagot po ako eh!gusto ko lang bigyan ng leksyon," nanginginig ang boses na tugon ni Kanor. Nang marinig n'ya kung sino ang taong nasa harapan n'ya ay hindi s'ya makapaniwala..Buong buhay n'ya sa sindikato ang buong akala niyang pangit, matanda, nakakatakot at malupit na big boss ng grupo ay kabaliktaran halos lahat ng nasa harapan n'ya ngayon. Sa halip isa itong malaking kabaliktaran ng lahat ng mga iniisip n'ya rito. "Ayos ka lang ba bata?" Bumaling ang tinawag na big boss sa kan'ya at tumungo lamang siya bilang tugon.Inayos nito ang kuwelyo n'ya na bahagyang nakusot at hindi na nag alinlangan na hawakan ang marumi at mabaho n'yang suot. Mabango ito at matikas, puno rin ng alahas at sa likuran nito ay ang apat na malalaking tao na sa wari n'ya ay mga bodyguard nito. Nangilid ang luha sa mga mata ni Gaurav, ito ang ipinangalan sa kan'ya ng sindikato dahil bata pa lamang ay tuso na raw s'ya. Pangalan daw iyon ng dati nilang kasamahan na namatay. Hindi n'ya gusto ang pangalan na iyon kaya Helix ang tawag sa kan'ya rito ng mga kapwa batang bihag rin ng sindikato. "Kung mabait ka bakit hindi mo kami pakawalan dito?"iyon ang mga salitang namutawi sa kan'ya. Nakita n'ya ang pag -awat sa kan'ya ni Kanor ngunit sumensyas lamang si big boss rito. Nakita n'ya ang pagkunot ng noo ng boss na tinatawag at matapang tumitig sa kan'ya. Lumuhod ito para magkaharap sila dahil maliit lamang s'ya kumpara sa ibang mga kaedad na matatangkad. "Kapag ginawa ba namin iyon ay saan ka pupunta?" "Hindi ko alam, basta! magta trabaho ako para mabuhay ako, "iyon ang naisip niyang isagot kay big boss dahil wala talaga siyang pupuntahan. Parehong nasa kulungan ang mga magulang niya dahil sa kasalanang hindi naman nito ginawa.Nakulong ang mga ito at bukod tanging s'ya lamang ang naiwan sa kanila kaya napadpad s'ya sa sindikatong ito. "Tsk..tsk..tsk..kita mo? Wala ka rin pupuntahan. Bakit 'di mo subukang magpakabait malay mo, kunin pa kita at gaganda pa ang buhay mo? "Umiling-iling ito at napangiti. Sumimangot s'ya rito.Narinig n'ya ang pagak nitong mga tawa. "Ikaw 'ba si Gaurav? Alam mo bang pangalan ko rin iyan nang inampon ako ng Daddy ko? Tulad mo ay dito rin n'ya ako kinuha kaya alam ko ang mga nararamdaman mo , Sama ka sa'kin ako na ang bahala sa'yo mula ngayon," Tumalikod na ito pagkasabi niyon at kitang kita n'ya ang mga batang nagbulungan at nakatingin sa kan'ya. Maari ay sinasabi ng mga ito na swerte s'ya.Subalit alam n'ya na katulad nito ay palalakihin lamang s'ya nito na parang Isang masamang demonyo. "Bihisan n'yo iyan at isasama ko 'yan sa'kin," iyon ang narinig n'yang sigaw pa nito bago tuluyang mawala sa paningin n'ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
54.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

His Obsession

read
71.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook