bc

Only You & Me

book_age18+
108
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
sweet
humorous
city
virgin
friends with benefits
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Jackie and Malik had been best of friends for a long time. It was Malik who initiated the friendship because he was attracted to her, but as they spent time together, they both discovered kahit silang dalawa lang, masaya na sila at buo na ang araw nila. May sarili silang mundo--- outside of Malik's amorous activities and happy-go-lucky attitude. However, Malik became too comfortable just being best of friends, because he was afraid to lose the only thing constant in his life and that was their friendship. But Jackie is hurting in the process, because she has fallen for him.

chap-preview
Free preview
1
Jackie "How many times do I daydream about making love to you?" Tunog ng mobile phone ko. Ito ang assigned ring tone ni Malik Pontes na best friend ko sa aking mobile phone. Sabi ni Malik ang "Stick Around by Azure" daw ang kanta niya para sa akin. It was a 1997 song that he liked. Ganern? Nagpapahiwatig ba siya sa akin na may future kaming dalawa? Char! Sisitahin ko na ang sarili ko ngayon pa lang kesa madurog ang heart ko. Si Malik kasi ang imahe ng ultimate playboy na may good heart. I mean, hindi siya makatangi sa mga babaeng type niya. Patol here and there! Buti hindi pa nagkakasakit yung lalaking iyon! Mabait kasi siya, gentle man, sweet, caring, understanding, funny, generous at galante pag dating sa mga babae. Ako nga lang yata ang iba ang turing niya. 'Bestfriend diya ako... 'tropa' daw... 'I'm like a 'sister' daw... pero may sister bang hinahalikan niya sa noo, batok, ilong, braso, pisngi, kamay at labi? Hindi ba't incest yon? Itong si Malik... kainis! Kaya para hindi masaktan ang puso ko, hindi ako maga-assume... kahit pa fall na fall na ako sa kaniya. Take you to a special place where it's only me and you... I put away all your troubles on the other side of the world and wrap my arms around your heart, and tell you you're my girl..." patuloy na tumunog ang mobile phone ko. Kahit parang pang-boypren ang kantang iyon ay pinabayaan ko na lang na 'Stick Around by Azure' ang assigned ringtone para sa numero niya. Kasi naman kung babaguhin ko pa, binabalik din naman ni Malik sa dati. Mga eight years na naming paulit ulit ginagawa ito, lalo na kapag nabu-buwisit ako sa kaniya, nagagalit, o kaya palihim akong nagseselos. Tapos, kapag nalalaman niyang iba ang assigned ringtone ko sa number niya ay gagawa siya ng paraan na palihim na baguhin ulit iyon. Pinilit kong ibuka ang aking mata habang naririnig ang ringtone ng mobile phone na regalo niya sa akin. Yes, galante ang matsing na yan. Kungdi ko lang matalik na kaibigan ng 8 years ang lalakeng yan, iisipin ko type niya ako. Uuuy! Joke lang, Jackie. Wag ka mashadong umasa. Ang umasa sa magandang lalaki ay nakakasama sa kalusugan ng puso, utak at atay... pag naisipan mo lang naman maglango sa alak. Anyway, dahil nga si Malik din naman ang bumili ng mobile phone na iyon, hinayaan ko na siya mangalikot ng mobile phone. Wala naman kasi akong nililihim sa kaniya. At kapag may mga secrets akong pinaguusapan kasama ng mga girlfriends ko na sisters-in-law niya, over the phone namin pinaguusapan para walang ebidensya. Sabi ni Malik sa akin, kaya gusto niya ang kanta na Stick Around ay dahil saktong sakto daw kasi ito para sa feelings niya para sa akin! Napaka-bolero talaga! If I recall, kanina nga lamang umaga ay iniwan niya ako sa ere! Naturingan best friend ko siya at business partner sa Gustoso Restaurant and Catering services! He promised me that he would assist me. Noong umpisa tumutulong sa akin mag-set up ng food kasama ng mga crew namin. Nung makakita ng magandang babae at nagkatitigan sila, ang hinayupak, biglang nawala! Ang promise pa naman niya sa akin ihahatid niya ako dito sa bahay kanina nang matapos ang event. Pero dahil nga nag-disappear ang loko-loko, hindi na ako nakapag-hintay. Umuwi na lang ako mag-isa. Nakakasama siya ng loob! Isa pa'y kailangan ko rin naman kasing maaga magpahinga dahil may catering din kami the following day. Pinaghahandaan ko itong catering event na'to kasi kami ang magke-cater para sa homecoming high school batch ko. Matutulog ako ng maaga para fresh at hindi hagardo! Kaya lang nagpatuloy sa pagtunog ang aking mobile phone. "So let's go steal away in the night...and we'll go far away from here... tell you that's where our love is right...can I take you to my world?" Bahagya na akong nakakaramdam ng inis. Sinilip ko ang oras sa aking mobile phone at 3:00 am na ng madaling araw. Napaisip ako kung bakit tumatawag ang matsing na ito. "Kung ang purpose ng pagtawag ni Malik ay para gisingin ako para makapag-prepare for our catering event, mashado pang maaga! Sa tingin ko nangungulit itong si Malik dahil guilty siya. Iniwan kasi niya ako sa ere kanina. Well..." napabaling ako sa mobile phone ko. "Ma-guilty ka ngayon! Siguro hindi ka makatulog! Buti nga sa'yo! Hmp!" I said and dropped the call. I placed my phone beside me and slumped myself on my bed to try to get some sleep. Pumikit ulit ako, ngunit ilang segundo lang ay hindi pa din ako mapakali. Naiisip ko si Malik. Sinubukan kong humanap ng puwesto sa kama upang muling matulog. Subalit muling nag-ring ang aking mobile phone. Tumatawag na naman si Malik! "Putragis!" Inis kong sabi at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone at muling nireject ang tawag niya. "Mahal kita pero inis pa din ako sa'yo! Patulugin mo muna ako baka sakaling mawala ang bwiset ko sa'yo!" Naiinis kong sabi sa mobile phone ko, at ginawa kong mute ang mobile phone, saka muling humiga. Dahil hindi ko na makuha ang aking antok ay dumapa ako at ibinukaka ko pa ang aking mga kamay at paa para sakupin ang buong kama. Naramdaman kong lumundo ang kama at may dumagan sa aking likod. Na-alarma ako dahil tinakpan pa nito ang bibig ko. Ngunit nasamyo ko ang pamilyar na pabangong iyon na malakas maka-pogi. Si Malik iyon. "Anong sabi mo? Mahal mo ko?" narinig ko ang boses ni Malik habang nakadagan sa aking likod. Kung ibang lalaki iyon ay malamang bumalikwas na ako ng kama at nang-karate. Pero nasanay na ako sa pagiging mala-higad ni Malik sa 8 taon naming magkasama parati. Mahilig siyang dumikit, umakbay, makipag-holding hands, yumakap, humalik sa pisngi ko, ilong, batok, kamay, braso, balikat... at wala daw malisya iyon. Beshy niya daw ako kaya wag daw ako mag-alala dahil nire-respeto niya ako, at hindi daw niya gagawin sa akin yung mga ginagawa niya sa iba. Dapat ba akong matuwa don mga Sis? Sa edad kong ito na 28 taon gulang na ako, NBSB, at may super hunk, mala- demi-god sa kaguwapuhan at bato-batong katawan na best friend... dapat ba talaga akong matuwa na nirerespeto niya at hindi daw niya gagawin sa akin yung ginagawa niya sa iba? "Ang bigat mo, Malik!" Reklamo ko at pinilit siyang paalisin sa pagkakadagan sa akin. My gas! Ang awkward kaya na nakadapa ako dito wearing my White nighties with just my underwear underneath it... and here he is on top of me. Hindi ba siya nakakaisip ng SPG? Kasi ako nakaka-isip na ako ng mahahalay na gusto kong gawin niya sa akin! Pero gusto ko magkusa siya... na hindi naman niya gagawin kahit makipag-hamunan pa ako sa kaniya. Bumalikwas ako ng higa paiwas sa kaniya at tumayo mula sa kama. I wanted to see what his reaction would be to see me in my nighties. I wanted him to see me as an attractive girl that he should take interest on, hindi yung kung sino sino ang dine-date niya at jine-jerjer niya. He looked at me and smiled. "Narinig kita kanina. Sabi mo mahal mo ako." He teased, then blocked his eyes with his hand. "Arggh! Beshy, yung jolens mo sa tuktok ng kambal na Mount Mayon ay nagpapapansin." Nainis ako sa sinabi niya. It was like he was making fun of my boobs. Hinampas ko siya ng unan. "Bastos ka talaga! I remember, last time you were checking my cleavage!" Napatawa siya. "Tinintingnan ko lang kung lumiit kasi diba sabi mo nagpapapayat ka?" Aniya. "Bakit kasi nagpapapayat ka, ayos naman sa akin yung chubby arms mo, chubby boobs, chubby legs... pasok naman sa criteria for judging." "Ang daming chubby non ah?" Natawa siya. "Oo nga. You're my chubby girl friend." Hirit niya. Bahagya akong napatulala. Girlfriend talaga? "Akala ko ba sabi mo sa akin hindi tayo talo?" Tugon ko, habang palihim na umaasang bigyan niya ako ng clue kung may nararamdaman siya sa akin na higit pa sa pagiging 'best friend' niya. "Oo nga!" Natatawa niyang tugon. "Hindi tayo talo kasi nga you're my chubby girl beshy." Napasimangot ako. Disappointed! I'm so disappointed. "Hmp! Beshy kuning... pero minamanyak mo naman at sinisilipan mo ng cleavage!" Prangka kong sagot. "Naglalambing lang ako...saka friendly boso lang yon. Beshy kita eh!" He teased even more. "Pero syempre kapag sa iba..."hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Kapag ibang babae... papatulan mo! Pakshet ka! Selos na selos na ako! Puwede bang tigilan na natin itong parang tayo pero hindi tayo? Masakit na kasi eh! Gusto kong sabihin pero sa isip ko lang iyon. I will not ever dare tell him that. Over my dead virgin body. Napabuntong hininga ako. Ito kasi ang problema kapag na-friend zone ka na. Hindi mo na kayang sabihin yung nararamdaman mo, kasi baka ikasira pa ng friendship niyo. Kaya mananahimik ka na lang at hindi magpapahalata sa kaniya kahit pa ang sakit sa heart kapag nakikipag-date siya sa iba. My gas! Pag nakabuntis talaga siya, grabe! Lalayo na ako sa kaniya. Ayoko na talaga! Malik means a lot to me. Parang iiyak ako ng sobra sobra kapag nawala si Malik kasi 8 na taon na araw araw ko siyang kasama. Mawala man siya ng saglit dahil nangchi-chics siya, pero at the end of the day, magpapakita pa din siya sa akin, minsan dito natutulog sa kuwarto, tas kinabukasan susunduin niya ako para pumunta sa Gustoso, tapos ihahatid niya ako sa gabi. That is kapag wala siyang date. He makes sure that he would just go out at night, after he drops me off at home. That was our routine for the longest time. And that was also the length of time that I have been waiting for him. Mabilis kumilos si Malik upang hilahin ako pabalik ng kama. Napa-roll over pa kaming dalawa. This time nakadagan siya paharap sa akin. "Galit ka pa ba sa akin?" malambing niyang tanong, na tila walang epekto sa kaniya yung saglit na pag-mowdel ko sa harapan niya kanina. He adjusted himself between my legs and held my arms ups. "Putcha, Malik, ano 'to? Wala man lang foreplay? S*x kagad?" Sabi ko sa kaniya. "Itutulad mo ako sa mga babae mo?" prangka kong tanong. "Wow ha!" Natatawa niyang sabi. "Tingin mo ba gagawin ko yon sa'yo...ngayon?" I could see the amusement in his eyes. "Putcha! Nasa pagitan ka ng hita ko at parang palaka ang ayos ko dito!" Reklamo ko sa kaniya. "Kung may makakita sa'ten, iisipin nila nagje-jerjer tayo!" "Baka kasi mag-walk out ka na naman sa akin. Syempre hahabulin kita, tapos bubungangaan mo na naman ako. Mambubulahaw ka pa ng mga natutulog! Wag ganun!" Sermon niya. "Huwaw! Ako talaga ang nambubulahaw? 3:00 ng umaga, iho, at nandito ka sa kama ng isang magandang dilag na virgin! Hello?" Inemphasize ko pa ang sabi ko ng 'isang magandang dilag na virgin'. Iniintay ko kung kokontra siya para makonyatan ko siya. "Sino ang nambubulahaw sa ating dalawa? Ganitong madaling araw, nasa pagitan ka ng mga hita ko. Ano yun?" " Kung may balak ako sa'yo, ba't ngayon lang diba?" he tried to point out. "Dahil hindi ka na makatiis! Gustong gusto mo ako kaya pumunta ka dito para angkinin ako." Sagot ko sa kaniya na hindi man lang nahihiya. Sanay na kasi kami sa isa't isa, sa tagal naming magkasama. 8 years, araw-araw, maliban na lang pag may date siya. "Sus! Kung ano ano kasi ang binabasa mong erotic novels... ina-apply mo sa totoong buhay." Komento niya at inangat na ang sarili niya mula sa akin. Humiga siya sa tabi ko at ibinigay ang kaniyang mobile phone, susi ng kotse, at susi ng bahay ko. Tumaas ang kilay ko. Sanay na sanay kasi itong si Malik na parang assistant niya ako. "Anong gagawin ko dyan, Sir?" "Pakilagay please sa side table mo, Beshy. Please? Sleepy na ako." Pa-bebe niya. Hinablot ko ang mga gamit niya at inilapag sa side table, saka ko siya binalikan. "May paguutos pa po ba kayo, Sir?" sarkastiko ko ng tanong. Hindi siya sumagot kaya pinagmasdan ko na lang siya habang nakasimangot ako. Napansin ko na okupado niya ang buong kama ko. "Hoy!" Hampas ko sa braso niya. "Ba't pumupuwesto ka ng higa dyan sa gitna?" "Makikitulog ako. Hindi ako makatulog sa bahay ko, Beshy." Dinantay na niya ang paa niya sa hita ko at hinila ang isang unan ko. "Bango ah? Amoy shampoo. Ito gusto ko eh. Yung amoy ng hair mo sa unan." Nakangiti niyang pikit at nagsimula na matulog. Ako naman ay napatingin sa hitsura ko. "Naka-nighties pa naman ako... hindi ka man lang na-attract, Beshy? Tutulugan mo lang talaga ako?" "Of course na-attract!" Aniya na tila labas sa ilong. "Pa-pingot nga sa utong." Aniya habang nakapikit. Inangat niya ang malapad niyang kamay at akmang dadakma sa dibdib ko. "Tado!" Hinampas ko ang kamay niyang naka-angat na at papunta sa dibdib ko. "Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko? Parang hinihikayat mo ako, pero ayaw mo naman magpa-chansing." Inaantok niyang tanong. "Ang gusto kong gawin mo ay magtino na!" Yun lang ang tipid kong sinabi kahit marami pa akong gustong sabihin. Actually, gusto kong sabihin sa kaniya ang aking reklamo, pero thought bubble na lang ito-- Ayoko na ng ganito na parang tayo pero hindi!!!!! Ang tagal na nating mag-best friend eh!!!! Hindi mo ba naiisip na baka nagko-consipire na ang universe para sabihin na tayo pala dapat??? Tanga mo!! O sige na! Ako na ang tanga! Waaah! "Beshy, matino naman na ako ah? I'm not a bum anymore. I've finished my MBA just like what you told me to do. I've been attending the family meetings just like what you told me to do." "Nambabae ka pa din." Tapat kong komento na kung kutsilyo lang ang mga words na yon ay tinarak ko na sa kaniya. Tapos babawiin ko din at dadalin ko siya sa ER para mabuhay siya. Gusto ko lang iparamdam sa kaniya yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Para patas naman kami kahit papano, diba? "Paano ako nambababae kung wala naman akong girlfriend? Best friend meron. Pero wala naman tayong rule na bawal ako makipag-mingle sa ibang babae, diba? At kapag pinagbawal mo yon, susunod naman ako. Pero anong pinagkaiba non sa pagiging mag-shota diba?" Aniya. "Unless gusto mo na maging girlfriend ko? Shall we make it official? What do you prefer? Me on top or you?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama naman siya. Wala naman siyang girlfriend kaya malaya siyang makipaglandian sa iba. Alam ko din na he was teasing me with being his girlfriend. "Sa 8 years nating magkasama, ganyan mo ako ka-casual na tatanungin kung gusto ko maging official girlfriend mo? Hindi mo man lang ako liligawan?" "Sus! Ba't may ligaw-ligaw pa?" hirit niya. "Ano? Tayo na? Kiss tayo?" Alam kong binibiro niya ako at lalo akong naiinis sa kaniya. Palibhasa wala siyang kaalam alam sa nararamdaman ko para sa kaniya. "Gago ka talaga!" Hinataw ko siya ng unan sa mukha. "Aray!" Natatawa niyang reklamo at pinigilang ang mga kamay ko upang huwag ko maulit ang pag-hataw ng una sa kaniya. "Nakakainis ka!" Sigaw ko. Pero sa utak ko, ume-echo echo pa yung sinabi ko-- Nakakainis ka! Leche ka! Tagal mong totohanin yan hamon mo! Bwiset! "Huy, beshy! Wag ka nga maingay!" Sita naman niya. "Natutulog na ang mga tao dito sa bahay niyo at ang mga kapitbahay." "Nakakainis ka kasi, eh!" I crossed my arms in annoyance. "Binibiro mo ako sa girlfriend-girlfriend na yan, eh pagiging bestfriend nga di mo magampanan!" "Ano ba ang hindi ko nagagawa?" pasuyo niyang tanong. I know he was trying to appease me. Pumikit ako at huminga ng malalim bago malumanay na nagsalita. Papunta na nga sa pagiging psychopath. "Dahil best friend kita, wag mo naman ako iwan sa ere kapag nag-promise ka... saka lambingin mo naman ako hindi yang ginagago mo yung sagot mo... always insinuating about s*x. Imbis na mino-motivate mo ako to go out and find love, tinatakot mo ako na baka lahat ng lalaki katulad mo! s*x lang ang habol sa mga babae! Best friend mo pa nga lang ako, iniiwan mo na ako sa ere! Feeling ko talaga kanina 'reject' ako. Naghintay ako sa'yo ng 30 minutes doon sa venue! Natunaw na ang make up ko, natanggal na yung false eye lashes ko, at dry na yung lips ko kanina. Ang init din don no! Dehydrated na ako! At ikaw damuho ka, nagdidilig ng pempem ng mga beyotches mo!" "I'm sorry na nga..." he said he as he wrapped his arm around my waist, making me lie down beside him. "At saka, dehydrated talaga? Nagdidilig ng pempem talaga? Parang may gusto kang ipahiwatig ah? Nagseselos ka ba? Gusto mo diligan din kita?" "Eww!" Hampas ko sa kaniya. "Of course not! My pempem is exclusive for my soon-to-be husband." Pero putcha! Slow ka talaga, Beshy! Gusto mo ba ako paaminin? Unfair ka talagang hinayupak ka! "Matagal pa yon dadating, Beshy." Kontra niya. "Naiinis ako sa'yo! Teka nga muna! Naligo ka na ba? Kadiri ka kung hindi ka naligo after mo jumerjer!" Tinulak ko siya palayo sa akin. "Oo naman!" Aniya. "I searched for you kanina and even went here to check if you got home safely. Your helper said nandito ka na nga. Kaya umuwi na ako, naligo, nagpahinga pero di ako makatulog kaya pumunta ako dito." I tried to stop all the things swirling feelings I was having-- masaya ako na kasama ko siya pero malungkot ako kasi hindi ko makuha yung gusto ko sa kaniya--- ang katawan niya! Char! Hindi lang katawan-- mind, soul, especially the heart! I want him to be exclusively mine! But, we are not. Painful fact. What would be more painful is if he would soon get himself a new girlfriend! And, I am definitely sure, it wouldn't be me. Not by choice, though. Tumitig ako sa bubong. Pinipigilan kong huwag maluha. Huminga ako ng malalim at nagsalita. Napansin ko pa nga na namalat ako nang ako ay magsalita. Hindi ko naitago sa boses ko yung lungkot ko, pero nagpaka-kaswal na lang ako. Kunwari husky lang talaga ang boses ko... bedroom voice. Ganern! "Alam mo, kapag may permanent girl friend ka na, hindi mo na'to puwede gawin. She will not understand that we can sleep together like this without malice." Napaisip ako habang nakahiga sa kama. "Ako wala akong malice. Ewan ko sa'yo." Napatawa siya habang nakayakap sa akin. "Kung hindi niya maintindihan, eh di break na kami." Aniya. "Wow! Talaga lang ha?" hirit ko. "Pipiliin mo ako over your girlfriend?" Bakit ganiyan ka? Pinapakilig mo na naman ako. Hindi ko mapigilan mapangiti! Hind puwede 'to! Kailangan siya ang awkward! Hindi ako! "Eh kung ako na lang kasi ang girl friend mo?" I teased. I tried to be bold. Napamulat siya ng mata at napatitig sa akin. "Huwag mo akong binibiro ng ganyan, Beshy! Matulog ka na!" Sabi niya at tinakpan ang mata ko. "Bakit pag ito ang topic, iniiwasan mo? Siguro may feelings ka na sa akin." I teased him more. Napatawa siya. "Matagal na akong may feelings sa'yo." Hirit niya. Tumigil ang puso ko. Hindi ito puwede. Hinampas ko siya. "Pinipakilig mo ba ako? Pakyu ka! Dinadaan mo ako sa bola katulad ng mga babae mo!" "Oo! Pinapakilig kita. Effective ba? " natatawa niyang tanong. "Ano 'to? Survey? Kailangan may feedback?" sabi ko. He looked at me as "Joke time lang yon. Sige na tulog na tayo. Nawawala na yung ulirat ko." Sabi niya. Sumimangot ako. "Puwede din naman maging tayo kung gusto mo." I whispered to his ear. "Putcha!" Reklamo niya. "Natu-turn on ako pag binubulangan ako sa tenga, eh! Tigilan mo yan, Beshy! Baka tanggalin ko yang panty mo dyan at gumawa na lang tayo ng baby!" He threatened. Natawa ako sa threat niya. "I'll hold on to that kapag 30 years old na ako at hindi pa din ako nagkaka-boyfriend or wala pa akong anak. Bigyan mo ako ng baby ha?" I asked him. "Anak ng! Uuwi na ako! Hindi ko kaya tong ginagawa mo sa akin, Beshy!" Kinagat niya ako sa braso. "Aray!" Reklamo ko. "Masakit yon!" "Sine-seduce mo ako eh! Ang pakay ko dito matulog!" Paalala niya. Napabutong hininga ako. "Eh kasi naman... bukas homecoming na. Tatanungin na naman nila ako kung may asawa na ako... ba't hindi pa ako nagkaka-asawa, kung may boyfriend na ako... Mga ganun." "Sus! Boyfriend... ako boyfriend mo sabihin mo." Aniya. "Oh, tapos? Pag nakakita ka ng type mong babae, iiwan mo na naman ako sa ere at babalikan mo ako after your quickie?" I crossed my arms. "Ayaw mo ng steady relationship." "Ito na yung steady relationship ko. Tingnan mo 8 years na tayo." Aniya. "Yung iba... hindi ko na maalala." "8 years na tayong mag-best friend!" I emphasized, with too much bitterness that I unintentionally showed. Although his eyes were closed, I could see that his jaws clencned. I think I made him tensed. "Kung tintrato kita na girl friend," he softly said while his eyes were closed. "Mawawala ka sa akin for sure." He said with seriousness in his voice. "Ayoko non!" He said it casually and yowned. "Mashado kitang mahal para mawala ka..." he trailed off. Saglit akong napatulala. Na-touch ako sa sinabi niya. Ayaw niya akong mawala. Pero ibig sabihin non, ayaw niyang mag-take ng risk sa takot niyang mawala ako? Parang masakit sa heart yung sinabi niya. Parang naiiyak ako. I immediately wanted to dismiss the feeling and answered to hide my real yearning. "Hindi malayong mangyari yon! For your information, mawawala din ako sa iyo kapag parati mo akong iniiwan sa era at inuuna mo ang jerjer before best friend." "I'm sorry na nga eh. Hindi mo pa ba ako mapapatawad dun? Hinila kasi ako eh..." he didn't continue what he was about to say. I think it was better that way that he did not just tell me what happened. Well, he was never kiss and tell, anyway. And it will just secretly hurt me a lot to know the details about his escapades. "Eww! Kaladkarin!" Inis kong sabi at tumagilid upang nakatalikod ako sa kaniya. Hinila naman niya ako papalapit at yumakap. "Sorry Beshy..." hikab niya. "Inaantok na ako. Being with you right here is my sleeping pill..." anito at humalik sa may bandang batok ko. Sumimangot ako habang yakap niya ako. "Sana hindi na lang kita pinili maging best friend ko..." I said. Kahit tulog siya, gusto ko pa din makipag-away sa kaniya. He sighed. Gising pa pala ang matsing. "Beshy," he groaned. " I think having a guy best friend does not just happen by asking a guy to be best friends with you. It's actually the other way around. He chooses to hang out with you and intentionally removes malice out of the equation," he tried to explain. "Because he treasures it so much. I would... I mean the guy best friend would always find his way back to you because he knows to himself that he would never need anyone aside from you."" He murmured. Nangingilid na yung luha ko sa sinabi niya. Well, then, look at us now? I feel so afraid for myself because I am so used to forgiving you because I have no right to say you're cheating on me dahil hindi naman tayo. I try to close my eyes, my mind, and heart whenever harap-harapan kong nakikita na may mga nilalandi kang ibang babae. Tapos, pati ako nilalandi mo! May pumatak na luha sa mata ko at agad pinunasan iyon sa takot na pumatak kay Malik at mahalata niyang lumuluha ako... nasasakatan ako sa set up namin. "So ano ang ibig sabihin ng halik mo sa batok ko, leeg ko, pag silip mo sa cleavage ko walang malisya yon? Perv best friend ka lang talaga?" "Yun lang! Dahil best friend kita, hindi ako nahihiyang sabihin na oo, perv ako sa'yo!" Hinila niya ako papalapit lalo sa kaniya. "You make it sound like it's a privilege!" Napasimangot ako. "Andaya!" "Yes, Beshy," inaantok niyang tugon. "It's my privilege na I'm not willing to let go. I've never had this kind of relationship with a woman. And I treasure our friendship. Kaya nga when you're angry at me, I come running to patch things up with you." He adjusted his body to be closer to me in a spooning position. "Alam ko kasi na ganun ka din sa akin when I am happy, sad, frustrated, angry, you're the one I look for. No one else." Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa bandang likod ko. It felt comfortable lying here so close to Malik. Ganito siguro ang feeling ng mga kaibigan ko kapag kasama nila yung mga mahal nila sa buhay. They feel a sense of security and love. But this sense of security and love I was feeling right now could instantly disappear, especially when Malik finds his one true love and will settle down soon. And, I, Jackie Alberto, 28 years old, female, single, NBSB, will be left all alone because I got so used to loving Malik that I could never make myself ready for a life away from him. Stop that self-defeating thoughts again, Jackie! Sita ko sa sarili ko. Napasimangot ako at bumaling kay Malik. Pinakititigan ko yung mukha niyang hindi ko mawari kung nanga-akit ba sa kaguwapuhan, nanglulusaw ng panty, o nangbabanta ng heartbreak. Kung bakit kasi ganito ang sitwasyon namin ni Malik?! Parang kami na hindi. Sa sobrang tagal namin na araw-araw magkasama, we have grown to be so familiar with and used to each other. This makes me scared. Paano kung mag-asawa na siya? Natural lang naman na dumistansya na ako sa kaniya. At dapat aralin ko na iyon. Pero sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon na lumayo dahil nasakatan niya ako o kaya nagseselos, hindi ko pa rin magawang tumalikod, hanggang sa makalimutan ko na kung bakit nga ba ako naggalit o nagseselos. Palibhasa kasi alam kong gagawa ng paraan si Malik na makabawi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook