bc

Engaged with the Lady Boss

book_age16+
2.6K
FOLLOW
25.4K
READ
contract marriage
second chance
boss
bxg
office/work place
first love
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Jett Madrigal ay wala siyang magiging problema sa lovelife niya, hindi katulad ng sa kakambal niyang si Josh. Pero dumating ang pagsubok sa relasyon nila ni Athena Velasquez, at kinailangan niyang makipaghiwalay dito.

Ngayon, gusto na niyang makipagbalikan kay Athena. Pero paano ba niya palalambutin ang matigas na nitong puso?

*** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Rrrriiinnnngggggg!!!!! Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Masigla akong bumangon, sa kabila ng kakulangan ko ng tulog. Unang araw ko kasi sa trabaho ngayon, kaya ang babaw lang ng tulog ko. Excited na akong pumasok ngayong araw na 'to! In-off ko ang alarm clock, tapos ay binuksan ko naman ang isang vintage design na radyo, para sa pang-umagang balita. Regalo sa akin ito ni Hyacinth nung huling birthday ko. Sabi kasi niya, parang ako raw iyong radyo - vintage. Salbahe talaga 'yung kaibigan s***h hipag ko na 'yun. Nilakasan ko ang volume nitong radyo, para marinig ko ang balita kahit saang sulok man ng condo ako magpunta. Mahirap nang maipit sa traffic at ma-late sa unang araw ko ng pasok. Sabi nga nila, first impression lasts. Kaya dapat, hindi negatibo ang maging impression nila sa akin sa unang araw ko, lalo na ng bagong boss ko. Lumabas na rin ako agad ng kuwarto, pero pinanatili ko lang nakabukas ang pintuan nito. Nagpunta ako sa kusinang bahagi ng condo unit ko, para magsalang ng tasty bread sa bread toaster at ng kape sa coffee maker. Pagkasalang ay bumalik na uli ako sa kuwarto para maligo na sa CR ko doon. Hindi ko mapigilang mapakanta habang naliligo. Masayang-masaya talaga ako sa unang araw ko na ito ng pasok ko sa bago kong trabaho. Ginamit ko iyong binili ko lang kahapon na shower gel. Ibinabad ko pa talaga siya sa balat ko, para kumapit ang amoy nito. Nang satisfied na ako sa maaaring maging resulta ng pagbabad ko ng mamahaling sabon sa katawan ko, tinapos ko na ang paliligo, at lumabas na ng banyo na tanging ang ibabang katawan lang ang natatakpan ng katamtamang laki ng tuwalya. Bumalik na uli ako ng kusina at nagprito ng scrambled eggs. Pagkatapos ay kinuha ko na iyong isinalang kong tinapay at kape. Magana akong nag-almusal. Iba talaga ang sigla ng katawan ko ngayon. Hindi na ako nagtagal sa pagkain, at agad ko na rin itong tinapos para may oras pa ako na mahugasan ang pinagkainan ko. Muli akong bumalik sa kuwarto ko, at saka pumasok uli sa CR para mag-toothbrush. Habang ginagawa 'yun ay pinagmamasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Mahirap nang mabutasan mamaya sa opisina. Dapat, walang maipintas sa akin ang bago kong boss. Sinipat-sipat ko ang mukha ko. Napansin ko ang mangilan-ngilang tumutubong buhok sa ilalim ng baba. Hindi pwede ito! Kailangang malinis akong tingnan. Agad kong tinapos ang pagsisipilyo, at kinuha ang after shave cream at pang-ahit sa kabinet sa likod ng salamin, dito rin sa harap ng lababo. Hindi ko mapigilang hindi mapahuni ng paborito kong kanta, habang nag-aahit ako. Konting oras na lang, at makikita ko na ang bago kong opisina. At ang bago kong boss. Nang matapos ay naglagay ako ng deodorant, at saka lumabas na agad ng banyo para magbihis na ng pamasok kong damit. Nakailang ikot muna rin ako sa harap ng full-length mirror dito sa kuwarto ko, bago ko napagpasyahang mukhang pasado naman na ang itsura ko. Hindi ko nakalimutang mag-spray ng pabango, bago satisfied na lumabas na ng kuwarto. Ini-lock ko na ang unit ko, at pasipol-sipol na naglakad papuntang elevator. Pagdating sa carpark ay tinungo ko agad kung saan nakaparada iyong hiniram kong sasakyan ni Mommy, na si Aiden. Yup! May pangalan ang unang sasakyan ni Mommy. Actually, pinagselosan pa nga raw ni Daddy ang pangalang Aiden nang una niyang marinig ito kay Mommy. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na kotse pala si Aiden. Matagal na si Aiden sa amin. Dalaga pa lang si Mommy ay sasakyan na niya ito. Ito ang una niyang naging sasakyan, kaya may sentimental value ito sa kanya, kaya naman hindi niya ito pinapabenta. Alaga naman sa casa si Aiden kaya kampante akong hindi ako ipapahamak nito. Binuksan ko na ang makina ng sasakyan. Pagkatapos ay ang aircon. Isinunod ko ang radyo. Pagkatapos ay masigla ang pakiramdam na nagmaneho na ako palabas ng building ng tinitirhan kong condominium. Bagamat may konting kabagalan ang traffic ay hindi naman naging negatibo ang dating nun sa akin. Katunayan ang hindi maalis na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko talaga maalis ang excitement sa unang araw ng trabaho ko. Nang malapit na ako sa building ng opisinang papasukan ko ay dumaan muna ako sa isang kilalang coffee shop. Believe it or not, kasama sa job description ng trabaho ko ang dumaan sa coffee shop na ito tuwing umaga at bumili ng isang order ng Cafe Americano na venti size para sa boss ko. At dito lang talaga sa brand ng store na ito. Kung tutuusin, pwede ko itong i-contest. Pwede namang siya na ang bumili ng kape niya, di ba? Panigurado namang may madadaanan siyang bilihan on the way sa opisina. But, belive it or not, nakadagdag ito sa excitement ko sa pagpasok. Pagka-park ko sa coffee shop, agad akong pumasok sa loob para lang magulat, dahil sa may kahabaan na pila ng mga bumibili. Hindi ko inaasahan na sa ganitong oras ay marami na palang umoorder at bumibili dito. Seriously, wala ba silang mga kape sa mga bahay nila? Sinilip ko ang relo sa braso ko. 7:30. Tatlumpungminuto na lang! Kailangang umabot ako ng alas-otso para sa time-in ko. Actually, dapat bago mag-alas-otso. Ang sabi kasi sa akin ng HR Manager na si Agnes nung Biyernes, alas otso din ng umaga pumapasok ang boss ko. At ayaw na ayaw niyang nauuna siyang pumasok sa kuwarto niya kaysa sa kape niya. Dapat daw, pagpasok nito sa opisina niya ay nasa mesa na nito ang branded coffee niya, at nasa tamang temperatura. Hindi sobrang init para ikapaso ng dila niya, at hindi rin sobrang lamig, dahilan para itapon niya. Napailing na lang ako nang marinig ko iyon. Perfectionist lang talaga? SA WAKAS, nasa carpark na ako ng bago kong opisina. Medyo nahirapan akong maghanap ng bakanteng slot. Ibang-iba sa pinanggalingan kong kumpanya, kung saan wala akong problema sa parking, dahil may nakalaang espasyo lagi doon para sa akin. Kaya nung makapag-park na ako ay halos lakad-takbo na ang ginawa ko papunta sa elevator. Konti na lang at makakarating na rin ako sa fifth floor nitong building. Sa wakas ay nakasakay na rin ako sa elevator. Pero kung akala ko na kapag nakasakay na ako ng elevator ay tapos na ang problema ko, hindi pa pala. Lahat ng taong sasakay ng elevator ngayon ay naghahabol ng oras, kaya punung-puno ang elevator. At sa takot na maipit ang dala-dala kong dalawang kape ay itinaas ko ang pagkakahawak ko nito sa bandang ulunan ko. Bakit dalawa ang binili kong kape? Siyempre, dapat meron din ako! Pero kung ganito lagi ang parusa sa akin tuwing umaga, sa tingin ko ay first and last ko na ito na dalawa ang bibilhin kong kape. Tama na siguro iyung kape na lang ni boss ang bilhin ko. Kaya nang palabas na ko sa fifth floor ay ramdam ko ang ngawit ng mga braso ko, at ng dalawang kilikili ko. Ilang hakbang pa bago ako makarating sa puwesto ng guard sa may main door ay tinawag na nito ang pansin ko. "Sir! Kay Mam Velasquez ba ‘yang kape?" sita niya sa akin. Alanganin akong napatango. "O-Oo, Sir. May problema ba?" Bawal ba? Pero malinaw naman sa akin ang instruction ni Agnes nung Friday, na kailangan kong bumili ng kape ni Ms. Velasquez tuwing umaga. "Naku! Bilisan mo, Sir! Nasa elevator na si Mam." Ow, sh*t! "Thank you, Sir! Thank you!" natatarantang pasalamat ko sa kanya. Pasimple kong tiningnan ang name tag niya, at saka nagmamadali nang naglakad papasok sa loob ng opisina. "I owe you this one," sabi ko pa sa kanya. Magagantihan ko rin siya balang araw. Mabilisan kong tiningnan ang relo ko sa braso. Five minutes before eight. Dumerecho na ako sa loob ng opisina ng boss ko, at saka inilapag sa mesa nito ang kape niya. Mabuti na lang at nakabukas na ang aircon, kaya medyo malamig na ang kuwarto. Binanggit din nga pala sa akin ng HR na dapat pagpasok ng boss ko sa kuwarto niya, kailangan nasa tamang lamig na ito. Kung sino ka mang nagbukas ng aircon, may premyo ka sa akin later! Mabilis kong sinulatan ang isang piraso ng Post-It-Note na pinilas ko sa nakalagay sa ibabaw ng mesa ng boss ko ng 'Good Morning' with matching smiley, at saka idinikit sa paper cup ng kape na binili ko para sa kanya. Sinigurado kong maayos ang ibabaw ng mesa nito bago ako lumabas, at saka nagpunta sa cubicle na nakatoka sa akin. Hinihingal na sumandal ako sa upuan ko. Ramdam ko pa ang mabilis na pintig ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakipagkarera ako nang mga oras na iyon. Nang sa tingin ko ay kumalma na ang paghinga ko ay idi-nial ko ang number ng HR. "Good morning, Ms. Soriano. Mission accomplished ako today. Nailagay ko iyong kape ni Mam Velasquez bago siya makarating ng office niya," natutuwang report ko dito. ["Ay, tamang-tama ang tawag mo! Hinahanap ka na sa akin ng boss mo. Daanan kita diyan sa cubicle mo later, tapos punta tayo sa office ng boss mo. May pen and notebook ka ba diyan? Gusto ng boss mo, kapag pinapatawag ka niya lagi kang may dalang pen and notebook para isusulat mo dun iyong mga iuutos niya."] "Ganun ba, Mam? Ito na lang din sigurong personal planner ko ang gagamitin ko." ["Oh, good! Sige. In two minutes andiyan na ko sa area mo. See you,"] pagtatapos niya sa usapan namin. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa messenger bag ko. Binuksan ko ang camera nito, at saka may konting kabang sinipat ang itsura ko doon. Hindi ba ko mukhang haggard? Hindi ba oily ang mukha ko? Siyempre, first impression lasts nga, kaya dapat maganda ang impression ng boss ko sa una naming pagkikita. Una?? Sigurado kang good impression talaga? Napailing na lang ako. "Sir! Ikaw yata 'yung tinatawag ni Mam Soriano." Napalingon ako sa boses na narinig ko. Nakita ko ang isang babaeng staff na naka-upo sa katapat ng mesa ko. Nang magtama ang mga tingin namin ay may itinuro ang daliri niya na direksiyon. Sinundan ko iyon ng tingin, at nakita ko doon si Ms. Soriano sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng boss ko. Nakangiting kinawayan ako nito. Pinapapunta ako doon sa puwesto niya. Nginitian ko siya. Pagkatapos ay binalingan ko iyong babaeng tumawag sa akin. "Thank you, Miss...." nakangiting sabi ko sa kanya, na sinuklian din niya ng ngiti. Tumayo na ako, at saka binitbit ang planner at ballpen na nakapatong sa mesa ko. Naglakad na ako papunta sa kinatatayuan ni Agnes Soriano. "Ready ka na ba?" tanong nito sa akin pagkalapit ko. Hindi ko alam kung para saan ang tanong niya na kung handa na ba ako, pero tumango na lang din ako. Hindi na rin kasi ako mapakali. Kanina pa ang lakas ng t***k ng puso ko. Kanina pa ito nagwawala na makita at makaharap ang bago kong boss. Kumatok ng tatlong beses si Agnes sa pintuan ng opisina ni boss. Nang marinig niya ang sagot nito ay saka niya binuksan ang pinto, at saka isinungaw ang ulo niya sa loob. "Mam? Are you busy? Ipapakilala ko lang iyong bago mong Assistant, " narinig kong tanong ni Agnes sa boss ko. Sumagot ang nasa loob pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Medyo mahina kasi. Bigla namang lumingon sa akin si Agnes. "Wait lang, ha. Diyan ka muna. Tatawagin kita." Hindi na niya akong hinintay sumagot, at pumasok na siya agad sa loob. Lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso ko. Ganunpaman, wala akong choice kung hindi ang maghintay sa tawag niya. Hindi naman nagtagal ay muling bumukas ang pinto, at sinenyasan ako ni Agnes na pumasok na sa loob. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa nakabukas na pintuan. This is it! Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang bago kong boss na nakayuko sa mesa niya habang may pinipirmahang mga dokumento. "Mam, eto na siya. You're new Assistant. He will occupy Thea's previous cubicle, or if you want, pwede ko siyang ilipat sa mas malapit dito sa office mo..." dere-derechong litanya ni Agnes sa boss ko, na abala pa rin sa pagpirma ng mga dokumento. Biglang huminto si boss sa ginagawa niya. Nag-angat siya ng tingin, at mukhang may sasabihin kay Agnes nang bigla siyang napatingin sa akin. Kita ko ang pagkunot ng noo niya, sabay sabing-- "Ikaw???" "Yes, Ms. Athena. Introducing Mr. Jett Calvin Madrigal, your new Assistant." ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook