bc

The Arrogant Ceo

book_age18+
132
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Ang isang oraganteng taga pagmana ng isang malaki at isang kilalang Company ay biglang mawawala ngunit babalik iba na ang katauhan nito. Matutuklasan niyang may isang taong nagpanggap na siya. limang taon niyang hahanapin ang kanyang asawa at anak. Ngunit ano kanyang gagawin kung ang pamilya niya ang nasa panganib?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Hindi alam ni Daphne ang gagawin kung tatakas ba siya at ilalayo ang magiging anak niya sa ama nitong patuloy siyang sinasaktan. Mahal na mahal ni Daphne ang kanyang asawa ngunit hindi niya alam kung bakit bigla na lang ito nagbago ng pakikitungo sa kanya. Isang araw nagulat na lang siyang napagbuhatan siya nito ng kamay pagkagaling sa opisina nito. Na madalas ay hindi ginagawa ng asawa niya sa kanya kaya labis ang kanyang takot ng saktan siya nito. Alam niyang may pagka arogante ang kanyang asawa. Ngunit hindi niya malaman kung bakit ganon na lang ang naging trato sa kanya. Parang ibang tao na ang kanyang nakakasama sa araw-araw. Mahal na mahal siya ng asawa pero nag iba na ito. Ilang araw itong hindi umuwi tapos pag uwi nito ay iba na. "Daphne anong gagawin mo?" Tanong sa kanya ng kaibigan niya. Si Marie. "Gusto ko ng lumayo, pakiramdam ko ibang tao na ang asawa ko" naiiyak nitong sabi. Malapit na rin siyang manganak. Kaya naisip niyang tumakas at iwan ang asawa niya natatakot siyang may ibang mangyari sa kanya kung mananatili siya sa puder ng asawa. "So anong balak mo?" Si Marie " Hahanap lang ako ng pagkakataon, Marie. Ayaw kong pati ang anak namin ay masakatan kung mananatili ako" Nasa labas sila ng kanilang masyon habang ang kanyang asawa ay nasa trabaho. Sinamantala iyon ni Daphne para papuntahin si Marie upang makausap ito. Masyado mahigpit si Alejandro , ang kanyang asawa kahit ang kaibigan niya na malapit at or di kaya ay kamag anak ay hindi nito hinahayaang makalapit sa kanya. Nasasakal na rin siya sa mga ginagawa ng asawa. "Kung ganun , ngayon na ang pagkakataon Daphne habang wala ang walang hiya na iyon. Tutulungan kita makaalis dito at makalayo" Tumayo si Daphne kahit hirap siyang makatayo at makalakad dahil sa laki na ng kanyang tiyan. Tinulungan ni Marie ang kaibigan para mag impake. Kumatok ang katulong at pumasok ito sa kanilang kwarto. Laging gulat naman niyang makita siyang nagiimpake. "Mam ano po ang ginagawa niyo?" " Sara? " Tawag nito sa katulong. "Aalis po kayo?" Tumango si Daphne ni sa kanya at hindi na niya mapigilang umiyak. "Sige mam tutulungan ko na po kayo" Nagulat siya sa naging sagot ni Sara sa kanya. Alam ng katulong kung gaano ito naghihirap sa kamay ng asawa at ayaw niyang makita siyang nahihirapan. Lalo na't buntis ito. "Maraming salamat Sara" Kaya dali dali silang nagimpake pagkalabas ng masyon ay tumawag sila ng taxi. "Sara sumama kana samin" tawag ni Daphne sa katulong. Ayaw niya itong maiwan dahil alam niyang pahihirapan ito ng asawa. "Hindi na po mam Daphne, kayo na lang po" Ngumiti ito, bago sumakay sa taxi ay niyakap niya ang katulong. " Maraming salamat Sara sa tulong mo" "Walang ano man iyon mam Daphne" Nagpaalam na siya sa katulong sumakay at umalis siya kasama ang kaibigan na si Marie at nagpakalayo layo na. Mabigat man sa kanyang loob ay tiniis niya iyon upang mailayo ang anak sa kapahamakan na maaaring mangyari. " Ayos ka lang ba Daphne?" Tanong ni Marie sa kanya. Nasa Pier na sila papunta sa Palawan kung saan ang probinsya nila Marie. Don siya mamalagi hanggang sa makapanganak siya. Nasa malayong isla ito at malabong mapuntahan siya mg asawa. Lahat ng meron siyang pwede communication para matunton siya ay itinapon niya sa malayo, passport at Cellphone niya at itinapon niya maging si Marie para hindi sila matunton. "Ayos lang ako Marie, hindi lang ako sanay sa barko" "Magpahinga ka muna" " Marie sa palagay ko may nangyari kay Alejandro pero hindi ko alam kung ano, ilang araw siyang hindi umuwi tapos ay nagiba na ang pakikitungo niya para hindi na siya ang asawa ko palagay ko may nangyari nung ilang araw siyang hindi umuwi." " Sige sabihin nating may nangyari nga, pero sa ngayon wag mo muna isipin iyon dahil makakasama kay baby kung magiisip ka ng kung ano-ano" Naisip ni Daphne na tama si Marie, sa ngayon ang baby niya muna ang iisipin niya. Pinagpahinga niya ang kanyang sarili dahil hindi talaga niya kaya ang hilo sa byahe sa barko. .. Naramdaman na lang ni Daphne ang pagkalabit sa kanyang braso. Nang maimulat ang mata si Marie ang bumungad sa kanya. "Daphne nandito na tayo" Dahan dahan siyang bumangon inalalayan naman siyang tumayo ni Marie. Pagbaba sa Pier ay bumungad ang magandang dagat. "Welcome to Port Barton" sabi ni Marie. Napanganga siya sa ganda ng lugar at ang napakalinis ng dagat. "Sasakay tayo uli, papuntang San Vicente" Binitbit muli ni Marie ang lahat ng bagaheng dala habang nakaalalay sa braso niya si Daphne. "Gusto mo bang tulungan kita diyan sa bitbit mo?" Tanong niya sa kaibigan. Napansin niya kasing nabibigatan ito. " Ayos lang ako, kayo ko ito. Ano pang silbi ng Amozona ang tawag sakin dba?" Pagbibiro nito. Kahit ganon hinayaan na lang niya alam niyang hindi ito papapigil. Sumakay muli sila ng Bus. Pagdating sa paparoonan ay namangha muli siya. "Ito ang tinatawag na The Long Beach dito sa San Vicente" "Napakaganda Marie" manghang sabi niya. " Syempre ito ang pinagmamalaki dito sa Isla namin" may halong pagmamayabang. Kahit nahihimigan niyang nagyayabang ang kaibigan ay hindi ito tinaliwasan bagkos ay sinangayunan pa. Yes! It's true na kailangan ipagmalaki ito dahil sobrang ganda naman talaga. Kahit na may kaya siya, she's never try to travel. Kasi mula ng ikasal siya kay Alejandro ay pinagsilbhan niya na ito bilang asawa. Pero hindi naman naging hadlang asawa sa kahit anong bagay sa tuwing gusto nitong umalis. Nagbago lang ito simula ng umuwi ito mula sa ilang araw na hindi pag uwi. "Tara na" aya sa kanya ng kaibigan. Dinala siya sa isang bahay na hindi naman kalakihan at hindi naman maliit tama lang ito. At masasabi niyang komportable ang titira dito. Mula sa harap ay may maliit na hardin. At talaga naman na inaalagaan dahil sa mga bulaklak na namumukadkad sa sobrang ganda. Makikita din ang dagat mula rito. "Nay, tay? " Sigaw ni Marie. Bumungad samin ang hindi katandaan na babae at lalaki. "Anak , Marie" nagagalak na sabi ng ina ng kaibigan. "Nay kamusta na po kayo?" "Ito maayos naman kami ng itay mo" Tumingin sakin ang tatay at nanay niya. " Ou nga po pala siya po ang kaibigan ko si Daphne, dito na muna siya sa atin inay" " Kamusta po ako po si Daphne." " Kinagagalak kitang makilala, ako si Juanito ang ama ni Marie. Siya naman ang aking asawa na si Solidad" tatay ni Marie. " Kinagagalak ko po kayong makilala." "Abay Juanito kunin mo sa anak mo ang bagahe nila tayo nang pumasok at baka mapano ang dinadala ni Daphne" Inalalayan siya ng mag ina. Muli pa niyang pinagmasdan ang dagat saka muling sumunod sa mag ina. Dito na magsisimula ang panibagong buhay para sa kanya at magiging anak. Itutuloy..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
363.2K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.3K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook