bc

Let Me In (Tagalog/Filipino)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
8.1K
READ
arranged marriage
independent
brave
confident
CEO
boss
student
drama
sweet
first love
like
intro-logo
Blurb

(Let Me Series #2) Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is for Chinese only. What if you found someone? Someone you know you can be with for the rest of your life but not one drop of her blood is a Chinese. Will you just let that someone pass in your life or you'll break all the traditions and principles of your family just to be with her?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Naglalalakad ako sa may UP Diliman. Ni hindi ko nga alam kung paglalakad ba itong ginagawa ko o nawawala ako. Sa laki ba naman ng school na 'to, bakit hindi ko naisipang magdala ng kotse? Bobo mode strikes! May nakita kasi ako sa internet na Nitrogen Ice cream. Sikat na sikat yun at gustong kong matry kumain ng ice cream na umuusok. Nakalagay dun, sa may UP Diliman daw ang daan pero pwede ding sa Philcoa. Kelan pa kasi umusok ang Ice diba? Yung Kuya ko lang naman yata yung Ice na laging umuusok dahil sa init ng ulo. Padabog akong naglalakad sa kawalan dahil sa iniisip ko. Asar na asar talaga ako sa lovelife ng iba. Ang hilig ko maki-asar sa ibang lovelife. Well, ganun naman talaga siguro kung single. I'm single as a pringle. And that sucks! Okay lang nung una pero ngayon? Ngayong lahat sila ay lovey lovey doo doon samantalang ako ay single? Aba, hindi masaya! Ilang taon na ako pero wala padin akong boyfriend!  Saan ba yung Nitrogen Ice cream na yun? Napaka-laki nitong UP, hindi ko alam kung saan ako liliko. May mga dumadaan na jeep pero hindi ko naman alam kung anong sasakyan ko. Ni hindi ko nga alam kung paano magbayad sa jeep! "Magdahan dahan ka naman, miss." Napaangat ako ng ulo sa lalaking pawisan na nakita ko. Tinignan ko siya ng masama, kunot noo naman niya akong binalingan. "Nagdadahan dahan ako. Muni muni nga ang peg ko eh! Ikaw ang hindi nagdadahan dahan kaya nadikit yang pawisan mong braso sakin." Tinignan ko yung braso niyang pawisan. Ehem, biceps! Alam ko 'tong biceps na 'to. Eto yung biceps ng mga nag g-gym, yung tipong may instructor at schedule pa. Firm na firm at mukhang matitigas. Ahhh! Ircy, behave! Binangga ka niyan nang pawisan siya. Kung sana ay hindi siya pawisan, okay lang. Ay, showbiz. "Nahiya naman ako sayo. Kala mo ang bango." Bulong niya "Narinig ko yung sinabi mo! Mabango ako at Chanel ang gamit kong pabango kaya paniguradong mabango talaga ako!" Naintimidate ako nang pasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay kaya ganun din ang ginawa ko! Pinasadahan ko siya ng tingin. Mula ulo hanggang sa mga kuko niya sa kamay at hanggang sa dulo ng sapatos niya! Matangkad, maputi, malaki ang katawan at singkit. Mukhang may lahing intsik. Mukhang wala na siyang makikita kung ngingiti pa. Matangos din ang ilong at mapula ang labi na manipis. Jawline gaming ang peg at bagsak ang itim na buhok. Gwapo ang isang 'to pero hindi ko gusto ang ugali! "Hindi ko tinatanong?" Napasinghap ako, "Sinasabi ko dahil sinabihan mo akong mabaho!" "Wala naman akong sinabi." "Meron! Narinig ko!" Sigaw ko "Anong sinabi ko? Sige. Ano?" "Kala mo mabango." Ginaya ko kung pano niya sinabi yun, tumawa lang siya. Naiirita ako! Naiirita akong tumatawa siya sa harapan ko habang namumula mula pa ang pisnge dahil sa init ng araw. Namamawis pa ang mga muscles niya sa braso at mukhang sa loob din ng hapit niyang Nike shirt. Bakit ang gwapo gwapo nitong pawisang intsik na akala mo mabango na mukhang mabango nga kahit pawisan! "Fine, edi mabango ka na? Pwede na ba akong umalis?" Aniya Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa sinabi niya dahil tunog nagtatanong! Argh! Naiirita talaga ako. Gusto ko siyang sipain! Hindi papuntang Mars... Papuntang Pluto para maiba naman. Ano gagaya ako sa line ng Mama ko? Hindi, gagawa ako ng sarili kong punchline. Hintayin niyo lang, makakaisip din ako. "Hindi! Hindi ka pwede munang umalis!" Sigaw ko "What's your problem?" Nagtaas siya ng kilay "Hindi ka pa nagso-sorry." Tinignan niya ako ng masama. Masamang masama na kala mo makakapatay siya. Nakaawang din ang bibig niya habang tinitignan ako na. Ano? Hindi siya makapaniwala? "I'm Ircy Brienne Hernandez at dapat magsorry ka sa ginawa mo? Binagga mo ako. Oo, binangga mo nga ako!" "Ako? Ang nang bangga? Anong paki ko kung yun ang pangalan mo? Hindi naman ako interesado at hindi ko tinatanong." "Sinasabi ko lang na isa akong Hernandez at hindi lang basta bastang binabangga!" Inirapan ko siya Hindi ko ugaling gawin 'to pero nakakairita ang isang dambuhalang 'to. Dambuhala siya dahil ang laki niya, matangkad! Pero mas matangkad si Kuya pero matangkad din siya. Huminga siya ng malalim at nakapamewang na binalingan ako ng tingin. Ngayon, hindi na nakamamatay, matamlay na at mukhang walang gana. "What do you want me to do, Ms. Hernandez?" "Wow, gentleman din pala." Bulong ko sa sarili ko "Ang baho na nga, ang baho pa ng ugali." Rinig kong bulong niya din Hindi ko alam kung alam niya ba talaga ang difference ng bulong sa normal na salita dahil naririnig ko parin yung bulong niya! Sinasadya niya bang iparinig sakin o talagang tanga lang siya at hindi marunong bumulong? "Ano nanamang binubulong bulong mo? Do you even know how to whisper? Bakit naririnig ko padin kahit bumubulong ka? Kainis!" Pagrereklamo ko Hindi ko talaga mapigil lahat ng gusto kong sabihin. Wala akong pake kung ano ang masabi ko, basta, masabi ko. Honesty is the best policy. "Sinasabi mo bang tanga ako?" Pataas ang boses niya "Sinasabi ko lang na di ka marunong bumulong... Pero ganun nadin yun in short, tanga ka nga. Juice colored, pagbulong lang, hindi pa marunong!" Talagang halata sa mukha niya ang pagtitimpi ng sarili. Pinunasan niya pa ang buong mukha niya ng bimpo na sa tingin ko ay para maalis ng konti ang inis niya. Aba, wala akong pake! Sinabihan niya akong mabaho at masama ang ugali? Aba! "Miss, look, hindi ko alam kung bakit ba kinakausap kita dito gayong hindi naman kita kilala at wala akong kasalanan sayo, ikaw ang nambangga. I don't need your apology, okay? Wala na yun. Now, shut up." Napaawang ang bibig ko at sinundan siya ng tingin habang tumatakbo palayo sakin. Sinundan ko siya. Sinundan ko kasi ang totoo niyan, magpapatulong ako sa kanya papunta dun sa may Nitrogen Ice cream. Di ko naman talaga intention na awayin siya pero ganun nadin, konting intention lang para di na masyadong strangers. At least, nakaaway ko, edi hindi na nga strangers! "Bakit mo ba ako sinusundan? Ano na-love at first sight ka na kaya nagpapaka-stalker ka? Crush mo na ba ako? Tas lalandiin na? Nako sorry, miss, mataas ang standards ko sa babae." Ngayon, ako naman ang nakapamewang na tinignan siya at hinead to foot ko ulit. Mas mataas ang standards ko no! Kumpara sa standards niyang pinamamalaki. Gumraduate ako ng Interior Design sa California para lang maging mababa ang tingin sakin nitong lalaking 'to? Hah! "Hindi kita crush at lalong hindi ako na-love at first sight sayo. AT LALONG LALONG HINDI KITA LALANDIIN. Tigas naman ng mukha mo, tsong! Mataas din ang standards ko sa lalaki at hindi ka papasa." Si Rain nga, hindi pumasa. Siya pa kaya? "Oh yun naman pala. The feeling is mutual. Bakit ka andito?" "Buti at pinaalala mo! Muntik ko na makalimutan. May kotse ka ba?" Tanong ko "Malamang." May nilabas siyang car keys at nakita kong umilaw ang kotse sa likod niya, napaawang ang bibig ko. Camaro! Ang ganda! "Bakit mo tinatanong? Hindi ako interesado kang dalhin sa hotel, kahit sa motel, hindi din. Maaga pa, miss." Aba't bastos! Sinipa ko yung kotse niya at hinayaan yun tumunog ng tumunog. Hindi naman siya mapakali sa ginawa ko. Masyadong niyang mahal ang kotse niya. "Bakit mo sinipa?!" "Hindi ako GRO, gago ka ba?" Ayan, napamura na ako. Hindi naman ako naka-short shorts at sleeveless dito! Balot na balot nga ako! Naka-white polo ako na 3/4 ang sleeves tapos black na jeans at red doll shoes. "Ay di ba?" Kumamot siya sa ulo, "Oh sorry na! Ano ba kasing kailangan mo? And don't cuss!" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya pati ang pagpansin niya sa pagmumura ko. Sino bang hindi mapapamura? Hindi ako nagpapa-hotel at lalong motel! Naniniwala ako sa marriage before ano! Ni hindi ko masabi yung word na yun! Umikot na ako papunta doon sa may passenger seat at pumasok sa kotse niya. Bago pa, may mga plastic pa ang upuan. "What do you want?" Irita niyang tanong Nakakahiya ako no? Wala akong magagawa, napapagod na ako kakalakad tsaka bayad niya narin to sa pag bangga sakin. Kwits na kami ngayon! "Pahatid naman ako dun sa may Nitrogen Ice cream, please? Sige na! Kanina pa ako nawawala sa malaking school na 'to." "Yun lang? Kaya kung ano ano ang sinabi mo? Yun lang? Papahatid ka lang doon?" Tumango ako, "Di ko naman inaasahan na ang hirap pala hanapin. Kainis!" Nakita ko ang pagiling niya sa gilid ng mata ko. Napangiti naman ako dahil mukhang ihahatid niya nga ako doon. "Pagmamalaki ang pangalan, wala naman palang kotse." "Bulong ba yan o pinaparinig mo talaga?" Umirap ako "Pareho." Aniya "May kotse ako! Pero hindi ko dinala. Malay ko bang napaka-laki pala nitong school na'to at kanda mawala wala ako." "Sinong tanga satin ngayon?" Tanong niya "Edi ikaw padin. Tinatanong ba yan?" Narinig kong nagsalita siya ng hindi-ko-maintindihang-salita, mukhang chinese words yun kaya napatingin ako sa kanya ng masama, baka mamaya ay minumura na ako nito. "You blabber too much." Napaawang ang aking bibig "Ikaw na nga ang nambangga, ako pa ang madaldal? Para lang wala kang kasalanan kaya ako nagpapahatid dun no! Para kwits. " "Tss, ang sabihin mo, di mo kayang pumunta dun mag-isa. Adib kasi, di naman pala marunong." Sumulyap pa uli siya sakin Kita kong sumusulyap siya kahit nakatingin ako sa daan. Hindi ako assuming, nakikita ko talaga. "Thank you ha? Thank you talaga. Ako narin magso-sorry para sayo, kahiya naman." Sarkastiko kong sinabi Wala na ulit nagsalita, hinayaan ko nalang siyang mag-drive. Well, hindi siya mabaho kahit pawisan kasi kung mabaho siya, maamoy yun sa buong kotse dahil naka-aircon pero wala naman kahit katiting na asim. At hindi din ako mabaho kasi same explaination!  Hindi ako defensive, sinasabi ko lang. "We're here." Nakita ko ang isang maliit na ice cream parlor na color blue sa labas. Di ko makita ang loob mula dito dahil nga color blue sa labas. Bumaba na ako sa kotse niya. Binaba niya yung bintana sa may passenger seat kaya dumungaw ako dun. "Pano ka mamaya pauwi?" Tanong niya "Wow, concerned ka na niyan?" Umiling siya "Kargo kita, ako ang naghatid sayo dito." "Papasundo nalang ako sa driver namin mamaya pagkatapos kong ubusin lahat ng umuusok na ice cream dito." Tinanguan niya ako at iginilid ang ulo kaya nakita kong kumislap ang maliit na hikaw sa kanyang kanan na tainga. Umirap ako sa kawalan dahil naiirita ako, lalong gumwapo! "Okay." "Ay teka, teka!" Pinigilan kong isara niya ang binatana, "Anong pangalan mo?" Hindi naman tama na alam niya ang pangalan ko tapos hindi ko alam ang pangalan niya! Hayy, ang tanga mo doon, Ircy! Bakit sinabi mo ang pangalan mo? Ang tanga tanga mo! Pero doon lang sa part na yun. Doon lang. Hindi ka talaga tanga, doon lang. "Kailangan mong malaman?" Tumango ako, "Siyempre naman. Sino ka ba?" "Wag na." Itinaas niya na yung bintana ng kotse at pinaharurot ito palayo. Nagkibit balikat nalang akong pumasok doon sa ice cream parlor. Paki ko ba kung anong pangalan niya? As if naman na magkikita pa ulit kami! Ayoko na no, masakit sa ulo pero aaminin ko ha? Ang gwapo niya talaga lalo na pag ngumingiti siya at nawawalan ng mata. Idagdag pa ang yummy niyang katawan na kahit nakabalot ay yummy padin at pati ang friendly s***h assumero s***h cutie s***h antipatiko s***h masungit s***h gentleman niyang ugali. May naalala tuloy ako sa kaniya pero impossible naman, ang bait kaya nun! Tsaka, paki ko kung anong pangalan niya diba? Diba! Makakalimutan ko din naman siya mamaya pag naka-kain na ako nitong umuusok na ice cream na'to. "At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita. Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap ka." Napakunot ang noo ko sa kantang bumungad sakin pagkapasok ko doon sa ice cream parlor. Ang weird ah

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.4K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook