bc

Your Love Is Gone

book_age18+
4.1K
FOLLOW
24.2K
READ
playboy
bxg
office/work place
wife
selfish
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagiging selosa ni Divina. Napagod at napuno si Gariet sa kaniya. Gariet wants to divorce her. Sinubukan niyang magmakaawa kay Gariet na huwag siyang hiwalayan. Ginawa naman nito pero may kondisyon itong kapalit sa kaniya. Para sa kaniyang pagmamahal, tinanggap niya ang kondisyon na hinihingi nito. 

Will her husband love her again?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One Divina P.O.V "I'm sorry, don't leave me, please!" pagmamakaawa ko sa aking asawa. Hinawakan ko ang kaniyang kamay nang subukan niya akong talikuran. Tatalikuran na niya ako pagkatapos ng nangyari. Gusto niya na makipaghiwalay sa akin. "Don't tell me that your love is gone," nahihirapan kong sabi sa kaniya. Halos hindi ako makahinga habang sinasabi ko ang katagang iyon. Mahal na mahal ko si Gareit. Ngayong nawala ang ipinagbubuntis ko dahil sa kagagawan ko. Gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. Sinabi niya sa aking hihiwalayan na niya ako dahil sa nangyari. "I'm sorry, Ina. But this is for the both of us. This is the best that we can do. Ang maghiwalay tayo. Nakakasakal ka na, Divina. Sakal na sakal na ako sa 'yo," alam kong nahihirapan siyang sabihin 'yon. Nasabi niya lang 'to dahil galit siya. Pero alam kong magbabago din 'yon, kapag nahimasmasan siya sa galit niya sa akin. Magmamakaawa ako na huwag niyang hiwalayan. Gagawin ko ang lahat huwag lang kaming maghiwalay. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. Ayokong mawala siya sa tabi ko ngayong hirap na hirap pa ako dahil sa pagkawala ng aming anghel. "Let go of me, Divina!" sabi niya habang hindi sa akin nakatingin. "Please, i'm sorry, i'm sorry," paulit ulit kong pagmamakaawa sa kanya. Martyr na kung martyr. Nagpapakamartyr ako dahil mahal na mahal ko siya. Nagseselos ako dahil mahal ko siya. Kung alam lang niya. Hahakbang pa lang siya palayo sa akin sumisikip na ang aking dibdib. I can't breathe, i'm so weak. Hindi niya pinakinggan ang pagmamakaawa ko. Umalis siya sa ospital habang ako naghihirap sa kalagayan kong nawala ang aming anak. Ngayon ko lang naisip ang pagkakamali ko. Because... I'm the jealous wife before... ***** Three years ago... "Aalis ka na naman?" inis kong tanong sa kaniya. Nagbibihis siya nang panlakad habang nanonood ako sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang kurbata. Actually, day off niya ngayon pero bakit kahit day off niya nagtatrabaho pa rin siya? Bakit hindi niya na lang ako samahan sa bahay? "It's my job. Kailangan kong umalis dahil may kliyente ako. Kailangan kong makabenta ng maraming condo para sa atin din 'yon," sagot ni Gareit sa akin. Isang Real estate agent si Gareit sa isang Avidaland Corp. Isa siya sa pinakamaraming sales at siya rin ang pinakamataas na posisyon sa kanilang company. Inayos ko ang kaniyang kurbata, mukhang nahihirapan siyang ayusin ito. "Walang babae?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya at siniil ako ng halik. "Yes, walang babae. Kung may babae man. Kliyente ko lang 'yon. Hindi ko ipagpapalit ang pinangakuan ko sa altar nang ganun-ganun lang." Muli ay hinapit niya ako sa aking bewang. Muli niya akong hinalikan sa labi, sa tungki ng ilong, sa huli sa aking noo. "A sign that I respect you my wife, I promise wala akong babae, kung ano man ang bumabagabag diyan sa isip mo tanggalin mo na 'yan. Trabaho lang at ikaw ang mahalaga sa akin. Lalo na at magkaka-baby na tayo," Kinurot pa niya ang aking ilong. Humiwalay siya mula sa pagkakahapit niya sa aking bewang. Naglakad palapit sa couch, kinuha ang kaniyang bag. "I have to go," paalam niya.  Hindi ko talaga mapigilang hindi magselos. Wala kasi siyang time sa akin. Ultimo day off niya pinapapasok pa siya. Alam kong mahal na mahal ako ni Gareit pero hindi ko lang talaga maiwasan maisip na baka may babaeng lumalapit lapit sa kaniya. Nag-iisang anak si Gareit ng sikat na pamilya na may marami ring business, pero pinili ni Gareit na mawala sa kaniya ang lahat ng mana para lang sumama sa akin. Pero bakit hindi pa rin ako kampante. Ako na nga ang pinili niya. Ako 'yong pinili niya over his family. Kahit pinagtakwil siya ng mga ito, okay lang sa kaniya makasama niya lang ako. Kaya ngayon nagtatrabaho siya sa isang sikat din na company. Ang sabi niya kaibigan din iyon ng kaniyang pamilya. Ang Avidaland Corp ay kaibigan ng mga magulang niya ang may-ari kaya nakapasok kaagad si Gareit dito. Mag-isa na naman ako sa bahay. Wala akong ibang ginawa kundi manood ng telebisyon. Bored na bored na ako. Mabuti na lang at napatawag si Menchie kanina. Maghapon akong napababad sa cellphone. Gusto ko na nga magtrabaho pero pinagbawalan ako ni Gareit. Kaya naman daw niya kaming buhayin bakit pa ako magtatrabaho. Sanay na akong umuuwi si Gareit ng hatinggabi. Pero ang hindi ko nakasanayan ay ang umuwi siya ng may araw na. Maliwanag na sa labas nang makauwi si Gareit. Inis na inis ko siyang sinalubong. Naamoy ko pa ang hininga niyang amoy alak. "Kaya ba naumagahan ka dahil nakipag-inuman ka? Sabihin mo nga sa 'kin Gareit? Totoo ba na nagbenta ka ng condo ngayon o iba ang tinatrabaho mo?" Nakapameywang kong salubong sa kaniya. May gana pa siyang ngumiti. Hindi siya sumagot. Lumapit lang siya sa akin at inakbayan ako. "Galit ka na naman?" Hinapit niya ako sa aking bewang. Ganito ang ginagawa niya tuwing galit ako. Nakakainis dahil nawawala ang inis ko sa kaniya. Makita ko lang ang dimple niya tanggal ang inis ko. "Go back to sleep. Tabihan mo muna ako masyado pang maaga para gumising ka," paglalambing niya. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Hindi ako mapakali until hindi ko nalalaman kung sino ang kasama niya uminom. "Sinong kasama mong uminom? Mga babae ba? Kabet mo ba?" Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "You're getting paranoid. Mga kasama ko lang sa work at ang boss namin. Bakit ba iniisip mo na may kabet ako? Divina, look..." he sighed. "Wala akong babae or kabet. Sa isip mo lang 'yan. Tigilan mo na kakaisip na may kabet ako which is wala. Nakakasama lang 'yan sa pagbubuntis mo," paliwanag niya. Natahimik ako. Siguro medyo madami lang akong iniisip kaya palaging sumasagi sa isip ko na may iba siyang babae. "Let's go to our room! Huwag ka nang mag-isip pa. Dahil walang katotohanan ang iniisip mo. Ayokong na e-stress ka." Lumapit siya sa akin at binuhat ako papasok sa kwarto namin. To be continue...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.3K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.2K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.8K
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook