bc

Bad Girl, Good Kisser

book_age4+
60
FOLLOW
1K
READ
family
badgirl
brave
comedy
humorous
small town
friendship
reckless
like
intro-logo
Blurb

"Tsk! Tsk! Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..." nakangiting sabi niya habang pinipisil ang labi ko. -

chap-preview
Free preview
Prologue
"SAM, kailan ka ba magtitino?!" galit na tanong niya sa akin. Yumuko lang ako. Ano bang klaseng tanong iyan? Matino naman kasi ako, 'yung school ko lang ang hindi! "Panglimang school mo na 'to ngayong taon!" inis na dugtong niya at binatukan pa ako. Psh! "Vandalism, cheating, not respecting the teachers, the admins and co-students and cutting classes..." napa-angat ako ng tingin sa kanya. Kailangan talagang isa-isahin niya ang mga kasalanan ko. Nakakainis ha! "'Tapos ngayon, stealing mangoes?!" sigaw na tanong niya. Parang hindi siya makapaniwala. Ako nga rin eh, hindi ako makapaniwala! Akalain mo dahil sa pagnanakaw ng mangga, pwede ka na palang ma-expelled!? Tss! Partida, wala pa kaming klase nun ha! Pumunta kasi ako ng school namin para kunin 'yung report card ko. At pagdating ko sa school namin, bumuluga sa akin ang napakaraming bungang mangga sa may Dean's office at ang mga pesteng mga manggang 'yun ay parang inaakit at sinasabihan ako na 'kunin mo ako... kasi masarap ako' kaya ayun kinuha ko. May natira pa nga sa bag ko eh! Kaso nakita ako nung guard namin at dinala ako sa guidance office kanina kaya ayun. Nalitanyahan ako ng guidance counselor namin kanina! Open kasi ang guidance office namin ngayon dahil may entrance exam silang ginagawa para sa incoming first year...  And the rest is history... "Ma... Kalma lang..." sabi ko sa kanya. Chill nga lang ako 'tapos sya... Aish! Para na kasi siyang mahihimatay eh! Hinahabol na nga niya 'yung hininga niya. Atsaka, isa pa, baka atakihin siya ng high blood niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Tsk! Concern lang ako sa kanya eh! Mama ko kaya siya! "Ghad Samantha!! Ano ba ang gagawin ko sa 'yo?! 18 ka na for God's sake!" galit na sabi niya. Aish! Sinama pa talaga ang Diyos sa litanya niya... "Pero ano?! Mag fo-fourth year ka pa! Kapag ikaw naabutan ka ng K to 12 ewa- "Ma, okay ngayon eh!" singit ko. K to 12? E di bongga! "Makaka-trabaho agad ako pagkatapos kung mag grade 12- Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sinampal ako ng nanay ko ng sobrang lakas. Inis na kinagat ko ang ibabang labi ko. Bwisit! "I'm sorry.." sabi niya. Hahawakan sana niya ang kamay ko ng bigla ko 'yung inilayo sa kanya. Tsk! Nag-aabang na naman kasi ang pagiging kaplastikan niya eh! Sasampalin niya ako 'tapos hihingi siya ng sorry! "Kasi naman Sam eh! bakit hindi ka gumaya- "Sa mga kapatid ko?!" dugtong ko sasabihin niya. Sinalubong ko ang titig nya. Padabog na tumayo ako. "Ma ayoko!" seryosong sabi ko sa kanya. "Dahil kahit anong gawin ko, hindi kami magkapareho. Wala kasi akong kwenta!" galit na sabi ko sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at naglakad para makalabas sa pesteng kwartong 'yun! Kainis! Gayahin sila? Wow naman! Saan? Saang aspeto ko sila gagayahin? Sa pagiging matapobre?! Selfish?! Pagiging walang kwenta?  Nice! Asar lang! Manigas ka, mother! Pipihitin ko na sana 'yung doorknob ng magsalita ang nanay ko ulit. "Sam..." Hindi pala tapos ang usapan namin? Wow! I just rolled my eyes. Lumingon ako sa kanya. "What?" inis na tanong ko sa kanya. "Ipapadala kita sa probinsya, sa tito Ismael mo, baka doon magtino ka..." seryosong sabi niya. 'Ipapadala sa probinsya para magtino?' Napangiti ako ng mapakla sa sinabi niya. Nice one ma! Ang galing mo talaga! Ang galing mong magsinungaling! Sabihin niya na lang kaya ng diretso sa akin na gusto niyo lang akong ipatapon doon sa pesteng probinsyang sinasabi mo. Dahil uuwi na ang 'MABABAIT' mong mga anak kaya gagawin mo 'yun sa akin. "Okay..." sagot ko na lang sa kanya. Humarap na lang ako sa pinto at tinuloy 'yung pagbukas sa pesteng pintuan na 'yun. Tss! Gusto lang naman niya akong mawala sa buhay niya eh. Lalo na at sa tuwing nakikita niya ako, naaalala niya 'yung mga panahon na tinatawag syang 'kabit'... ------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K
bc

His Precious Property

read
614.2K
bc

SILENCE

read
380.9K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook