bc

Mine, All Mine (Filipino)

book_age0+
16.1K
FOLLOW
168.0K
READ
one-night stand
submissive
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Shea desperately needed a big amount of money for her little brother’s operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang inaasahan sa pamilya nila simula nang pumanaw ang kanilang ama at magkasakit sa puso ang kanyang ina ay kailangan niyang gumawa ng paraan para makapaglabas ng pera upang agad na ma-operahan ang kapatid.

So she decided to give up her body in exchange for money. If only she had another way to get money, she wouldn’t be doing this to herself. Lumapit siya sa isang kakilala para humingi ng tulong patungkol sa bagay na iyon. Hindi naman nahirapan ang kakilala niyang iyon na humanap ng customer na handang mag-bayad ng malaking halaga para sa isang gabi.

Then, she met Spencer Diehl – a handsome multi-millionaire who was willing to waste his money for anything. He was the most unpredictable man she had ever met and she spent her very first warm, memorable night with this stranger.

After that night, she started changing her life. Ilang taon lang ay naabot niya na ang kaginhawang nais niyang ibigay sa pamilya at utang niya ang lahat ng iyon sa boyfriend niyang si Tom. Pero kung kailan ayos na ang lahat ay saka naman bumalik sa buhay niya si Spencer para ipaalala ang isang parte ng nakaraan niyang pilit niyang itinatago at kinakalimutan.

Bakit kailangan pa ulit nitong magpakita? Bakit naisipan pa nitong lumapit sa kanya ngayon? And why did her heart starts yearning for another night with him again? Had she gone insane?

chap-preview
Free preview
Episode 1.1
“SHEA, anak.” Napatingin si Shea sa Nanay Gemma niya nang lumabas ito ng kuwarto sa maliit na bahay nila sa Cubao. “Nay, maaga pa po, ah? Magpahinga pa kayo,” wika niya dito habang itinutuloy ang pagpupusod ng mahaba at itim na itim niyang buhok. Ibinalik niya ang tingin sa salamin na nasa harapan. “Alas-singko pa lang ng umaga, ah? Papasok ka na agad?” ani ng ina niya nang makalapit ito sa kinatatayuan niya. Inayos niya naman ang pagkakalapat ng uniporme sa katawan niya bago humarap sa nag-aalalang mukha ng ina. “Hindi po ako maaaring mahuli sa trabaho ko, mababawasan ang kikitain ko,” tumawa pa siya para pagaanin ang loob ng ina. Napabuntong-hininga ito. “Hating-gabi na nang makauwi ka kagabi galing naman sa part time na trabaho mo. Nag-aalala na ako sa kalusugan mo, anak. Hindi ka na nakakatulog ng ayos.” Pinilit niyang magmukhang masigla sa harapan nito. “Wala naman akong nararamdamang sakit, Nay,” sagot pa niya. “Masaya naman ako sa ginagawa ko.” Hindi niya gustong makitang nag-aalala ang ina dahil sa kanya. Oo, hindi niya na nga nagagawang makapag-pahinga ng ayos dahil sa mga trabaho niya – isa siyang sales clerk sa isang clothing store dito sa Cubao at sa gabi naman ay nagpa-part-time siya sa isang fast-food chain sa lugar ding iyon. Graduate siya ng Business Administration pero dahil hindi naman ganoon kakilala ang unibersidad na pinasukan niya ay nahirapan na siyang maghanap ng trabahong magiging regular siya at may mataas na kita. Siya na lang ang inaasahan sa pamilya nila simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente at nagkaroon naman ng sakit sa puso ang kanyang ina. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay at sumunod ang dalawa pa niyang kapatid na mga lalaki. Si John na labing-limang taong gulang pa lamang at si Philip na labing-tatlong taong gulang naman, kapwa nag-aaral pa ng high school sa isang pampublikong paaralan dito sa Cubao. Malungkot na napangiti ang Nanay Gemma niya at bahagyang lumapit sa kanya para ayusin ang collar ng suot niyang uniporme. “Maraming salamat, anak,” naiiyak na wika nito. “Dahil hindi mo kami pinapabayaan. Patawarin mo rin ako,” pumiyok na ito. “A-Ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na iyan, ako dapat ang—” “Nay,” putol niya dito. “Hayan na naman ba tayo? Paulit-ulit na lang tayo sa issue na iyan,” naiiling na lang siyang napatawa. “Ayos lang ako. Hindi kayo magiging pabigat sa akin kahit kailan. Mahal na mahal ko kayo, ‘di ba? At gagawin ko ang lahat para matulungan kayo at maibigay sa inyo ang komportableng buhay na nais ko para sa ating lahat.” Pinunasan ng ina niya ang mga luha sa mukha nito at marahang tumango. “Huwag kang mag-alala, anak. Patuloy kong ipagdarasal sa Maykapal na ingatan ka Niya at bigyan ka ng mga bagay na ikasisiya mo. Dapat kang maging maligaya, anak, dahil napakabuti mong bata,” marahan nitong hinaplos ang isang pisngi niya. “Masaya akong makitang masaya kayo ng mga kapatid ko, at nasa mabuting kalagayan,” hinawakan niya ang kamay ng inang nakahawak sa pisngi niya. “Sige na po, magpahinga na ulit kayo at kailangan ko nang pumasok,” lumapit siya sa kahoy na mesang malapit sa kanila at kinuha doon ang shoulder bag. “Sabado po ngayon kaya walang pasok iyang mga kapatid ko, sabihin niyo sa kanila na huwag pumunta kung saan-saan. Malimit pa naman daw maglaro ang mga iyan sa kalsada sabi sa akin ng kapit-bahay natin. Pagsabihan niyo po sila, lalo na iyang si John dahil kung kani-kanino na naman iyan napapa-barkada,” napailing pa siya. “Sige, anak, pagsasabihan ko ang mga iyan,” tugon ng ina niya. “Mag-iingat ka, ha? Kumain ka sa oras at huwag kang magpapakapagod. Kung maaari kang umuwi ng maaga, umuwi ka na para makapag-pahinga ka ng mahaba-haba.” Ngumiti siya at tumango bago tuluyang nagpaalam na dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Alpha Twins for Mate ✅ (Romano Series #1)

read
4.9M
bc

A Mother before a Mate

read
760.5K
bc

One Shots Steamy Stories Book 2

read
374.3K
bc

Knight in Shining Suit

read
616.7K
bc

Our Kind of Love

read
717.8K
bc

My Bosses Pretend Lover

read
8.6M
bc

One Shot Steamy Stories

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook