bc

Dati Ka Na Sa Puso Ko

book_age18+
188
FOLLOW
1.1K
READ
family
friends to lovers
goodgirl
drama
sweet
childhood crush
friendship
lies
virgin
like
intro-logo
Blurb

Ganoon na lamang ang takot ni Rommel nang mabalitaan na nagbalik na si Jonathan, ang kauna – unahang lalaking minahal ni Anne, ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Alam ni Rommel na hindi siya mapapansin ni at mamahalin ni Anne kung hindi pa umalis ng kanilang bayan si Jonahan. Sa pagbabalik ni Jonathan ay may posibilidad na bawiin nito ang dating puwesto sa puso ni Anne.

Pero wala naman pala siyang dapat ikatakot dahil tinaggap ni Anne ang kanyang marriage proposal bago siya umalis patungo sa Amerika.

Ngunit nagkamali ng akala si Rommel dahil nalaman niyang ipinagpalit siya ni Anne habang nasa malayo siya. Sa sobrang sakit na naramdaman ay hindi siya nakinig sa paliwanag ni anna at nakipagkalas. But then he realized he really could not live without her.

Nang mangailangan ng tulong si Anne ay naroon siya para tulungan ito. Nilunok niya ang kanyang pride at piniling bumalik sa buhay ng dating girlfriend bilang isang kaibigan- huwag lang tuluyang mawala ito sa buhay niya …

chap-preview
Free preview
Prologue
“MATAGAL pa ba ‘yan?” Nagtaas ng tingin si Anne mula sa binubuo niyang jigsaw puzzle nang marinig niya ang tanong ni Rommel. Nagpatulong sa kanya ang best friend niyang si Jonathan sa pagbuo ng jigsaw puzzle na ireregalo sa Lola Marcela nito sa nalalapit na kaarawan ng matanda. Habang abala sila sa ginagawa ay biglang dumating si Rommel na kaklase ni Jonathan at niyaya itong maglaro ng basketball. Tumanggi ang kaibigan niya ngunit mapilit si Rommel at sinabing maghihintay ito hanggang sa matapos sila sa kanilang ginagawa. Nakatanaw si Rommel sa labas ng bintana ng silid ni Jonathan.Naka – side view ito kaya kita ni Anne mula sa pagkakasalampak sa carpeted na sahig ang hindi na maipintang mukha nito. Lihim siyang napangiti. Kapag ganoon ang hitsura ni Rommel, pakiramdam niya ay nakakaganti na rin siya sa mga pang – aapi at pang – aasar na inaabot niya rito.Si Jonathan lang ang kaibigan niya pero kung umasta si Rommel ay parang matagal na silang magkakilala. Bigla na lang itong dumating sa kanilang bayan mula sa Maynila ilang buwan pa lang ang nakakaraan. Ayon kay Jonathan, nakatira si Rommel sa pinakamalaking hacienda sa kanilang bayan at napakayaman ng pamilya nito. Ngunit wala siyang pakialam doon. Una pa lang niyang makita ito ay inis na siya rito. Mayabang kasi ito at at Ingles pa ng Ingles. Kaagad nagbawi ng tingin si Anne nang makita niyang kumikilos si Rommel paharap sa kanila ni Jonathan. Subalit hindi sa binubuo nilang puzzle tumutok ang kanyang tingin kundi  sa guwapong mukha ni Jonathan. May crush siya rito. Alam niyang bata pa ang sampung taong gulang para magka – crush pero hindi niya mapigilan ang sarili na humanga sa lalaki. Mabait kasi ito, masipag at matalino. Magmula nang magkaisip siya ay kaibigan na niya ito. Matalik kasing magkaibigan ang mga lola nila.Si Jonathan ang gusto niyang maging boyfriend kapag nasa wastong gulang na siya. Sa tingin naman niya ay gusto rin siya nito; apat na taon kasi ang tanda ni Jonathan sa kanya pero mas gusto nitong kasama siya palagi kaysa sa mga kaklase nito. Lagi ring ibinibigay at isinusunod ang mga gusto niya. “Tapos na!” biglang sigaw ni Jonathan, dahilan para mapatingin si Anne sa jigsaw puzzle. Buo na nga iyon at puwede nang ipa – frame sa bayan. “Okay, so we can go and play now?” tanong ni Rommel habang papalapit sa kanila. “Teka, Jon, magpapatulong pa akonggumawa ng assignment sa ’yo, ‘di ba?”   “Oo nga pala. Mel, bukas na lang tayo mag-basketball. May gagawin pa pala kami ni Anne,”ani Jonathan. Binalingan siya ni Rommel. “Nakakainis ka talaga!” singhal nito sa kanya. Binelatan niya si Rommel at mabilis siyang tumayo. “Sandali lang, Jon, kukunin ko lang sa bahay ‘yong notebook at libro ko,” paalam niya. Lumabas siya ng mansiyon at naglakad patungo sa kubo nila ng kanyang Lola Cora na nakatirik sa bukana ng Hacienda Montemar. “Ahas!” narinig ni Anne na sigaw ni Rommel na hindi niya namalayang nasa likuran napala niya. Kasunod niyon, naramdaman niya ang malambot na bagay na dumikit sa kanyang balat. Napahinto siya at napatili nang malakas dahil sa takot sa ahas. Humahalakhak na pinulot ni Rommel ang isang puting lubid. “Kahit kailan talaga ang dali mong takutin,” nang – aasar na sabi nito. Saka lang naunawaan ni Anne ang ginawa nito. Galit na sinugod niya si Rommel. Sinubukan niyang kurutin ito at sabunutan pero panay ang iwas nito sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtawa. Pikon na pikon siya. Hindi talaga niya maituturing na kaibigan ang lalaki kahit kailan dahil ang salba – salbahe nito. Napahinto siya sa ginagawa nang marinig ang busina ng paparating na sasakyan. Napakabilis ng takbo niyon at kung hindi pa siya maagap na nahila ni Rommel sa isang tabi ay nasagasaan na siya. Nang lumagpas sa kanila ang sasakyan ay nag – iwan iyon ng makapal na ulsp na alikabok. “Bastos!” galit na sigaw ni Rommel nang humupa ang makapal na alikabok. Nakasunod pa rin ang tingin nito sa sasakyan na huminto sa harap ng mansiyon. Sinamantala ni Anne ang pagkakataon na nalingat si Rommel, hinawakan niya ito sa buhok at pinagsasabunutan. Pagkatapos ay mabilis na siyang tumakbo pauwi sa kanilang bahay. Naabutan niyang nagpapakain ng mga alaga nilang manok sa bakuran ang kanyang Lola Cora. Ang Lola Cora na lang ni Anne ang tanging kasama niya sa buhay. Halos magkasunod na namatay ang kanyang Lolo Pedring at ang kanyang ina dahil sa cancer sa utak noong pitong taong gulang siya at ang kanyang ama naman ay itinuturing niyang patay na rin dahil sa pang – aabandona nito sa kanilang mag – ina. Ang pagtatanim ng gulay na ibinebenta ng kanyang Lola Cora a kalapit na barangay nilaang ikinabubuhay nilang maglola. Naaawa siya rito dahil napipilitan itong magtrabaho nang mabigat para lamang makapag – aral siya at matustusan ang mga pangangailangan nila pero wala naman siyang magawa. Nagagalit ito kapag sumasama siya rito sa pagtitinda. Ang gusto lang nito ay mag – aral siyang mabuti at maglaro. “O, Anne, akala ko ba magpapatulong kang gumawa ng assignment kay Jonathan. Bakit nasa papag ‘yong notebook at libro mo?” tanong ng kanyang Lola Cora nang makita siya. “Naiwan ko lang po, ‘La,” tugon niya at mabilis na siyang pumasok sa kanilang kubo. Paglabas ay nadatnan niyang katulong na ng lola niya si Rommel sa pagpapakain ng mga manok. “Hoyy, Anne, hintayin mo ako, sabay na tayong bumalik kina Jonathan,” ani Rommel sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Nagpaalam na siya sa kanyang lola at muling naglakad pabalik sa mansiyon. Palinga – linga siya habang naglalakad dahil baka bigla na naman kasing sumulpot sa likuran niya si Rommel at kung ano namang kalokohan ang maisip na gawin sa kanya. Nakapasok siya sa bakuran ng mansiyon na walang Rommel na sumusunod sa kanya. Subalit nagulat siya nang makita sa foyer na pilit na hinihila si Jonathan ng isang matangkad na lalaki palayo kay Lola Marcela. Kapwa umiiyak si Jonathan at Lola Marcela habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay. Tila tinulos siya sa kinatatayuan habang naguguluhan sa kanyang nakikita. “Rigor, maawa ka! Huwag mong ilayo sa akin ang apo ko!” Saka lang naunawaan niAnne ang nangyayari. Si Rigor ang nag – iisang anak ni Lola Marcela at kinukuha na nito ang anak na si Jonathan. At marahil, ang babaeng nakatayo sa gilid ng sasakyan na muntik nang sumagasa sa kanila ni Rommel kanina ang ina ni Jonathan. Nang makita niyang isinasakay na ng lalaki sa sasakyan ang kaibigan niya ay hindi na niya napigilan ang sarili; lumapit siya sa mga ito. Hinawakan niya sa damit si Jonathan at tumulong na rin kay Lola Marcela sa paghila rito. Hindi siya makakapayag na basta na lang kunin ng mga ito ang kanyang kaibigan. Subalit napabitiw rin siya sa damit ni Jonathan nang hilahin siya ng babae at itulak palayo. Napahandusay siya sa semento dahil sa ginawa nito. Tuluyan na siyang napaiyak nang tuluyang maisakay ng lalaki si Jonathan sa backseat ng sasakyan. Pumasok na rin ang babae sa sasakyan at ito ang nag-drive palayo. Tumakbo pa si Anne at humabol sa sasakyan hanggang sa makakaya niya. Hanggang siya na rin ang kusang huminto dahil sa pagod. Nagpahid siya ng luha habang patuloy pa rin sa pag – iyak. Batid niya, wala na ang best friend niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.8K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Fight for my son's right

read
147.0K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook