bc

The Bad Billionaire Series 8: Abram - Surrender

book_age18+
12.5K
FOLLOW
78.8K
READ
second chance
bxg
humorous
heavy
childhood crush
first love
friends with benefits
punishment
wild
Neglected
like
intro-logo
Blurb

"Surrendering doesn’t mean you’re weak, sometimes you just need to rest or maybe accept the fact that it's not meant for you." - Batsy Buenaventura

Lahat na yata nang ginusto ni Batsy nakuha na n'ya. Isinilang sa mayamang pamilya, sunod lahat ng luho n'ya, mahal na mahal din s'ya ng halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Pero may isang taong kahit anong gawin n'ya, hindi n'ya talaga makuha at iyon ay si Abram Cleaven. Matalik na kaibigan ng kanyang kapatid. Mahilig sa babaeng mas matanda sa kanya at kahit anong gawing effort ni Batsy ay 'di sapat para mapansin ng gwapong binata.

Nang mapagod s'ya sa kahahabol dito, kusa na rin s'yang huminto. Muntik na rin kasi n'yang nakalimutan na tao rin pala s'ya, napapagod. Kaya habang kaya pa n'ya, sumuko na s'ya.

chap-preview
Free preview
One
Chapter One "Sigurado ka ba sa balak mong ito?" takang ani ni Bible Vera habang naglalakad kami papasok sa tent ng manghuhula na ni-recommend ng nakausap namin kanina paglabas ng Simbahan. "Nakailang tanong ka na ba? Saka nandito na tayo, oh!" hinawi ko na ang tabing na kurtina saka pumasok. Mabilis namang sumunod si Bible sa akin. "Sure ka na ba, Batsy?" tanong nito na iginala ang tingin sa weirdong lugar na kinaroroonan namin. Pareho pa kaming napaiktad nito ng bigla na lang lumabas sa mula sa ilalim ng mesa ang babaeng mukhang hirap na hirap pang tumayo dahil sa edad nito. Mabilis na lumapit si Bible sa matanda at tinulungan itong tumayo at makaupo sa monoblock chair. "Kaya n'yo pa ho bang manghula?" takang tanong ko sa matanda. Sa totoo lang, hindi rin naman ako naniniwala sa ganito pero wala namang mawawala sa akin, eh. "Ineng, narito ka upang malaman ang kapalaran mo sa pag-ibig, tama ba?" nagkatinginan kami ni Bible saka parehong napatango kahit sa totoo lang ako lang naman ang tinanong. "Tama po kayo. Ako po si Batsy, s'ya naman si Bible." Biglang nawala ang doubt na nararamdaman ko saka naupo sa monoblock chair na nasa harap ng mesa nito. May batong crystal na nasa gitna ng mesa habang magkadaop naman ang palad nito sa dibdib. "Matutulungan kita sa bagay na iyan. Ako si Maria Marites. Nasa sa 'yo kung ikaw ay maniniwala at susundin ang mga magiging payo ko, ineng." Umupo na rin si Bible na na-curious din sa sasabihin ng matandang manghuhula. "Patingin ng iyong palad." Ani ng matanda. Agad kong ipinakita ang aking kamay. "Napakakinis ng iyong kamay. Mula ka sa nakaaangat na pamilya." Ani nito. "Ang galing," ani ni Bible na ikinangiwi ko. Obvious naman ata na anak mayaman ako kasi naghuhumiyaw ang singsing at relo na suot ko. "Nakikita ko sa iyong palad na malas ka sa pag-ibig." Napasimangot ako at akma nang hihilain ang kamay ngunit hindi pumayag ang matanda na mailayo ko iyon. "May lalaki kang nagugustuhan ngunit hindi ka pinapansin, at sa totoo lang nawawalan ka na ng pag-asa." Tumango-tango ako. "Gustong-gusto ko s'ya, pero baka mas maibigan ka pa ho n'ya kay sa sa 'kin. Sinusubukan ko pi para lang mapansin n'ya ngunit hindi effective ang ginagawa kong pagpapapansin." Seryoso ani ko rito. "Hija, ibig sabihin lang no'n ay kulang ka sa ganda..." binawi ko na ng tuluyan ang kamay ko. Pinagloloko ako ng babaeng ito. Sabi ng Mommy ko maganda raw ako. Manang-mana nga raw ako rito. Tapos sasabihin lang ng matandang hukluban na ito na kulang ako sa ganda. Sinamaan ko nang tingin si Bible na napabungisngis pa. "May paraan naman, hija." Ani ng matanda. Saka iniusog ang maliit na Chinese cup na walang hawakan. Sinipat ko iyon pero wala namang laman kaya ibinalik ko ang tingin sa matanda. "Maglagay ka ng kahit anong kulay blue na bagay sa lalagyang iyan." "Po?" ani ko. Wala naman akong dalang kulay blue. Mini shoulder bag lang na kasya ang phone and wallet ko. "Blue na bagay?" ani ni Bible na waring gusto na ring makikalkal sa bag ko. Inilabas ko ang wallet ko saka sinipat iyon. May kulay blue nga pero 1,000 peso bill iyon. Napaisip pa ako kung ilalagay ko ba or aalis na lang. Pero narito na kami, hinugot ko ang isang libo saka inilagay sa cup. Napangisi pa ang matanda. "Abracadabra... Abracadabra..." paulit-ulit nitong ani. May sinasabi pa ito pero hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin. Nakapikit ito at ang kamay ay kumukumpas-kumpas sa Chinese cup na may lamang blue bills. Sinipat ko ang relo ko. "Matagal pa po ba?" muli kaming napaiktad ni Bible Vera nang hampasin ng ginang ang mesa at nagmulat. Ang malaking mata nito ay namumula. "Namumula po ang mata n'yo." Manghang ani ni Bible. "Inaantok lang ako, pasensya na." Napakamot sa ulo si Bible na tumingin sa akin. "Ano na po?" ani ko na inip na rin. Sumentro ang tingin namin sa ginang. "Ang panghuhula ko ay libre lang, pero tinitiyak ko sa inyong tunay ito." "I understand..." sabi ko rito. "Umaasa kang mapansin ka ng lalaking iyon. Pero ako na ang nagsasabi sa'yo, ikaw rin ang kusang susuko." "Bakit po?" tanong ni Bible sa ginang. "Dahil..." manghang napatingin kami sa bolang crystal nito dahil umilaw iyon. Saka muling bumulong nang bumulong ang matandang manghuhula. Kumakabog ang dibdib ko sa excitement sa sasabihin ng ginang. Pareho kami ni Bible na naghihintay sa sasabihin ng manghuhula. "Manang Maria Marites?" takang ani ko dahil huminto na ito sa pagsasalita, and as usual nakapikit pa rin ito. Sabay biglang yuko. "Manang?" biglang nag-angat ng ulo ang matanda. Mas lalong namula ang mata nito at takang napatingin sa amin. "Sino kayo?" nagkatinginan kami ni Bible at parehong napangiwi. "Niloloko n'yo lang yata kami, eh." "Ikawwwww..." "Ako nga!" biglang sagot ko dahil sa gulat na rin sa biglang sigaw ng matanda. "Ang lalaking mananakit sa'yo ay s'ya ring magdudulot ng kasiyahan sa 'yo..." "Talaga po?" pinagdikit ko pa ang aking palad dahil sa excitement. "As a friend." Tugon ng ginang na ikinabagsak na ng tuluyan ng balikat ko. Natawa naman si Bible na waring hindi na rin naniniwala, kung 'di pagkaaliw na lang ang nararamdaman habang pinanonood ang manghuhula sa harap namin. "Upang mabago ang kapalaran..." muli na naman itong pumikit. "Huwag ka pong matulog, sinasabi ko sa'yo." Nakasimangot nang sabi ko rito. "Kailangan mong akitin ang lalaking iyon." "AKITIN?" sabay pang ani namin ni Bible. Sunod-sunod na tumango ang matanda. "May binebenta akong mga panty..." kanina hirap na hirap itong tumayo tapos ngayon biglang sumigla ang kilos nito. Lumapit ito sa bag na kulay blue at kumuha roon ng paninda nito. "OMG..." natatawang ani ni Bible pagkalapag ng mga panty na binebenta ng manghuhula. "Don't worry almost new pa 'yan. Nilabhan ko na rin at may downy pa 'yan." Napangiwi ako habang iniaangat ang manipis na manipis na garter ng kulay black na panty."Nag-angkat kasi ako ng ukay na underwear. Magaganda 'yang mga paninda ko." Ngingisi-ngisi nitong ani saka ikinalat pa sa harap ko ang ibang underwear. "S-eryoso?" ngiwing-ngiwi na ani ko rito. Mabilis namang tumango ang matanda. "Seryoso. Alam mo ba kung ano ang special sa mga panty ko? May kasamang dasal ito. Tiyak na kapag isinuot mo, hinding-hindi ka matatanggihan ng taong gusto mo." Tugon ng ginang. Muling umilaw Ang bolang crystal nito kaya naman muling pumikit ang matanda. "Sabi ng aking mahiwagang crystal, kulay dilaw raw ang iyong piliin. Tiyak na hindi ka mabibigo... abracadabra..." Para na itong baliw sa ginagawa nito. Kaya naman sumang-ayon na lang ako. Nakaka-amaze rin ang biglang pag-ilaw ng bolang crystal nito. Ngunit namatay ang crystal. "Bakit namatay?" gulat na ani ng matanda. "La, brownout po." Sabi ng batang lumabas sa ilalim ng mesa. Pawis na pawis ito. "Pinagloloko mo pala kami." Ani ko. Ngunit kinuha ang dilaw na underwear kasama ang tatlo pa at nag-abot ng bayad. "Salamat, pero tunay ang aking panghuhula at ito'y libre lang." "Whatever..." ani ko na mabilis ng umalis kasama si Bible. Sakay na kami ng kotse nito nang magsalita ito. "Wish ko lang na nakuha mo ang blue bills mo..." "Ay, puta!" katatapos lang naming kaninang magsimba pero kailangan ko yatang magmumog ng holy water dahil sa lumabas na salita sa bibig ko. SOON!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook